You are on page 1of 26

Prepared by:

ARNEL D. LLANEZA
Lesson Plans for Multigrade Classes Teacher III
VIGA ELEMENTARY SCHOOL
Grades 5 and 6 LASAM WEST DISTRICT
Learning Area: Araling Panlipunan Quarter: 1st Week: 7
Grade Level Grade 5 Grade 6
Pamantayang Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa
Pangnilalaman kasanayang pangheograpiya, ang mga teorya sa pinagmulan bahagi ng Pilipinas sa globalisasyon batay sa lokasyon nito sa
The learner demonstrates ng lahing Pilipino upang mapahahalagahan ang konteksto mundo gamit ang mga kasanayang pangheograpiya at ang
understanding of ng lipunan/ pamayanan ng mga sinaunang Pilipino at ang ambag ng malayang kaisipan sa pag-usbong ng
kanilang ambag sa pagbuo ng kasaysayan ng Pilipinas nasyonalismong Pilipino

Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pagmamalaki sa Ang mag-aaral ay…
The learner nabuong kabihasnan ng mga sinaunang Pilipinogamit ang naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribusyon ng
kaalaman sa kasanayang pangheograpikal at mahahalagang Pilipinas sa isyung pandaigdig batay sa lokasyon nito sa
konteksto ng kasaysayan ng lipunan at bansa kabilang ang mundo
mga teorya ng pinagmulan at pagkabuo ng kapuluan ng
Pilipinas at ng lahing Pilipino
Mga Kasanayan sa Nasusuri ang kabuhayan ng sinaunang Pilipino Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari sa pakikibaka ng mga
Pagkatuto Pilipino sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano
Natatalakay ang kabuhayan sa sinaunang panahon kaugnay sa
kapaligiran, ang mga kagamitan sa iba’t ibang kabuhayan, at mga Natutukoy ang mga pangyayaring nagbigay daan sa digmaan ng
produktong pangkalakalan mga Pilipino laban sa Estados Unidos

Natatalakay ang kontribusyon ng kabuhayan sa pagbuo ng Napapahalagahan ang pangyayari sa Digmaang Pilipino-
sinaunang kabihasnan Amerikano
AP5PLP-Ig-7
Naipaliliwanag ang mga sinaunang paniniwala at tradisyon at ang Natatalakay ang Kasunduang o Batas (1830-1901) at ang motibo
impluwensiya nito sa pang-araw-araw na buhay ng pananakop ng Amerikano sa bansa sa panahon ng paglawak ng
kanyang “political empire”
AP5PLP-Ig-8
AP6PMK-Ig- 10
Unang Araw
Layunin ng Aralin Nasusuri at Natatalakay ang kabuhayan sa sinaunang Naipaliliwanag ang patakaran ng mga Amerikano tungkol sa
panahon kaugnay sa kapaligiran, ang mga kagamitan sa Pilipinisasyon
iba’t ibang kabuhayan, at mga produktong pangkalakalan Natatalakay ang mga panukalang batas para sa paghahanda ng
Pilipinas sa sariling pamamahala.
Paksang Aralin Kabuhayan at Kalakalan ng Sinaunang Pilipino Batayang Batas na naghahanda sa mga Pilipino sa
Pamamahala ng Pilipinas
Kagamitang Panturo BOW,TG,LM, BOW,TG,LM,
K to 12 LM 5, Mga larawan K to 12 LM 6, Mga larawan
Pamamaraan Grouping Structures (tick boxes):
 Whole Class  Ability Groups
Use these letter icons to show Describe the parts of the lesson (for example the  Friendship Groups
methodology and assessment introduction), where you may address all grade levels as  Other (specify)
activities. one group.  Combination of Structures
 Mixed Ability Groups
DT Direct Teaching  Grade Groups
GW Group Work Teaching, Learning and Assessment Activities
IL Independent Learning WHOLE CLASS ACTIVITY
Maikling talakayan tungkol sa kabuhayan noon kumpara ngayon at magbalitaan tungkol sa mga pangyayaring may
A Assessment kinalaman sa kalayaan.
DT IL
Ipasuri ang mga sumusunod na larawan : kabuhayan, uri ng Pangkatin ang mga bata sa dalawa.
pamumuhay, kagamitan, produktong pangkalakalan at Pangkat-1 Ang Patakarang Pilipinisasyon ng Amerikano
tradisyon at paniniwala ng mga sinaunang Pilipino Pangkat-2 Mga Batas Para sa Kalayaan
Pasagutan ang mga sumusunod na tanong.
Magsagawa ng balitaan ng kasaysayan mula sa mga nakita . Ano ang Patakarang Pilipinisasyon ng America?
(Maaaring gawin ang talakayan sa pamamagitan ng larong Ano ang kahalagahan ng:
“Pass the Question” 1.Batas Pilipinas ng 1902
(Tingnan sa Apendiks 1) 2.Batas Jones ng 1916
3.Batas Tydings McDuffie
(Tingnan sa Apendiks 2, Yaman ng Pilipinas 6, pp 142-
144)

