You are on page 1of 3

NAGA COLLEGE FOUNDATION INC.

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES


M.T. VILLANUEVA AVENUE, NAGA CITY

HATING-SEMESTRENG PAGSUSULIT
PANGALAN:_____________________________________________ KURSO AT TAON:________________

I. Mga Pangunahing Datos sa Buhay ni RIZAL


ISULAT ang TITIK ng tamang sagot BAGO ANG BILANG batay sa hinihinging
tanong sa bawat aytem.

1. Namayapa na ang pambansang bayani sa loob ng:


A. 123 B. 124 C. 125 D. 126 taon.
2. Ang gumawa ng miyural na may pamagat na “The Execution of Dr. Jose Rizal” ay si:
A. Napkil B. Botong C. Amorsolo D. Retana.
3. Ang kauna-unahang hotel na tinuluyan ni Rizal nang pumunta siya sa Hong Kong ay ang:
A. Victoria B. Trinidad C. Santiago D. Salvadora.
4. Pinakamalalim na dahilan kung bakit pinalitan ang apelyidong Mercado ng Rizal dahil:
A. iyon ang uso noon C. mainit na sa kanila ang mga Español
B.luho ng pamilyang Rizal D. mag-aaral si Rizal sa Ateneo.
5. Sa Daet, Camarines Norte ang may unang bantayog si Rizal sapagkat:
A. tumira siya sa bayang ito C. maalab ang nasyonalismo ng mga
Daeteño
B. may dugong Bikolano sina Rizal D. para mailagay sa Guiness Book of Record.
6. Isa sa mga salik kung bakit yumaman ang pamilyang Rizal ay ang:
A. pangangamkam ng lupa C. lahat sila ay nakapag-aral
B. malapit sila sa mga frayle D. katipiran sa buhay.
7. Ang kaugnayan ni Rizal sa KKK ay:
A. siya ang pasimuno nito C. siya ang unang Supremo
B. pangalan niya ang password D. kaibigan niya si Bonifacio.
8. May aso nang binaril si Rizal sapagkat:
A. isa itong pamahiin C. ang aso ang titiyak na wala nang buhay si
Rizal
B. pag-aalay ito sa namayapa D. matalik na kaibigan ni Rizal ang asong
iyon.
9. Ang batas na nagsasabing dapat pag-aaralan ang buhay ni Rizal ay ang R.A:
A. 1425 B. 2514 C. 1542 D. 1326.
10. Ang pangunahing sandata ni Rizal upang labanan ang opresyon sa panahon ng Español ay:
A. panulat B. baril C. pisikal na anyo D. yaman.
11. Ang babaeng minahal ni Jose Rizal sa Japan ay si:
A. Gertrude Beckett B. Nellie Bousted C. Petite Jacoby D. Seiko Usui.
12. Nagsulat si Rizal sa wikang Español sa sumusunod na dahilan MALIBAN sa:
A. Español ang target na mambabasa C. mahal niya ang banyagang wika
B. Español ang wika ng kaniyang panahon D. biktima si Rizal ng sistemang kolonyal.
13. HINDI totoong kaaway ng wikang Filipino si Rizal dahil sa sumusunod na patunay MALIBAN
sa:
A. pinagsalita niya si Simoun tungkol sa wika C. isinulat niya ang “Sa Aking Mga Kabata”
B. Tagalog ang kaniyang pangatlong nobela D. ipinasalin niya sa Tagalog ang Noli at Fili.
14. Naging karibal ni Rizal kay Nellie Bousted si:
A. Juan Luna B. Antonio Luna C. Gregorio del Pilar D. Manuel L. Quezon.
15. Ang budget na inilaan para maipatupad ang Batas Rizal ay:
A. 300K B. 350K C. 400K D. 450K.
16. Ang first love ni Jose Rizal ay si:
A. Leonor Valenzuela C. Segunda Katigbak
B. Leonor Rivera D. Josephine Bracken.
17. Ang ibig sabihin ng apelyidong Rizal ay:
A. maharlikang kamahalan C. dugong bughaw
B. palengkeng pamurahan D. lungtiang kabukiran.
18. Namatay si Rizal sa ganap na:
A. 7:00 B. 7:01 C. 7:02 D. 7:03 ng umaga.
19. Ang paboritong bulaklak ng pambansang bayani ay:
A. sampagita C. kadena-de-amor
B. ilang-ilang D. forget-me-not.
20. Umibig si Rizal sa kauna-unahang pagkakataon sa gulang na:
A. 13 B. 14 C. 15 D. 16.
21. Ang kauna-unahang barkong sinakyan ni Rizal ay:
A. Victoria B. Saavedra C. Pedrosa D. Salvadora.
22. Ang nanalong lahok na tula ni Rizal sa UST ay ang:
A. Sa Aking mga Kabata C. Sa Kabataang Filipino
B. Ang Aking Unang Inspirasyon D. Huling Paalam.
23. Ang kauna-unahang ibang bansang narating ni Rizal ay:
A. Hong Kong B. Tsina C. España D. Singapore.
24. Ang HINDI kabilang sa unang mga asignaturang pinag-aaralan ng mga ilustrado sa
panahon ni Rizal ay ang:
A. pagbasa B. pagsasalita C. pagsulat D. relihiyon.
25. Ang pabulang iniuugnay sa pambansang bayaning kaniyang isinulat ay ang:
A. Ang Pagong at Matsing C. Ang Madaldal na Pagong
B. Ang Pagong at Kuneho D. Ang Langgam at Tipaklong.

