You are on page 1of 30

Prepared by: DOLLY ANNE P.

SEDEÑA
Grade: 5 and 6
School: Caroan E/S
Lesson Plans for Multigrade Classes District: Gonzaga West District
Grades V and VI
Learning Area: Araling Panlipunan Quarter: 1 Week: 9
Grade Level Grade 5 Grade 6

Pamantayang Ang mag-aaral ay…


Pangnilalaman
naipamamalas ang mapanuring pag-unawa
The learner at kaalaman sa kasanayang pangheograpiya, ang mga teorya sa
demonstrates pinagmulan ng lahing Pilipino upang mapahahalagahan ang konteksto
understanding of ng lipunan/ pamayanan ng mga sinaunang Pilipino at ang kanilang
ambag sa
pagbuo ng kasaysayan ng Pilipinas
Pamantayan sa Ang mag-aaral ay…
Pagganap
naipamamalas ang pagmamalaki sa nabuong kabihasnan ng mga
The learner sinaunang Pilipinogamit ang kaalaman sa kasanayang
pangheograpikal at mahahalagang konteksto ng kasaysayan ng
lipunan at bansa kabilang ang mga teorya ng pinagmulan at pagkabuo
ng kapuluan ng
Pilipinas at ng lahing Pilipino
Mga Kasanayan sa Natatalakay ang paglaganap ng relihiyong Islam sa ibang bahagi ng
Pagkatuto bansa
AP5PLP-Ii-10
Nasusuri ang pagkakapareho at pagkakaiba ng kagawiang panlipunan
ng sinaunang Pilipino
sa kasalukuyan

AP5PLP-Ii-11
Unang Araw

Layunin ng Aralin Matatalakay ang paglaganap ng relihiyong Islam sa ibang bahagi ng


bansa
Masusuri ang pagkakapareho at pagkakaiba ng kagawiang
panlipunan ng sinaunang Pilipino
sa kasalukuyan

Paksang Aralin Paglaganap ng Relihiyong Islam

Kagamitang BOW, LM Grade 5,


Panturo K to 12 Kayamanan,38-45

Pamamaraan Grouping Structures (tick boxes):

Use these letter  Whole Class  Ability Groups


icons to show Describe the parts of the lesson (for example the introduction), where you  Friendship Groups
methodology and may address all grade levels as one group.  Other (specify)
 Mixed Ability Groups  Combination of Structures
assessment
activities.  Grade Groups

DT Balitaan
Direct Teaching
Pag-usapan ang mga kasalukuyang pangyayari sa paligid sa pamamagitan ng isang pag-uulat
GW Group Work

IL Independent
Learning

A Assessment

DT GW
Talakayin ang paglaganap ng Islam sa Pilipinas

Apendiks 1, Araw 1,Linggo 9,Grado5

GW DT

Pangkat 1

Gumawa ng timeline sa paglaganap ng Islam sa Pilipinas

Apendiks 2, Araw 1,Linggo 9,Grado 5

Pangkat 2

Sumulat ng sanaysay kung ano-ano ang mahahalagang aral ng Islam.

Apendiks 3, Araw 1,Linggo 9 Grado 5

IL IL

Sino ang nagpakilala ng Islam sa ating bansa?

Ano-ano ang mga haligi ng Islam?

Sino si Muhammad?
Ano ang banal na aklat ng mga Muslim?

A A

Mga Tala

Pagninilay

Ikalawang Araw

Layunin ng Aralin Matatalakay ang paglaganap ng relihiyong Islam sa ibang bahagi ng


bansa
Masusuri ang pagkakapareho at pagkakaiba ng kagawiang panlipunan
ng sinaunang Pilipino
sa kasalukuyan

Paksang Aralin Mga Kagawiang Panlipunan ng mga Sinaunang Pilipino at sa


Kasalukuyan

Kagamitang BOW,TG,LM,
Panturo K to 12 LM 5

Pamamaraan Grouping Structures (tick boxes):

Use these letter  Whole Class  Ability Groups


icons to show Describe the parts of the lesson (for example the introduction), where you  Friendship Groups
methodology and may address all grade levels as one group.  Other (specify)
assessment  Mixed Ability Groups  Combination of Structures
activities.  Grade Groups

