You are on page 1of 2

ANG KWENTO NI PYGMALION AT NI GALATEA

Si Pygmalion, ang hari ng lungsod ng Cyprus ay napaka malas pagdating sa pagmamahal. Lagi
nalang siyang niloloko, pineperahan at higit sa lahat sinasaktan ng mga babaeng kanyang iniibig
ng tunay.

Ito ang dahilan kung bakit siya ay nalulumbay at nalulungkot. Ayaw na ayaw niya rin ang buong
kababaihan kaya naman napag desisyonan niyang wag nalang magpakasal at ituon nalang ang
kanyang mga oras sa pagpipinta.

Kung pagdating sa babae ay napakahina niya sa larangan naman ng pagpipinta ay napakalakas


niya. Sa loob ng kanyang palasyo makikita mo ang higit sa isang daang pintura niya.

Isang araw, gamit ang kanyang kasanayan sa pagpipinta, nakaisip siya ng napakagandang ideya
na kanyang pipinturahin. Siya ay nakapagpinta ng isang perpektong babae. Ito ay napaka ganda,
magandang mukha, mapupulang labi pakurbang katawan at napaka gandang ngiti.

Nagdaan ang ilang araw at gabi, si Pygmalion ay napamahal sa kanyang pintura. Pinangalanan
niyang Galatea ang perpektong babae. Araw-araw ay lagi niya itong kasama sa kanyang kwarto
at kinakausap niya pa ito.

Napaibig na nga ng tuluyan ang hari sa kanyang pintura, gabi-gabi ay katabi niya na itong
matulog, at pagsapit ng umaga ay kakausapin at lilinisan niya ito upang hindi kapitan ng
alikabok. Alagang-alaga ito ng hari.

Bumalik ang sigla ni Pygmalion, lagi na itong masaya at masigla.Siya ay nag pa pista bilang
pasasalamat kay Aphrodite. Gumawa rin siya ng isang templo ng nasabing diyosa.

Sa loob ng temple, siya ay nagdasal, “Mga diyos kung kaya niyong magbigay ng kahit na ano,
maari bang bigyan niyo ako ng babaeng tunay akong mamahalin, kahit yung katulad lang ng
aking ipininta”.

Si Aphrodite na kasalukuyang nasa temple na nagpanggap bilang isang rosas ay narinig ang
kahilingan ni Pygmalion. Siya ay nabighani at napabilib sa tunay na pagmamahal ni Pygmalion.
Tinpad nito ang kahilingan ng hari.

Pag uwi ni Pygmalion hinanap niya ang kanyang pinturang si Galatea upang halikan sana dahil
ito ang kanyang nakaugalian. Nakita niya ito sa kanyang kama ngunit wala ang pintura ni
Galatea, ang tanging natitira na lamang ay ang parisukat na kahoy na may blanking papel.
Napangiti si Pygmalion, tila baa lam niya na ang nangyari, may narinig siyang napakagandang
boses sa kanyang hardin. Doon, ay nakita niya ang isang napakagandang babae na
nakikipaghabulan sa mga paro-paro.

Alam niyang ang babaeng iyon ay si Galatea, ito’y kanyang nilapitan at mabilis na niyakap.
Ikinuwento ni Pygmalion ang lahat ng nangyari.

Hindi nagtagal ay nag mahalan ang dalawa at gumawa ng sariling pamilya. Hindi rin nila
makakalimutan ang pag papasalamat sa diyosa na si Aphrodite kaya naman bilang isang hari,
taon-taon ay nagpapa pista si Pygmalion sa kanyang lungsod, Ang pista ni Aphrodite.

You might also like