You are on page 1of 33

Prepared by:

KATRINA L. MILLADO
Lesson Plans for Multigrade Classes Teacher I
Grades 3 and 4 Mansarong E/S, BaggaoNorth

Learning Area: ARALING PANLIPUNAN Quarter: 3 Week: 1


Grade Level Grade 3 Grade 4
Pamantayang Naipapamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa Naipamamalas ang pang-unawa sa bahaging
Pangnilalaman pagkakakilanlang kultural ng kinabibilangang rehiyon ginagampanan ng pamahalaan sa lipunan, mga pinuno
The learner demonstrates at iba pang naglilingkod sa pagkakaisa, kaayusan at
understanding of kaunlaran ng bansa
Pamantayan sa Nakapagpapahayag ng may pagmamalaki at pagkilala Nakapagpapakita ng aktibong pakikilahok at pakikiisa
Pagganap sa nabubuong kultura ng mga lalawigan sa sa mga proyekto at gawain ng pamahalaan at mga
The learner kinabibilangang rehiyon pinuno nito tungo sa kabutihan ng lahat (common good)
Mga Kasanayan sa Naibibigay ang kahulugan ng siriling kultura at mga Natatalakay ang kahulugan at kahalagahan ng
Pagkatuto kaugnay na konsepto. pambansang pamahalaan

AP3PKR-IIIa-1 AP4PAB-IIIa-1

Naipaliliwanag na ang salik heograpikal katulad ng Nasusuri ang balangkas o istruktura ng pamahalaan ng
lokasyon at klima ay nakakaimpluwensya sa pagbuo ng Pilipinas
uri ng pamumuhay ng mga lalawigan at rehiyon.
• Natatalakay ang kapangyarihan ng tatlong
AP3PKR-IIIa-2 sangay ng pamahalaan (ehekutibo, lehislatura at
hudikatura)

AP4PAB-IIIa-b-2
Unang Araw
Layunin ng Aralin Naipaliliwanag kung ano ang ibig sabihin ng kultura at Natutukoy ang kahulugan ng pambansang pamahalaan
mga kaugnay na sa konsepto. Natatalakay ang kahalagahan ng pambansang
Nailalarawan ang kultura ng sariling lalawigan batay sa pamahalaan
ilang aspeto ng pagkakakilanlang kultural Natatalakay ang kapangyarihan ng tatlong sangay ng
pamahalaan
Paksang Aralin Ang Konsepto ng Kultura Ang Pambansang Pamahalaan at Kapangyarihan ng
Sangay Nito
Kagamitang Panturo Mga sinaunang kagamitan o mga kaugnay ng larawan, Larawan, manila paper at pentel pen
Pamamaraan Grouping Structures (tick boxes):
 Whole Class  Ability Groups
Use these letter icons to Describe the parts of the lesson (for example the  Friendship Groups
show methodology and introduction), where you may address all grade  Other (specify)
assessment activities. levels as one group.  Combination of Structures
 Mixed Ability Groups
DT Direct Teaching  Grade Groups
GW Group Work Teaching, Learning and Assessment Activities
W WHOLE CLASS ACTIVITY
IL Independent Learning
Balitaan
A Assessment
DT IL
Itanong: Basahin ang Alamin Mo sa LM, pahina 29.
1.Ano ang alam ninyo tungkol sa kulruta? Sagutan ang mga katanungan sa Apendiks 2.
2.Anu-ano ang mga kultura ng mga Pilipino?

Magpakita ng mga larawan na nagpapakita ng kultura?


Apendiks 1
Pag-usapan ang dalawang uri ng kultura.
GW DT
Panuto: Pumili ng isang materyal na kultura o di –
W Apendiks 4
materyal na kultura at ilarawan ito sa pamamagitan ng
malikhaing sining, tulad ng :
a. Poster
b. Tula
c. Sanaysay o Kwento
Apendiks 3
IL GW
Panuto:Tukuyin kung ang mga sumusunod na Panuto:Tingnan ang dayagram. Isulat sa loob ng
W
pangungusap ay naglalarawan sa materyal na kutlura at maliliit na bilog ang kahalagahan ng pambansang
di materyal na kultura. pamahalaan. Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat.
Apendiks 5 Bigyan ang bawat pangkat ng manila paper.
Ipaulat ang kanilang output sa klase.
Apendiks 6
A A
Panuto: Sagutin ang sumusunod. Isulat sa sagutang papel Panuto: Sagutin ng tama o mali. Isulat sa
ang iyong sagot. patlang ang mga sagot.
Apendiks 6 Apendiks 8
Mga Tala
Pagninilay
Ikalawang Araw
Layunin ng Aralin 1. Natutukoy ang mga katangian ng lalawigan sa sariling Natatalakay ang mga antas ng pamahalaan
rehiyon batay
sa lokasyon, direksyon, laki at kaanyuan
2. Naipaghahambing ang mga lalawigan sa sariling
rehiyon ayon sa
lokasyon, direksyon, laki at kaanyuan
Paksang Aralin Impluwensiya ng Klima at Lokasyon sa Pagbuo at Mga Antas ng Pamahalaan
Paghubog ng Pamumuhay sa isang Lugar
Kagamitang Panturo Concept map ng katangian ng mga lalawigan sa isang manila paper at pentel pen
rehiyon, mapa ng sariling rehiyon, puzzle ng sariling
rehiyon
Pamamaraan: Grouping Structures (tick boxes):