Direct Teaching

Balitaan G
Group Work
Pag-usapan ang mga kasalukuyang pangyayari sa paligid sa pamamagitan ng isang pag-uulat
IL Independent

Learning

A Assessment

DT GW
Natukoy sa nakaraang aralin ang mga kabuhayan at tradisyon ng mga
sinaunang Pilipino. Natalakay din ang mga paniniwala noon ng ating
mga ninuno. May mga kinagawian din ang mga sinaunang Pilipino
patungkol sa pag-aaral, panliligaw, kasal at ugnayan sa pamilya
Talakayin ang mga Sinaunang Pilipino ay may natatanging kultura
bago pa man sila makipag-ugnayan sa mga dayuhan. Nakapaloob sa
kulturang ito ay ang mga kagawiang panlipunan na nagpayabong sa
ating sinaunang kabihasnan.
Apendiks 4, Araw 2,Grado 5
GW DT

Pangkat 1

Isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga kagawiang panlipunan


sa Venn Diagram.

Apendiks 5, Araw 2,Linggo 9,Grado 5


Pangkat 2

Sa inyong pangkat, pumili ng isang kagawiang panlipunan . gumawa


ng dula-dulaan tungkol sa kagawiang ito.

Apendiks 6, Araw 2,Linggo 9,Grado 5

IL IL

Sagutin ang mga sumusunod:

1. Paano pinaghahandaan ang pag-aasawa sa sinaunang lipunan


ng ating mga ninuno?
__________________________________________________
_______________
2. Sa paanong paraan ipinakita ng ating mga ninuno ang
pagpapahalaga sa edukasyon?
__________________________________________________
_______________
3. Paano isinasagawa ang paglilibing noon ng mga sinaunang
Pilipino?

A A

Mga Tala
Pagninilay

Ikatlong Araw

Layunin ng Aralin Matatalakay ang paglaganap ng relihiyong Islam sa ibang bahagi ng


bansa
Masusuri ang pagkakapareho at pagkakaiba ng kagawiang
panlipunan ng sinaunang Pilipino
sa kasalukuyan

Paksang Aralin Nakakapagsagawa ng lingguhang pagsusulit

Kagamitang BOW, TG, LM, mga larawan


Panturo

Pamamaraan Grouping Structures (tick boxes):

Use these letter  Whole Class  Ability Groups


icons to show Describe the parts of the lesson (for example the introduction), where you  Friendship Groups
methodology and may address all grade levels as one group.  Other (specify)
 Mixed Ability Groups  Combination of Structures
assessment
activities.  Grade Groups
Teaching, Learning and Assessment Activities

DT
Direct Teaching
Balitaan
GW Group Work
Pag-usapan ang mga kasalukuyang pangyayari sa paligid sa pamamagitan ng isang pag-uulat
IL Independent

Learning

A Assessment

DT GW

Magbalik-tanaw sa nakaraang aralin

GW DT

Pangkat 1

Sumangguni sa Apendiks 7,Araw 3,Linggo 9,Grado 5

Pangkat 2

Sumangguni sa Apendiks 8, Araw 3,Linggo 9, Grado 5

IL IL

A A

Sumangguni sa Apendiks 9, Araw 3,Linggo 9,Grado 5


Mga Tala

Pagninilay

Prepared by: Checked by: Validated by:

DOLLY ANNE P. SEDEÑA FLORDELIZA B. PASCUAL JOSE M. MATAMMU


Teacher 1 Head Teacher III EPS-FILIPINO/MG Coordinator
Apendiks 1,Araw 1, Linggo 9,Grado 5

Paglaganap ng Islam

Nakipagkalakalan sa Tsina noong panahon ng Dinastiyang Sung (960-1280) ang mga unang Arabo na nakarating sa ating bansa.
Sumunod ang mga misyonerong Muslim mula sa Malacca, Jahore, at Borneo na dumating s Sulu dala ang Islam. Ayon sa mga Tarsila
(Sinaunang paraan ng mga Muslim ng pagkakasaysayan o geneologies o ulat pampamilya), ang unang nagpakilala ng Islam sa ating
bansa ay si Tuan Mashaika na napangasawa ng anak na babae ni Raha Sipad ng Patikol sa Buansa (ngayon ay Jolo).

