You are on page 1of 2

School: Magallanes National High School Grade Level: 7

Teacher: Ma. Christina L. Siega Learning Area:ARALING PANLIPUNAN


Date June 30, 2021 Quarter: 3rd QUARTER

GRADE 7

Yugto ng Pagkatuto Paglinang


I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at
Pangnilalaman Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon sa ika-16 hanggang ika-20 na siglo.

B. Pamantayan sa Nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at


Pagaganap Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika – 20 na siglo).

C. Kasanayan sa - 1. Naipapaliwanag ang iba’t ibang manipestasyon ng nasyonalismo sa Timog at Kanlurang


Pagkatuto Asya

LAYUNIN a. Naipapaliwanag ang kahulugan ang nasyonalismo


b. Nakipagtutulungan sa pangkat na maghanda at magtanghal ng nakaatang na gawain sa
pangkat na may kinalaman sa nasyonalismo
c. Nakapagpapakita at nakapagbibigay ng mga paraan kung paano magpapakita ng
pagmamahal sa bayan.

II. NILALAMAN Aralin 2. ANG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLURANG ASYA
-Ang Papel ng Nasyonalismo sa Pagbuo ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya
III. KAGAMITANG
PANTURO LM p. 226
A. Sanggunian Interactive TV
1. TG at LM,
Teksbuk
2. Lapit Constructive, Integrative, Collaborative, Inquiry-based, Reflective
IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagtatala ng liban sa
klase
2. Balitaan Balitaan
3. Balik-aral Ating balikan ang aralin “Mga Karanasan at Bahaging Ginampanan ng mga Kababaihan Tungo sa
Pagkapantay- pantay. Ano naging epekto ng hindi pagkakapantay-pantay na karapatan ng mga
B. Panlinang na Aralin kababaihan at kalalakihan nuon at ngayon?
1. Paghahabi ng aralin
Activity (Motibasyon)
Iugnay ang larawan sa Hanay A sa pangalan nito sa Hanay B

Hanay A Hanay B

1.
a. Lapu-lapu
b. Jose Rizal
2. c. Emilio Aguinaldo

3.

Analysis
- Ano ang pagkakatulad-tulad ng mga taong nabanggit?
- Bakit nila ito ginawa?

Abstraction
2. Pagtalakay ng aralin Pagtalakay sa kahulugan ng nasyonalismo at dalawang anyo nito

Pagtalakay ng pangkat sa mga manipestayon ng nasyonalismo sa pamamagitan ng malikhaing


talakayan.
Unang Pangkat – pagkakaisa
Ikalawang Pangkat – pagtangkilik sa sariling atin
Ikatlong Pangkat – pagtatanggol sa bayan
Integration: MAPEH
Ano ang nasyonalismo at paano natin ito maipapakita?

Application
3. Paglalahat Kung sakaling dumating ang panahon na tayo ay lusubin ng China, ano ang iyong magagawa bilang
isang mag-aaral sa Grade 7?
4. Palalapat
Quiz # 3
Iguhit ang masayang mukha :) kung ang ipinapahayag ng pangungusap ay tama at malungkot na
mukha :( naman kung mali.
5. Pagtataya 1. Ang nasyonalismmo ay damdaming makabayan na maipapakita sa matinding
pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang-bayan.
2. May apat na anyo ng nasyonalismo sa Asya ito ay ang defensive nationalism, aggresive
nationalism, tame nationalism at offensive nationalism.
3. Ang pagkakaisa ng mga mamamayan ng isang bansa ay pagpapakita ng nasyonalismo.
4. Ang pagbili ng mga Pilipino ng mga imported products at panunuod ng concert ng mga
KPOP ay nagpapakita ng nasyonalismo.
5. Ang pagtatanggol sa bayan maging kapalit man ay buhay ay manipestasyon ng
nasyonalismo.

Bilang mag-aaral paano mo maipapakita ang iyong matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa


PAGNINILAY Inang-Bayan?

Bilang mag-aaral, ano ang iyong maibibigay na sariling mungkahi tungkol sa nasyonalism ng ating
bansa?

Submitted by:
MA. CHRISTINA L. SIEGA
SST1

Checked by:
LOURDES L JAMITO
AP/ESP Department Head

Observed by:
IVY H. BELDAD
Principal I

You might also like