GW DT
Gawain A Ipaulat sa bawat lider ng pangkat ang report.
1. Maghati-hati ang klase sa apat na pangkat. Bigyan ng pagkakataong makapagtanong ang mga bata sa
2. Gumuhit ng larawan ng kapaligiran na ngpapakita ng lider.
hanapbuhay ng mga Pilipino. Maaaring sumagot ang isa sa mga kasapi ng pangkat.

Unang Pangkat - Kabundukan at Kapatagan


Ikalawang Pangkat-
Malapit sa katubigan at Lungsod
3. Ipakita sa klase ang natapos na larawan at ipaliwanag sa
klase ang nasa larawan.
DT GW
1. Pag-aralan ang graphic organizer. Pangkatang Gawain
2. Ano-ano ang mga hanapbuhay ng mga sinaunang mga Pangkat I – Gumawa ng “storyline” ng mahahalagang
Pilipino na ginamit ang kapaligiran? pangyayari sa Patakarang Pilipinisasyon ng Amerika
(Tignan sa Apendiks 3) Pangkat II – Punan ang tsart.Ipaliwanag at paghambingin
2. Kumpletuhin ang retrieval chart. ang mga panukalang batas tungo sa pagsasarili.
(Tingnan sa Apendiks 3.1) (Tingnan sa Apendiks 4)

A A
Panuto: Piliiin at isulat ang titik ng tamang sagot. Pagpepresenta ng awtput ng bawat grupo.
(Tingnan sa Apendiks 5)
Mga Tala
Pagninilay
Ikalawang Araw
Layunin ng Aralin 1. Nalalaman ang mga sinaunang paniniwala at tradisyon. Natatalakay ang mga paraang ginawa ng mga makabayang
2. Naipapaliwanag ang mga sinaunang paniniwala at Pilipino sa pagkamit ng kalayaan mula sa mga Amerikano
tradisyon ang naging impluwensya ng mga ito sa pang-
araw-araw na buhay
Paksang Aralin Paniniwala at Tradisyon Pagkamit ng Kalayaan mula sa Amerikano
Kagamitang Panturo BOW,TG,LM, BOW,TG,LM,
K to 12 LM 5, Mga larawan K to 12 LM 6, Mga larawan
Pamamaraan: Grouping Structures (tick boxes):