Ang sumunod na misyonerong Muslim na nakarating sa Pilipinas ay si Shiek Karimul Makhdum noong 1380 sa Simunul, isang
isla sa Tawi-Tawi. Ipinalaganap niya ang Islam hanggang sa siya ay namatay. Nasundan siya ng ilan pang misyonerong Arabo at isa
rito ay si Raha Baginda, isang prinsipeng Malay na nanggaling sa Menangkaban, Sumatra. Kasama niya ang mga mandirigmang may
mga sandatang pumuputok.

Dumating sa ating bansa noong 1450 si Sayyid Abu Bakr, isang misyonerong Muslim at iskolar na mula sa Malacca.
Napangasawa niya ang magandang anak ni Raha Baginda na si Prinsesa Paramisuli. Itinatag niya ang Sultanato ng Sulu.

Dumating din sa ating bansa si Sharif Muhammad Kabungsuan na anak ng isang maharlikang Arabo. Napalaganap niya nang
husto ang Islam sa Maguindanao at Lanao. Marami siyang kasamang mandirigma na lumusob sa Cotabato noong 1475. Nasakop nila
ito at pinilit na sumampalataya ang mga paganong katutubo sa Islam. Pinakasalan niya ang paganong prinsesa, si Putri Tunina at
itinatag ang Sultanato ng Maguindanao.

Maraming misyonerong Muslim ang dumating sa Pilipinas at


nagpalaganap ng Islam. Nahinto lamang ang paglaganap nito nang dumating
ang mga Espanyol.

Ang Relihiyong Islam

Ang Islam ay salitang Arabic na ang ibig sabihin ay pagsuko o


dedekasyon kay Allah, ang kanilang Diyos. Muslim ang tawag sa mga
sumasampalataya sa Islam, isang taong isinuko ang sarili kay Allah. Si Muhammad ang kinikilalang propeta o sugo ng Diyos ng mga
Muslim. Siya ay ipinanganak noong 570 CE sa Mecca sa Kanlurang Arabia. Itinatag niya ang Islam.

Koran

Sinasabi na noong bandang 610 CE ay naramdaman ni Muhammad ang tawag ng Diyos. Nakita niya ang anghel na si Gabriel
at inutusan siyang ipalaganap ang mga utos at salita ng Diyos. At mula noon hanggang sa siya ay mamatay, tumanggap siya ng mga
rebelasyon na pinaniniwlaang direktang nanggagaling sa Diyos. Ang mga utos at salita ng Diyos ay naisulat sa Koran (Qu’ran), ang
banal na aklat ng mga Muslim.

Ang mga Haligi ng Islam

Nakapaloob sa Koran ang banal na kasulatan ng mga Muslim, at sa Sunnah naman nakasulat ang mga tradisyon ni Muhammad
na kinabibilangan ng Limang Haligi ng Katotohanan ng Islam. Ang mga aral na ito ay nagsisilbing gabay sa pamumuhay ng mga
Muslim.

1. Shahadah o ang pagpapahayag ng paniniwala- „Walang ibang Diyos maliban kay Allah at si Muhammad ang sugo
niya“
2. Salat o dasal- Kailangang limang ulit ang pagdarasal sa isang araw na nakaharap sa Ka‘aba na matatagpuan sa Mecca, ang
Banal na Lungsod ng Islam.
Nakahanay ng tuwid ang mga Muslim sa Pagsamba. Sabay-sabay ang kanilang pagyuko,pag-upo at pagpapatirapa. Ang
mga babae ay nakahiwalay sa mga lalaki.

