You are on page 1of 2

GAWAIN 4

I. PAMAGAT- ANG PANDAY ni Amado V. Hernandez


II. KABISAAN
a. Bisa sa Isip
Ang "panday" ay sumisimbolo sa mga manggagawa ng bansa. Ang
"bakal" na siyang ginagamit ng panday ay sumisimbolo sa kanyang lakas
at bunga nito. Ang mga manggagawa ay napakahalaga. Sila ay
kayamanan ng bansa yamang tao kung ituring. Ang kanilang lakas ay siya
ring lakas ng bayan. Dugo't pawis ang kanilang puhunan. Ano mang klase
ng manggagawa ay kay laking tulong na, gamit ang kanilang kamay, kay
raming nagagawa.
b. Bisa sa Puso
Ang tulang "Ang Panday" ni Amado V. Hernandez ay tumutukoy sa
mga isyu hinggil sa mga manggagawa sa lipunan noon at maging sa
kasalukuyan. Inilarawan dito ang mga suliranin at kaapihan sa mga
manggagawa. Isinaad dito maging ang halaga at pakinabang ng mga
manggagawa. Kahit pa man niyayakap na ng mga tao ang paggamit ng
makabagong teknolohiya sa modernong panahon, hindi pa rin
maipagkakaila ang pangangailangan ng lakas ng isang manggagawa.
c. Bisa sa Sarili
Mula sa pagkain, tirahan, kagamitan at iba pang pangunahing
pangngailangan ng tao, lahat yan ay pinaghirapan ng manggagawa.
Walang pagkain kung walang manggagawang magtatanim at aani.
Walang tirahan kung walang papanday. Walang kagamitan kung walang
kamay na hahabi rin man. Importante ang mga manggawa sa bansa.
Napakalaking kawalan kung sila'y mawawala. Nakaka-awa dahil sila ay
minamaliit at hindi nakikita ang mga pagod at sakripisyo nila para sa
bansa.
d. Bisa sa Lipunan
Kahit pa man nariyan ang makinarya, kailangan pa rin nito ang tulong
ngisang manggagawa. Sa likod ng pakinabang at halaga ng
manggagawa, isang katotohanan ang sa lipunan ay umalingawngaw.
Hindi natin maiwawaglit sa ating isipan na may mgamanggagawang
patuloy na inaalipin. May mga manggagawang patuloy na sadlak sa hirap.
May mga manggagawang panay na kumakalam ang sikmura.
GAWAIN 4
III. MGA PUNA
May mga manggagawang pinagkaitan ng karapatan. Hindi na
lingid sa atin subalit hanggang sa kasalukuyan ay nabubuhay pa rin
ang mga suliraning iyon. Mababang sahod, palaging sobra ang oras
sa pagtatrabaho, minsanay hindi pa pantay ang pagbibigay, hindi pa
sa tamang oras ang pagbibigay ng sahod at higit sa lahat, minsan ay
napapawalang bahala lang. Ilan lamang ang mga suliraning ito ng
mga manggagawa sa lipunan.

Isang halimbawa na rito ay ang mga nagtatrabaho sa mga pabrika.


Napabalita kamakailan ang isang pabrikang nasunog. Maraming
manggagawa ang hindi nakalabas sa loob. Dahil lamang sa isang
hindi inaasahang insidente, maraming buhay ang nawala. Bunga nito,
maraming pamilya ang nagluksa at maraming tao ang nawalan ng
mahal sa buhay. Sa kasamaang palad, mayroon namang ilan na hindi
nakakatanggap ng benepisyo. May ilang pagawaan na hindi umano
nagbibigay benepisyo. Maaring nakasaad iyon sakanilang kontrata.
Samantala, ang iba naman ay lubhang delikado ang trabaho. Kahit pa
man may malaking benepisyo, nalalagay naman sa alanganin ang
buhay nila.

Tingnan natin ang mga minero, panday, mangangalakal at marami


pang iba. Batid nilang delikado ang kanilang ginagawa subalit
nakasubsob pa rin sila sa paggawa. Hindi nila alintana ang baho,
polusyon, at iba pa. Basta't ang sa kanila ay makapaglingkod at
mabuhay kahit pa nakataya ang kanilang mga buhay.

Sa mga kabataan, marahil ay hindi pa natin masyadong ramdam


ang sakripisyong inilaan ng mga manggagawa para sa atin. Marahil
ay natutulog pa tayo, ngunit panahon na upang tayo'y gumising at
bigyang pansin ang sa atin ay inilaan. Isa na riyan ang ating
kinabukasan na patuloy na pinagsisikapang maging maginhawa sa
tulong ng mgamanggagawa.

You might also like