Use these letter icons to show  Whole Class  Ability Groups


methodology and assessment Describe the parts of the lesson (for example the  Friendship Groups
activities. introduction), where you may address all grade levels as  Other (specify)
one group.  Combination of Structures
DT Direct Teaching  Mixed Ability Groups
GW Group Work
 Grade Groups
Teaching, Learning and Assessment Activities
IL Independent Learning
WHOLE CLASS ACTIVITIES
A Assessment Pagbabalik-tanaw sa nakaraang aralin.
DT Ipasuri ang mga sumusunod na larawan. Basahin ang IL
teksto at talakayin ito. Basahin nang tahimik ang teksto at
(Tingnan sa Apendiks 6 ) sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Ano-ano ang mga paraang ginawa ng mga sumusunod
para sa pagkakamit ng kalayaan mula sa mga Amerikano.
1.Macario Sakay 3.Manuel Roxas
2.Manuel Luis Quezon 4.Sergio Osmeňa
(Tingnan sa Apendiks 7, Yaman ng Pilipinas 6, pp.144-
145 )
GW 1.Bumuo ng dalawang pangkat . DT Pag-uulat ng dalawang grupo.
Gawin ang isinasaad ng Activity Card. Talakayin ang mga paraang ginawa ng mga Pilipino sa
Pangkat 2: Bumuo ng isang awiting Rap na may temang pagkakamit ng kalayaan mula sa mga Amerikano.
sinaunang paniniwala.
Pangkat 1: Bumuo ng isang tula tungkol sa panliligaw.
IL DT
Lagyan ng tsek(√) ang bilang kung ang pangungusap ay Pangkatin sa dalawa ang klase.
nagpapakita ng kaisipan ukol sa mga paniniwala at tradisyong Gabayan ang mga bata sa paggawa ng time line ng mga
ng sinaunang Pililipino mahahalagang pangyayari tungo sa kalayaan.

(Tingnan sa Apendiks 8) 1890 1900 1910 1930 1940

A
Lagyan ang patlang ng PN kung ang pangungusap ay Pumili ng dalawa at talakayin ang mga paraang ginawa ng mga
nagpapahayag ng paniniwala ng mga ninuno at KP kung sumusunod para sa pagkakamit ng kalayaan mula sa mga
kasalukuyang paniniwala. Amerikano:
(Tingnan sa Apendiks 9) 1.Macario Sakay
2.Manuel Luis Quezon
3.Manuel Roxas
4.Sergio Osmeňa
Mga Tala
Pagninilay
Ikatlong Araw
Layunin ng Aralin Nasasagot ang Lingguhang pagsusulit nang may 80% pagkatuto.

Paksang Aralin
Kagamitang Panturo Mga Kagamitan sa Pagsusulit
Teaching, Learning and Assessment Activities
WHOLE CLASS ACTIVITY
Sabihin sa mga mag-aaral ang mga pamantayan sa pagsusulit o mga pamantayan.
A A
Tingnan sa Apendiks 10 Tingnan sa Apendiks 12

Tingnan sa Apendiks 11

Remarks
Reflection
REFERENCES

GRADE IV GRADE V GRADE 6


BOW, CG, TG, LM BOW, CG, TG, LM,Yaman ng Pilipinas 6

Prepared by: Checked by: Validated by:

ARNEL D. LLANEZA MARITES S. LINGAN,Ph.D. JOSE M. MATAMMU,Ph.D.


Teacher III/ Lasam WestDistrict PSDS-Solana West District EPS – Filipino/MG Coordinator
APPENDICES

Prepared by:
ARNEL D. LLANEZA
Teacher III
VIGA ELEMENTARY SCHOOL
Lasam West District
Apendiks 1
Unang Araw, Baitang 5 AP56,Q1/WK7

Tingnan mong mabuti ang mga sumusunod na larawan sa itaas. Nakikilala


mo ba kung sinu-sino sila? Masasabi mo ba ang kanilang mga ginagawa?

