You are on page 1of 23

KONTEKSTUWALISADONG BANGHAY-ARALIN SA

ARALING PANLIPUNAN PARA SA


MULTIGRADE NA KLASE

( Baitang 5 & 6 )

KWARTER 1 ( WEEK 9)
Lesson Plans for Multigrade Classes
Grades V and VI
Learning Area: Araling Panlipunan Quarter: 1 Week 9

Grade Grade 5 Grade 6


Level
Paman Ang mag-aaral ay…
tayang
Pangni naipamamalas ang mapanuring pag-unawa
lalama
at kaalaman sa kasanayang
n
pangheograpiya, ang mga teorya sa
The
pinagmulan ng lahing Pilipino upang
learner
mapahahalagahan ang konteksto ng
demon
lipunan/ pamayanan ng mga sinaunang
strates
Pilipino at ang kanilang ambag sa
underst
anding pagbuo ng kasaysayan ng Pilipinas
of
Paman Ang mag-aaral ay…
tayan
sa naipamamalas ang pagmamalaki sa
Pagga nabuong kabihasnan ng mga sinaunang
nap Pilipinogamit ang kaalaman sa kasanayang
The pangheograpikal at mahahalagang
learner konteksto ng kasaysayan ng lipunan at
bansa kabilang ang mga teorya ng
pinagmulan at pagkabuo ng kapuluan ng
Pilipinas at ng lahing Pilipino
Mga Natatalakay ang paglaganap ng relihiyong
Kasan Islam sa ibang bahagi ng bansa
ayan AP5PLP-Ii-10
sa Nasusuri ang pagkakapareho at
Pagkat pagkakaiba ng kagawiang panlipunan ng
uto sinaunang Pilipino
sa kasalukuyan

AP5PLP-Ii-11

Unang Araw

Layuni Natatalakay ang paglaganap ng relihiyong


n ng Islam sa ibang bahagi ng bansa.
Aralin
Paksan Paglaganap ng Relihiyong Islam
g
Aralin
Kagam BOW, LM Grade 5,
itang K to 12 Kayamanan,38-45
Pantur
o
Pama Grouping Structures (tick boxes):
maraa
n  Whole Class
Describe the parts of the lesson (for  Ability Groups
Use example the introduction), where you  Friendship Groups
these may address all grade levels as one  Other (specify)
letter  Combination of Structures
group.
icons to
show  Mixed Ability Groups
method  Grade Groups
ology
and Balitaan
assess Pag-usapan ang mga kasalukuyang pangyayari sa paligid sa
ment pamamagitan ng isang pag-uulat
activitie
s.

DT Dire

ct
Tea
chin
g
GW Gro
W
up
Wor
k
IL Ind

epe
nde
nt
Lea
rnin
g
A Ass
ess
me
nt
DT GW
Talakayin ang paglaganap ng Islam sa
Pilipinas
(Apendiks 1, Araw 1,Linggo 9,Grado5)

DT
GW
Pangkat 1
Gumawa ng timeline sa paglaganap ng
Islam sa Pilipinas
(Apendiks 2, Araw 1,Linggo 9,Grado 5)

Pangkat 2
Sumulat ng sanaysay kung ano-ano ang
mahahalagang aral ng Islam.
(Apendiks 3, Araw 1,Linggo 9 Grado 5)

IL IL
Sino ang nagpakilala ng Islam sa ating
bansa?
Ano-ano ang mga haligi ng Islam?
Sino si Muhammad?
Ano ang banal na aklat ng mga Muslim?

A A
Ano ang ibig sabihin ng sumusunod:
1. Koran
2. Mecca
3. Allah

Mga
Tala
Pagnin
ilay
Ikalawang Araw

Layuni Nasusuri ang pagkakapareho at


n ng pagkakaiba ng kagawiang panlipunan ng
Aralin sinaunang Pilipino
sa kasalukuyan.

Paksan Mga Kagawiang Panlipunan ng mga


g Sinaunang Pilipino at sa Kasalukuyan
Aralin
Kagam BOW,TG,LM,
itang K to 12 LM 5
Pantur
o
Pama Grouping Structures (tick boxes):
maraa
n  Whole Class
Describe the parts of the lesson (for  Ability Groups
Use example the introduction), where you  Friendship Groups
these may address all grade levels as one  Other (specify)
letter  Combination of Structures
group.
icons to
show  Mixed Ability Groups
method  Grade Groups
ology Balitaan
and Pag-usapan ang mga kasalukuyang pangyayari sa paligid sa
assess pamamagitan ng isang pag-uulat
ment
activitie
s.