“Muezzin ang nananawagan sa mga Muslim sa oras ng Pagdarasal. Bago


magdasal, kailangang malinis ang kanilang pananamit at sarili. Iniiwan sa
may pintuan ng mosque ang kanilang sapin sa paa. Mosque ang tawag sa
banal na lugar na pagsasamba ng mga Muslim”
Mecca sa Saudi Arabia

3. Zakat o pagkakawanggawa-
Minsan sa loob ng isang taon,
kailangang magbigay ng tulong
ang mga Muslim sa mga
nangangailangan tulad ng mga
pulubi,nasalanta ng
bagyo,lindol at iba pang mga
sakuna, maysakit, naulila, at
naghihikahos. Ito ay itinalaga sa
halagang 2.5% ng kayamanan
ng bawat Muslim. Ayon sa
Islam, ang kayamanan ay pag-
aari ni Allah at ang tao ay
itinuturing na katiwala lamang
nito kaya kailangan nilang
gamitin ito para sa
kapakinabangan ng
mamamayan.
4. Sawm o pag-aayuno
(abstinence) sa buwan ng Ramadan- Isang buwan ang pag-aayuno ng mga Muslim kung Ramadan na naayon sa Islamic
lunar calendar.Ito ay isinasagawa upang:
-madama ang hirap na dinaranas ng mga maralita at maging maawain at matulungin sa kanila
-maituwid ang landas na tinatahak at mailayo ang sarili sa labis na pagnanasa sa makamundong bagay
-makabayad sa mga kasalanan
-magbagong espiritwal at pisikal
-magunit ang mahalagang pangyayari sa lslam
Ang pag-aayuno ay sinisimulan sa pagsikat ng araw at nagtatapos sa paglubog nito. Ipinagbabawal ang pagkain,pag-
inom ,paninigarilyo,mga kasayahan, at ang paggawa ng mga gawaing mabibigat. Paglubog ng araw, maaari nang gawin ang
mga ito. Ang Hariraya Puasa o Eidul-Fitr ang pagwawakas ng pag-aayuno. Ito ang pinakapista at sagana ang pagkain sa araw
na ito.

5. Hajj o paglalakbay sa Banal na Lungsod ng Mecca- Ang Banal na Lungsod ng Mecca ang sentro ng
pananampalataya ng mga Muslim. Dinarayo nila ang Ka’aba,isang pahabang batong marmol na nakatayong bantayog sa
isang liwasan sa Mecca na itinuturing
Moske ang Pook Dasalan ng mga Muslim

na sagrado ng mga Muslim. Inaatasang ang bawat Muslim na may sapat na kakayahang pinansiyal at malusog na pangangatawan ang
makarating sa Mecca sa Saudi Arabia kahit minsan lamang sa kanilang buhay. Ang sinumang Muslim na nakapaglakbay at sumamba
sa Banal na Lungsod ay pinapayagang maidugtong sa kanyang pangalan ang salitang Hadji.

Apendiks 2, Araw 1,Linggo 9,Grado 5

Gumawa ng timeline sa paglaganap ng Islam sa Pilipinas

1280

1380
1450

1475
Apendiks 3, Araw1, Linggo 9, Grado 5

RUBRICS SA PAGSULAT NG SANAYSAY

DIMENSYON 8-10 puntos 7-5 puntos 1-4

Pagkakabuo Angkop at wasto ang mga May iilang salitang Walang kaugnayan at hindi
salitang ginamit sa pagbubuo. wasto ang mga salitang
Ginamit na hindi angkop at
ginamit.
wasto

Nilalaman Mabisang naipahayag ang Hindi gaanong naipahayg ng Hindi naipahayag nang mabisa
mensahe ng sanaysay mabisa ang mensahe ng ang nilalaman ng sanaysay
sanaysay
Apendiks 4,Araw 2,Linggo 9, Grado 5

Bago pa man dumating ang mga espanyol sa Pilipinas ay taglay na ng mga sinaunang Pilipino
ang isang mayamang kulturang maipagmamalaki hanggan sa kasalukuyan.

Ang mga Sinaunang Pilipino ay may natatanging kultura bago pa man sila makipag-ugnayan sa
mga dayuhan. Nkapaloob sa kulturang ito ay ang mga kagawiang panlipunan na nagpayabong sa
ating sinaunang kabihasnan.