26. Ang HINDI kabilang sa mga hayop na natuklasan ni Rizal ay ang:


A. Apogonia Rizali C. Rhacophorus Rizali
B. Draco Rizali D. Protozoa Rizali.
27. Ang gumawa ng monumento sa Luneta ay si:
A. Fernando Amorsolo C. Carlo Nicoli
B. Richard Kissling D. Carlos Francisco.
28. Si Rizal mismo ang gumamot ng kaniyang:
A. tuberculosis C. dengue
B. malaria D. cancer.
29. Ang inukit ni Rizal ay ang sumusunod maliban sa:
A. Triumph of Science Over Death C. Triumph of Death Over Life
B. Sacred Heart of Jesus D. The Portrait of a Filipino
30. Ang HINDI kabilang sa huling habilin ni Rizal kapag patay na siya ay:
A. Ilibing siya sa Paco C. Huwag gunitain ang kaniyang kamatayan
B. Lagyan ng bakod ang kaniyang libingan D. Ilibing siya malapit sa bundok.
31. Ang isinanla ni Rizal para lamang makapag-eksam noong nasa España ay ang:
A. Noli Me Tangere C. singsing ni Saturnina
B. Hikaw ni Soledad D. alahas ni Paciano.
32. Sa anyo ng sining, hindi magaling si Rizal sa:
A. pagpipinta B. eskultura C. musika D. panitikan.
33. Ang pangatlong nobela ni Rizal na nasusulat sana sa wikang Tagalog ay may pamagat ang
unang kabanatang:
A. Makabayan B. Makatao C. Maka-Diyos D. Makamisa.
34. Ang sinulatan ni Rizal ng liham na ginamitan ng kahusayan sa Kemika ay si:
A. Segunda Katigbak C. Consuelo Ortiga
B. Leonor Valenzuela D. Josephine Bracken.
35. May mahabang diskurso si Rizal sa kakaibang usapin ng:
A. kulam B. mahika C. panata D. pag-ibig.
36. Ang tanging babaeng naiugnay kay Rizal na walang larawan ay si:
A. O-Sei-San B. Petite Jacoby C. Suzanne Thill D. Nelly Boustead.
37. Ang orihinal na numero ng silid na tinuluyan ni Rizal sa Paris ay:
A. 38 B. 40 C. 42 D. 44.
38. Pumunta si Rizal sa Paris batay sa dokumentaryong “Little Bad Boy” noong:
A. 1888 B. 1889 C. 1890 D. 1891.
39. Ang tanging lugar sa Filipinas na wala pang rebulto ni Rizal batay sa iWitness ay ang:
A. Caramoan B. Calatagan C. Laguna D. Zamboanga.
40. Ang samahang nabuo nina Rizal nang pumunta siya sa Paris ay ang:
A. Kulog B. Daluyong C. Bagyo D. Kidlat.
II. Mga Dokumentaryo kay RIZAL
Tukuyin kung saang dokumentaryo napanood ang mga inilalarawan sa bawat bilang. Isulat SA PATLANG
ang TITIK:
A. Ang Little Bad Boy
B. Ang Mahiwagang Ngiti ni Rizal
C. Ang Lihim ng Pamilya Rizal.
_______41. Sinabi rito na anak ni Saturnina si Soledad.
_______42. Pinatunayan ang hilig ni Rizal sa mga retrato.
_______43. Isinalaysay ang buhay ni Rizal sa Paris.
_______44. Ipinakilala ang isang dayuhang mataas ang paghanga kay Rizal.
_______45. Ipinakita ang hidwaan ng mga Alberto at Alonzo.
_______46. Sinasabi sa palabas na mala-Monalisa ang ngiti ni Rizal.
_______47. Ibinunyag ang pagpatay ni Juan Luna sa asawa at biyenan.
_______48. Maaaring maging bayani ang isang tao sa kabila ng hindi pagkakaroon ng perpektong pamilya.
_______49. Gustong-gusto ni Rizal na manood ng Moulin Rouge.
_______50. Sinabing muntik nang pakasalan ni Rizal si Nellie Bousted.

You might also like