DT Dire

ct
Tea
chin
g
GW Gro
W
up
Wor
k
IL Ind

epe
nde
nt
Lea
rnin
g
A Ass
ess
me
nt
DT GW
Natukoy sa nakaraang aralin ang mga
kabuhayan at tradisyon ng mga sinaunang
Pilipino. Natalakay din ang mga paniniwala
noon ng ating mga ninuno. May mga
kinagawian din ang mga sinaunang Pilipino
patungkol sa pag-aaral, panliligaw, kasal at
ugnayan sa pamilya.
Tinalakay din na ang mga Sinaunang
Pilipino ay may natatanging kultura bago
pa man sila makipag-ugnayan sa mga
dayuhan. Nakapaloob sa kulturang ito ay
ang mga kagawiang panlipunan na
nagpayabong sa ating sinaunang
kabihasnan.
(Apendiks 4, Araw 2,Grado 5)

GW DT
Pangkat 1
Isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
mga kagawiang panlipunan sa Venn
Diagram.
(Apendiks 5, Araw 2,Linggo 9,Grado 5)
Pangkat 2
Sa inyong pangkat, pumili ng isang
kagawiang panlipunan at gumawa ng dula-
dulaan dito
(Apendiks 6, Araw 2,Linggo 9,Grado 5)
IL IL
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Paano pinaghahandaan ang pag-
aasawa sa sinaunang lipunan ng
ating mga ninuno?
____________________________
____________________________
_________
2. Sa paanong paraan ipinakita ng
ating mga ninuno ang
pagpapahalaga sa edukasyon?
____________________________
____________________________
_________
3. Paano isinasagawa ang paglilibing
noon ng mga sinaunang Pilipino?

A A

Mga
Tala
Pagnin
ilay
Ikatlong Araw

Layuni Natatalakay ang paglaganap ng relihiyong


n ng Islam sa ibang bahagi ng bansa
Aralin Nasusuri ang pagkakapareho at
pagkakaiba ng kagawiang panlipunan ng
sinaunang Pilipino
sa kasalukuyan

Paksan Nakakapagsagawa ng lingguhang


g pagsusulit
Aralin
Kagam BOW, TG, LM, mga larawan
itang
Pantur
o
Pama Grouping Structures (tick boxes):
maraa
n  Whole Class
Describe the parts of the lesson (for  Ability Groups
Use example the introduction), where you  Friendship Groups
these may address all grade levels as one  Other (specify)
letter  Combination of Structures
group.
icons to
show  Mixed Ability Groups
method  Grade Groups
ology
and
assess
ment
activitie
s.

DT Dire

ct
Tea
chin
g
GW Gro
W Teaching, Learning and Assessment Activities
up
Wor Balitaan
Pag-usapan ang mga kasalukuyang pangyayari sa paligid sa
k pamamagitan ng isang pag-uulat
IL Ind

epe
nde
nt
Lea
rnin
g
A Ass
ess
me
nt
DT GW
Magbalik-tanaw sa nakaraang aralin
GW DT
Pangkat 1

Sumangguni (Apendiks 7,Araw 3,Linggo


9,Grado 5)

Pangkat 2
Sumangguni (Apendiks 8, Araw 3,Linggo 9,
Grado 5 )