Panliligaw at Pag-aasawa. – May kaugalian ang mga unang Pilipino na mag-asawa sa babae o
lalaking nabibilang sa uri ng lipunang kinabibilangan nila. Ngunit ang ganito’y hindi mahigpit na
ipinatutupad. Ang datu ay karaniwan nang nag-aasawa sa pamilyang nabibilang sa uring datu;
ang mahadlika ay nag-aasawa ng mahadlika rin, at ang alipin ay nag-aasawa ng gaya rin niyang
alipin. Ngunit gaya ng nasabi na, ang kaugaling ito’y hindi lubos na sinusunod. Ang
mahadlikang may hangad mag-asawa ng alipin ay hindi pinagbabawalang mag-asawa rito, at ang
datung nais mag-asawa ng mahadlika ay malaya ring nag-aasawa ng nais niyang maging asawa.
Ang babaing hindi asawa ng isang lalaki ngunit may di-karaniwang kaugnayan doon ay
tinatawag na kaibigan, na kung bigkasin ay ka-ibigan, na ang ibig sabihi’y kapwa nag-iibigan. Sa
kanilang batas na batay sa kinamulatan at kinaugalian, ang mga anak sa asawa ay lehitimo o
tunay, samantalang ang mga anak sa labas, wika nga, ay hindi tunay kaya’t hindi maaaring
magmana ng ari-arian sa kanyang ama.

Ang pag-aasawa noong unang panahon ay hindi madali, sapagkat ang lalaki ay maraming
pagdaraanang mga “baitang”, kung baga sa hagdan, bago maging karapatdapat sa mga magulang
ng babaing pinipintuho. May ugali noon – na hangga ngayo’y sinusunod sa isang liblib na pook
ng Pilipinas – na ang nanliligaw ay maglilingkod muna sa mga magulang ng dalaga sa loob ng
ilang buwan o kung minsa’y mga taon. Mahirap ito, kung sa ngayon, ngunit noon ang mga
lalaking umiibig ay handang magpakasakit at magtiis ng hirap alang-alang sa kanyang
minamahal. Ang lalaki’y nagsisibak ng kahoy, umiigib, at gumagawa ng ano mang bagay na
iutos sa kanya ng mga magulang ng dalaga. Sa likod ng mataimtim na paglilingkod na ito ay
hindi pinahihintulutang makipag-usap ang lalaki sa dalaga; mga mata lamang nila ang nag-uusap
at napapahayag ng kani-kanilang dinaramdam. Walang pagkakataong magkausap ang dalawa
sapagkat mahigpit ang mga magulang na ang mga mata’y tinatalasan upang hindi sila
masalisihan, wika nga, ng lalaking may kabilisan. Matapos matanto ng mga magulang ng dalaga
na ang nanliligaw ay karapatdapat, ang pagsang-ayon ng mga yaon ay ipakikilala sa lalaki,
datapwa’t ang ganitong pagsang-ayon ay may kondisyon: siya’y magkakaloob ng bigay-kaya o
dote sa mga magulang ng dalaga. Ang bigay-kaya ay karaniwan nang lupa, ginto, o ano mang
ari-ariang mahalaga. Bukod diyan ay magbibigay rin ang binata nang pang-himuyat sa mga
magulang ng dalaga, na maaaring salapi, bilang bayad sa mga araw at gabi ng pagbabantay at
pagpupuyat ng mga magulang mulang pagkabata hanggang magdalaga. Bukod pa riyan ay
magbibigay rin ang kahabag-habag na binata ng tinatawag na bigay-suso sa nag-alagang yaya ng
dalaga bilang ganti sa kanyang pagpapasuso rito. At bukod pa rin diyan ay magbibigay rin ang
binata ng himaraw sa ina ng dalaga bilang bayad sa kanyang pagpapasuso sa dalaga ng ito’y
sanggol pa.

Ang lahat ng ito’y inaayos ng mga magulang ng dalaga sa kanilang pakikipag-usap sa mga
magulang ng binata. Kung ang hinihiling ng mga magulang noon ay hindi maibibigay ng mga
magulang ng binata ay nagkakaroon ng tinatawag na tawaran hanggang sa pumayag ang panig
ng dalaga. Ito’y tinatawag na pamumulungan o pamamalae. Kapag naayos na ito, ang kasal ay
isusunod.

