You are on page 1of 2

PAMAGAT: “Engkwentro”

AWTOR: Zelda Soriano

URI NG PANITIKAN: Maikling Kwento

BUOD: Isang sundalo na limang taon na hindi nakakauwi sa kanyang anak. Bilang isang
magulang tulad ni Pablo ay napakahirap na sitwasyon para sa kanyang pamilya ang kaniyang
propesyon dahil siya ay isang sundalo madalas siyang nadedestino sa mga engkwentro tulad na
lamang ng mga rally sa daan. Mga ralihista na lagi nilang hinaharang sa mga ambang pumasok
sa pamahalaan at magdulot ng gulo sa daan. Sa tagal na panahon na hindi pag uwi niya sa
kanyang tahanan ay tila malayo ang damdamin ng kanyang anak na si ineng. Kahit ang ama na
si Pablo ay mayroong pag aalangan sa kanyang pagkilos dahil hindi na alam kung paano maging
isang ama para sa kanyang anak na si ineng. Kaya ganun na lamang ang nararamdaman ng
kanyang anak dahil sa tagal na panahon na nawalay sa pamilya ay ngayon na lamang nagpakita
muli ang kanyang ama sakanya. Ngunit hindi nagpatinag ang ama at patuloy ang panunuyo sa
kanyang anak na si ineng na muli itong mapalapit sakanya at muling matawag na “tatay”. Kaya
ng kinagabihan ay nakatulog ang anak sa ibang higaan at kaya nama’y inilipat ito ng kanyang
ama sa higaan para tumabi sa kanilang mag-asawa. Dahan dahan niya itong ibinuhat at laking
gulat na lamang ng ama na bigla siya nitong tawaging “tatay” at dahil sa narinig niya halos hindi
matawaran ang ngiti sa kanyang mukha at niyapos nya ito ng mahigpit at hiniling na matawag
siyang muli ni ineng na “tatay”.

URL/KATEGORYA: http://waterfiction.blogspot.com/2008/09/engkwentro-by-zelda-soriano.html

ELEKTRONIK/PRINT: Elektronik (Google)

PAMAGAT: “Tuwaang: Ang Pagdalo sa Kasal (Epiko ng mga Bagobo)”

AWTOR: Geraldine Dela Cruz

URI NG PANITIKAN: Epiko

BUOD: Isang araw, si tuwaang, na siyang pinuno ng Kuaman ay nakatanggap ng mensahe na kailangan
niyang dumalo sa kasal ng Dalaga ng Monawon at Binata ng Sakadna. Ngunit agad siyang binalaan ng
kaniyang tiyahin na huwag magpunta, dahil nararamdaman nitong may masamang mangyayari sa kasal.

Sa kabila ng babala ng kaniyang tiyahin, hindi nagpapigil si tuwaang at dumalo pa rin sa magaganap n
kasalan. Dumating si Tuwaang sakay ng gungutan, isang malaking ibon. Nang dumating ang lalaki sa
Manawon, minasama ng binata ng Sakadna ang pagdalo ni Tuwaang. Iniutos nito na paalisin ang mga
bisitang hindi nararapat na naroon, Nainsulto si tuwaang sapagkat sa loob-loob niya, lahat naman sila’y
bayaning karapat-dapat na naroon at sinabi ni Tuwaang na isa rin siyang bagani kung kaya siya ay nasa
kasalan.
Nagsimula ang seremonya sa pag-aalay ng mga bisita ng mga mamahaling regalo. Ngunit nagparinig ang
Binata ng Sakadna na wala pa silang gintong plauta at gintong gitara. Tumulong si Tuwaang, at sa
kaniyang misteryosong hininga, siya ay Nakagawa ng gintong plauta, gitara at gong. Nang lumabas na
ang babaeng ikakasal, napanganga at namangha ang mga bisita dahil sa taglay na kagandahan nito.
Nagsimula itong magbigay ng nganga (tradisyon na butil na pagkain sa bisita). Pagkatapos ay tumabi kay
Tuwaang na ikinainsulto ng lalaking ikakasal.

Hinamon ng Binata ng Sakadna si Tuwaang sa isang D’welo. At upang lalong galitin ang Binata ng
Sakadna, sinuklay ng Babaeng ikakasal ang mahabang buhok ni Tuwaang. Sa labas ng bulwagan
nagharap si Tuwaang at Binata ng Sakadna, Nang dahil sa matinding labanan ay yumaniog ang lupa at
lahat ng mga puno ay nagbagsakan. Binuhat ng lalaking ikakasal si tuwaang at ibinato nang malakas sa
lupa. Lumubog ito at nakrating sa Hades. Doon niya Nakita si tuhawa, ang diyos ng Mundong Ilalim.
Sinabi ni Tuhawa na ang buhay ng binatang Sakadna ay nasa Gintong plauta. Kaya nang muling nakabalik
sa lupa si Tuwaang, binili niya nag gintong plauta at namatay ang lalaking dapat na ikakasal.

Nang makabalik si tuwaang sa bulwagan, agad siyang niyakap ng Dalaga ng Monawon. Umuwi si
Tuwaang sa Kuaman kasama ang babae at Gungutan at sila’y nagsama nang mapayapa at maligaya.
(NAOL DIBA!)

URL/KATEGORYA: https://angtuwaangepiko.wordpress.com/

ELEKTRONIK/PRINT: Elektronik (Google)

You might also like