IL IL

A A
Sumangguni sa Apendiks 9, Araw 3,Linggo
9,Grado 5

Mga
Tala
Pagnin
ilay
APPENDICES
Apendiks 1,Araw 1, Linggo 9,Grado 5
Paglaganap ng Islam
Nakipagkalakalan sa Tsina noong panahon ng Dinastiyang Sung (960-
1280) ang mga unang Arabo na nakarating sa ating bansa. Sumunod ang
mga misyonerong Muslim mula sa Malacca, Jahore, at Borneo na dumating s
Sulu dala ang Islam. Ayon sa mga Tarsila (Sinaunang paraan ng mga Muslim
ng pagkakasaysayan o geneologies o ulat pampamilya), ang unang
nagpakilala ng Islam sa ating bansa ay si Tuan Mashaika na napangasawa
ng anak na babae ni Raha Sipad ng Patikol sa Buansa (ngayon ay Jolo).
Ang sumunod na misyonerong Muslim na nakarating sa Pilipinas ay si
Shiek Karimul Makhdum noong 1380 sa Simunul, isang isla sa Tawi-Tawi.
Ipinalaganap niya ang Islam hanggang sa siya ay namatay. Nasundan siya ng
ilan pang misyonerong Arabo at isa rito ay si Raha Baginda, isang prinsipeng
Malay na nanggaling sa Menangkaban, Sumatra. Kasama niya ang mga
mandirigmang may mga sandatang pumuputok.
Dumating sa ating bansa noong 1450 si Sayyid Abu Bakr, isang
misyonerong Muslim at iskolar na mula sa Malacca. Napangasawa niya ang
magandang anak ni Raha Baginda na si Prinsesa Paramisuli. Itinatag niya
ang Sultanato ng Sulu.
Dumating din sa ating bansa si Sharif Muhammad Kabungsuan na
anak ng isang maharlikang Arabo. Napalaganap niya nang husto ang Islam
sa Maguindanao at Lanao. Marami siyang kasamang mandirigma na lumusob
sa Cotabato noong 1475. Nasakop nila ito at pinilit na sumampalataya ang
mga paganong katutubo sa Islam.
Pinakasalan niya ang paganong
prinsesa, si Putri Tunina at itinatag
ang Sultanato ng Maguindanao.
Maraming misyonerong
Muslim ang dumating sa Pilipinas at
nagpalaganap ng Islam. Nahinto
lamang ang paglaganap nito nang
dumating ang mga Espanyol.

Ang Relihiyong Islam


Ang Islam ay salitang Arabic na ang ibig sabihin ay pagsuko o
dedekasyon kay Allah, ang kanilang Diyos. Muslim ang tawag sa mga
sumasampalataya sa Islam, isang taong isinuko ang sarili kay Allah. Si
Muhammad ang kinikilalang propeta o sugo ng Diyos ng mga
Muslim. Siya ay ipinanganak noong 570 CE sa Mecca sa
Kanlurang Arabia. Itinatag niya ang Islam.
Koran

Sinasabi na noong bandang 610 CE ay naramdaman ni Muhammad


ang tawag ng Diyos. Nakita niya ang anghel na si Gabriel at inutusan siyang
ipalaganap ang mga utos at salita ng Diyos. At mula noon hanggang sa siya
ay mamatay, tumanggap siya ng mga rebelasyon na pinaniniwlaang direktang
nanggagaling sa Diyos. Ang mga utos at salita ng Diyos ay naisulat sa Koran
(Qu’ran), ang banal na aklat ng mga Muslim.

Ang mga Haligi ng Islam


Nakapaloob sa Koran ang banal na kasulatan ng mga Muslim, at sa
Sunnah naman nakasulat ang mga tradisyon ni Muhammad na kinabibilangan
ng Limang Haligi ng Katotohanan ng Islam. Ang mga aral na ito ay
nagsisilbing gabay sa pamumuhay ng mga Muslim.
1. Shahadah o ang pagpapahayag ng paniniwala- „Walang ibang
Diyos maliban kay Allah at si Muhammad ang sugo niya“
2. Salat o dasal- Kailangang limang ulit ang pagdarasal sa isang
araw na nakaharap sa Ka‘aba na matatagpuan sa Mecca, ang
Banal na Lungsod ng Islam.
Nakahanay ng tuwid ang mga Muslim sa Pagsamba. Sabay-
sabay ang kanilang pagyuko,pag-upo at pagpapatirapa. Ang
mga babae ay nakahiwalay sa mga lalaki.

