You are on page 1of 8

Buod

Sa pagdiriwang ng pista ng San Juan, napagdesisyunan ng pamilyang


Moreta na pumunta sa lugar ng kanilang lolo upang bisitahin ito. Bago sila
umalis, pumunta si Dona Lupeng sa kusina. Nagtaka siya sapagkat wala ang
tagapagluto nilang si Amada. Hinanap niya ito at nadatnan na sumisigaw at
walang saplot ang kalahating bahagi ng katawan. Nagulat siya nang
makitang iba ang kalagayan at ikinikilos nito. Nang tanungin niya si Entoy
kung pumunta ba si Amada sa Tadtarin, oo ang naging sagot nito. Ayon kay
Entoy, makapangyarihan ang kaniyang asawa sapagkat ito ang Tadtarin,
ang kaluluwa nito ay nasa kaniya. Tumanggi si Entoy na pigilan o kaya ay
hawakan lamang si Amada dahil kung gawin niya ito, maaaring ang mga
pananim ay hindi tumubo, mamatay ang mga hayop, o kaya ay mawalan ng
isda sa mga ilog.

Nang sila ay patungo na sa lugar ng kanilang lolo, napadaan sila at


nasaksihan ang prusisyon para sa pagdiriwang ng pista. Basang-basa ang
damit ng mga taong nakikiisa at ang mga dumadaan ay kanila ring
binabasa. Sila ay masiglang sumisigaw ng “San Juan! San Juan!” Ang grupo
ng mga kabinataan ang may hawak ng imahe ni San Juan. Lubos na nainis si
Dona Lupeng sa kaniyang nasaksihan. Sa tingin niya, ang mga gawi o kilos
nila ay hindi akma o nararapat. Samantala, napansin ni Don Paeng na ang
kanilang pinsan na si Guido ay naroon.

Nang makahapon, muling nagkakita at nagkausap sina Dona Lupeng


at Guido. Si Guido ay nag-aral sa Europa kaya ang kaniyang mga pananaw
ay lubos na kakaiba kumpara sa ibang kalalakihan. Ipinahayag niya ang
paghanga sa kagandahan ng Tadtarin sa katauhan ni Amada. Hindi sumang-
ayon si Dona Lupeng dito. Tinukoy niya ito bilang kanilang tagapagluto.
Dagdag pa niya, ito ay mataba at may edad na, ngunit hindi pa rin nagbago
ang pananaw ni Guido ukol dito. Dahil nga rito ay napunta ang kanilang
usapan sa Tadtarin. Ayon kay Guido, noong unang panahon ay ang mga
kababaihan ang itinitingala, samatala ang mga kalalakihan naman ang
itinuturing na mga alipin. Nang akmang aalis na si Dona Lupeng ay biglang
mataimtim na hinalikan ni Guido ang kaniyang sapatos. Bilang tugon, dali-
daling umalis si Dona Lupeng.

Nang sila ay makauwi, napansin ni Don Paeng na may kakaiba sa


ikinikilos ni Dona Lupeng. Isinalaysay nito ang nangyari. Nagpahayag ng
pagkainis si Don Paeng sa mga kabinataan tulad ni Guido sa kasalukuyang
panahon na iyon. Ayon sa kaniya, ang mga kababaihan ay dapat na
minamahal at nirerespeto. Ngunit mistulang nabigo si Dona Lupeng sa
naging sagot ng kaniyang asawa. Napagtanto niya na siguro ay mas gusto
ng mga kababaihan na hinahangaan kaysa nirerespeto.

Nang gabi ring iyon, ipinahayag ni Dona Lupeng ang pagnanais na


masaksihan ang Tadtarin sa huling pagkakataon sapagkat iyon ang ikatlo at
huling gabi ng pagdiriwang nito. Nagulat si Don Paeng sa narinig mula sa
asawa. Noong una ay lubos itong hindi sumasang-ayon ngunit nang
ipagdiinan ni Dona Lupeng na siya ay pupunta, kasama niya man ang asawa
o hindi. Si Don Paeng ay walang ibang magawa kung hindi samahan ang
kaniyang asawa.

