You are on page 1of 40

Prepared by: ELISSA D.

ALVAREZ
Lesson Plans for Multigrade Classes Grade: 5 and 6
School: CAGURUNGAN E/S
Grades V and VI District: BAGGAO EAST District

Learning Area: Araling Panlipunan Quarter: 4 Week: 6

Grade Level Grade 5 Grade 6

Pamantayang
Pangnilalaman Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa bahaging
ginampanan ng kolonyalismong Espanyol at pandaigdigang Naipamamalas ang mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa patuloy na
The learner koteksto ng reporma sa pagusbong ng kamalayang pambansa pagpupunyagi ng mga Pilipino tungo sa pagtugon ng mga hamon na nagsasarili
demonstrates attungo sa pagkabuo ng Pilipinas bilang isang nasyon at umuunlad na bansa
understanding of

Pamantayan sa Nakakapagpahayag ng pagmamalaki sa Pagpupunyagi ng mga Nakapagpapakita ng aktibong pakikilahok sa gawaing makatutulong sa pag-
Pagganap makabayang Pilipino sa gitna ng kolonlisayong Espanyol at sa unlad ng bansa bilang pagtupad ng sariling tungkulin na siyang kaakibat na
mahalagang papel na gigampanan nito sa pag-usbong ng pananagutan sa pagtamasa ng mga karapatan bilang isang Malaya at maunlad
The learner kamalayang pambansa tungo sa pagkabuo ng Pilipinas bilang
na Pilipino
nasyon
Mga Kasanayan sa Nababalangkas ang pagkakaisa o pagkakawatak watak ng mga Nasusuri ang mga kontempolaryong isyu ng lipunan tungo sa pagtugon sa mga
Pagkatuto Pilipino sa mga mahahalagang pangyayari at mga epekto nito sa hamon ng malaya at maunlad na bansa 6.1 Pampulitika (Hal., usaping
naunang mga pagaalsa laban sa kolonyalismong Espanyol pangteritoryo sa Philippine Sea, korupsyon, atbp) 6.2 Pangkabuhayan (Hal.,
open trade, globalisasyon, atbp) 6.3 Panlipunan (Hal., OFW, gender, drug at
child abuse, atbp) 6.4 Pangkapaligiran (climate change, atbp)

AP5PKBIVh-6
AP6TDK-IVe-f-6

Unang Araw

Layunin ng Aralin Matataya ang partisipasyn ng iba’t ibang rehiyon at sektor sa Naipapaliwanag ang mga naging ambag ng mga OFW sa bansa
DT

pkikibaka ng bayan

Nabibigyang-halaga ang mga paghihirap, sakripisyo at mga naiambag ng mga


OFW

Nairereport ang buhay ng isang OFW

Paksang Aralin Implikasyon ng mga Naunang Pag-aalsa Isyung panlipunan (Hal,OFW GENDER, DRUG AND CHILD ABUSE,ATBP)

Kagamitang BOW, LM,TG, mga larawan ng Pag-aalsa BOW, LM,TG,


Panturo
AP 5, K-12 LM
References

Pamamaraan Grouping Structures (tick boxes):


Use these letter  Whole Class
icons to show Describe the parts of the lesson (for example the introduction), where you  Ability Groups
methodology and may address all grade levels as one group.  Friendship Groups
assessment  Mixed Ability Groups  Other (specify)
 Grade Groups  Combination of Structures
activities.
Direct Teaching
GW Group Work
WHOLE CLASS ACTIVITY
IL Independent Balitaan: Pag-usapan ang mga kasalukuyang pangyayari sa paligid sa pamamagitan ng isang pag-uulat
Learning
Bilang bata na bahagi ng lipunan na ating ginagalawan.
A Assessment

T G
Magpakita ng larawan: Pangkatin ng tatlo ang klase at bigyan ng mga gawain.
(apendiks 1)
 Paglalahad at Pagtatalakay sa klase ng mga sumusunod- apendiks 2
( apendiks 3 at 4 ) Pangkat 1
Pag-usapan tungkol sa mga bansang pinupuntahan ng mga OFW
Pagsusuri ng mga naunang pag-aalsa ng mga makabayang Pilipino
Pangkat 2-
Paglalahad at Pagtatalakay ng ang mga partisipasyon ng iba’t ibang Mga halimbawa ng trabahong kanilang pinapasukan bilang OFWs
rehiyon sector sa pakikibaka ng bayan Pangkat 3-
Mga dahilan ng kanilang pagiging OFWs.
Magkaroon ng pag-uulat ng napag-usapan ng bawat pangkat

G T
Ipagawa sa mga mag aaral ang mga sumusunod: Paglalahad ng bawat grupo
Pangkat 1- apendiks 6 Sagutin Talakayin kung ano ang mga dahilan ng mga OFW kung bakit sila
Pangkat 2-- apendiks 7- Isulat sa patlang sa bawat bilang kung sino nagtatrabaho sa ibang bansa.
ang tinutukoy sa bawat bilang. Ano ang kanilang ambag bilang mga OFWs sa ating bansa?
apendiks 6

Talakayin ang masigasig ang ginampanang papel ng mga kalalakihan at


PaPangkat 3-
kababaihan sa lipunan
A apendiks 8
P Punan ang tsart sa ibaba mula sa mga
napag-aralan sa klase.

I/A I/A

Gabayan ang mga bata sa paggawa sa kanilang gawain. Gabayan ang mga bata sa paggawa sa kanilang gawain.
apendiks 9 apendiks 10
Mga Tala

Pagninilay

Ikalawang Araw

Layunin ng Aralin Masusuri ang mga naunang pag-aalsa ng mga Pilipino


Nakasusuri sa mga dahilan ng pagkakaroon ng Climate Change
Natatalakay ang mga epekto ng Climate Change sa tao at kapaligiran nito.

Natatalakay ang di-mabuting epekto ng paggamit ng mga ipinagbabawal na


gamot
Nakakikilala sa mga palatandaan ng isang batang inaabuso at ang mga epekto
nito .

Nakapagpapahayag ng sariling opinyon tungkol sa paksang Extra-Judicial


Killing sa kasalukuyang administrasyon.