“Muezzin ang nananawagan sa mga Muslim sa oras ng Pagdarasal. Bago magdasal,


kailangang malinis ang kanilang pananamit at sarili. Iniiwan sa may pintuan ng
mosque ang kanilang sapin sa paa. Mosque ang tawag sa banal na lugar na
pagsasamba ng mga Muslim”
Mecca sa Saudi Arabia

3. Zakat o pagkakawanggawa- Minsan sa loob ng isang taon,


kailangang magbigay ng tulong ang mga Muslim sa mga
nangangailangan tulad ng mga pulubi,nasalanta ng bagyo,lindol at
iba pang mga sakuna, maysakit, naulila, at naghihikahos. Ito ay
itinalaga sa halagang 2.5% ng kayamanan ng bawat Muslim. Ayon
sa Islam, ang kayamanan ay pag-aari ni Allah at ang tao ay
itinuturing na katiwala lamang nito kaya kailangan nilang gamitin ito
para sa kapakinabangan ng mamamayan.

4. Sawm o pag-aayuno (abstinence) sa buwan ng Ramadan- Isang


buwan ang pag-aayuno ng mga Muslim kung Ramadan na naayon
sa Islamic lunar calendar.Ito ay isinasagawa upang:

-madama ang hirap na dinaranas ng mga maralita at maging


maawain at matulungin sa kanila
-maituwid ang landas na tinatahak at mailayo ang sarili sa labis
na pagnanasa sa makamundong bagay
-makabayad sa mga kasalanan
-magbagong espiritwal at pisikal
-magunit ang mahalagang pangyayari sa lslam

Ang pag-aayuno ay sinisimulan sa pagsikat ng araw at


nagtatapos sa paglubog nito. Ipinagbabawal ang pagkain,pag-inom
,paninigarilyo,mga kasayahan, at ang paggawa ng mga gawaing
mabibigat. Paglubog ng araw, maaari nang gawin ang mga ito. Ang
Hariraya Puasa o Eidul-Fitr ang pagwawakas ng pag-aayuno. Ito ang
pinakapista at sagana ang pagkain sa araw na ito.
5. Hajj o paglalakbay sa Banal na Lungsod ng Mecca- Ang Banal
na Lungsod ng Mecca ang sentro ng pananampalataya ng mga
Muslim. Dinarayo nila ang Ka’aba,isang pahabang batong marmol
na nakatayong bantayog sa isang liwasan sa Mecca na itinuturing

Moske ang Pook Dasalan ng mga Muslim


na sagrado ng mga Muslim. Inaatasang ang bawat Muslim na may sapat na
kakayahang pinansiyal at malusog na pangangatawan ang makarating sa
Mecca sa Saudi Arabia kahit minsan lamang sa kanilang buhay. Ang
sinumang Muslim na nakapaglakbay at sumamba sa Banal na Lungsod ay
pinapayagang maidugtong sa kanyang pangalan ang salitang Hadji.
Apendiks 2, Araw 1,Linggo 9,Grado 5
Gumawa ng timeline sa paglaganap ng Islam sa Pilipinas
1280

1380

1450

1475
Apendiks 3, Araw1, Linggo 9, Grado 5

RUBRICS SA PAGSULAT NG SANAYSAY

DIMENSYON 8-10 puntos 7-5 puntos 1-4


Pagkakabuo Angkop at wasto May iilang Walang
ang mga salitang salitang kaugnayan at
ginamit sa hindi wasto ang
Ginamit na hindi
pagbubuo. mga salitang
angkop at wasto
ginamit.