Use these letter icons to  Whole Class  Ability Groups


show methodology and Describe the parts of the lesson (for example the  Friendship Groups
assessment activities. introduction), where you may address all grade  Other (specify)
levels as one group.  Combination of Structures
DT Direct Teaching  Mixed Ability Groups
GW Group Work
 Grade Groups
W Teaching, Learning and Assessment Activities
IL Independent Learning
WHOLE CLASS ACTIVITIES
A Assessment Balitaan
DT IL
Paano nakakaimpluwensya ang lokasyon at klima sa uri Ipaskil ang larawan ni DILG Secretary Ismael “Mike”
ng pamumuhay ng sariling lalawigano rehiyon? Sueno at Pangulong Rodrigo Duterte.
Magdaos ng “brainstorming” kaugnay ng tanong. Apendiks 10.
Tanggapin lahat ang sagot ng mag-aaral. Pasagutan ang mga tanong:
Talakayan sa Apendiks 9. Anu-ano ang naging katungkulan at
nasasakupan nila?
Ipabasa sa klase ang Apendiks 11.

GW DT
Bumuo ng tatlong pangkat:
W Talakayin ang paksa sa Apendiks 11.
Tingnan ang panuto sa Apendiks 12. Ipakita ang balangkas ng Antas ng Pamahalaan.
Apendiks 13.

IL GW
Tingnan ang panuto sa Apendiks 14. WPangkatin ang mga mag-aaral sa limang pangkat.
Apendiks 15.

A A
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Iguhit Panuto: Tukuyin kung pambansa o lokal na antas ng
sa patlang ang kung ikaw ay sang-ayon at kung hindi. pamahalaan
Apendiks 16. ang may saklaw ng sumusunod na mga sitwasyon.
Apendiks 17.
Mga Tala
Pagninilay
Ikatlong Araw
Layunin ng Aralin Nasasagot ang mga inihandang mga katanungan sa natapos na aralin.
Paksang Aralin Lingguhang Pagsusulit
Kagamitang Panturo
Procedure Grouping Structures (tick boxes):
 Whole Class  Ability Groups
Use these letter icons to Describe the parts of the lesson (for example the  Friendship Groups
show methodology and introduction), where you may address all grade  Other (specify)
assessment activities. levels as one group.  Combination of Structures
 Mixed Ability Groups
DT Direct Teaching  Grade Groups
GW Group Work Teaching, Learning and Assessment Activities
W WHOLE CLASS ACTIVITY
IL Independent Learning
Magbalitaan
A Assessment Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang mga pamantayan ng pagsusulit
A A
Apendiks 18 Apendiks 19
Remarks
Reflection
REFERENCES

GRADE III GRADE IV


Kagamitan ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 3 Kagamitan ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 4
Patnubay ng Guro sa Araling Panlipunan 3 Patnubay ng Guro sa Araling Panlipunan 4
https://www.google.com.ph/search?q=tradisyon+sa
+pilipinas&hl=en%ie=UTF-8&prmd=ivns&souce=lnms&tbm=isch

Prepared by: Checked by: Validated by:

KATRINA L. MILLADO MARITES S. LINGAN JOSE M. MATAMMU


Teacher I, Mansarong E/S PSDS EPS – Filipino/MG Coordinator
Baggao North
APPENDICES
Apendiks 1 AP34/Q3/W1
Unang Araw, Grade 3
https://www.google.com.ph/search?q=tradisyon+sa +pilipinas&hl=en%ie=UTF-
8&prmd=ivns&souce=lnms&tbm=isch

Tradisyon
Apendiks 2 AP34/Q3/W1
Unang Araw, Grade 4

Panuto: Punan ang unang dalawang hanay ng tsart tungkol sa pag-uugnay


ng kapaligiran at uri ng hanapbuhay.