Ang pagdating nila sa pangyayarihan ng seremonya o ritwal ang


naging hudyat na rin ng pagsisimula nito. Maririnig na sumisigaw ang mga
kakabaihan na may taklob na itim sa paligid ng kanilang mga balikat. Sa
gitna nila, makikita ang Tadtarin sa katauhan ng isang maliit at may edad
nang babae. Sa kabila ng ingay at gulo, siya ay malumanay na lumalakad
nang may dignidad. Mayroon siyang hawak na “wand” sa isang kamay at
tumpok naman ng punla ang makikita sa kabila. Sa likod niya, makikita ang
grupo ng kababaihan na may hawak ng maliit na itim na imahe ni San Juan.
Ito ay nagpakita ng matinding pang-iinsulto sa panig ng mga kalalakihan.
Nang mistulang magaganap na ang kamatayan ng Tadtarin o ng matandang
babae, na bahagi ng ritwal, ang lahat ng tao ay nagkagulo. Hinawakan ni
Don Paeng si Dona Lupeng upang umalis at makalayo na rito ngunit
nagpumiglas ito sa hawak niya at nakiisa sa karamihan ng babaeng
masayang nagdiriwang at sumasayaw. Hinabol niya nito ngunit natagpuan
na lamang niya ang kaniyang sarili sa pagitan ng mga kababaihan. Hindi
siya makaalis dito kaya hinahamak niya ang lahat ng kaniyang madadaanan.
Bunga nito, bugbog, hampas, at suntok ang natanggap niya mula sa kanila
hanggang siya ay makalabas mula rito.

Nang sila ay makauwi na sa kanilang tahanan, akmang bubugbugin o


sasaktan ni Don Paeng ang asawa dahil sa mga gawi nitong para sa kaniya
ay hindi tama at katanggap-tanggap. Umalma si Dona Lupeng at sinabi na
gusto lamang ng kaniyang asawa na makaganti mula sa mga sugat at galos
na natamo nito. Nagkaroon ng mahaba-habang pagtatalo ang dalawa ngunit
nauwi lahat nang ito sa pabor ni Dona Lupeng. Sumuko rin si Don Paeng.
Nais ni Dona Lupeng na hangaan at sambahin siya ng asawa sa
pamamagitan ng paghalik nito sa kaniyang paa. Sa huli, ginawa ito ni Don
Paeng nang taimtim.
Analisis

Unang Pangyayari

When Dona Lupeng entered the room, the big half-naked


woman sprawled across the bamboo bed stopped screaming.

Her sweat-beaded brows contracted, as if an effort to


understand. Then her face relax, her mouth sagged open
humorously, and rolling over on her back and spreading out her
big soft arms and legs, she began noiselessly quacking with
laughter—the mute jerking in her throat; the moist pile of her
flesh quivering like brown jelly. Saliva dribbled from the corners
of her mouth. -

Linya ng mga karakter

“It is the day of St. John: the spirit is in her.”

“The spirit is in her. She is the Tadtarin. She must do as she


pleases. Otherwise, the grain would not grow, the trees would
bear no fruit, the rivers would give no fish, and the animals
would die.”

Nang pumasok si Dona Lupeng sa silid na tinutulugan ng mag-


asawang sina Entoy at Amada, nagulat siya sa kalagayan at kakaibang
ikinikilos ni Amada—nakahiga ito, nakalahad ang mga braso at binti, at
makikita ang pagtulo ng laway sa bibig .Gayundin , nadatnan niyang
sumisigaw at walang saplot ang kalahating bahagi ng katawan nito. Nang
utusan niyang bumangon ito, tiningnan lamang siya nito. Kaya naman
tinanong niya si Entoy kung nagpunta ba si Amada sa Tadtarin. Oo ang
naging sagot ni Entoy. Naniniwala rin si Entoy na ang kaluluwa ng Tadtarin
ay nasa kaniyang asawa na si Amada. Tumanggi itong pigilan o kaya ay
hawakan lamang ito sapagkat maaaring magdulot ito ng hindi magandang
mga pangyayari tulad na lamang ng di pagtubo ng pananim at pagkamatay
ng mga hayop. Ayon sa kaniya, dapat gawin ng Tadtarin ang anumang nais
nito.

