You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education

Caraga Region XIII

SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR

ISLA GENERAL INTEGRATED SCHOOL

LESSON PLAN IN GRADE 8 ESP


First Quarter / Week 1 / August 22, 2022
I- OBJECTIVES
A. Pinakamahalagang Kakayahan sa Pagkatuto.
Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o may
positibong impluwensya sa sarili. EsP8la-1.1

B. Lesson Objectives /Mga Layunin


Sa araling ito,ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o may
positibong impluwensya sa sarili.
2. Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya sa isang
pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood.
3. Naipapahayag ang angkop na karanasan naobserbahan o napanood sa sariling pamilya na
may kapupulutan ng aral.

II – CONTENT/NILALAMAN: Ang Pamilya Bilang Likas na Institusyon


III – Sangguniang: Eduksyon Sa Pagpapakatao 8
Time Duration 1 hour
Kagamitan : LAPTOP, LARAWAN, PRINTER, CHALK, AKLAT

IV - PROCEDURES
A. Panimulang Gawain
Prayer
Checking of attendance
Setting of Classroom Norms / Policies
Maikling pag papaliwag tungkol sa paksang tatalakayin.

B. Lesson Proper:
ACTIVITY
AKO AY AKO DAHIL SA AKING PAMILYA.

Panuto;
1.Isa-isahin mo ang iyong mga karanasan sa pamilya na iyong nakapulutan ng aral o
nagkaroon ng positibong impluwensiya sa iyong sarili.
a._________________________________________________________________________

b.________________________________________________________________________

C.________________________________________________________________________

1|Page
Republic of the Philippines

Department of Education

Caraga Region XIII

SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR

ISLA GENERAL INTEGRATED SCHOOL

2.Suriin mo rin kung paano ka inihanda ng iyong pamilya sa mas malaking mundo ng
pakikipagk apwa.Isa-isang itala sa iyong kuwaderno ang lahat ng mahahalagang reyalisasyon
mo tungkol dito.
a.__________________________________________________________________________
b.__________________________________________________________________________
c.__________________________________________________________________________

ANALYSIS /PAGSUSURI

PANUTO: Basahin ng tahinik ang tula at sagutin ang mga katunungan sa ibaba.

NOON AT NGAYON Ni: NDCM


I. Puspusang paggabay at
pagdidisiplina
Ang kay Itay at Inay noo’y
makukuha
Batas na totoo ang turing sa
salita nila
Sa panahon ngayon tila ba
nag-iiba na
Tagasubaybay sa anak ay
media at yaya
Patitiwala’y lubos ng magulang
na abala.

II. Tuwing linggo noon


ay sama-sama
Buong pamilya at kamag-anakan
pa Kamustahan sadyang ligaya
na.
Ngunit ngayon sa paglilibang
nila
Lumilisan, namamasayl,
kanya-kanya Sa computer
at dota doon sila abala.
III. Noon ang haligi at ilaw ay
nadadatnan Kahit dampa lang
ay may pagmamahalan
Hindi ipagpapalit sa anumang kayamanan
2|Page Si Itay at Inay magpasyang
maghanapbuhay
Sa ibang bansa para daw sa kinabukasan
Republic of the Philippines

Department of Education

Caraga Region XIII

SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR

ISLA GENERAL INTEGRATED SCHOOL

Pagsusuri: Pagkatapos basahin ng tahimik ang kathang tula, suriin ito at sagutin
ang mga tanong kasunod nito:

1. Ano ang inilalarawan ng tula?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Ibigay ang mga pagbabagong nararanasan ng pamilyang Pilipino?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Anu-ano ang mga kadahilanan ng mga pagbabagong ito?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Panimula (Susing Konsepto)

Ikaw ba ay may kinabibilangang pamilya? Para sa iyo, ano nga ba ang


pamilya? Kagiliw-giliw na pag-usapan ito. Bilang isang Pilipino, alam kong may
malaking puwang sa iyong isip at puso ang iyong pamilya. Ang pamilya ang
tanging pinakamaliit na yunit ng lipunan. Ito ay maaari ring maituring na isang
pamahalaan o gobyerno. Ang mga magulang ang namamahala at ang mga anak ang
mga tagasunod. Ayon kay Pierangelo Alejo (2004), ang pamilya ang pangunahing
institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at
babae dahil sa kanilang walang pag-iimbot, puro, at romantikong pagmamahal,
kapwa nangakong magsasama hanggang sa wakas ng kanilang buhay,
magtutulungan_sa pag-aaruga at pagtataguyod ng edukasyon ng kanilang magiging
mga anak. Ayon pa rin sa kaniya, ang pamilya ay isang konkretong pagpapahayag
ng positibong aspekto ng pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng kawanggawa,
kabutihang loob, at paggalang o pagsunod. May napakahalagang papel ang pamilya
sa isang lipunan.

3|Page
Republic of the Philippines

Department of Education

Caraga Region XIII

SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR

ISLA GENERAL INTEGRATED SCHOOL

Dito nagsisimulang tuparin ang mga pangangailangan ng isang indibidwal


tulad ng pampisikal, pang-mental, pang-emosyonal at pang-ispiritwal na kanyang
magagamit sa pagpapaunlad ng kaniyang sarili at ang kanyang lipunan sa kabuuan.
Dito unang natutunan ng isang indibidwal ang pagiging isang mabuting tao at
mamamayan. Ang paniniwalang ang pamilya ay tagapagsalin at tagapag-ingat ng
ating kinagisnang kultura ay makikita sa kung ano ang ating lipunan ngayon.
Ngunit maraming hamon ang pananatiling buo ng isang pamilya dulot ng
modernisasyon at makabagong teknolohiya (Bognot, et.al. 2013).