Alam mo na (What you Gusto mong malaman Natutunan mo sa


know) (What you want to talakayan (What you
know) learned)
Apendiks 3 AP34/Q3/W1
Unang Araw, Grade 3

Panuto: Pumili ng isang materyal na kultura o di – materyal na


kultura at ilarawan ito sa pamamagitan ng malikhaing sining,
tulad ng :

a. Poster
b. Tula
c. Salaysay o Kwento

Pamantayan Batayang
Puntos
A. Nilalaman
1. Kumpletong kaalaman ang nailahad ng pangkat sa kanilang 5
gawain/output.
2. May mga ilang detalye na hindi maayos na naipaliwanag o 3
nailahad ng pangkat.
3. Halos walang naipaliwanag o nagawang output ang pangkat. 1
B. Kagamitang Biswal
1. Angkop ang mga kagamitang biswal na ginamit ayon sa 5
hinihingi
ng gawain. Kumpleto itong naglalarawan o naglalaman ng
mga kaalaman na dapat mailahad sa klase.
2. May kaunting kakulangan sa mga kagamitang biswal at hindi 3
kumpletong naglalarawan o naglalahad ng tumpak na katugunan
o kaalaman na dapat makita ng klase.
3. Walang handang biswal 1
C. Pakikiisa ng bawat Miyembro sa Gawain
1. Lahat ay nakiisa sa pangkatang gawain at naglahad ng 5
kanilang kaalaman at kasanayan na kakailanganin sa gawaing
iniatang.
2. May dalawa o higit pang miyembro ang hindi nakiisa sa 3
gawain.
3. Walang pakikiisa ang bawat miyembro ng pangkat. 1
Kabuuang Puntos 15
Apendiks 5 AP34/Q3/W1
Unang Araw, Grade 4

Ang pamahalaan ay isang samahan o organisasyong


political na itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong
magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong
lipunan. Ang pamahalaan ng Pilipinas, na siya ring pambansang
pamahalaan, ay isang uri o sistemang presidensiyal at
demokratiko.
Pinamumunuan at pinamamahalaan ito ng isang Pangulo na
siyang puno ng bansa, katuwang ang pangalawang pangulo.
Ang pamahalaan ay may tatlong magkakaugnay na mga
sangay:ang tagapagbatas, tagapagpaganap, at
tagapaghukom.Tinatawag din ang mga sangay na ito na
lehislatibo, ehekutibo,at hudikatura.
May kani-kaniyang kapangyarihan ang bawat sangay na
nakapaloob sa Saligang Batas ng Pilipinas. Ang sangay na
tagapagbatas ay nasa kapangyarihan ng Kongreso. Binubuo ito
ng dalawang kapulungan: ang Mataas na Kapulungan o Senado
at ang Mababang Kapulungan o Lupon ng mga Kinatawan.
Ang kapangyarihan ng sangay na tagapagpganap ay nasa
pamumuno ng Pangulo samantalang ang sangay ng
tagapaghukom ay nasa mga hukuman. Nasa ilalim ng
pangangasiwa ng Kataastaasang Hukuman ang mabababang
hukuman.

Sangay na Tagapagbatas

Ang Sangay na Tagapagbatas o ang Kongreso ang


gumagawa ng mga batas ng bansa. May dalawang kapulungan
ang sangay na tagapagbatas: ang mataas na kapulungan at ang
mababang kapulungan. Ang Senado ay ang mataas na
kapulungan at ang
Kapulungan ng mga Kinatawan ay ang mababang
kapulungan. Bukod sa paggawa ng mga batas, nakasalalay rin sa
Kongreso ang pagsasagawa ng mga imbestigasyon at
pananaliksik para makatulong sa kanilang mga gagawing batas.
Ito rin ang nagsasaysay na ang bansa ay nasa estado ng
pakikipagdigmaan.
Senado ng Pilipinas Kongreso ng Pilipinas