Nilalaman Mabisang Hindi gaanong Hindi naipahayag


naipahayag ang naipahayg ng nang mabisa ang
mensahe ng mabisa ang nilalaman ng
sanaysay mensahe ng sanaysay
sanaysay
Apendiks 4,Araw 2,Linggo 9, Grado 5
Bago pa man dumating ang mga espanyol sa Pilipinas ay taglay na ng mga
sinaunang Pilipino ang isang mayamang kulturang maipagmamalaki hanggan
sa kasalukuyan.
Ang mga Sinaunang Pilipino ay may natatanging kultura bago pa man sila
makipag-ugnayan sa mga dayuhan. Nkapaloob sa kulturang ito ay ang mga
kagawiang panlipunan na nagpayabong sa ating sinaunang kabihasnan.
Panliligaw at Pag-aasawa. – May kaugalian ang mga unang Pilipino na mag-
asawa sa babae o lalaking nabibilang sa uri ng lipunang kinabibilangan nila.
Ngunit ang ganito’y hindi mahigpit na ipinatutupad. Ang datu ay karaniwan
nang nag-aasawa sa pamilyang nabibilang sa uring datu; ang mahadlika ay
nag-aasawa ng mahadlika rin, at ang alipin ay nag-aasawa ng gaya rin niyang
alipin. Ngunit gaya ng nasabi na, ang kaugaling ito’y hindi lubos na
sinusunod. Ang mahadlikang may hangad mag-asawa ng alipin ay hindi
pinagbabawalang mag-asawa rito, at ang datung nais mag-asawa ng
mahadlika ay malaya ring nag-aasawa ng nais niyang maging asawa. Ang
babaing hindi asawa ng isang lalaki ngunit may di-karaniwang kaugnayan
doon ay tinatawag na kaibigan, na kung bigkasin ay ka-ibigan, na ang ibig
sabihi’y kapwa nag-iibigan. Sa kanilang batas na batay sa kinamulatan at
kinaugalian, ang mga anak sa asawa ay lehitimo o tunay, samantalang ang
mga anak sa labas, wika nga, ay hindi tunay kaya’t hindi maaaring magmana
ng ari-arian sa kanyang ama.
Ang pag-aasawa noong unang panahon ay hindi madali, sapagkat ang lalaki
ay maraming pagdaraanang mga “baitang”, kung baga sa hagdan, bago
maging karapatdapat sa mga magulang ng babaing pinipintuho. May ugali
noon – na hangga ngayo’y sinusunod sa isang liblib na pook ng Pilipinas – na
ang nanliligaw ay maglilingkod muna sa mga magulang ng dalaga sa loob ng
ilang buwan o kung minsa’y mga taon. Mahirap ito, kung sa ngayon, ngunit
noon ang mga lalaking umiibig ay handang magpakasakit at magtiis ng hirap
alang-alang sa kanyang minamahal. Ang lalaki’y nagsisibak ng kahoy,
umiigib, at gumagawa ng ano mang bagay na iutos sa kanya ng mga
magulang ng dalaga. Sa likod ng mataimtim na paglilingkod na ito ay hindi
pinahihintulutang makipag-usap ang lalaki sa dalaga; mga mata lamang nila
ang nag-uusap at napapahayag ng kani-kanilang dinaramdam. Walang
pagkakataong magkausap ang dalawa sapagkat mahigpit ang mga magulang
na ang mga mata’y tinatalasan upang hindi sila masalisihan, wika nga, ng
lalaking may kabilisan. Matapos matanto ng mga magulang ng dalaga na ang
nanliligaw ay karapatdapat, ang pagsang-ayon ng mga yaon ay ipakikilala sa
lalaki, datapwa’t ang ganitong pagsang-ayon ay may kondisyon: siya’y
magkakaloob ng bigay-kaya o dote sa mga magulang ng dalaga. Ang bigay-
kaya ay karaniwan nang lupa, ginto, o ano mang ari-ariang mahalaga. Bukod
diyan ay magbibigay rin ang binata nang pang-himuyat sa mga magulang ng
dalaga, na maaaring salapi, bilang bayad sa mga araw at gabi ng
pagbabantay at pagpupuyat ng mga magulang mulang pagkabata hanggang
magdalaga. Bukod pa riyan ay magbibigay rin ang kahabag-habag na binata
ng tinatawag na bigay-suso sa nag-alagang yaya ng dalaga bilang ganti sa
kanyang pagpapasuso rito. At bukod pa rin diyan ay magbibigay rin ang
binata ng himaraw sa ina ng dalaga bilang bayad sa kanyang pagpapasuso
sa dalaga ng ito’y sanggol pa.

