You are on page 1of 2

Filipino 10

Aktibidad: Pagpupunla, pahina 231


Humanap ng mga salita na magkakaugnay o magkakauri sa loob ng kahon. Isulat ito sa
talahayanan.

nagtalo tumawa pumayag pasaring


tugon ibinaling hawak-kamay panunudyo
pagbibiro sagot sumang-ayon sa iba tumingin
ngumiti parinig nag-away magkadaiti

MGA SALITANG MAGKAUGNAY


1. Nagtalo Nag-away
2. Pagbibiro Panunudyo
3. Tugon Sagot
4. Parinig Pasaring
5. Pumayag Sumang-ayon
6. Ibinaling Sa iba tumingin
7. Ngumiti Tumawa

Aktibibdad: PAG-AANI B, pahina 238-239


1. Bakit kailangan pang udyukan ng ina ang anak upang magyaya na silang
pamilya ay makapamasyal?
- Para mapapayag ang kanyang ama dahil alam nito na hindi niya matatanggihan
ang kanyang anak.

2. Bakit ikinubli ng asawang babae ang tunay na layunin ng paglabas nila?


- Sapagkat alam nito na hindi papayag ang kanyang asawa.

3. Ano ang sinasabi ng mag-asawang hindi nila maintindihan?


- Kung bakit nagbago ang kanyang asawa.
4. Ilarawan ang ugali ng lalaki na pilit binabago ng asawa.
- Ang gusto na lamang nito ay mag-isa na kahit ang pamilya niya ay ayaw niyang
makasama.

5. Bakit hindi pa rin matanggap ng babae ang ugaling mayroon ang lalaki
samantalang apat na taon na silang nagsasama?
- Nararamdaman ng babae na parang hindi na ito masaya at napipilitan na
lamang.

6. Bakit ayaw baguhin ng lalaki ang ugaling kinalakihan na gusto niyang mapag-isa
at ayaw makihalubilo sa ibang tao?
- Sapagkat ito na ang kanyang laging ginagawa at nakasanayan na niya.

7. Kung mahal niya ang babae, bakit ayaw niyang mapag-usapan man lang ang
bagay na madalas nilang pagtalunan?
- Siguro nasa isip ng lalaki na maaaring lumaki lamang ang kanilang pagtatalo
kung pag-uusapan pa ito.

8. Gaano kahalaga ang hinihingi ng babae sa kanyang asawa?


- sobrang halaga dahil importante ang pakikihalubilo at pakikisama sa pamilya.

9. Ipaliwanag ang sinabi ng babae sa asawa na lumilikha siya ng sarili niyang


kalungkutan.
- Lahat ng iniisip nito o linilikha sa kanyang isip na maaring makapagpalungkot
sakanya ay isa sa dahilan kaya lumalayo ang kanyang loob sa kanyang pamilya.

10. Bakit ang tanging tunay na pag-ibig lamang nag tanging tugon sa magandang
pagsasamahan ng mag-asawa?
- Dahil kapag mahal mo ang iyong asawa ay magsasama parin kayo kahit gaano
man kahirap o kadali ang buhay. Lalo na kung malaki ang tiwala niyo sa isa’t isa.

You might also like