Paksang Aralin Partisipasyon ng Iba’t ibang Rehiyon Isyung panlipunan (Hal,OFW GENDER, DRUG AND CHILD ABUSE,ATBP)

Kagamitang BOW,TG,LM, mga larawan BOW,TG,LM, mga larawan


Panturo
Pamamaraan Grouping Structures (tick boxes):

Use these letter  Whole Class


icons to show Describe the parts of the lesson (for example the introduction), where you
methodology and may address all grade levels as one group.  Ability Groups
 Mixed Ability Groups  Friendship Groups
assessment
 Grade Groups  Other (specify)
activities.  Combination of Structures
DT
DirectTeaching
GW Group Work WHOLE CLASS
IL Independent Balitaan: Pag-usapan ang mga kasalukuyang pangyayari sa paligid sa pamamagitan
Learning
Sino-sino ang mga hinahangaan ninyo ng mga bayani?
Assessment
(Pag- usapan sa klase)

apendiks 11

T G
Tatalakayin at ipaliwanag kung ano-ano ang mga dahilan Hatiin sa tatlong grupo ang mga klase at ipagawa ang mga sumusunod:
upangmaging matagumpay ang mga naganap na pag-aaklas o Pangkat 1- Pangkabuhayan.- apendiks 14
rebolusyon gayundin ang ma dahilan kung bakit karamihan sa mga
ito ay hindi naging matagumpay
Pangkat 2- Panlipunan apendiks 16
apendiks 12

Talakayin at ipaliwanag ang Partisipasyon ng mga kababaihan sa Pangkat 3 - Pangkapaligiran apendiks 16


pakikibaka sa bayan.
apendiks 13
G T
Hatiin sa tatlong grupo ang klase at gumawa ng sanaysay ukol sa *Ipaulat ang mga napag usapan sa bawat pangkat
mga tanong. apendiks 17 *Natatalakay ang mga epekto ng Climate Change sa tao at kapaligiran nito.
apendiks 18
Pangkat 1
*Talakayin ang mga isyung may kinalaman sa di-mabuting epekto ng paggamit
Bakit nakipagdigma ang mga Pilipinong kababaihan para sa ng mga ipinagbabawal na gamot
bayan? Isalaysay sa klase gamit ng isang tula. *Pag –usapan ang mga palatandaan ng isang batang inaabuso at ang mga
Pangkat 2 epekto nito . apendiks 19
Gumawa ng isang dula-dulaan kung paano isinagawa ng mga *Ibahagi ang obserbasyon sa mga masamang epekto ng paggamit ng
Pilipino ang kanilang Rebelyon? ipinagbabawal na gamot
Pangkat 3
Paano ipinakita ng mga sinaunang bayani natin ang kanilang
pagtutol sa mga dayuhan gamit ng isang poster?

I I

Gabayan ang mga bata sa pagsagot ng mga tanong: Gabayan ang mga bata sa pagsagot ng mga tanong:
apendiks 21
Magbigay 5 dahilan ng climate change?
Ano ang iyong opinyon tungkol sa kagnapang ito sa ating bansa?( 5 puntos)
apendiks 20
rubrics apendiks 22

A A
Gumawa ng isang poster tungkol sa Extra Judicial Killings.
Ibigay ang tamang sagot ng mga katanungan appendiks 25
apendiks 23 (rubrics sa pagsusulat ng sanaysay)
(rubrics sa pagsusulat ng sanaysay) apendiks 26
apendiks 24

Mga Tala

Pagninilay

Ikatlong Araw

Layunin ng Aralin Nasasagot ang lingguhang pagsusulit nang may 80% mastery Nasasagot ang lingguhang pagsusulit nang may 80% mastery

Paksang Aralin Mga Reaksyon sa Kolonyalismo Isyung panlipunan (Hal,OFW GENDER, DRUG AND CHILD
ABUSE,ATBP)
Kagamitang Mga kagamitan sa pagsusulit Mga kagamitan sa pagsusulit
Panturo

Procedure Sabihin sa mga mag aaral ang mga pamantayan sa pagsusulit


A A

Sagutin ang sumusunod na pagsusulit Sagutin ang sumusunod na pagsusulit

Apendiks 28 Apendiks 27

Mga Tala
Pagninilay

Prepared by: Checked by: Validated by:

ELISSA D. ALVAREZ MARITES S. LINGAN JOSE M. MATAMMU


Teacher I PSDS EPS Filipino / MG Coordinator
Apendiks 1 AP56/Q4/W6
Unang Araw, Grade 5

1. Magpakita ng larawan. Ipalarawan ito sa mga bata.

2. Itanong:

 Ano kaya ang naging dahilan ng pag-aaalsa ng mga sinaunang Pilipino?


 Ano kaya ang sitwasyon natin ngaun kung hindi nagkaroon ng mga pag-aalsa?
 Sa palagay ninyo, ano kaya ang naidulot ng hindi mabilang na pag-aalsa ng mga sinaunang Pilipino?
 Sa kasalukuyan sino, ang tinaguriang mga bagong bayani?

Apendiks 2
AP56/Q4/W6
Unang Araw, Grade 6
Group 1
Pangkat I- Magbigay tungkol sa mga bansang pinupuntahan ng mga OFW sa paraan ng pangkanta
sa tono ng Leron- leron sinta.

Group 2
Pangkat II- Magbigay ng mga trabahong kanilang pinapasukan bilang OFWs sa paraan ng pag Fliptop

Group 3
Pangkat III- Magbigay ng isang dahilan ng kanilang pagiging OFWs sa paraan ng Role Playing
Sitwasyon: Walang pang matrikula sa paaralan
Apendiks 3 AP56/Q4/W6
Unang Araw, Grade 5

NARITO ANG ILAN PANG SUMUNOD NA PAG-AALSA

1587-1588 –

Pag-aalsa ni Magat Salamat - Nagtatag siya ng lihim na samahan upang
ipaglaban at makamit muli ang kalayaan ng mga katutubong Pilipino

1621 –

Rebelyon ng Gaddang - Dahil sa pagmamalabis ng mga Espanyol,


pinamunuan nina Felipe Catabay at Gabriel Taya gang paghihimagsik
ng mga Gaddang sa Cagayan Valley.