Ang lahat ng ito’y inaayos ng mga magulang ng dalaga sa kanilang pakikipag-


usap sa mga magulang ng binata. Kung ang hinihiling ng mga magulang noon
ay hindi maibibigay ng mga magulang ng binata ay nagkakaroon ng tinatawag
na tawaran hanggang sa pumayag ang panig ng dalaga. Ito’y tinatawag na
pamumulungan o pamamalae. Kapag naayos na ito, ang kasal ay isusunod.
Ang Kasal. – Ang paraan ng pagkakasal ay iba-iba ayon sa katayuan ng
isang tao sa lipunan. Sa mga may dugong mahal, wika nga, ang panliligaw ay
dinaraan sa tagapamagitan. Pagkatapos na maayos ng mga magulang ang
tungkol sa pag-aasawa ng kanilang mga anak ay ipakukuha ang nobya sa
isang tagapamagitan. Pagdating sa paa ng hagdan ng bahay ng lalaki ang
dalaga ay magkukunwang nahihiya at hindi agad papanhik. Dudulutan siya ng
ama ng lalaki ng isang regalo at siya’y papanhik na. Pagkapanhik ay hindi
tutuloy sa kalooban ng bahay hangga’t hindi siya nadudulutan ng isa pang
regalo. Pagkapasok sa loob ng bahay ay hindi uupo ang dalaga at bibigyan
na naman siya ng isa pang regalo. Hindi kakain o iinom ang dalaga hangga’t
hindi nadudulutan ng regalo. Pagkatapos nito, ang dalaga’t binatang ikakasal
ay iinom sa isang tasa. Sa bahaging ito ay ipahahayag ng isang matandang
lalaki na magsisimula na ang seremonya. Isang matandang babaing may
tungkuling pagka-pari ang lalapit sa ikakasal, pagdadaupin ang kanilang mga
kamay sa ibabaw ng isang pinggang bigas, at kasabay ng isang hiyaw ay
ihahagis ang bigas sa mga panauhin. Ito’y gagantihin ng malakas na hiyawan
ng mga panauhin at ang kasal ay tapos na.
Sa mga mahadlika, ang paghahagis ng bigas ay hindi ginagawa, samantalang
sa mga alipin ang pagkakasal ay nagsisimula at natatapos sa tanong ng lalaki
na “Pakakasal ka baga sa akin?” At kung umoo ang dalaga ay inaaring kasal
na sila.

Ang Edukasyon – Di pormal ang edukasyon ng ating mag ninuno.


Edukasyong pangkabuhayan ang tinuturo ng Ama sa mga anak na lalaki at
pantahanan naman ang mga kababaihan. Sa kabuuan, ang kanilang pagtutro
ay upang ihanda ang kanilang mga nak na maging mabuting ama at ina ng
tahanan.
Sa kabila ng mga paghahandang iyan, napatunayang napakahalaga ng
edukasyong Pilipino para sa ating mga ninuno. Ayon sa mga pagsusuri ni
Padre Chirino,isang Kastilang manunuri at mananaliksik, ang halos lahat ng
babae at lalaki ay marunong bumasa at sumulat ng katutubong alfabeto.
Ang sinaunang katutubo ay may alpabetong kilala sa tawag na alibata.
Ito ay binubuo ng labimpitong simbolo na kumakatawan sa mga titik. Tatlo
lamang ang patinig at labing-apat ang katinig. May kaibahan kaya ito sa
kasalukuyang alpabeto?
Ang pamilyang Pilipino – ang pamilya ay kinikilalang pinakamaliit ngunit
siyang pinakamahalagang pangkat ng lipunan. Ang isang pangkaraniwang
pamilyang Pilipino ay binubuo ng ama, ina at mga anak. Patriarka ang
pamilyang Pilipino dahil ang ama ang kinikilalang puno, tagapagbigay ng mga
pangangailangan at tagapagtanggol ng kanyang mga anak. Ang ina, sa pag-
aaruga ng kanyang mga anak. Mataas ang pagtingin at pagkilala sa bawat
pamilya. Ang lipunan ay lubos na umaasa sa kagandahang-asal at pag-uugali
ay dapat na matutuhan at malinang sa loob pa lamang ng isang tahanan.
Ang Paglilibing at Pagluluksa – Iba’t iba ang paraan ng paglilibing ng ating
mga ninuno. Ang bawat paraan ay ayon sa kanilang pinaniniwalaan. Isang
paraan ay ang pagsisilid ng buto sa isang gusi o urna. Ang takip ng gusi ay
sumasagisag sa kalagayan o katayuan sa buhay ng namayapa, gayundin ang
kasarian nito. Ang ilan naman sa namamatay ay inililibing sa yungib o gubat.
Karaniwang isinasama ang mga kagamitan tulad ng paboritong damit at
alahas nito. Puti ang kulay ng pagluluksa. Ang pagluluksa ay may akmang
katawagan ayon sa kasarian. Larao kung datu, Morotal kung babae at
Maglahi kung lalaki.

