You are on page 1of 3

Suring-Basa ng Akdang "Pygmalion at Galatea"

I. Pagkilala sa May-akda

Ang mitolohiyang Pygmalion at Galatea ay isang kwento mula sa mitolohiyang Griyego. Ang may-
akda ng kwentong ito ay si Ovidius Naso, isang mangangatha at makata mula sa Roma. Ipinapakita ng
kwento ang kuwento ni Pygmalion, isang manlililok ng marmol na nagkaruon ng pag-ibig sa isang imahen
na kanyang nilikha. Ang Pygmalion at Galatea ay bahagi ng mga kuwento sa "Metamorphoses," isang
akdang pampanitikan na isinulat ni Ovid.

II. Layunin ng May-akda

Ang layunin ng may-akda sa kwentong “Pygmalion at Galatea” ay ipaalam sa ating mambabasa na


huwag tayong sumuko at habaan ang ating pasensya. Kailangang magkaroon tayo ng pananalig o
pananampalataya sa Diyos at matuto tayong magpasalamat sa mga bagay na ating natatamo.

III. Uri ng Panitikan

Ito ay masasabing isang uri ng Mitolohiya, sapagkat may mga diyos at dyosang karakter na
kabilang sa kwentong ito.

IV. Tema o Paksa

Ang mitolohiya ni "Pygmalion at Galatea" ay may tema ng kapangyarihan ng pag-ibig. Ito ay isang
kwento ng pagmamahal ni Pygmalion sa kanyang likhang sining na nagdulot ng buhay kay Galatea dahil
sa tulong ni Aphrodite. Binibigyang-diin nito ang kapangyarihan ng pag-ibig.

V. Mga Tauhan

1. Pygmalion - Ang manlililok na nagsilang ng isang kamangha-manghang istatwa ng isang magandang


babae na tinawag niyang Galatea.

2. Galatea - Ang likhang sining ni Pygmalion, isang magandang babae na nilikha sa anyo ng isang marbel
na istatwa. Siya ay nagkaroon ng buhay dahil ni Aphrodite.

3. Aphrodite - Ang diyosa ng pag-ibig at kagandahan. Siya ang nagbigay-buhay kay Galatea, bilang tugon
sa kahilingan ni Pygmalion.
VI. Tagpuan

Ang pangunahing tagpuan nito ay sa isang pulo sa Cyprus. Isa rin sa tagpuang nabanggit sa
mitolohiyang "Pygmaleon at Galatea" ay ang templo ni aphrodite kung saan nag-alay si Pygmaleon ng
baka sa Dyosang nabanggit. Mababasa sa kwento na ang lugar na pinangyarihan ay makaluma at
tradisyunal kung saan nabubuhay at nakikita pa ang mga Diyos at Diyosa.

VII. Mga Kaisipan

Nalikha ni pygmaleon ang perpektong imahe ni galatea dahil sa paglalaan niya ng maraming oras
at pagsusumikap sa paggawa nito. Ipinakita rito na ang matagal na paghihintay at pagsusumikap ay susi
sa tagumpay. Ang kanyang pasensya sa pagbuo ng kaniyang obra ay nagbunga ng magandang resulta.
Nagpakita rin si Pygmalion ng malalim na pananampalataya sa kanyang hiling na magkaroon ng buhay si
Galatea. Ipinakita nito na ang pananampalataya sa mga bagay na hindi nakikita ay maaaring magdulot ng
mga himala. Ang pananampalataya ay nagbibigay inspirasyon at lakas sa tao na harapin ang mga
pagsubok at mangarap ng mas maganda para sa kanilang sarili at sa iba. Sa mitolohiyang ito, maiipakita
na ang pasensya at pananampalataya ay maaaring maging mahalagang bahagi ng pagtahak sa landas
patungo sa tagumpay at pag-unlad sa buhay.

VIII. Balangkas/Buod ng Pangyayari

Si Pygmalion ay isang makatang griyego na kilala bilang isang magaling na iskulptor. Sa kabila ng
kaniyang kahusayan sa paglililok at angking kakisigan, siya ay ilag sa mga babae at mag-isa lamang sa
buhay. Isang araw, nilikha ni Pygmalion ang pinakamagandang estatwa ng isang babae na tinawag niyang
Galatea. Si Pygmalion ay umibig kay Galatea at inalagaan niya ito na parang tunay na tao. Habang si
Pygmalion ay nagdiriwang sa pisikal na karikitan ni Galatea, maraming tao ang naaawa sa kaniya dahil
iniisip nilang siya'y nahihibang dahil sa pagmamahal niya sa isang estatwa. Nang dumating ang araw ng
kapistahan ni Aphrodite, ang diyosa ng kagandahan at pag-ibig, nagpunta si Pygmalion sa templo nito
upang mag-alay at humiling na bigyan siya ng kasintahang katulad na katulad ng kaniyang babaeng
nililok. Narining ni Aphrodite ang kanyang kahilingan at sa kanyang awtoridad, binigyan niya ng buhay si
Galatea. Ang estatwang ito ay naging buhay na tao, at sila ni Pygmalion ay ikinasal at bumuo ng sarili
nilang pamilya. Bilang pasasalamat kay Aphrodite, hindi nila nalimutang mag-alay sa templo nito taon-
taon. Sa wakas, naging masaya at makulay ang buhay na tinatamasa nina Pygmalion at Galatea bilang
mag-asawa na siyang nagpatunay sa kapangyarihan ng pag-ibig.
IX. Teoryang Pampanitikan

Romantisismo- Ito ay kung saan ang isang tao ay nagkakaroon ng romantikong pag-ibig o pagmamahal
sa isang bagay na hindi buhay, kagaya ng isang lstatwa batay sa kuwento ni Pygmalion, ang isang
magiting na makata sa mitolohiyang Griyego na nagmamahal sa sariling likha na statwa na tinatawag
niyang Galatea.

Humanismo- Ang kuwento ni Pygmalion at Galatea ay nagpapakita ng paniniwala ng mga karakter sa


Diyosa na si Aphrodite. Ipinakita sa mitolohiya ang pananampalataya ni Pygmalion sa kagustuhang
makahanap ng mapapangasawang katulad ng kanyang minamahal na statwang si Galatea.

You might also like