Sa ganitong kalagayan, maaaring pagkalooban ng


Kongreso ang Pangulo ng kapangyarihan para maisakatuparan
ang mga pambansang patakaran. Ang pambansang badyet ay
dumadaan
din sa pagsusuri ng sangay na tagapagbatas.
Ang mga kapulungan ng sangay na tagapagbatas ay may
mga espesyal na kapangyarihan. Halimbawa, ang pagpapatibay
ng mga kasunduan ng Pilipinas sa ibang bansa ay isang
kapangyarihan ng Senado at ang pagsasampa naman ng
kasong
impeachment o pagkatanggal sa puwesto ng mataas na opisyal
ay kapangyarihan ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
Sangay na Tagapagpaganap
Ang Sangay na Tagapagpaganap ang tumitiyak na ang
mga batas na ginawa ng Kongreso ay naipatutupad upang
mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan.
Pinamumunuan ng Pangulo ang sangay na ito. Kaagapay niya
sa pagpapatupad ng mga batas ang Gabinete na binubuo ng
mga
Kalihim ng iba’t ibang ahensiya.
Batay sa Konstitusyon,
ang Pangulo,
alinsunod sa pagsangayon
ng Komisyon
sa Paghirang, ang
may kapangyarihang
humirang ng mga puno
ng mga kagawaran,
embahador, konsul,
may ranggong colonel sa sandatahang lakas, at iba pang mga
opisyal ayon sa isinasaad sa Konstitusyon.
Bilang punong komander ng sandatahang lakas ng bansa,
maaaring iatas ng Pangulo ang pagsupil sa anumang karahasan,
pananalakay, o paghihimagsik; at isailalim ang bansa sa batas
militar. Taglay rin ng Pangulo ang veto power o ang
kapangyarihang tanggihan ang isang panukalang batas na
ipinasa ng Kongreso. Siya rin ang pumipili ng punong mahistrado
ng Korte Suprema, gayundin sa mabababang hukuman, mula sa
talaan ng Judicial Bar Council.

Sangay na Tagapaghukom

Ang Sangay na Tagapaghukom ang sangay na nagbibigay


ng interpretasyon ng batas. Ang kapangyarihang
panghukuman ay nasa ilalim ng Kataas-taasang Hukuman o
Korte Suprema at mabababang hukuman. Sa Korte Suprema
dumudulog ang sinumang tao na hindi sumasang-ayon sa
anumang desisyon ng mabababang hukuman, maging ang
dalawang sangay ng pamahalaan kung may tanong tungkol
sa legalidad ng batas.
Mahalaga para sa isang bansa ang isang pambansang
pamahalaan dahil ito ang nangunguna sa pagbabalangkas
ng pamamaraan ng pamamalakad at pamamahala sa bansa.
Gayundin, ito ang namumuno sa pagpapatupad ng mga
programa at proyekto para sa mga nasasakupan nito. Bumubuo
ang pamahalaan ng mga programa sa iba-ibang larangan na
karaniwang nababatay sa mga pangunahing pangangailangan
ng mga mamamayan. Ang
pambansang pamahalaan din
ang tumitiyak na maunlad
ang ekonomiya ng bansa.
Kung kaya, ang pamahalaan
din ang nangangasiwa sa
pambansang badyet.
Tinitiyak din ng
pambansang pamahalaan Kataas-taasang Hukuman
na ang karapatan ng mga
mamamayan ay napangangalagaan sa pamamagitan ng
pagkakaloob ng mga serbisyong pangkabuhayan,
pangkalusugan, pangkultura, pansibil, at pampolitika. Kahit nasa
labas ng bansa ang isang mamamayang Pilipino, may mga
kaparaanan ang pamahalaan upang tiyakin ang kanilang
kaligtasan laban sa pananamantala.
Apendiks 5 AP34/Q3/W1
Unang Araw, Grade 3

Panuto:Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay


naglalarawan sa materyal na kutlura at di materyal na kultura.
Isulat ang sagot sa patlang.

_________1. Tinuturuan ng mga kalalakihan ang kanilang mga


anak sa pangangaso at pangingisda.
_________2. Ang kangan, bahag at putong ay ang mga kasuotan
ng mga sinaunang Pilipino.
_________3. Ang mga sinaunang Pilipino ay nagpapalipat-lipat ng
tirahan.
_________4. Ang mga lalaki ay naninilbihan sa bahay ng pamilya
ng babae na nais niyang pakasalan.
_________5. Naniniwala ang ating mga ninuno kay Bathala at iba
pang mga ispiritwal na tagabantay.
Apendiks 6 AP34/Q3/W1
Unang Araw, Grade 4

Panuto:Tingnan ang dayagram. Isulat sa loob ng maliliit na bilog


ang kahalagahan ng pambansang pamahalaan. Pangkatin ang
mga mag-aaral sa apat. Bigyan ang bawat pangkat ng manila
paper.
Ipaulat ang kanilang output sa klase.