Mga Hanapbuhay ng Sinaunang Pilipino


Malaking bahagi ng kabuhayan ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang kapaligiran.
Dahil hindi pa laganap ang kalakalan at iba pang kaugnay na hanapbuhay, umasa sa mga
likas na yaman ang mga tao noon upang mabuhay. Ang mga likas na yaman o kapaligiran
ang naging batayan ng mga gawain ng mga sinaunang Pilipino.
Pagsasaka
Ang malawak na kapatagan ay ginagamit ng mga unang Pilipino sa pagsasaka.
Binungkal nila ang lupa sa pamamagitan ng araro at suyod na hila-hila ng kalabaw. Unti-
unting umunlad ang paraan ng kanilang pagsasaka. May
dalawang paraan noon ng pagsasaka – ang pagkakaingin
sa kabundukan at ang pagpapatubig sa kapatagan.
Ang pagkakaingin o ang paghahawan at
pagsusunog ay ginagawa sa burol. Pinipiling lugar yaong
maraming puno at walang matataas na damo. Sa paraang
pagpapatubig, ang mga magsasaka ay gumagamit ng
patubig o irigasyon.
Palay ang pangunahing tanim ng mga Pilipino,
gayundin ang abaka, saging, kamote, bulak, niyog at
bungangkahoy. Ang mga malalaking punongkahoy sa
kagubatan ay napakinabangan din ng ating mga ninuno.
Ginamit nila ito sa paggawa ng bahay at iba pang mga kagamitang yari sa kahoy.
Pangingisda
Ang mga unang Pilipono na nakatira sa
tabi ng ilog at dagat ay pangingisda ang
ikinabubuhay. Nakahuhuli sila rito ng iba’t ibang uri ng isda. Karaniwang ginagamit nila ang
sibat, salakab, buslo at lambat. Bukod sa panghuhuli ng isda, ang mga unang Pilipino ay
nanguha rin ng mga kabibi at halamang dagat, ang iba naman ay naninisid ng perlas. Ginamit
nila itong pamalit sa mga kalakal ng mga mandarayuhang Tsino, Hapon at Arabe.
Pagmimina
Natuto din ang mga sinaunang Pilipino ng
paraan ng pagmimina ng iba’t ibang uri ng metal tulad
ng ginto, bakal, tanso at pilak. Ang bakal ay ginagamit
nila sa paggawa sa paggawa ng mga kagamitan sa
pagsasaka, mga sandata, at iba pa. Ang ginto ay
ginagamit nila sa paggawa ng palamuti at alahas ang
tanso ay ginagawang kagamitan sa pagluluto tulad ng
kaldero at kawali.
Pagpapanday
Bago dumating ang mga Español, ang mga sinaunang Pilipino ay mahusay sa
metalurhiya o pagpapanday ng mga metal tulad ng ginto. Ito ang obserbasyon ng mga
dayuhang nangangalakal na ipinagpapalit ang kanilang paninda ng ginto, pilak at tanso.
Bukod sa pagsasaka, pagtatanim, pangingisda, at pagmimina, ang mga tao ay
nabubuhay rin sa pag-aalaga ng mga hayop at pagtitinda ng mga produktong yari o gawa sa
kanilang lugar.
Mauunawaan sa mga halimbawang ito na may kaugnayan ang hanapbuhay ng tao sa
kaniyang kapaligiran.
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano ang kaugnayan ng kapaligiran sa hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino? Ipaliwanag.
2. Anu-ano ang mga kagamitang ginanagamit sa iba’t ibang kabuhayan ng mga sinaunang
Pilipino?
3. Bakit mahalaga na angkop ang kapaligiran sa uri ng hanapbuhay ng isang tao?
Apendiks 2
Unang Araw, Baitang 6 AP56,Q1/WK7
Apendiks 3
Unang Araw, Baitang 5 AP56,Q1/WK7
1. Pag-aralan ang graphic organizer.

2. Anu-ano ang mga hanapbuhay ng mga sinauanang mga Pilipino na ginamit ang kapaligiran? Isulat
sa mga bilog ang mga hinihinging kasagutan o impormasyon sa bawat bilang.

Tabing-ilog, dagat at karagatan

Hanapbuhay ng mga ninuno at Kapaligiran

Kabundukan
at
Kagubatan
Kapatagan

Apendiks 3
Unang Araw, Baitang 5 AP56,Q1/WK7
Maghati-hati ang klase sa apat..