May Apat na Uri ng Pamilya (Echano, et. al, 2015)

Una: Pamilyang Nuclear- binubuo ng ina, ama at mga anak


Ikalawa: Pamilyang Single Parent -Maaaring ina lamang o ama lamang ang
kasama ng isa o higit pang mga anak.
Ikatlo: Pamilyang Extended- Pinalawak ang mga kasapi. Kasama ang mga lolo at
lola, mga kamag-anak
Ikaapat: Pamilyang Blended-Sa Pamilyang ito, dati ng nagkapamilya ang ina at
ang ama. Sa una nilang asawa ay mayroong naging mga anak. Maaaring
pareho na silang balo o namatay na ang unang asawa.

Anuman ang uri ng pamilyang kinabibilangan mo, ang mahalaga ay may


pamilya ka. Hindi mahalagang ikaw ay inampon lamang o nakatira sa kamag-anak.
Matatag ang pamilyang nagkakaisa, nagmamahalan at nagkakasundo sa lahat ng
adhikain upang umunlad ito.
Marapat na magkaroon ng maayos na pagsusunuran ang pamilya kaya kailangan
magkaroon sila ng mga alituntunin at mga gabay na susundin ng bawat isang kasapi.
Ang mga alituntuning susundin ay marapat na napagkasunduan ng lahat. Kung may
lalabag, may problema ang pamilya. Sinasabing sandigan ng isang matatag na bansa
ang pamilya.

ABSTRAKSYON

Panuto: Pag-aralang mabuti ang larawan na nagpapahayag ng iba’t ibang damdamin


Kinabibilangan ng pamilya.

4|Page
Republic of the Philippines

Department of Education

Caraga Region XIII

SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR

ISLA GENERAL INTEGRATED SCHOOL

Panuto: Sa sariling pangungusap, ilarawan ang mga sumusunod na larawan ayon


sa iyong pang-unawa, isulat ang sagot sa kahon:

APLIKASYON

PHOTO JOURNAL

Panuto: Gumupit ng mga larawan mula sa lumang magasin. At gamitin ang ito
upang maipahayag ang bunga ng ginawang pagsusuri.
Gabay na tanong:
a. ano ang inyong damdamin sa pagsasagawa ng gawaing ito?
b. Bilang miyembro ng pamilya,paano dapat harapin ang mga
pagbabagong ito?

EVALUATION
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na aytem at
piliin ang titik ng pinaka-angkop na sagot.
1. Ano ang ibig ipahiwatig ng talatang ito: “Matatag na pamilya, matatag na
bansa”?
a. Maihahalintulad ang pamilya sa kasabihang ito: “Kung ano ang puno, siya
rin ang bunga”.
b. Dahil ang matibay na samahan ng pamilya ang siyang nagpapatibay ng
samahan sa lipunan.
c. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan dahil ito ang pinakamaliit na
yunit ng
lipunan.
d. Sinasalamin ng isang bansa kung ano ang makikita sa isang pamilya

2. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa-


tao.” Ano ang ibubunga nito sa isang tao kung ito ang kaniyang isasabuhay?
a. Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kaniyang
pakikipagkapwa-tao
b. Nakatutulong ito sa kaniyang suliranin sa buhay upang
masolusyonan_ang problema
c. c.Ang maayos na samahan sa pamilya ay ngtuturo sa tao na maging
mabuti sa pakikipagkapwa
d. Madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyang
kinabibilangan

5|Page
Republic of the Philippines

Department of Education

Caraga Region XIII

SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR

ISLA GENERAL INTEGRATED SCHOOL

3. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing pamantayan sa paghubog ng isang


maayos na pamilya?__________
a. Mga patakaran sa loob ng bahay
b. Pagkakaroon ng mga anak
c. Pagtatanggol sa karapatan ng pamilya
d. Kasal ng mga magulang

4. Ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang


dahilan?
a. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan
b. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya
c. Dahil sa pagmamahalan ng dalawang tao na nagpasiyang magpakasal at
magsama habambuhay
d. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikpag-ugnayan at pagpapahalaga
sa kapwa.

5. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor. Alin sa mga
institusyon sa lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng
lipunan?
a. Paaralan c. Pamahalaan
b. Barangay d. Pamilya

TAKDANG ARALIN:

Ang mga pagpapahalagang natutuhan sa loob ng pamilya ay nakaka-impluwensya


sa pakikitungo sa kapwa.”

Paano mo isasabuhay ang mga natutunan sa araling ito? Magbigay ng isang


halimbawa o sitwasyon kung sakaling naranasan na ito.

Prepared by: Checked and Reviewed by:

6|Page
Republic of the Philippines

Department of Education

Caraga Region XIII

SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR

ISLA GENERAL INTEGRATED SCHOOL

ANALIZA V.UDAL EJ BOY J.URIARTE


T-I/Subject Teacher T-III-TIC

7|Page

You might also like