Kahalagahan ng
Pambansang
Pamahalaan
Apendiks 7 AP34/Q3/W1
Unang Araw, Grade 3

Panuto: Tingnan ang mga nasa larawan. Tukuyin at ilarawan sa


tatlong pangungusap ang mga kulturang sinasalamin ng bawat
isa.
1.

2.

3.

4.
Apendiks 8 AP34/Q3/W1
Unang Araw, Grade 4

Panuto: Sagutin ng tama o mali. Isulat sa patlang ang mga sagot.

______1. Nasasakupan ng pambansang pamahalaan ang buong


bansa.
______2. May dalawang sangay ang pambansang pamahalaan
ng Pilipinas.
______3. Ang sangay na tagapagbatas ay binubuo ng mga piling
hurado.
______4. Pinamumunuan ng Pangulo ng bansa ang sangay na
Tagapagpaganap.
______5. Magkakaugnay ang lahat ng mga sangay ng
pambansang pamahalaan.
Apendiks 9 AP34/Q3/W1
Ikalawang Araw, Grade 3

Malaki ang kinalaman ng lokasyon at klima sa pamumuhay


ng mga tao. May impluwensya ang mga ito sa mga produktong
ginagawa sa lugar, sa uri ng pananim at maging sa pagluluto ng
pagkain, mga pananamit, uri ng bahay at sa pagpili ng mga tao
ng kanilang trabaho. Sa mga taong nakatira sa mga lugar na
urban, maaring ang kanilang mga trabaho ay pabrika o opisina.
Sa kabilang banda, maaring ang karamihan ng trabaho sa mga
lugar na rural naman ay may kinalaman sa agrikultura at
palaisdaan. Isang magandang halimbawa nito ay ang kaibahan
ng lugar na urban kagaya ng Kalakhang Maynila at nang lugar
na rural kagaya ng mga lalawigan ng Mindoro. Sapagkat marami
ang naninirahan sa Kalakhang Maynila, mas higit ang mga
trabahong nakatutugon sa mabilisang takbo na pamumuhay ng
mga naninirahan dito.
Halos lahat ng punong tanggapan ng iba’t ibang pribado at
pangpamahalaan, pati na ang mga pamantasan ay makikita sa
Kalakhang Maynila, kung kaya marami ang mga tingiang tindahan
na nagdudulot ng trabaho kagaya ng “sales lady” at “utility
workers”. Sa kabilang banda naman, sa mga lalawigan ng
Mindoro, kung saan hindi kasing dami ang populasyon sa Maynila,
kaunti lamang ang malalakingtingiang tindahan na karaniwang
makikita sa Maynila.
Bukod sa dami ng populasyon, nakaiimpluwensya din ang uri
ng pisikal na kapaligiran ng lugar sa uri ng pamumuhay dito. Isang
halimbawa ay ang kaibahan ng uri ng produkto ng mga taga
Bulacan o Nueva Ecija at ng Cavite o Batangas. Hindi nga ba’t
napag-aralan natin na sa rehiyon ng Gitnang Luzon nanggaling
ang karamihan sa mga palay ng buong Luzon, maging sa Visayas.
Naangkop ang kapatagan sa pagtatanim ng palay at
ibang pang produktong pananim. Sa kabilang banda naman,
maburol ang malaking bahagi ng Cavite papuntang Batangas
kung kaya’t pagpapastol naman ang naging produkto ng mga
taga dito. Sa Batangas nagagaling ang malaking bahagi ng itlog
dahil sa mga itinatayong manukan dito. Tingnan natin sa mapang
pisikal ng Luzon ang pagkakaiba-iba ng uri ng lupain sa mga
lalawigan sa gitna at timog na bahagi nito. Ano ano ang mga
produkto na makikita sa bawat lalawigan? Bakit kaya
magkakaiba? Aling mga lalawigan ang magkakapareho ang
mga produkto? Anong kinalaman ng pisikal na katangian ng mga
lalawigan?
Ano ang panahon sa inyong lalawigan ngayon? Tag-ulan
ba o tag-araw? Giniginaw ka ba o naiinitan? Kagaya ng
lokasyon, ang klima ay naghuhubog ng uri ng pamumuhay sa
isang lugar. Pag-aralan ang mapang pangklima na ipapakita ng
iyong guro.
Isang halimbawa ng impluwensya ng klima sa mga tao ay
ang mga produktong nagmumula sa iba’t ibang lalwigan. Abaka,
niyog at palay ang karaniwang pananim at pinagkakakitaan sa
Bicol dahil mahaba at halos buong taon ang tag-araw dito. Tubo
at niyog naman ang angkop sa lugar na ang klima ay higit na
maulan kaysa maaraw tulad ng Batangas at Tarlac.
Kung panahon naman ng tag-ulan at bagyo ay humihina
ang kita ng mga mangingisda sa Naujan, Oriental Mindoro.
Mapanganib ang dagat dahil sa alon at malakas na hangin.Hindi
rin sila makapagbilad ng isdang dinadaing.
Ngunitpinaghahandaan ng mga mangingisda ang ganitong
pagkakataon. Sila ay nagtatanim, nagtitipon ng tuba,
nagpapawid at iba pang maaari nilang pagkakitaan.
Hindi lamang mga pananim at pinagkakakitaan ang
nakakaimpluwensiya sa uri ng pamumuhay ng mga tao sa isang
lugar. Ibinabagay rin nila ang kanilang kasuotan ayon sa kanilang
klima. Sa lugar na malamig tulad ng Baguio, ang mga tao ay
nagsusuot ng makakapal na damit upang hindi ginawin. Manipis
at maluwang naman sa katawan ang kasuotan ng mga nasa
maiinit na lugar tulad ng Isabela at Tuguegarao.
Kung ang lokasyon naman ng isang lalawigan ay laging
dinadaanan ng bagyo tulad ng Batanes,ibayong paghahanda
ang kanilang ginagawa. Bukod dito, ang kanilang mga bahay ay
karaniwang mababa at yari sa bato at kogon. Bangkang-bahay
naman ang tirahan ng mga Samal at Badjao. Ito ang angkop sa
kanilang lugar. Dahil dito, masasabing nakakaimpluwensiya ang
lokasyon at klima ng isang lugar sa uri ng pamumuhay ng mga
tao sa isang lugar.
Apendiks 10 AP34/Q3/W1
Ikalawang Araw, Grade 4