Apendiks 5,Araw 2, Linggo 9,Grado 5

Isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mag kagawiang panlipunan sa


Venn Diagram.

Noon Ngayon

Pagkakapareho
Apendiks 6, Araw 2,Linggo 9, Grado5

RUBRICS SA DULA DULAAN


DIMENSYON 9-10 7-8 5-6 3-4
Pts. Pts. Pts. Pts.
Pagkamalikh Lubos na Naging Di-gaanong malikhain sa Walang
ain nagpapamal malikhain paghahanda naipamalas
as ng sa na
pagkamalik paghahand pagkamalik
hain sa a hain sa
paghahanda paghahanda

Pagganap Lubos na Naging Di-gaanong Hindi naging


nagging makatotoha makatotohanan at makatotoha
makatotoha nan at makatarungan ang nan at
nan at makatarung pagganap makatarung
makatarung an ang an ang
an ang pagganap pagganap
pagganap
Pagsasalita Lubhang Naging Di- Hindi
at pagbigkas nagging malinaw gaanongmalinawangpag nagging
malinaw an ang bigkas at paghahatid ng malinaw
gpagbigkas pagbigkas mensahe ang
at at pagbigkas
paghahatid paghahatid at
ng mensahe ng mensahe paghahatid
ng mensahe
Kagamitan/Pr Angkop na Angkop ang Di-gaanong angkopang Hindi
ops angkop ang ginamit na ginamit na kagamitan angkop ang
ginamit na kagamitan ginamit na
kagamitan kagamitan
RUBRICS SA PAGSULAT NG SANAYSAY

DIMENSYON 8-10 puntos 7-5 puntos 1-4


Pagkakabuo Angkop at wasto May iilang Walang
ang mga salitang salitang kaugnayan at
ginamit sa hindi wasto ang
Ginamit na hindi
pagbubuo. mga salitang
angkop at wasto
ginamit.

Nilalaman Mabisang Hindi gaanong Hindi naipahayag


naipahayag ang naipahayg ng nang mabisa ang
mensahe ng mabisa ang nilalaman ng
sanaysay mensahe ng sanaysay
sanaysay
Apendiks 7 Araw 3, Linggo 9,Grado 5
Pangkat 1
Sa loob ng kahon, gumuhit ng isang halimbawa o konsepto na sumisimbolo
ng mga salitang nasa loob nito.

Pag-aaral Kasal
Apendiks 8 Araw 3, Linggo 9,Grado 5
Pangkat 2
Sa loob ng kahon, gumuhit ng isang halimbawa o konsepto na sumisimbolo
ng mga salitang nasa loob nito.

Panliligaw Ugnayan sa Pamilya

Apendiks 9 ,Araw 3,Linggo 9,Grado 5

A. Pagtapatin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang sagot sa patlang.

A B
____1. Panginoon ng Islam a. Mecca

____2. Dakilang Propeta ng Islam b. Islam


____3. Banal na aklat ng Muslim c. Allah
____4. Mga Taong naniniwala sa Islam d. Koran
____5. Lugar ng Pagsamba ng mga Muslim e. Muslim
____6. Lungsod na sentro ng relihiyong Islam f. Hadji
____7. Ang nagpakilala ng Islam sa ating
bansa g.
Ramadan
____8. Pinakamahalagang pagdiriwang ng
Islam h.
Mosque
____9. Pagsuko o dedikasyon kay Allah
Sa salitang Arabic i.
Muhammad
____10. Ang tawaag sa taong nakarating
na sa Banal na lungsod ng Mecca j. Tuan
Mashika

B. Sagutin ang mga sumusunod:

1. Paano sumasamba ang mga Muslim?


2. Ano-ano ang ginagawa ng Muslim bago magdasal?
3. Ano-ano ang kanilang ginagawa kapag Ramadan?
4. Ilang beses nagdarasal ang mga Muslim a loob ng isang araw?

C. Sumulat ng sanaysay tungkol sa pagkakaparehas o pagkakaiba ng


mga kagawiang panlipunan ng mga sinaunang Pilipino sa
Kasalukuyan.

You might also like