You are on page 1of 2

SALIGANG BATAS 1987

Ang Saligang Batas ng Pilipinas ay ang pinakamataas na batas ng Republika ng


Pilipinas. Ang pinakahuling pagbabago rito ay noong 1987 sa panahon ng
panunungkulan ni Pangulong Corazon Aquino. Bago ito, nagkaroon ng tatlong saligang
batas na opisyal na kinikilala ng mga eksperto: 1935 (Commonwealth Constitution), 1973
(Marcos Era), at 1986 (Freedom Constitution). Bukod sa mga ito, nagkaroon din ng mga
saligang batas noong 1898 (Malolos Constitution) at 1943 (Constitution of the Japanese-
sponsored Second Republic), ngunit ito ay di nagtagal.

 Ang Saligang Batas o konstitusyon ang pinakamataas na batas ng isang bansa.

 Ito ang nagpapaliwanag sa uri ng pamahalaan, kapangyarihan ng mga pinuno,


karapatan ng mamamayan, at mga bagay na nauukol sa pamamahala ng bansa.

 Nagpapahayag ng soberanya at teritoryo ng isang bansa.

 Dito nasasaad ang iba’t ibang mahahalagang sangay ng pamahalaan at tungkulin


nito sa mamamayan

 Dito matatagpuan ang panuntunan tungkol sa karapatan, tungkulin, at


pananagutan ng bawat mamamayan.

 Ang lahat ng mga batas na gagawin at ipapatupad ay dapat naaayon sa Saligang-


batas.

 Nagsisilbing mahalagang instrumento sa pagkakabuklod ng mga mamamayan ng


bansa.

PREAMBLE
We, the sovereign Filipino people, imploring the aid of Almighty God, in order to
build a just and humane society, and establish a Government that shall embody our
ideals and aspirations, promote the common good, conserve and develop our
patrimony, and secure to ourselves and our posterity, the blessings of independence
and democracy under the rule of law and a regime of truth, justice, freedom, love,
equality, and peace, do ordain and promulgate this Constitution.
PREAMBLE TAGALOG VERSION
Kami, ang nakapangyayaring sambayanang Pilipino, na humihingi ng tulong sa
Makapangyarihang Diyos, upang bumuo ng isang makatarungan at makataong lipunan
at magtatag ng isang Pamahalaan nakakatawan sa aming mga mithiin at mga
lunggatiin, magtataguyod ng kabutihan sa bawat isa, mangangalaga at magpapaunlad
ng aming kamanahan, at titiyak para saming sarili at angkanang susunod ng mga
biyaya ng kalayaan at demokrasya sa ilalim ng pananaig ng batas at ng pamamahalang
puspos ng katotohanan, katarungan, kalayaan, pag-ibig, pagkakapantay-pantay at
kapayapaan, ay naglalagda at naghahayag ng Konstitusyong ito

ARTICLE I
NATIONAL TERRITORY

The national territory comprises the Philippine archipelago, with all the islands and
waters embraced therein, and all other territories over which the Philippines has
sovereignty or jurisdiction, consisting of its terrestrial, fluvial, and aerial domains,
including its territorial sea, the seabed, the subsoil, the insular shelves, and other
submarine areas. The waters around, between, and connecting the islands of the
archipelago, regardless of their breadth and dimensions, form part of the internal waters
of the Philippines.

ARTIKULO I
ANG PAMBANSANG TERITORYO

Ang pambansang teritoryo ay binubuo ng kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng


mga pulo at mga karagatan na nakapaloob dito, at lahat ng iba pang mga teritoryo na
nasa ganap na kapangyarihan o hurisdiksyon ng Pilipinas, na binubuo ng mga
kalupaan, katubigan, at himpapawirin nito, kasama ang dagat teritoryal, ang lalim ng
dagat, ang kailaliman ng lupa, ang mga kalapagang insular, at ang iba pang mga pook
submarina nito. Ang mga karagatang nakapaligid, nakapagitan at nag-uugnay sa mga
pulo ng kapuluan, maging ano man ang lawak at mga dimensyon ay nag-aanyong
bahagi ng panloob na karagatan ng Pilipinas.

You might also like