Patuloy na iniisip ni Dona Lupeng ang kaganapan na nasaksihan niya


kanina kaya habang patungo silang buong pamilya sa lugar ng kanilang lolo,
ikinuwento ito niya ito sa asawa na si Don Paeng. Ipinahayag ni Dona
Lupeng ang lubos na pagkabahala at pagtataka sa pagbabago ng trato ni
Entoy sa kaniyang asawa na si Amada sa sandaling iyon. Kung dati ay
minamaltrato at sinasaktan niya ito, mahihinuha mula sa pangyayari kanina
ang pagkamangha at pagkatakot niya rito. Bagaman ipinaliwanag ni Entoy
ang kadahilanan sa likod ng mga pangyayari ay hindi naman naniniwala sa
Dona Lupeng sa ganoong mga bagay.

Ikalawang Pangyayari

Up the road, stirring a cloud of dust, and gaily be drenched by


the crowds gathered along the wayside, a concourse of young
men clad only in soggy trousers were carrying aloft an image of
the Precursor. Their teeth flashed white in their laughing faces
and their hot bodies glowed crimson as they pranced past,
shrouded in fiery dust, singing and shouting and waving their
arms…

But Dona Lupeng, standing in the stopped carriage, looking


very young and elegant in her white frock, under the twirling
parasol, stared down on the passing male horde with increasing
annoyance.

When he bade her sit down because all eyes were turned on
her, she pretended not to hear; stood up even straighter, as if to
defy those creatures flaunting their manhood in the sun.

Linya ng mga Karakter

“Has the heat gone to your head, woman?”

Nang patungo na ang pamilyang Moretas sa lugar na pupuntahan ay


natunghayan nila ang prusisyon para sa pagdiriwang ng pista ng San Juan.
Ang mga tao ay masayang nakikiisa sa pag gunita nito sa pamamagitan ng
pagbabasaan ng tubig. Lumabas ang lupon ng mga kalalakihan na dala-dala
at iniluluklok ang imahe ni San Juan. Matatanaw ang pagkaaliwalas ng
kanilang mga mukha sa tuwing makikita ang kanilang mga ngipin sa
pagkatawa. Dahil sa tindi ng sikat ng araw, ang kanilang mga katawan ay
mistulang nangniningning na kulay pula habang sila ay lumalakad nang
masigla. Ngunit ang mga gawi nilang ito ang nagbunsod ng biglang
pagkainis ni Dona Lupeng. Lalong lumala ito nang hindi niya magustuhan
ang amoy na dala nila, na mistulang pinapaligiran ang kaniyang pandama.
Sa tingin niya, ang mga kilos nila na ito ay hindi tama. Ayon pa sa kaniya,
masyado nilang ipinapahayag o ipinpakita ang kanilang pagkalalaki sa gawi
nilang ito kaya inisip niya kung ano nga ba ang gusto o nais nilang
patunayan. Gayundin, ipjnahayag niya ang kaniyang matibay na paniniwala
na wala ang mga kalalakihan kung walang mga kababaihan. Ang mga
kababaihan ang siyang may kakayanan upang hubugin o buohin ang imahe
ng mga kalalakihan kaya naman nasa kanila rin ang kakayahan na buwagin
o kaya ay sirain ito.

Inabala ni Don Paeng ang pag-iisip nang malalim ni Dona Lupeng


nang tawagin at kuhain niya ang atensyon nito upang bumalik ang kaniyang
malay sa kasalikuyang pangyayari. Nagulat si Dona Lupeng at nagmadali
siyang umupo na. Nagtawanan ang tatlo niyang anak na lalaki. Siya rin
mismo ay nagulat sa kakaibang mga pag-iisip at palagay na pumasok sa
kaniyang isipan. Sa tingin niya nadala siya nang matindi niyang pagkainis.
Bunga nito, matinding pagkamuhi ang naramdaman niya sa kasalungat na
kasarian.