► 1621-1622 –

Rebelyon ni Sumuroy - Sa pamumuno ni Juan Sumuroy ng Samar,


nahikayat ang mga tao upang labanan ang mga Espanyol. Nag-alsa sila dahil
sa sapilitang pagtatrabaho sa paggawa ng mga barko sa Cavite.

► 1660-1661-

Rebelyon ni Maniago - Pinamunuan ni Francisco Maniago ang rebelyon


ng mga Kapampangan. Nagrebelde sila noong Oktubre 1660 dahil sa nais
nilang maging Malaya. Tinutulan nila ang sapilitang pagpapatrabaho.

► 1663 –

Pag-aalsa ni Tapar -Isang babaylan si Tapar. Itinatag niya sa Oton,


Panay ang issang bagong relihiyon sa parang binagong anyo ng
Kristiyanismo noong 1663.
► 1660-1661 –

Rebelyong ni Malong - Si Andres Malong ay naakit sa panawagan


ni Maniago na mag-alsa laban sa kalupitan ng mga Espanyol.

► 1745-46 –

Pag-aalsang Agraryo - Kinamkam ng mga prayle ang mga lupain ng


mga katutubo. Ipinagbawal pa nila ang pagkuha ng mga katutubo ng
mga kahoy at prutas sa mga lupaing nakamkam nila. Ipinagbawal din
ang pagpapastol ng mga hayop ng mga katutubo sa mga lugar na ito.
Hindi rin pinahintulutan ang mga katutubo na magtungo sa ilog at
manguha ng likas na yaman
.

► 1840-1841 –

Pag-aalsa ng Kapatiran ng San Jose (Rebelyon ni Hermano Pule)

Apendiks 4 AP56/Q4/W6
Unang Araw, Grade 5
Mga Partisipasyon ng Iba’t ibang Rehiyon Pag-aalsa.
Narito ang ilan pang pag-aalsa sa iba’t ibang panig ng
ating bansa mula 1742 hanggang 1898.

Taon Mga Grupo Nag-alsa sa panahon ng Espanyol

1785- Sapilitang paggawa, tributo at monopolyo ng tabako

1807 Rebelyong Basi

1815- Rebelyong Sarrat

Cagayan 1763 Dab at Marayac

Pangasinan 1762-64 Rebelyonog Juan Dela Cruz

Isabela 1763 Lagutao at Baladon laban sa tributo at monopolyo ng tabako

Camarines 1649- Sumuroy 1762-64- Reporma

Tayabas 1762-64 -Pag-aalsang nainspira ng matagumpay na pananakop ng Ingles


sa Maynila.

1728- Muslim sa Baler

1840- Hermano Pule (Apolinario Dela Cruz Revolt) (Apolinario

Samar 1649- Corralat

1649-50- Sumuroy laban sa sapilitang paggawa

1649-50- Pintados sa Ibaba, Samar laban sap ag-abuso at sapilitang


paggawa

1762-64 - Pag-aalsang nainspira ng matagumpay na pananakop ng Ingles sa


Maynila.

1649 Sumuroy

1762-64 Pag-aalsang humihingi ng pagbabago sa pamahalaan

Bohol 1621-22- Tamblot

Cotabato 1861- Datu Arneriel


Kalinga 1763 - Monopolyo

Manila 1762-64- Tondo 1843 - Samaniego

Morong 1745-46 – laban sa pagkamkam ng mga lupaing pang-agraryo

Cavite 1745-46 – Agraryo

Laguna 1745-46 – Agraryo laban sa pagkamkam ng lupa

Batangas 1745-46 – Agraryo

Cebu 1569- Pagsalakay ng mga Muslim sa mga Espanyol

Panay 1762-64 – Pagbabago ng pamahalang Kolonyal

Zamboanga 1762-64 – Pag-aalsang nainspira ng matagumpay na pananakop ng


Ingles sa Maynila.

Tagalog Region 1896- Himagsikan ng Pilipino

1762-64 - Pag-aalsang nainspira ng matagumpay na pananakop ng Ingles sa


Maynila.

1744-1829- Dagohoy

1762-64 - Pag-aalsang nainspira ng matagumpay na pananakop ng Ingles sa


Maynila.

1762-64 - Pag-aalsang nainspira ng matagumpay na pananakop ng Ingles sa


Maynila.

Apendiks 5 AP56/Q4/W6
Unang Araw, Grade

MGA DAHILAN KUNG BAKIT UMAALIS ANG MGA PILIPINO SA ATING BANSA

A] : May anak o kapatid na pinapag-aral


Isa ito sa pinakamaraming dahilan kung bakit ang dalawang taong kontrata ay kulang na kulang para
maisipan ng isang OFW na tumigil na sa pag-aabroad. Kung ang anak ay nasa Kinder 2 pa lang, anim
na taon pa ang gugugulin sa elementarya, apat na taon sa high school at apat o limang taon sa
kolehiyo. Sasabihin ko sanang mas masuwerte ang mga OFW na ang papag-aralin ay kapatid na
magkokolehiyo na dahil apat na taon lang ang ilalagi sa ibang bansa, pero, pero teka, nalaman ng
pinsan ang roaming number ng OFW kaya’t nakiusap silang ‘Sana man lang, tulungan mo naman
kaming makapag-aral, total gra-graduate naman na ang kapatid mo. Sabuyan mo naman kami ng
grasya na mga pinsan mo ate. Please naman.’ Kailan pa mauubos ang mga kamag-anak na gustong
mag-aral?