Kumpletuhin ang retrieval chart.

Mga Produktong Pangkalakalan sa Iba’t Ibang Hanapbuhay


Pagsasaka Pangingisda

Pagmimina Pagpapanday

Mga Kagamitan sa Iba’t Ibang Hanapbuhay


Pagsasaka Pangingisda

Pagmimina Pagpapanday

Apendiks 4
Ikalawang Araw, Baitang 6 AP56 Q1/WK7
Mga Batas Nagpanukala Mga Itinadhana Nagpatibay
1.Batas ng Pilipinas
ng 1902

2.Batas Jones

3.Batas Tydings-
Mcduffie

Apendiks 5
Ikalawang Araw, Baitang 5 AP56,Q1/WK7

Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.


1. Bakit karaniwang matatagpuan sa tabi ng ilog ang pamayanan ng unang Pilipino?
a.Dito sila nagpupulong.
b.Dito sila naliligo at naglalaba.
c.Dito sila nagtatago laban sa mga kaaway.
d.Dito sila kumukuha ng kanilang pang araw-araw na ikabubuhay.
2. Isa ring mahalagang lugar sa pamayanan ng mga ninuno ay ang kagubatan. Aling
pahayag ang hindi kabilang sa kahalagahan ng kagubatan?
a.Naging magaling silang kaingero.
b.Naging magaling sila sa pangangaso
c.Naging mahusay sila sa paghahabi ng tela.
d.Naging magaling silang mangingisda at manlalangoy.
3. Bakit umasa ang mga unang Pilipno sa kalikasan at kapaligiran?
a.Upng matustusan ang kanilang pangangailangan para mabuhay.
b.Upang maibahagi nila ang yaman sa karatig-bayan.
c.Upang mapabilis ang kanilang pag-unlad.
d.Upang magkaroon ng kalayaan sa buhay.
4. Kung ang pangunahing hanapbuhay mo ay pagsasaka saan ka dapat tumira?
a.Tabing dagatb.Tabing ilog c. Kapatagan d.Kagubatan
5. Paano natin dapat pahalagahan an gating kapaligiran?
a.Putulin ang mga puno.
b.Sunugin ang mga kagubatan.
c.Ugaliin ang 3R’s at sumunod sa mga batas nito.
d.Gumamit ng illegal na uri ng pangingisda.

Susi sa Kasagutan:
1. A
2. C
3. A
4. C
5. C

Apendiks 6
Ikalawang Araw, Baitang 5 AP56,Q1/WK7
Ano ang masasabi ninyo tungkol sa larawan?

PANINIWALA AT TRADISYON

Karamihan sa mga paniniwala at tradisyon ng mga Pilipino ay may kaugnayan sa


pananampalataya. Ang pagdaraos ng mga kapistahan ay nagsimula sa ritwal at seremonya
ukol sa mga diyos at ispiritu noong unang panahon. Nag-aawitan, nag-aalay ng mga
handog,nagsasalu-salo, nagsasayawan at nag-iinuman sila pagkatapos ng seremonya. Kung
minsan , may nagpapaligsahan pa upang makakuha ng mga gantimpala mula sa datu o raha.
Ito ang pinagmulan ng mga palaro sa pista sa kasalukuyan.

Sa mga ninunong mga Pilipino, mahalaga ang pagpapangalan ng kanilang mga


anak. Isinusunod nila ito sa pangalan ng mga bagay sa kapaligiran. Ito ay isang kaugaliang
Asyano na ginagawa rin ng mga Tsino at Hapones. Ang mga bagong silang na sanggol ay
ipinagdarasal at ipinagdaraos ng mga ritwal. Batay ito sa paniniwala sa mga ispiritung
papatnubay sa buhay ng mga sanggol hanggang sa kanilang paglaki.

