You are on page 1of 9

Erica Mae Luntaga

by Eros Atalia
Brgy. magapok
Si Mong ay ipinadala bilang journalist sa Brgy. Magapok.
Pinapunta siya upang magsiyasat kasama sila Dex at Val.
Habang nasa daan, napansin niya ang kakaibang istratehiya
ng pagtrotroso sa lugar. Si Mong ay naglakbay sa
pamamagitan ng habal-habal isang malaking motor.
Naabutan sila ng malakas na ulan na nagpahirap sa piloto sa
biyahe lalo na sa kondisyon ng daang binabaybay nila.
Sinalubong agad sila ng Kapitan Lito at dalawang tanod na
sina Dencio at Dentor.

Unang gabi
Nagpalipas siya ng gabi sa Brgy. Hall. Nagkaroon sila ng inuman kasama ang
ibang kababata at ng kapitan. Napag-usapan nila ang istorya ng tatlong
Malakat. Una ay ang malakat-busbos, Ikalawa ang malakat-habhab, at ang
Pangatlo ay ang malakat-wakwak.

Unang araw
Napag-usapan nila Mong at Tata Berong ang mga pagdiriwang na gaganapin sa
Brgy. Magapok. Unang araw ay palaro, ang pangalawang araw ay kasakol at
ang pangatlo ay ang pinaka kapistahan ng Brgy. Magapok

Walang lumilipad na magapok


Ikinwento ng mga taga-Magapok ang sitwasyon ng barangay noong pumutok
ang Ikalawang Digmaan Pandaigdig. Kung paano madadala sa Poblacion ang
mga kalakal, eskwelahan, klinika at kapilya. Ibinida ni Tata Kune na malakas ang
benta ng palay. Habang nag-uusap, kinuhanan niya ang paligid at napuna ni
Mong na walang lumilipad na ibon, paru-paro at tutubi di katulad ng
kinagisnan niya.

May gumagapang sa magapok


Nakausap niya si Lumen na kababata niya at ang lola nitong si Nana Etang.
Napag-usapan nila kung paano sila nagkakilala noong bata pa sila at sinabi ni
Mong na ang unang akda niya sa tabloid, kung saan siya nagtrabaho, ay
ipinangalan niya kay Lumen.

You might also like