[IKALAWA] : Tila walang pinatutunguhan ang perang pinapadala sa Pinas

Sa dami ng napupuntahan ng perang


pinapadala ng isang OFW sa Pilipinas, mapa-sampung libo o limampung libo man ang ipapadala,
tumaas man ang palitan ng dolyar sa black market, bumaba man ang pagpapa-remit sa abroad, tila
kulang pa rin ang malaking sahod nila sa ibang bansa. Bakit? Dahil habang lumalaki ang kita ng isang
pamilyang Pinoy, lumalaki din ang pangangailangan o mas mainam sigurong sabihing mas lumalaki
ang gustong pagkakagastusan. Dalawampung libo kada buwan ang sahod, gusto may katulong ang
naiwan sa Pinas. Tatlumpong libo kada buwan, gustong magkaroon ng Honda Civic. Apatnapong libo
kada buwan, gustong magbakasyon sa Singapore ang buong pamilya. Limampung libo? Parang
kulang ang isang blog post para isa-isahin natin kung saan gustong gamitin ng isang OFW ang sahod.

[IKATLO] : Walang planong magpatayo ng sariling pangkabuhayan


Karamihan sa mga OFW, pag-alis sa ating bansa, wala sa kanilang plano ang mag-ipon para sa
negosyo. Mag-ipon para sa malaking bahay siguro, pero pangkabuhayan, saka na nila iisipin kapag
nakapag-ipon na ng malaki-laki. Pero dahil kadalasa’y tamang-tama lang ang ipinapadalang pera
buwan-buwan ng isang OFW, mukhang matagal-tagal pa bago makapag-ipon para sa sariling
negosyo. At KUNG sakali mang nakapag-ipon na, “Anong negosyo naman ang ipapatayo
ko?” tanong ng isang OFW. May mga OFW na nagtanong na sa akin kung ano bang magandang
negosyo para sa perang naipon nila? Ang madalas na sagot ko’y ‘Ano bang hilig mong gawin na
pwede sanang pagkakitaan mo?’ At doon na nagsisimula ang mga pangarap nilang
“Gusto ko sanang magkaroon ng internet café kasi mahilig talaga akong mag-Friendster at mag-chat
pero malaki bang kikitain sa computer shop?.”
“Gusto ko sanang magkaroon ng restaurant dahil mahilig ako sa fine dining pero baka kulang
naman naipon ko.”
“Gusto sana ng mga kasama kong Pilipino dito sa Australia na mag-franchise na lang sa Jollibee
para hindi gaano mahirap kasi wala naman kaming background pa sa negosyo.”
Ang mga PERONG ‘yun ay siyang pumipigil sa mga OFW para ituloy ang balak mag-negosyo kaya’t
lumilipas ang isa, dalawa o tatlong taon ay hindi pa makapagdesisyon ang isang OFW kung
magnenegosyo nga ba o hindi.

[IKAAPAT] : Mas gusto nang tumira sa bansang pinuntahan


Marami rin sa ating mga kababayang OFW ang nagnanais na doon na lang sa bansang pinuntahan na
pumirmi. Marami sa ating mga kakilala sa Canada na pinepetisyonan ang mga pamilya para
magkakasama silang muli. Ito’y para maibsan ang pangungulila ng isang OFW sa pamilya at para
maranasan naman ng kapamilya nila ang buhay sa ibang bansa. Makapaglaro sila sa snow sa Canada,
mapasakay nila ang mga magulang nila sa bagong kotseng binili nila at ilibot sa buong
California. Maipasyal ang mga anak sa Disneyland sa Hong Kong. At sasabihin nila, “Wala ‘yan sa
Pilipinas.” Kaya’t ang isang maaasahan sana ng bansa natin na tutulong para maiahon ang bansa
natin, ay mawawala na dahil ang kikitai’y iikot na lang sa bansang kumupkop sa kanya.

[IKALIMA] : Takot nang bumalik sa dating hirap sa buhay ang isang OFW

Sasabihin ng isang OFW, “Nakakamiss ang Pilipinas, pero kung uuwi ako ng Pilipinas, anong
ipapakain ko sa sarili ko’t sa pamilya ko?” Sa nakikitang karangyaan ng mga OFW sa ibang bansa,
nagiging bangungot na sa kanila ang paglingon sa bansang pinanggalingan. Nakakatakot
makipagsapalaran sa isang bansang walang maipapangakong maayos na trabaho, tahimik na
kapaligiran, sapat na pagkain, malinis na pamamalakad sa bayan at walang maliwanag na hinaharap.
At yan ang tingin ng mga OFW sa bansa natin.
Kayo, ano sa tingin n’yo ang mga dahilan kung bakit sa inaakala ng isang OFW na dalawang taong
pamamalagi sa ibang bansa’y umaabot sa apat, walo, sampung taon hanggang sa ayaw nang bumalik
dito sa ating bansa?

SOLUSYON :
- WALANG SOLUSYON SA PROBLEMANG ITO KUNG ANG BANSA AY WALANG SAPAT
NA TRABAHO PARA SA MGA PILIPINONG MANG GAGAWA .. ANG BILANG NG MGA
PILIPINONG WALANG TRABAHO AY UMABOT NA SA HALOS 34 MILYON KATAO ...
AT HINDI MADALI ANG MAGIGING PROSESO UPANG MABAWASAN ANG DAMI NG
MGA PILIPINONG WALANG TRABAHO SA BANSA ..
Ipinaskil ni renz joel macabacyao sa 7:25 AM 3 komento:
I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa TwitterIbahagi sa Facebook

Appendix 6 AP56/Q4/W6
Unang Araw, Grade 5

Gawain A

Pangkatang Gawain.

Sagutin:

1. Bakit kaya napakaraming pag-aalsa ang naganap noon sa iba’t ibang rehiyon laban sa mga
Espanyol?_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Bakit hindi nila napaalis ang mga mananakop na Espanyol sa ating lupain sa kabila ng
napakaraming pag-aalsa?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

3. Gaano katagal ang pag-aalsa ng grupo ni Dagohoy? Bakit ipinagpatuloy ni Gabriela ang pag-
aalsa laban sa mga Espanyol?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

4. Bakit nagkaroon ng partisipasyon sap ag-aalsa sa iba’t ibang rehiyon at sector (Katutubo at
kababaihan sa pakikibaka ng bayan?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

5. Sa panahon ngayon, paano ipinakikita ang pag-aalsa? Makatarungan baa ng ginagawang pag-
aalsa? Bakit? Bakit hindi?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
____________________________________________________________

Appendix 7 AP56/Q4/W6
Unang Araw, Grade 5

Gawain B

Mula sa kahon sa ibaba, isulat sa patlang sa bawat bilang kung sino ang tinutukoy sa bawat
bilang.