Tanong: Anu-ano ang naging katungkulan at nasasakupan nila?


Apendiks 11 AP34/Q3/W1
Ikalawang Araw, Grade 4

Learners Manual, pahina 237-239

Ang pamahalaan ng Pilipinas ay maaaring hatiin ayon


sa kung gaano kalawak ang sakop ng pangasiwaan ng mga
namumuno. Kung ang sakop nito ay mga lalawigan, lungsod,

bayan, at barangay, ito ay nasa antas na lokal na pamahalaan.


Ang buong bansa naman ay nasa antas na pambansa.
Sakop ng antas na pambansang pamahalaan ang tatlong
sangay na tinalakay sa nakaraang aralin—ang mga sangay na
tagapagbatas, tagapagpaganap, at tagapaghukom.
Ang pamahalaang lokal ayon sa itinatadhana ng Batas
Republika Blg. 7160 ay binubuo ng mga lalawigan, lungsod,
bayan, at barangay. Ang mga lalawigan ay nasa ilalim ng
pamumuno ng gobernador katulong ang bise gobernador na
inihalal ng mga tao at ilang opisyal na hinirang ng gobernador
ayon sa itinatadhana ng serbisyo sibil.
Ang alkalde at bise alkalde ang namumuno sa lungsod o
bayan katulong ang mga empleyado na hinirang ng alkalde. Ang
barangay ay nasa pamumuno ng kapitan ng barangay.
Ang sangguniang panlalawigan, sangguniang panlungsod,
sangguniang pambayan, at sangguniang pambarangay ay mga
sangay na lehislatibo sa lokal na antas ng pamahalaan. Gawain
ng mga ito ang pagbuo ng mga ordinansa para sa nasasakupan.
Ang Pangulo ang may pangkalahatang pangangasiwa sa
mga pamahalaang lokal sa pamamagitan ng Kagawaran ng
Interyor at Lokal na Pamahalaan o Department of the Interior
and Local Government (DILG).