Ikatlong Pangyayari

As she lifted her skirts to walk away, the young man, propping
up his elbows, dragged himself forward on the ground and
solemnly kissed the tips of her shoes. She stared down in
sudden horror, transfixed—and felt her violent shudder. She
backed away slowly, still staring; then turned and fled toward
the house.

Linya ng mga karakter

“I remember that you are a woman, yes. A beautiful woman.


And why not? did you turn into some dreadful monster when
you married? Did you stop being a woman? Did you stop being
beautiful? Then why should my eyes not tell you what you are—
just because you are married?

Muli ngang nagkausap sina Dona Lupeng at Guido. Nabanggit ni Dona


Lupeng na nakita nito ang presenya niya, ayon sa kaniyang asawa, sa
prusisyong naganap. Si Guido ay nag-aral sa Europa kaya ang mga pananaw
niya pagdating sa karamihan ng mga bagay ay naiiba kumpara sa ibang
mga kalalakihan. Tumawa si Guido at ipinahayag kung gaano niya
ikinatutuwa ang mga pistang nagaganap dito. Napunta ang kanilang usapan
sa Tadtarin. Lubos na ipinahayag ni Guido ang kaniyang paghanga rito.
Para sa kaniya, ito ay maganda. Umalma si Dona Lupeng at sinabing ito ay
ang kanilang tagapagluto. Dagdag niya, mataba ito at may edad na. Ngunit
ayon kay Guido, hindi nababatay ang kagandahan sa paglipas ng panahon.
Ipinakita rin nito ang pagtangi o paghanga niya sa kagandahang taglay ni
Dona Lupeng. Sinabihan niya ito na maganda. Hindi natuwa si Dona Lupeng
sa pahayag na ito ni Guido sapagkat ayon sa kanya hindi nararapat na
sabihin ito sa kaniya sapagkat siya ay kasal at may asawa na. Sumagot si
Guido at sinabing hindi naman nawawala ang kagandahan kapag ikinasal na
ang isang tao. Tama lamang na sabihin kung ano ang nakikita ng kaniyang
mga mata. Lalo pang lumalin ang kanilang pag-uusap. Ayon pa kay Guido,
ang kakabaihan ang nasa itaas at itinitingala ng mga kalalakihan na mga
alipin lamang noong mga unang panahon. Nang akmang aalis na si Donya
Lupeng ay dali-daling hinalikan ni Guido ang sapatos nito. Nagulat siya at
nagmadali na lamang na makalayo rito.

Nang pagbalik na ang mag-asawang Don Paeng at Dona Lupeng sa


kanilang bahay ay napansin ni Don Paeng na mayroong kakaiba sa ikinikilos
ng kaniyang asawa. Isinalaysay nga ni Dona Lupeng ang nangyari at
ikinainis ito ng kaniyang asawa. Ayon kay Don Paeng, dapat ay iginagalang
at inirerespeto ang mga kababaihan. Nang makita ni Dona Lupeng ang
reaksyon ng asawa ay nadismaya ito. Sinabi niya sa kaniyang asawa na
maaaring gusto ng mga kababaihan na sila ay hangaan at samabahin kaysa
mahalin at respetuhin.

Ikaapat na Pangyayari

The crowd parted, and up the street came the prancing,


screaming, writhing women, their eyes wild, black shawls flying
around their shoulders, and their long hair streaming and
covered with leaves and flowers. But the Tadtarin, a small old
woman with white hair, walked with calm dignity in the midst of
the female tumult, a wand in one hand, a bunch of seedling in
the other. Behind her, a group of girls bore aloft a little black
image of the Baptist—a cruel, primitive, grotesque image, it’s
big-eyed head too big for its puny naked torso, bobbing and
swaying above the hysterical female horde and looking at once
so comical and pathetic.

Don Paeng flushed hotly: he felt that all those women had
personally insulted him.

The old woman closed her eyes and owed her head and sank
slowly to her knees. A pallet was brought and set on the ground
and she was laid in it and her face covered with a shroud. Her
hands still clutched the wand and the seedlings.

