You are on page 1of 4

SET A

BUHAYIN ANG KABUNDUKAN


Ang mga kabundukan ay isa sa magagandang tanawin sa ating
kapaligiran. Taglay nito ang mga punungkahoy na nagbibigay ng ating mga
pangangailangan. Makikita rito ang sari-saring mga halaman na nakalulunas
ng ibang karamdaman, mga orkidyas, mga ligaw na bulaklak at mga hayop.

Ang mga punungkahoy at iba pang halaman ay tumutulong sa pagpigil


ng erosyon o pagguho ng lupa dulot ng ulan o baha. Nagsisilbi rin itong
watershed para sa sapat na pagdaloy ng tubig.

Subalit marami sa mga kabundukan natin ang nanganganib. Ang dating


lugar na pinamumugaran ng mga ibon at mga ligaw na bulaklak ay unti-unti
nang nasisira. Dahil sa patuloy na pagputol ng mga punungkahoy, marami na
ang nagaganap na mga kalamidad tulad ng biglaang pagbaha sa iba’t ibang
pook.

Sa pangunguna at pakikipagtulungan ng Department of Environment and


Natural Resources (DENR), ang ahensya ng bansa na tumutugon sa pag-aalaga
ng kapaligiran at kalikasan, ang pagkasira ng kabundukan ay nabigyan ng
solusyon. Ang reforestation o muling pagtatanim ng puno kapalit ng mga
pinutol o namatay na mga puno ay isa sa mga programa ng DENR. Maraming
tao ang natuwa dito at inaasahan nila na darating ang panahon na
manunumbalik ang kagandahan at kasaganaan ng mga kabundukan.

Mga Tanong:
1. Ano ang nakukuha sa kabundukan na tumutugon sa pangangailangan ng
tao?
a. bato
b. ginto
c. lupa
d. punungkahoy

2. Ano ang ginagawa sa punungkahoy na nagiging sanhi ng mga kalamidad?


a. pagsunog ng puno
b. pagtanim ng puno
c. pagputol ng puno
d. pagparami ng puno

3. Bakit nawawalan ng hayop sa kabundukan kapag nagpuputol ng mga


puno?
a. Naliligaw sila sa gubat.
b. Wala silang matitirahan.
c. Nakakain sila ng ibang hayop.
d. Madali silang nahuhuli ng tao.

4. Ano ang salitang kasingkahuluganng pagguho ng lupa? (Literal)


a. erosyon
b. kalamidad
c. reforestation
d. watershed

5. Ano kayang ugali ang ipinapakita ng mga taong patuloy na nagpuputol


ng mga puno ng kagubatan?
a. mapagbigay
b. masipag
c. sakim
d. tamad
6. Ano ang magandang maidudulot ng reforestation?
a. maiiwasan ang tagtuyot
b. maiiwasan ang pagbaha
c. maiiwasan ang pag-ulan
d. maiiwasan ang pagbagyo

7. Piliin ang angkop na kadugtong ng slogan na “Buhayin ang


Kabundukan: ”
a. Magtanim ng Mga Puno
b. Ilagay sa Hawla Ang Mga Ibon
c. Ilipat sa Kapatagan Ang Mga Halaman
d. Iwasan ang Pagkuha ng Mga Bulaklak

8. Ano ang koneksyon ng pagputol ng mga puno sa kagubatan sa pagbaha


sa kapatagan?
a. Sa kabatagan na babagsak ang ulan.
b. Kapag wala ng puno, madalas na ang pag-ulan.
c. Wala ng mga hayop na magbabantay sa daloy ng tubig.
d. Wala nang pipigil sa pagdaloy ng tubig mula sa kabundukan.

You might also like