Mga Batayan ng Antas ng Lokal na Pamahalaan

Ang isang lugar para maging lalawigan ay kailangang


may sukat na 2 000 kilometro kuwadrado o higit pa, may di
kukulangin sa 250 000 bilang ng mamamayan na naninirahan
dito, at may kakayahang kumita ng hindi bababa sa
20 milyong piso bawat taon.
Para maging lungsod, ang isang lugar ay dapat na may
sukat ng lupa na aabot o higit pa sa 100 kilometro kuwadrado,
may 150 000 bilang ng taong naninirahan, at taunang kita na di
bababa sa 20 milyong piso.
Ang hinihingi namang pamantayan para maging isang
bayan ay sukat ng lupa na may 50 kilometro kuwadrado, 25 000
bilang ng taong naninirahan sa lugar, at taunang kita na 2.5
milyong piso.
Sa buong Metro Manila, ang Pateros na lamang ang
hindi lungsod sapagkat hindi nito kayang tugunan ang isang
pamantayan ng konbersiyon ng isang bayan para maging
lungsod. Ito ay ang sukat ng lupa nito. Maliit ang lupa na sakop
ng bayan para maging lungsod.
Ang mga lalawigan, lungsod, at bayan ay hindi maaaring
baguhin kung walang batas na pinagtibay para dito. Kailangan
din itong may pagsang-ayon ng mga mamamayan sa
pamamagitan
ng isang halalan.
Sa paglikha naman ng barangay, ang sangguniang
panlalawigan
ang nagpapasa ng ordinansa para dito.
Apendiks 12 AP34/Q3/W1
Ikalawang Araw, Grade 3

Panuto: Tingnan ang larawan sa ibaba. Anong uri ng lugar ang


mayroon sila? Anong uri ng klima ang mayroon sila? Ano kaya
ang lagi nilang ginagawa? Paano naiimpluwensyahan ang
kanilang pamumuhay ng kanilang lokasyon? Sumulat ng
dalawang talata tungkol sa kaugalian ng mga taga dito na may
kaugnayan sa lokasyon ng kanilang lalawigan.

Unang Pangkat

Ikalawang Pangkat
Apendiks 13 AP34/Q3/W1
Ikalawang Araw, Grade 4

Balangkas ng mga antas ng pamahalaan.

Panuto: Punan ang tsart sa ibaba ng katangian ng dalawang antas


ng pamahalaan.

KATANGIAN
Pambansang Antas Lokal na Antas
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
Apendiks 14 AP34/Q3/W1
Ikalawang Araw, Grade 3

Panuto: Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang magkakaugnay?


Pag –ugnayin ang mga aspekto ng kultura at ang pisikal na
katangian ng lugar.

Lokasyon ng Komunidad Kultura

a.Tabing Dagat Karamihan ng mga awit ay tungkol sa


b.Itaas ng Bundok pagsasaka
c.Kapatagan Mabilis ang mga kilos ng mga tao
d.Tabing Ilog papunta sa opisina
e.Siyudad Malaking bahagi ng produkto ay
nanggagaling sa pangingisda.
Maagang nagigising ang mga tao sa
pagpunta sa bukid
Karamihan sa mga awit at kuwento
ay ukol sa pangangalaga sa kagubatan
Apendiks 15 AP34/Q3/W1
Ikalawang Araw, Grade 4

Pangkatin ang mga mag-aaral sa limang pangkat.


Papunan sa bawat pangkat ang Venn diagram.

Ilagay sa unang bilog ang mga katangian ng lokal na antas.


Ilagay sa ikalawang bilog ang mga katangian ng
pambansang antas sa overlapping circle ilagay ang
pagkakatulad ng gawain ng local at pambansang antas.

Ipaulat sa bawat pangkat ang kanilang output.

Gamitan ng rubric ang pangkatang gawain ng mga mag-aaral.


Pamantayan Puntos Natamong
Puntos
1. Lahat ng kaanib ay nakilahok sa gawain
2. Nakakagawa ng graphic organizer
3. Malinis ang pagkakagawa ng visual aid
at may angkop na disenyo
4. Katamtaman ang lakas ng boses
5. Malikhain sa presentasyon ng output
Kabuuang Puntos
Apendiks 16 AP34/Q3/W1
Ikalawang Araw, Grade 3

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Lagyan ng √


sa patlang ang kung ikaw ay sang-ayon at X kung hindi.

________ 1. Naaayon sa klima at lokasyon ang uri ng

pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.

________ 2. Hindi lamang hanapbuhay kundi pati tirahan,kasuotan


at gawain ang nakaiimpluwensiya sa uri ng pamumuhay ng mga
tao.

________ 3. Magkakatulad ang uri ng pamumuhay sa lahat ng


lugar.

________ 4. Karaniwang yari sa kogon at atip ang mga bahay sa


bulubunduking lugar.