_________________1. Tinaguriang Lakambini ng Katipunan. _________________2.


Kinikilala bilang Ina ng Katipunan. _________________3. Kasama ng kaniyang asawa ay
sinuportahan nila ang rebolusyon lalo na matapos bitaying ang tatlong paring Pilipino, ang
GOMBURZA. _________________4. Sumapi sa Katipunan matapos sumapi dito ang
kaniyang 2 kapatid na lalaki at namuno sa isang maliit na pangkat. _________________5.
Siya ang dahilan kung papaano nakarating ang watawat kay Heneral Delgado ng sta. Barbara.
Appendix 8 AP56/Q4/W6
Unang Araw, Grade 5

Gawain C

Punan ang tsart sa ibaba mula sa mga napag-aralan sa klase.

Dahilan Namuno
1.

Francisco Dagohoy
2.

Basi Revolt
3.

Lakandula at Sulayman
4.

Sumuroy
5.

Maniago
Appendix 9 AP56/Q4/W6
Unang Araw, Grade 5

Panuto: Sa isang maikling talata, ipaliwanag ang mga kadahilan na naglunsad ng mga
rebelyon ng mga Pilipino.

M Melchora Aquino

Gabriela Silang

Patrocinio Gamboa
Gliceria Villavicencio
Teresa Magbanua

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Apendiks 10 AP56/Q4/W6
Unang Araw, Grade 6

Isulat sa bilog ang mga dahilan kung bakit umaalis ang mga OFWs sa ating bansa.

1.

2.

3.
4.

5.

Apendiks 11 AP56/Q4/W6
Ikalawang Araw, Grade 6

Ipakita ang larawan sa Klase.

Mga tanong
Sino-sino ang nasa mga larawan?
Ano ang masasabi mo sa kanila?
Appendix 12 AP56/Q4/W6
Ikalawang Araw, Grade 5

ANG REBELYON NI DAGOHOY (1744-1829)

Pinamumunuan ni Francisco Dagohoy ang pag-aalsa ng mga Boholano. Nagalit si Dagohoy nang
tanggihan ng kura na bigyan ng Kristiyanong libing ang kanyang kapatid na yumao. Pinatay niya ang pari
at hinikayat ang mga mamamayan ng Bohol na magrebelde at lumaban sa mga Espanyol. Namundok ang
may 20,000 rebelde at nagtatag sila ng isang malayang pamahalaan sa kabundukan. Ang rebelyong
pinamunuan ni Dagohoy ang pinakamatagal na rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Si Dagohoy ay
namatay sa sakit at katandaan. Ipinagpatuloy ng kanyang mga anak ang pag-aalsa. Ang pagrerebeldeng ito
ay nagsimula noong 1744 at tumagal hanggang 1829 – may kabuuang 85 taon. Hinsi sila nasupil ng 20
gobernador na Espanyol mula kay Gaspar dela Torre hanggang kay Juan Antonio Martinez. Nahuki sila sa
isang labanan ngunit pinatawad ng gobernador at pinahintulutang mamuhay nang payapa.

ANG REBELYON NG MGA SILANG (1762-17963)

Nag-alsa si Diego Silang laban sa mga Espanyol dahil ikinulong siya nang magpetisyon siya na alisin ang
pagpapataw ng buwis sa mga Indio (ang tawag sa mga Pilipino noon). Hinimok niya ang mga kababayan
na maghimagsik laban sa pangaabuso ng mga Espanyol nang siyia ay pakawalan. Nagtatag siya ng
sariling pamahalaan sa Vigan. Sinamantal niya ang pananakop ng mga Ingles sa ating bansa. Nakipag-
ugnayan siya sa mga Ingles upang makayanan ang pakikilaban sa mga Espanyol. Pinadalhan siya ng mga
sandata ng mga ito at nagsimula ang rebelyon noong Disyembre 14, 1762 sa Vigan.

Nagpadala ng puwersa si Arsobispo Bernardo sa Vigan upang supilin ang mga rebelled ngunit hinsi sila
nagtagumpay. Umupa ang mga Espanyol ng taong papatay kay Silang. Pinatay ni Miguel Vicos si Silang
noong Mayo 28, 1763. Si Vicos ay ang mestisong Espanyol na kaibigan ni Silang.

Ipinagpatuloy ng kanyang asawa, si Maria Josefa Gabriela, ang paghihimagsik ngunit sa kasamaang
palad, hindi rin nagtagal ang kanyang pagrebelyon. Pinatay siya ng mga Espanyol noong Setyembre 20,
1763.
ANG REBELYON NI PALARIS (1762-1764)

Pinamunuan ni Juan dela Cruz Palaris ang isang himagsikan sa Binalatongan, Pangasinan noong
Nobyembre 3, 1762. Nagtatag si Palaris ng isang malayang pamahalaan at ginawa niyang kabisera ang
Binalatonga

Appendix 13 AP56/Q4/W6
Ikalawang Araw, Grade 5

ANG PARTISIPASYON NG KABABAIHAN SA PAKIKIBAKA SA BAYAN

Gabriela Silang Gregoria de Jesus

Isinilang si Gregoria de Jesus sa Caloocan. Panganay siya sa magkakapatid at masasabing naging


maayos naman ang kaanilang buhay. Katatatag lamang ng Katipunan nang makilala niya si Andres
Bonifacio. Labingwalong taong gulang lamang siya samantalang tatlumpung taong gulang naman si
Bonifacio na isang balo. Bagaman tutol ang ama, napapayag niya itong makasal siya sa Supremo ng
Katipunan. Bago maikasal ang dalawa, sumapi na sa Katipunan si Gregoria de Jesus. Sa isang
pagpupulong ng mga Katipunero, nabuo ang isang sector na pambabae sa samahan. Si Josefa Rizal,
kapatid ni Jose Rizal, ay nahalalna pangulo at siya ang inihalal na pangalawang pangulo. Mahirap ang
naging kalagayan ni Oriang, kanyang palayaw, lalo na nang matuklasan ang Katipunan. Bilang
Lakambini ng Katipunan at asawa ng Supremo, siya ang tagapagtago ng mga lihim na dokumento ng
samahan.

