You are on page 1of 1

PANALANGIN PARA KAY NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO

Katamis-tamisang naming mahal na Poong Jesus Nazareno Diyos at Manunubos ko, na


naglalakbay sa Kalbaryong pasan-pasan Mo ang Krus na pagpapakuan sa Iyo.
Akong abang makasalanan, na naging dahilan ng Iyong di masayod na hirap ay nagpupuri sa
Iyo at nagpapasalamat, na bilang maamong Kordero ay buong hinahong tinanggap Mo sa
ibabaw ng Iyong balikat ang kahoy ng Iyong kamatayan upang doon mawakasan ang aking mga
kasalanan at ng sandaigdigan.
Patawarin mo ako, O Butihing Jesus; inaamin ko ang aking mga sala at ako’y nananalig na
dahil sa kabutihan Mong walang kahulilip ay hugasan Mo ng Iyong Dugo. Iniibig Kita ng higit
sa lahat ng bagay, ipinangangako na ako’y magiging matapat hanggang sa oras ng aking
kamatayan. Patnubayan Mo ako, Diyos ko, ng Iyong biyaya at ihatid Mo ako sa landas ng Iyong
mga Utos diyan sa Iyong Langit na Kaharian. Sya Nawa. AMEN

AWIT PARA KAY NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO


Nuestro Padre Jesus Nazareno,
Sinasamba Ka namin.
Pinipintuho Ka namin.
Aral Mo’y aming buhay at kaligtasan.

Nuestro Padre Jesus Nazareno,


Iligtas Mo kami sa Kasalanan.
Ang Krus Mong kinamatayan ay
Sagisag ng aming Kaligtasan.

Chorus:
Nuestro Padre Jesus Nazareno,
Dinarangal Ka namin!
Nuestro Padre Jesus Nazareno,
Nilul’walhati Ka namin!

Nuestro Padre Jesus Nazareno,


Dinarangal Ka namin!
Nuestro Padre Jesus Nazareno,
Nilul’walhati Ka namin!

You might also like