Ang Kasal. – Ang paraan ng pagkakasal ay iba-iba ayon sa katayuan ng isang tao sa lipunan. Sa
mga may dugong mahal, wika nga, ang panliligaw ay dinaraan sa tagapamagitan. Pagkatapos na
maayos ng mga magulang ang tungkol sa pag-aasawa ng kanilang mga anak ay ipakukuha ang
nobya sa isang tagapamagitan. Pagdating sa paa ng hagdan ng bahay ng lalaki ang dalaga ay
magkukunwang nahihiya at hindi agad papanhik. Dudulutan siya ng ama ng lalaki ng isang
regalo at siya’y papanhik na. Pagkapanhik ay hindi tutuloy sa kalooban ng bahay hangga’t hindi
siya nadudulutan ng isa pang regalo. Pagkapasok sa loob ng bahay ay hindi uupo ang dalaga at
bibigyan na naman siya ng isa pang regalo. Hindi kakain o iinom ang dalaga hangga’t hindi
nadudulutan ng regalo. Pagkatapos nito, ang dalaga’t binatang ikakasal ay iinom sa isang tasa. Sa
bahaging ito ay ipahahayag ng isang matandang lalaki na magsisimula na ang seremonya. Isang
matandang babaing may tungkuling pagka-pari ang lalapit sa ikakasal, pagdadaupin ang kanilang
mga kamay sa ibabaw ng isang pinggang bigas, at kasabay ng isang hiyaw ay ihahagis ang bigas
sa mga panauhin. Ito’y gagantihin ng malakas na hiyawan ng mga panauhin at ang kasal ay tapos
na.

Sa mga mahadlika, ang paghahagis ng bigas ay hindi ginagawa, samantalang sa mga alipin ang
pagkakasal ay nagsisimula at natatapos sa tanong ng lalaki na “Pakakasal ka baga sa akin?” At
kung umoo ang dalaga ay inaaring kasal na sila.

Ang Edukasyon – Di pormal ang edukasyon ng ating mag ninuno. Edukasyong pangkabuhayan
ang tinuturo ng Ama sa mga anak na lalaki at pantahanan naman ang mga kababaihan. Sa
kabuuan, ang kanilang pagtutro ay upang ihanda ang kanilang mga nak na maging mabuting ama
at ina ng tahanan.

Sa kabila ng mga paghahandang iyan, napatunayang napakahalaga ng edukasyong Pilipino para


sa ating mga ninuno. Ayon sa mga pagsusuri ni Padre Chirino,isang Kastilang manunuri at
mananaliksik, ang halos lahat ng babae at lalaki ay marunong bumasa at sumulat ng katutubong
alfabeto.

Ang sinaunang katutubo ay may alpabetong kilala sa tawag na alibata. Ito ay binubuo ng
labimpitong simbolo na kumakatawan sa mga titik. Tatlo lamang ang patinig at labing-apat ang
katinig. May kaibahan kaya ito sa kasalukuyang alpabeto?

Ang pamilyang Pilipino – ang pamilya ay kinikilalang pinakamaliit ngunit siyang


pinakamahalagang pangkat ng lipunan. Ang isang pangkaraniwang pamilyang Pilipino ay
binubuo ng ama, ina at mga anak. Patriarka ang pamilyang Pilipino dahil ang ama ang
kinikilalang puno, tagapagbigay ng mga pangangailangan at tagapagtanggol ng kanyang mga
anak. Ang ina, sa pag-aaruga ng kanyang mga anak. Mataas ang pagtingin at pagkilala sa bawat
pamilya. Ang lipunan ay lubos na umaasa sa kagandahang-asal at pag-uugali ay dapat na
matutuhan at malinang sa loob pa lamang ng isang tahanan.

Ang Paglilibing at Pagluluksa – Iba’t iba ang paraan ng paglilibing ng ating mga ninuno. Ang
bawat paraan ay ayon sa kanilang pinaniniwalaan. Isang paraan ay ang pagsisilid ng buto sa
isang gusi o urna. Ang takip ng gusi ay sumasagisag sa kalagayan o katayuan sa buhay ng
namayapa, gayundin ang kasarian nito. Ang ilan naman sa namamatay ay inililibing sa yungib o
gubat. Karaniwang isinasama ang mga kagamitan tulad ng paboritong damit at alahas nito. Puti
ang kulay ng pagluluksa. Ang pagluluksa ay may akmang katawagan ayon sa kasarian. Larao
kung datu, Morotal kung babae at Maglahi kung lalaki.
Apendiks 5,Araw 2, Linggo 9,Grado 5

Isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mag kagawiang panlipunan sa Venn Diagram.

