Professional Documents
Culture Documents
MEDITERRANEAN
SI PYGMALION AT SI GALATEA
(SIMULA)
Nang katagalan ay umibig siya sa estatwa dahil tila lahat ng katangiang hindi nya
matagpuan sa kahit sinong totoong babae ay nasa kaniyang obra na.
(PATAAS NA PANGYAYARI)
Tuluyan nang nagbago ang mundo ni Pygmalion. Nauubos na ang kaniyang panahon sa
pakikipag-usap sa isang estatwang inaalayan rin niya ng mga regalo.
Naiiling na lamang ang mga tao at hindi malaman kung maaawa o matatawa ba sa
binata. Subalit walang halaga kay Pygmalion ang ano mang isipin o sabihin ng iba.
Naawa ang diyosang si Aphrodite sa kalagayan ng binata dahil hindi masuklian ang pag-
ibig nito.
(KASUKDULAN)
Narinig ng diyosa ang hiling ng puso ng binata kaya binigyan niya ito ng isang tanda.
Ang apoy mula sa sinunog na alay ay tatlong beses pumailanlang.
(PABABANG PANGYAYARI)
Pag uwi sa kaniyang tahanan mula sa templo ay agad niyang niyakap ang estatwa subalit
laking pagtataka niya ng maramdaman ang init ng katawan nito.
Nang halikan niya ang estatwa, nagtaka siya kung bakit malambot ang mga labi nito.
Nang titigan niya si Galatea ay lubos ang galak ni Pygmalion dahil buhay ang babaeng
pinakamamahal niya.
(WAKAS/KATAPUSAN)
(SARILING OPINYON)
Ang akdang ito ay nagsilbing inspirasyon para sa mga taong nagmamahal na huwag
mawalan pag-asa at patuloy na maniwala sa taong pinag-aalayan natin ng pagmamahal.
Nagpakita din ito ng mga bagay na ang pagbabago ng isang tao ay hindi imposible.
Dahil si Pygmalion na isang lalaking walang tipo sa mga babae ay natutong magmahal at
ialay ang kaniyang tiwala sa isang babaeng tila imposibleng maging kaniyang kabiyak.
Isang malaking kasalan ang inihahanda ng mga Hudyo sa bayan ng Israel. Isang maringal
at malaking kasalan na pinaghahandaan ng mahabang panahon.
Pinag-usapan ang mga detalye ng kasalan, lugar at mga paghahandang gagawin. Kung
magkano ang dote o bigay-kayang ipagkakaloob sa dalaga.
(PATAAS NA PANGYAYARI)
Nang matapos ang kasunduan ay lumayo muna ang binata upang ihanda ang kanilang
magiging tahanan.Halos isang taon ang kanilang pagkakalayo na sumubok sa katatagan
ng kanilang pagmamahalan.
Nang sumapit na ang gabing pinananabikan ng lahat ay unang pumunta ang binata sa
bahay ng dalaga upang ito ay sunduin.