You are on page 1of 2

Sina Pygmalion at Galate

Pagsusuri

Tauhan

Pygmalion- Si Pygmalion na pangunahing tauhan sa akda, ay isang bihasa


at mahusay na iskultor na hinahangaan ng maraming kababaihan ngunit sa
kabila nito, ay naging pihikan siya sa mga babae. Para sa kanya, ang
pakikipag-mabutihan sa mga kababaihan ay pag-aaksaya lamang ng oras at
pare-pareho ang kaniyang pananaw ukol sa mga ito. Iginugol niya ang
kanyang oras sa paglililok hanggang sa isang araw ay maiukit niya ang isang
estatwang nagpakita ng lahat ng katangiang inaasam niya sa isang babae.
Ipinangalangan niya itong Galatea.

Galatea - Si Galatea ang estatwang lubos na minahal ni Pygmalion at


itinuring isang tunay na kababaihan. Si Galatea ay nabigyang buhay ni
Aphrodite.

Aphrodite - Si Aphrodite ang ikinikilalang Diyosa ng pag-ibig sa akda na


nagbigay daan sa wagas ng pagmamahal ni Pygmalion para kay Galatea sa
pamamagitan ng pagbibigay buhay nito sa estatwa upang ang labis na
pagmamahal nito ay masuklihan din ng pagmamahal na nararapat lamang
para sa kanya.

Paksa

Si Pygmalion ay isang makisig na binatang eskultor na ilag sa mga


kababaihan dahil sa ugali ng mga ito. ang kanyang oras ay iginugugol niya sa
paglililok hanggang makagawa siya ng isang obra. Ang obrang ito ay isang
babae na nagtataglay ng mga katangian na nais niya para sa isang babae.
Pinangalanan niya ito ng Galatea at minahal ng totoo. Hindi niya inalintana
ang opinyon ng iba. Hanggang sa dumating ang araw ng pista at napag-
alaman ni Aprodite, ang diyosa ng pag-ibig at kagandahan ang tunay na
pagmamahal ni Pygmalion kay Galatea. Siya ay naantig at kanyang binigyang
buhay ang babaeng pinakamamahal ni Pygmalion. Sina Pygmalion at Galatea
ay nakabuo ng isang masayang pamilya kasama ang kanilang mga anak na
sina Paphos at Metharme. Bilang pasasalamat sa kabaitan ng diyosa, ang
kanilang pamilya ay taon-taon na nag-aalay sa templo ni Aprodite.
Banghay

Sa kuwentong sinuri, masasabing naging matalino ang may-akda sa


pagsasaayos ng mga pangyayari rito. Ang bawat senaryo ay konektado sa
isa’t-isa at hindi naging mahirap para paghambing-hambingin ang mga ito,
maging ng mga mambabasang nasa murang edad pa lamang. Organisado
ang daloy nito sapagkat magaling na napagkasunud-sunod ang mga
pangyayari magmula sa umpisa hanggang sa wakas. Nakapagdulot ito ng
kasabikan sa mga mambabasa at hindi pagkabagot. May kasiguraduhan ang
mga hakbang na ginawa sa pagsulat kaya’t hindi ito kakikitaan ng anumang
pagmamadali upang matapos.

Pananaw

Ang bawat tauhan sa akda at nagpakita ng malinaw na karakter/pagkatao


upang maintindihan nang maayos ang kwento base sa kanilang pagganap.
Angkop ang tagpuan, lugar at panahon sa gustong ipahiwatig ng akda. Sa
daloy ng pangyayari, madaling maintindihan ng mambabasa ang kwento.
Maayos na naihabi ang bawat elemento at emosyon sa akda. Bagama't hindi
na magkapareho ang panahon natin sa noon, ang akdang ito galing sa
mitolohiya ng mga Griyego, ay mabilis pa rin nating maiintindihan at
maiaangkop sa kasalukuyang panahon dahil sa nakapaloob na mensahe nito.
Ang magmahal nang lubos at totoo kahit anuman ang balakid na kahaharapin
ay ang aral na matutunan at matatandaan ng bawat mambabasa ng akda.

You might also like