Gliceria Marella de Villavicencio

Bagaman marami ang kumampi sa mga dayuhan, may mga miyembro rin ng mga mayayamang
angkan ang matapat na sumuporta sa layunin ng rebolusyon. Isa sa kanila si Gliceria Mmarella de
Villavicencio ng Taal, Batangas. Maaga siyang nagpakasal kay Eulalio Villavicencio sa gulang na 19.
Dahil parehong nagmula sa mayamang angkan at mahusay sa pagnenegosyo, mas napalago nila ang
kanilang mga ari-arian. Nang mapatay noong 1872 ang mga paring GOMBURZA, nagsimula na sai
Gliceria at ang kanyang asawa sa pagiging aktibo sa Propaganda. Nang si Rizal ay nasa Hong Kong,
nakipagkita sa kanya si Eulalio at nagbigay ng Php18 000.00 . Nang bumalik, may dala na itong mga
kopya ng Noli Me Tangere at ng El Filibusterismo ni Rizal. Ang mga ito ay kanilang ipinamigay.
Sinuportahan din ng mag-asawa ang rebolusyon ng 1896. Ipinagamit nila ang kanilang mga kamalig
para sa pagmimiting at pagpaplano ng mga Katipunero

Patrocinio Gamboa

Tubong Ilo-Ilo si Patroocinio Gamboa. Bagaman nagmula rin siya sa isang mayamang angkan ng
mga illustrado, kabilang siya sa mga naghahangad ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya.
Mahilig siyang magbasa ng mga komposisyon nina Rizal at Lopez Jaena. Hindi nagtagal,
sumapi na rin siya sa mga nagrerebolusyonaryo sa kanilang lalawigan. Hindi siya kaagad
pinagdudahan ng m,ga Espanyol dahil siya ay babae. Nakatulong siya sa paniniktik at sa
pagiipon ng pondo para sa rebolusyon. Naging aktibo rin siya bilang miyembro ng Red
Cross. Ang pinakatatanging bahagi ng kanyang pagiging kasapi ng puwersang rebolusyon ay
nang matagumpay niyang malampasan ang bantay ng kalaban sa Sta. Barbara, Iloilo.

Melchora Aquino

Kilala si Melchora Aquino bilang sa bansag na “Ina ng Katipunan”. Sa edad na 84, hindi siya
nag-atubiling magbigay ng tulong sa mga nasugatang Katipunero sa tuwing napapasabak ang
mga ito sa labanan. Dahil mayroon siyang palayan, nagging mainam na kanlungan ng mga
rebolusyonaryo ang kanyang lugar. Hindi rin siya nagging maramot na magbigay ng palay o
kalakal niya sa kanyang tindahan. Dito madalas niyang makausap si Andres. Siya ay hinuli at
ikinulong dahil sa kaniyang pagtuloong sa mga Katipunero. Siya ay ipinatapon sa Guam kung
saan tinanggap siya ng mag-asawang Pilipino. Pinili niyang magtrabaho sakanila kaysa
tumanggap ng libreng tulong. Nakabalik siya sa Pilipinas noong 1903, nang ang mga
Amerikano ay nasa bansa na. Namatay siya sa piling ng kaniyang mga anak sa edad na 107.

Teresa Magbanua

Nagmula sa mayamang angkan si Teresa Magbanua. Tubong Pototan, Iloilo uiya at pinag-
aral sa mahusay na paaralan. Nagtapos siya ng pagkaguro at sandaling nakapagturo. Nang
siya ay mag-asawa, ginugol niya ang panahon sa pag-aasikaso sa kanilang asyenda. Nahasa
pa niya ng lalo ang kanyang galling sa pangangabayo. Nang sumiklab ang rebolusyon,
sumanib siya sa kabila ng pagtutol ng kaniyang asawa. Naunang sumapi sa Katipunan ang
kaniyang dalawang kapatid na lalaki na pawing may mataas na katungkulan sa Katipunan.
Pinamunuan niya ang isang pangkat ng mga kalalakihan. Tumulong siya sa pakikipaglaban.
Nakilala siya sa kaniyang husay sa pamumuno at tinawag na Nay Isa.

Apendiks 14 AP56/Q4/W6
Ikalawang Araw, Grade 6
Pangkat 1-

Pumili ng iba’t ibang pangkabuhayan at iguhit sa kahon.

magsasaka pangingisda guro Nars


pulis doktor abogado Sundalo

Apendiks 16 AP56/Q4/W6
Ikalawang Araw, Grade 6

Pangkat 2

Panuto: Pumili ng isang isyu tungkol sa iIba’t ibang problema sa ating Panglipunan at isadula ito.
Apendiks 16 AP56/Q4/W6
Ikalawang Araw, Grade 6

Panuto: Bumuo ng isang rap tungkol sa ating kapaligiran.

Pangkat 3 - Pangkapaligiran
Appendix 17 AP56/Q4/W6
Ikalawang Araw, Grade 5
Pangkatang Gawain

Pangkat 1
Bakit nakipagdigma ang mga Pilipinong kababaihan para sa bayan?
Isalaysay sa klase gamit ng isang tula.

Pangkat 2
Gumawa ng isang dula- dulaan kung paano isinagawa ng mga Pilipino ang kanilang
Rebelyon?

Pangkat 3
Paano ipinakita ng mga sinaunang bayani natin ang kanilang pagtutol sa mga dayuhan gamit ng isang
poster.

Appendix 18 AP56/Q4/W6
Ikalawang Araw, Grade 6

Ano ang climate change o pagbabago ng klima?


Ang kahulugan ng climate change o pagbabago ng klima ay ang pagbabago sa karaniwang panahon
na dapat sana ay mangyari sa isang lugar.