Noon ngayon
Apendiks 6, Araw 2,Linggo 9, Grado5

RUBRICS SA DULA DULAAN

DIMENSYON 9-10 7-8 5-6 3-4


Pts. Pts. Pts. Pts.

Pagkamalikhain Lubos na nagpapamalas Naging malikhain sa Di-gaanong malikhain sa paghahanda Walang naipamalas na
ng pagkamalikhain sa paghahanda pagkamalikhain sa
paghahanda paghahanda

Pagganap Lubos na nagging Naging Di-gaanong makatotohanan at Hindi naging


makatotohanan at makatotohanan at makatarungan ang pagganap makatotohanan at
makatarungan ang makatarungan ang makatarungan ang
pagganap pagganap pagganap

Pagsasalita at pagbigkas Lubhang nagging Naging malinaw ang Di-gaanongmalinawangpagbigkas at Hindi nagging malinaw
malinaw an gpagbigkas at pagbigkas at paghahatid ng mensahe ang pagbigkas at
paghahatid ng mensahe paghahatid ng paghahatid ng mensahe
mensahe

Kagamitan/Props Angkop na angkop ang Angkop ang ginamit Di-gaanong angkopang ginamit na Hindi angkop ang
ginamit na kagamitan na kagamitan kagamitan ginamit na kagamitan
DIMENSYON 8-10 puntos 7-5 puntos 1-4

Pagkakabuo Angkop at wasto ang mga salitang May iilang salitang Walang kaugnayan at hindi wasto
ginamit sa pagbubuo. ang mga salitang ginamit.
Ginamit na hindi angkop at wasto

Nilalaman Mabisang naipahayag ang Hindi gaanong naipahayg ng Hindi naipahayag nang mabisa
mensahe ng sanaysay mabisa ang mensahe ng sanaysay ang nilalaman ng sanaysay
Apendiks 7.1,Araw 3, Linggo 9,Grado 5

Pangkat 1

Iguhit sa mga kahon sa ibaba ang halimbawa o simbulo ng mga konseptong nasa loob ng
bawat kahon.

Pag-aaral

Apendiks 7.2 , Araw 3,Linggo 9,Grado 5


Iguhit sa mga kahon sa ibaba ang halimbawa o simbulo ng mga konseptong nasa loob ng
bawat kahon.

Panliligaw

Apendiks 8.1 ,Araw 3,Linggo 9, Grado5


Iguhit sa mga kahon sa ibaba ang halimbawa o simbulo ng mga konseptong nasa loob ng
bawat kahon.

Kasal

Apendiks 8.2, Araw 3,Linggo 9, Grado 5

Iguhit sa kahon sa ibaba ang halimbawa o simbulo ng mga konseptong nasa loob ng bawat
kahon.

Ugnayan sa Pamilya
Apendiks 9 ,Araw 3,Linggo 9,Grado 5

A. Pagtapatin:

____1. Panginoon ng Islam a. Mecca

____2. Dakilang Propeta ng Islam b. Islam

____3. Banal na aklat ng Muslim c. Allah


____4. Mga Taong naniniwala sa Islam d. Koran

____5. Lugar ng Pagsamba ng mga Muslim e. Muslim

____6. Lungsod na sentro ng relihiyong Islam f. Hadji

____7. Ang nagpakilala ng Islam sa ating

bansa g. Ramadan

____8. Pinakamahalagang pagdiriwang ng

Islam h. Mosque

____9. Pagsuko o dedikasyon kay Allah

Sa salitang Arabic i. Muhammad

____10. Ang tawaag sa taong nakarating

na sa Banal na lungsod ng Mecca j. Tuan Mashika

B. Sagutin ang mga sumusunod:


1. Paano sumasamba ang mga Muslim?
2. Ano-ano ang ginagawa ng Muslim bago magdasal?
3. Ano-ano ang kanilang ginagawa kapag Ramadan?
4. Ilang beses nagdarasal ang mga Muslim a loob ng isang araw?

C.

Sumulat ng sanaysay tungkol sa pagkakaparehas o pagkakaiba ng mga kagawiang


panlipunan ng mga sinaunang Pilipino sa Kasalukuyan.

You might also like