________ 5. Mababa at yari sa bato ang mga bahay sa Batanes.


Apendiks 17 AP34/Q3/W1
Ikalawang Araw, Grade 4

Panuto: Tukuyin kung pambansa o lokal na antas ng pamahalaan


ang may saklaw ng sumusunod na mga sitwasyon.
_________1. ugnayang panlabas
_________2. koleksiyon ng basura
_________3. mga asong pagala-gala
_________4. pagtatayo ng mga paaralan
_________5. pagpapataw ng parusa sa taong nagkasala
Apendiks 18 AP34/Q3/W1
Ikatlong Araw, Grade 3

A. Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Isulat sa


patlang ang (√) kung ikaw ay sang-ayon at (X) kung hindi.
________ 1. Naaayon sa klima at lokasyon ang uri ng pamumuhay
ng mga tao sa isang lugar.
________ 2. Hindi lamang hanapbuhay kundi pati tirahan,
kasuotan at gawain ang nakaiimpluwensiya sa uri ng
pamumuhay ng mga tao.
________ 3. Magkakatulad ang uri ng pamumuhay sa lahat
ng lugar.
________ 4. Karaniwang yari sa kogon at atip ang mga bahay
sa bulubunduking lugar.
________ 5. Mababa at yari sa bato ang mga bahay sa Batanes.
________ 6. Sa mga lugar na maaraw at mainit, maninipis at
maluluwang ang kanilang mga damit.
________7. Ang pag-aalaga ng hayop angkaraniwang
pinagkakakitaan ng mga taong nasa matubig na lugar.
________8. Makapal ang kasuotan ng mga tao sa Baguio dahil
malamig sa kanilang lugar.
________9. Karamihan ng mga awit sa mga lugar sa tabing dagat
ay ukol sa pagsasaka.
________10. Mabilis ang kilos ng mga tao sa siyudad dahil
nagmamadali silang pumasok sa kanilang mga trabaho.

B.Panuto: Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang


magkakaugnay? Pag-ugnayin ang mga aspekto ng kultura at ang
klima ng lugar. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

Kultura Klima ng Komunidad

1. Ang mga tao sa Baguio ay a. Mainit sa mga


nagsusuot ng makapal na lugar na ito
damit. b. Higit na mahaba
2. Ang mga bahay sa ang tag-ulan
Batanes ay mababa at yari c. Malamig ang
sa bato at kogon, klima sa lugar na
3. Manipis at maluwag na ito dahil nasa itaas
kasuotan ang gamit ng sila ng bundok.
mga taga isabela at d.Laging ding
Tuguegarao daanan ng
bagyo ang mga
lugar na ito
4. Abaka, niyog, at palay ang e. Mas mahaba ang
pananim sa Bicol. tag-init kaysa tagulan
5. Tubo at niyog ang
pananim sa Zamboanga
at Tarlac.
Apendiks 19 AP34/Q3/W1
Ikatlong Araw, Grade 4

Panuto: Hanapin sa hanay B ang inilalarawan sa hanay A. Isulat


ang letra ng sagot sa notbuk.

A B

1. Pinakamaliit na politikal na yunit A. Alkalde

2. May kitang 20 milyon o higit pa B. Barangay

3. Tawag sa lehislatibong sangay C. Kapitan

ng lalawigan

4. lehislatibong sangay sa bayan D. Lalawigan

5. Namumuno sa bayan o lungsod E. Lungsod

6. Namumuno sa lalawigan F. Sangguniang

7. Pinuno sa barangay G. Sangguniang

8. May lawak na lupain na Panlalawigan

100 kilometro kuwadrado H. Pangulo

9. Punong ehekutibo ng bansa I. Gobernador

10. Ahensiyang nangangasiwa J. Kagawaran

sa mga lokal na pamahalaan

Panuto:Sagutin ng tama o mali. Isulat ang sagot sa sagutang


papel.

_____1. Nasasakupan ng pambansang pamahalaan ang buong

bansa.

_____2. May dalawang sangay ang pambansang pamahalaan


ng Pilipinas.
_____3. Ang sangay na tagapagbatas ay binubuo ng mga piling

hurado.

_____4. Pinamumunuan ng Pangulo ng bansa ang sangay na

tagapagpaganap.

_____5. Magkakaugnay ang lahat ng mga sangay ng


pambansang pamahalaan.

_____6. Ang sangay na tagapaghukom ay kinabibilangan ng

mga mambabatas.

_____7. Ang pambansang pamahalaan ay nangunguna sa

pagbabalangkas at pagpapatupad ng mga programa

para sa mga mamamayan.

_____8. Nahahati sa dalawang kapulungan ang sangay na

tagapagbatas.

_____9. Ang pamahalaan ng Pilipinas ay siya ring tinatawag na

pambansang pamahalaan.

_____10. Tinitiyak ng pambansang pamahalaan ang kapakanan

ng mga mamamayan nito maging yaong mga nasa ibang

bansa man.

You might also like