Maaaring ito ay ang pagdami o pagkabawas ng pagdagsa ng ulan kadata-on sa isang lugar. O
maaaring ito ay isang pagbabago sa karaniwang temperatura ng isang lugar para sa isang buwan o
season.
Ayon sa mga eksperto, ang klima ng mundo ay laging nagbabago. Sa kanilang pag-aaral, ang
temperature ng mundo ay tumaas ng halos 1 degree Fahrenheit sa nakalipas na 100 taon. Mukha man
itong maliit lang, pero maari itong magdulot ng malaking epekto sa pagbabago sa buong mundo.

Ang epekto ng climate change at pagtaas ng temperatura sa mundo ay tumunaw sa mga niyebe at yelo
sa north at south pole, naka epekto din ito sa pagtaas ng tubig sa mga karagatan at tiyempo ng paglago
ng mga ibat-ibang halaman. Maraming mga bagay ang maaring maging dahilan at sanhi ng climate
change.
Likas na mga sanhi – Ang distansya ng araw sa Earth ay maaring maging sanhi ng climate change,
kapag ito ay malapit ay mas mainit, at pag malayo naman ay malamig. Maari ding maging dahilan ng
climate change ang pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan.

Kagagawan ng Tao – Ang climate change ay maaari ding maging sanhi ng mga gawain ng tao, tulad
ng mga pagsusunog ng Fossil fuels at ang conversion ng lupa para sa agrikultura at pagpapatayo ng
mga gusali. Mga buga ng mga sasakyan na carbon dioxide at pagsunog ng mga plastic ay isa rin sa
rason. Simula ng tayo ay dumating sa Industrial Age, ang impluwensya ng tao sa pagbabago ng klima
ay mas lalong nadagdagan.

Ano ang epekto ng climate change o pagbabago ng klima?


Ang mga sumusunod ay ang pwedeng maging epekto ng climate change:
Patuloy na pagtaas ng temperatura – Mas lalong iinit ang mundo
Paghaba ng panahon ng tag-init – Hahaba ang season ng tag-init at El Niño
Pagdagsa ng maraming bagyo – Dahil sa sobrang init nagbabago ang precipitation, may mga lugar na
hihina ang dagsa ng ulan at meron din lugar na dadagsain ng bagyo.
Pagtaas sa antas ng tubig dagat – Ang mga nyibe at yelo sa north at south pole ay matutunaw at
magiging dahilan ng pagtaas ng tubig dagat.

Appendix 19 AP56/Q4/W6
Pangalawang Araw, Grade 6

Ano nga ba ang extrajudicial killing?

Ito’y isang pamamaraan ng pagpatay sa isang tao o sa isang grupo ng tao na hindi dinaan sa proseso o
paglilitis ng korte. Kasama na rin dito pati ang pagpatay ng mga hindi taga-gobyerno. Basta’t pumatay
ka ng isang tao na hindi nilitis sa korte o hindi ipinag-utos ng korte ay tinatawag itong extrajudicial
killing.

Ang extrajudicial killing ngayon ay hot issue sa ating bansa dahil na rin sa pangunguna nang ating
Pangulo na si Pang.Rodrigo Duterte sa tinatawag na war on drugs. Hindi naman lingid sa kaalaman
nating mga Filipino na ayaw ng Pangulong Duterte sa droga. Simula nung maupo siya maraming mga
drug addict, dealer, pusher, at maging user ang sumuko ngunit sa pagsuko nilang ito maraming
natakot na drug addict kaya’t mga kapwa mga adrug addict nagpapatayan na. Ito’y masasabi nating by
nature na ni Pangulong Duterte ang pagka-ayaw niya sa droga at hindi naman niya kinakailang hindi
siya pumapatay simula nung siya’y nanungkulan at umupo sa kahit anong pwesto. Maraming natuwa
sa pagkakaupo ni Pangulong Duterte bagama’t mayroon ding mga natakot dahil sa masyado ngang
brutal kung tawagin ang Pangulo ngunit diba’y gusto natin ng pagbabago. Ito na ang hinihiling natin.
Pero bakit nga ba kailangan maraming buhay ng tao ang dapat mawala at maraming pamilya ang
dapat mangulila? Ang drugs ay talamak na sa ating bansa at ang bunga nga nito ay ang pagkarami ng
mga addict.

Appendix 20 AP56/Q4/W6
Ikalawang Araw, Grade 5

Panuto: Isulat sa Patlang ang tamang sagot

__________________1. Sino ang nagtatag ng lihim na samahan upang ipaglaban at makamit


ang muli ang kalayaan ng mga katutubong Pilipino?

__________________2. Anong Rebelyon ang Pinamunuan nina Felipe Catubay at Gabriel


taya gang paghihimagsik ng mga Gaddang sa Cagayan Valley.

__________________3. Sa anong taon ang Pag-aalsa ng Kapatiran ng San Jose (Rebelyong


Hermano Pule)

__________________4. Sino ang ang pinuno ng Rebelyong Malong?

__________________5. Sino ang Pinuno ng Rebelyong Sumuroy?

Mga sagot
1. Magat Salamat (1587-1588)
2. Rebelyong Gaddang
3. 1840-1841
4. Andress Malong
5. Juan Sumuroy

Appendix 21 AP56/Q4/W6
Ikalawang Araw, Grade 6

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod

1. Magbigay 5 dahilan ng Climate Change.

2. Ano ang Extra Judicial Killings (5 puntos)


Appendix 22 AP56/Q4/W6
Ikalawang Araw, Grade 6

RUBRICS SA PAGSULAT NG SANAYSAY

DIMENSYON 8-10 puntos 7-5 puntos 1-4

Pagkakabuo Angkop at wasto ang May iilang salitang Walang kaugnayan


mga salitang ginamit at hindi wasto ang
sa pagbubuo. Ginamit na hindi mga salitang
angkop at wasto ginamit.