Overhead the sky was brightening, silver light defined the


rooftops. When the moon rose and flooded with hot brilliance
the moveless crowded square, … unshrouded the Tadtarin, who
opened her eyes and sat up, her face lifted to the moonlight.
She rose to her feet and extended the wand and the seedlings
and the women joined in a mighty shout.

Dahil sa pagpupumilit ni Dona Lupeng na pumunta at masaksihan ang


huling gabi ng pagdiriwang ng Tadtarin, sinamahan siya ni Don Paeng.
Lubos na hindi sumasang-ayon si Don Paeng ngunit hindi niya kayang tiisin
at hindi pagbigyan ang kahilingan ng kaniyang mahal na asawa. Ang
kanilang pagkadating doon ang naging hudyat na rin ng pagsisimula nito.

Maririnig ang sigawan at ingay ng tao lalo na nang dumating ang


lupon ng mga kababaihan. na may taklob na itim na tela sa paligid ng
kanilang mga balikat. Sa gitna nila, makikita ang Tadtarin sa katauhan ng
isang maliit at may edad nang babae. Sa kabila ng ingay at gulo, siya ay
malumanay na lumalakad nang may dignidad. Mayroon siyang hawak na
“wand” sa isang kamay at tumpok naman ng punla ang makikita sa kabila.
Sa likod niya, makikita ang grupo ng kababaihan na may hawak ng maliit na
itim na imahe ni San Juan. Ito ay nagpakita ng matinding pang-iinsulto sa
panig ng mga kalalakihan. Hinawakan ni Don Paeng si Dona Lupeng upang
umalis at makalayo na rito ngunit kumidlat ng malakas—ang senyas na
nagpapahayag na malapit nang mamatay ang Tadtarin bilang bahagi ng
pagsasakatuparan ng ritwal. Ipinikit ng Tadtarin sa katauhan ng matandang
babae ang kaniyang mga mata, iniyuko ang kaniyang ulo, at lumuhod. Isang
higaan ang inilabas at nilatag siya roon nang may takip. Hawak pa rin niya
sa magkabilang kamay ang “wand” at tumpok ng punla. Umalis at naglaan
ng sapat na espasyo ang grupo ng kababaihan at tumangis. Samantala,
makikita sa kalangitan ang paglabas ng buwan, kasama nito ang
nakakasilaw na liwanag na taglay nito. Tinanggal ang telang nagtatakip sa
Tadtarin at muli itong nabuhay—tumayo ito at itinaas ang “wand” at tumpok
ng punla na hawak nito. Kasabay nito, muling narinig ang malakas na
hiwayan at sigaw ng mga tao. Nagpumiglas na pagkakahawak ni Don Paeng
si Dona Lupeng at nakiisa sa karamihan ng babaeng masayang nagdiriwang
at sumasayaw. Hinabol niya nito ngunit natagpuan na lamang niya ang
kaniyang sarili sa pagitan ng mga kababaihan. Hindi siya makaalis dito kaya
hinahamak niya ang lahat ng kaniyang madadaanan. Bunga nito, bugbog,
hampas, at suntok ang natanggap niya mula sa kanila hanggang siya ay
makalabas mula rito.

Ang mga nakaraang pangyayari ang nagbunsod kay Don Paeng na


bugbugin o saktan ang asawa pagkadating nila sa bahay. Para sa kaniya ang
mga naging gawi nito ay hindi tama at katanggap-tanggap. Umalma si Dona
Lupeng at sinabi na gusto lamang ng kaniyang asawa na makaganti mula sa
mga sugat at galos na natamo nito. Nagkaroon ng mahaba-habang pagtatalo
ang dalawa ngunit nauwi lahat nang ito sa pabor ni Dona Lupeng. Sumuko
rin si Don Paeng. Nais ni Dona Lupeng na hangaan at sambahin siya ng
asawa sa pamamagitan ng paghalik nito sa kaniyang paa. Sa huli, ginawa
ito ni Don Paeng nang may kataimtiman.

You might also like