Makikita pa hanggang sa kasalukuyan ang mga katutubong kaugaliang Pilipino sa


mga tahanan. Ang ama pa rin ang kinikilalang ulo ng pamilya, bagamat nagtamo na ang
kababaihan ng mga karapatan sa mga kalalakihan. Ang ina pa rin ang inaasahang mag-aaruga
ng mga anak at mamahala sa mga gawaing pantahanan. Naroon pa rin ang paggalang at
magandang pagsusunuran ng mag-asawa at ng magkakapatid sa kabila ng pakikibagay sa
modernong pamumuhay.

Noong una , ang pagpili ng mapapangasawa ng mga anak ay karapatan ng mga


magulang . Ang mga magulang ay may mga sinusunod na na pamantayan ng pagpili at ang
halaga ng bigay-kaya para sa nobya o babaing ikakasal . Sila rin ang nagtatakda ng araw at
lugar ng kasal. Naniniwala naman ang mag-anak na walang magulang na naghahangad ng
masama para sa mga anak.

Bahagi ng tradisyon ng mga Pilipino ang pagpapahalaga sa paggawa, pakikisama,


pagdamay, pagtanaw ng utang na loob, paggalang sa nakakatanda at kababaihan, katapangan
at katapatan. Bagaman sinasabing impluwensya ng mga Asyano ang paniniwala sa mga
pamahiin, hindi maikakailang naging ugali rin ito ng mga Pilipino, May mga pamahiin
tungkol sa pag-aasawa, panganganak, pagpapangalan ng anak at pagpili ng pook-tirahan na
sinusunod pa hanggang ngayon.

Nanatili hanggang sa kasalukuyan ang ilan sa mga paniniwala at tradisyong


Pilipino. Ang mga ito ay bahagi ng ng pamanang kultural ng mg sinaunang Pilipino.
Apendiks 7

Ikalawang Araw, Baitang 6 AP56,Q1/WK7


Apendiks 8

Ikalawang Araw, Baitang 5 AP56,Q1/WK7

A.Panuto: Lagyan ng tsek(√) ang bilang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng kaisipan
ukol sa mga paniniwala at tradisyong ng sinaunang Pililipino

1. Ang mga Pilipino ay nakikialamhati sa namatayan.


2. May malapit na ugnayan ang mga pamilyang Pilipino.
3. Ang mga Pilipino ay makasarili.
4. Bawal daw maligo kapag may patay.
5. Mahilig magdiwang ng pista ang mgaa Pilipino.

B.Panuto: Itugma ang mga salita o parirala sa hanay B sa mga inilalarawan sa hanay A. Isulat
ang letra ng sagot sa sagutang papel.

A B

1. Maraming handang pagkain at a. Pamanhikan


mayroon pang mga palaro
2. Paghingi ng kamay ng b.Pakikiramay
mga magulang sa nobya
3. Pagpunta sa tahanan ng namatayan c.Pagtanaw ng utang na loob
4. Pagganti sa ginawang kabutihan d.Pamahiin
5. Hindi pagsusukat ng damit e.Pista
bago ikasal

Apendiks 9
Ikalawang Araw, Baitang 5 AP56,Q1/WK7
Panuto: Lagyan ang patlang ng PN kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng paniniwala
ng mga ninuno at KP kung kasalukuyang paniniwala.

_______ 1. Paniniwala na nagbubunga nang hindi mabuti ang paglabag ng tao sa batas ng
kalikasan.

______ 2. May buhay sa kabila ng kamatayan o kabilang daigdig.

______ 3. Nagpupunta sa simbahan kapag gusting humingi ng tulong sa Diyos.

______ 4. Pagsamba sa makapangyarihang Diyos ng kalikasan.

______ 5. Paniniwalang si Hesus ay anak at sugo ng diyos.

Apendiks 10
Ikatlong Araw, Baitang 5 AP56,Q1/WK7

LINGGUHANG PAGSUSULIT

A. Panuto: Isulat ang pangunahing hanapbuhay ng mga sinaunang taong nanirahan sa mga
kapaligirang inilalarawan sa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Malalawak at matatabang lupa sa kapatagan