Nilalaman Mabisang Hindi gaanong Hindi naipahayag


naipahayag ang naipahayg ng nang mabisa ang
mensahe ng mabisa ang nilalaman ng
sanaysay mensahe ng sanaysay
sanaysay
Appendix 23 AP56/Q4/W6
Ikalawang Araw, Grade 5

Paggawa ng poster

Panunto: Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita tungkol sa pag-aalsa ng mga Pilipino . Gamitin
ang bondpaper sa pagguhit.
Appendix 25 AP56/Q4/W6
Ikalawang Araw, Grade 6

Paggawa ng poster

Panunto: Gumawa ng isang poster na nagpapakita tungkol sa Extra Judicial Killings. . Gamitin ang
bondpaper sa pagguhit.
Appendix 26 AP56/Q4/W6
Ikalawang Araw, Grade 6

RUBRICS SA PAGSULAT NG SANAYSAY

Pamantayan sa Pagmamarka ng Poster

Pamantayan Indikador Kabuuan 100 Kabuua


% ng
Puntos

8-10 5-7 3-4

Nilalaman Ang mensahe Di gaanong Magulo ang 50%


ay mabisang naipakita ang mensahe
naipakita mensahe

Kaangkupan ng Angkop ang Hindi Nakapagsi- 25&


konsepto mga iginuhit sa masyadong mulang
paksa angkop ang mga gumawa pero
iginuhit sa hindi natapos
paksa

Pagkamalikhain Maayos, Maayos at Malikhain ang 25&


malinis at malikhain ang pagkakaguhit
malikhain ang pagkakaguhit ng ng mga
pagkakaguhit mga larawan larawan.
ng mga larawan
Appendix 27 AP56/Q4/W6
Ikatlong Araw, Grade 5

Panuto: Bilugan ang tamang sagot

1. Tumutukoy sa mga lupa, teritoryo, at kayamanan ng likas na pagmamay-ari ng mga


katutubo na naging dahilan ng pag-aalsang agraryo noong 1745.

a. eminent domain c. territoryal domain


b. ancestral domain d. foreign domain

2. Maraming naganap ng pag-aalsa sa panahon ng kolonya at ilan dito ay ang


sumusunod. Ano ang tamag pagkakasunod nito?

1840 1. Kapatiran ni San Jose


1762 2. Pag –aalsa ni Diego Silang
1744 3. Pag- aalsa ni Dagohoy
1660 4.Pag- aalsa ni Maniago

a. 4321 b. 4231 c. 4123 d.4312

3. Ang sumusunod ay dahilan ng pagkakabigo ng mga pag-aalsa ng mga Espanyol laban


sa mmga Filipino laban sa mga Espanyol malibansa isa

a. Topograpiya ng Pilipinas c.Kakulangan sa kahandaan at kaalaman


sa pakikidigma
b. Kakulangan sa pondo d. Kakulangan ng Pagkakaisa
4. Ang pagkakamatay ng Diego Silang ay hindi naging sagabal upang matigil ang
layunin na masugpo ang pagmamalabis ng Espanyol.
Ito ay ipinagpatuloy ng kanyang asawa na si ______?

a. Gregoria De Jesus c. Marcela Agoncillo


b. Teresa Magbanua d. Gabriela Silang

5. Ang lahat ng mga sumusunod ay dahilan ng pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa Mga
Espanyol maliban sa isa.
a. Sapilitang paggawa
b. Malupit ng pamamalakad ng ng mga Prayle
c. Representasyon sa Spanish Cortes
d. Mataas na buwis
6. Alin sa mga sumusunod ang iyong palagay ay mabuting idinulot ng digmaang
Espanyol at Ingles sa Maynila.
a. Namulat ang mga Pilipino na maaring taluninn ang mga Espanyol
b. Sinakop ang Pilipinas ng mga Ingles
c. Pumasong ang kulturang Ingles
d. Nagkaroon ng bahgong armas
7. Ang pag-aalsa ni Dagohoy ang tinaguriang pinakahabang pag-aalsa. Bakit kaya
nagtagal ito?
a. Maramin siyang tauhan
b. Marami siyang armas
c. Nahirapan ang mga Espanyol na tugusin
d. Hindi siya nawalan ng loob at pag-asa sa pakikipaglaban
8. Pinagtrabaho ng mga Espanyol ang mga katutubo tulad ng paggawa sa sasakyan
pantubig, walang pahinga at ipinadala sa malayong lugar. Kumolekta sila ng buwis sa
mga bata, matatanda at sa mga alipin. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Pang –aabuso sa mga katutubo
b. Pangpatupad ng tuntunin
c. Pangbibigay laya sa mga katutubo
d. Pagdisiplina sa mga katutubo.
9. Sino ang nagtatag ng lihim na samahan upang ipaglaban at makamit ang muli ang
kalayaan ng mga katutubong Pilipino?
a. Magat Salamat c. Andress Malong
c. Felipe Catubay d. Juan Sumuroy

10. Anong Rebelyon ang Pinamunuan nina Felipe Catubay at Gabriel taya gang
paghihimagsik ng mga Gaddang sa Cagayan Valley.

a. Andress Malong c. Juan Sumuroy


b. Rebelyong Gaddang d. Andress Malong

Appendix 28 AP56/Q4/W6
Ikatlong Araw, Grade 6
Panuto: Isulat sa patlang ang tama kung ang pangungusap ay tama, Isulat ang mali kung
ang pangungusap ay mali.

_________1. Ang OFW ay tinatawag na mga bagong bayani.


_________2. Ang OFW ay nagtratrabaho sa ibang bansa para sa kinabukaan ng
kanilang pamilya.
_________3. Pantay pantay lamang ang mga karapatan ng mga lalaki at babae.
_________4. Ang paggamit ng bawal na gamot ay nakakatulong sa ating kalusugan.
_________5. Ang pag-aabuso sa katawan ay magandang gawain.
_________6. Ang Climate Change ay ang pagbago ng ating klima.
_________7. Ang epekto ng Climate Change ay pagtaas ng temperatura sa buong
mundo
_________8. Ang Extra Judicial Killings ay pamamraan ng pagpatay sa isang tao.
_________9. Ayon sa eksperto, tumaas ng 1 degree Fahrenheit sa nakalipas ng 100 na
taon.
________10. Si Pangulong Rodrigo Duterte ang naguna sa War on Drugs.

You might also like