2. Mga lawa at ilog na sagana sa mga isda

3. Malalawak na damuhan

4. Kagubatang maraming malaking puno

5. Kabundukan at burol na sagana sa mineral.

B. Panuto: Pag-aralan ang mga learning organizer sa ibaba. Isulat sa patlang ang mga
hinihinging kasagutan o impormasyon sa bawat bilang.

b.__________
paliwanag:

a.___________
c.____________
paliwanag:
paliwanag:

Kaugnayan ng
kapaligiran at ang
kahalagahan sa
kabuhayan ng
Sinaunang Pilipino

C. Panuto: Isulat sa patlang kung saang paraan ng hanapbuhay may kaugnayan ang
sumusunod.

1.________________- sibat
2.________________- ginto
3.________________- suyod na hila-hila ng kalabaw
4.________________- buslo
5.________________- perlas
Apendiks 11

Ikatlong Araw, Baitang 5 AP56,Q1/WK7

Panuto: Sumulat ng isang maikling talata na tumatalakay sa isang paniniwala o tradisyon


na inyong natutunan at sabihin ang naging impluwensya nito sa inyong pang araw-araw na
pamumuhay.

Pamantayan Batang
Puntos
 Nakabuo ng kaaya-ayang talata na may kawastuhang teknikal na 5
nagpapakita ng malinaw na pagtatalakay sa paksa.
 Nakabuo ng talatang may kawastuhang teknikal at may malinaw na 4
pagtatalaka sa paksa.

 Nabuo ng talatang may kawastuhang teknikal ngunit hindi malinaw 3


ang pagtalakay sa paksa.

 Nakabuo ng talata walang kawastuhang teknikal at hindi malinaw ang 2


Pagtalakay sa paksa
 Nakasimula ng talata ngunit hindi natapos. 1
 Walang talatang nabuo 0

Apendiks 12
Ikatlong Araw, Baitang 6 AP56,Q1/WK7

LINGGUHANG PAGSUSULIT

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

A.1..Ano ang Patakarang Pilipinisasyon ng Amerika?

Talakayin ang mga paraang ginawa ng mga sumusunod para sa pagkakamit ng kalayaan mula
sa mga Amerikano:

2.Macario Sakay

3.Manuel Luis Quezon


4.Batas Jones

5.Komisyong Schurman

Mga Posibleng kasagutan:

Ang Patakarang Pilipinisasyon ng Amerika ay pagbibigay pagkakataon sa mga Pilipino na


makilahok sa pamamalakad ng pamahalaan.

Si Macario Sakay ay isang magiting na lider sa Katagalugan.

Ang Pangulong Manuel Luis M. Quezon ay ilang ulit na pumunta sa United States upang
mangampanya sa pagpapatibay ng isang batas na maggagawad ng kalayaan ng ating bansa.

Ang Batas Jones ay nagbigay ng pormal na pangako sa paggawad ng kalayaan ng Pilipinas.

Ang Komisyong Schurman sa pamumuno ni Jacob Schurman ay nilikha upang tulungan ang
pamahalaang military sa Pilipinas.

B.Panuto: Isulat ang BP sa patlang kung ang kalagayan sa ibaba ay tungkol sa Batas Pilipinas
at BJ kung Batas Jones.

_______ 1. Pagsasarili ng hukuman.

_______ 2. Pormal na pangako sa paggawad ng may pasubaling kalayaan.

_______ 3. Paghirang ng dalawang Pilipino na kakatawan sa kongreso sa Estados Unidos.

_______ 4. Pagtatag ng Asemblea ng Pilipinas.

_______ 5. Pagkakaroon ng katipunan ng karapatan.

Susi sa Kasagutan:
1. BP
2. BJ
3. BP
4. BP
5. BJ

You might also like