You are on page 1of 2

SOUTHERNSIDE MONTESSORI SCHOOL

Camella Homes IV, Poblacion, Muntinlupa City

Ikalawang Markahan
Baitang 6 Filipino
SY 2022 – 2023

Aralin #3
Pampanitikan
Pabula: Anino
Magandang –aral: “Pahalagahan ang angking katangian sapagkat ito’y handog sa iyo,
Iba rin sa katangiang taglay ng ibang tao.”
Talasalitaan: Kasingkahulugan
1. malaon - matagal
2. kasibulan – nagbibinatilyo o nagbibinata/nagdadalaga
3. tigib – puspos, puno
4. nagtataingang-kawali – nagbibingi-bingihan
5. pagal – pagod, hapo
Karagdagang Kaalamang Pampanitikan: Pagsulat ng Sanaysay
Ang sanaysay ay paghahanay ng sariling kaisipan, opinyon, paniniwala, at saloobin ng sumulat.
Ginagamitan ito ng piling mga salita. Maaari itong mahaba o maikli. Nagbibigay rin ito ng aral.
Katulad ng pagsulat ng kuwento, ito ay dapat may simulang nakapupukaw ng isip at damdamin.
Kailangan namang mayaman at may kaisahan sa kaisipan ang katawan o gitnang bahagi nito. Sa
huli, mabuting ilahad ng may-akda ang buod, kongklusyon, o aral na nais niyang ibahagi sa
sanaysay.

Pangwika: Aspekto ng Pandiwa


Ang aspekto ng pandiwa ay nagpapakita kung kailan nangyari, nangyayari, mangyayari o
kung ipagpapatuloy pa ang naganap na kilos.
1. Aspektong Naganap o Perpektibo – Ito ay nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos.
Ginagamitan ito ng unlaping nag-, gitlaping –um o –in, at hulaping –an.
Halimbawa:
Salitang –ugat Panlapi Perpektibo
linis nag- naglinis
punta -um- pumunta
tulong -in, -an tinulungan

Perpektibong Katatapos – Katatapos pa lamang ng kilos bago nagsimula ang pagsasalita.


Ito ay nasa ilalim ng aspektong perpektibo. Ginagamitan ito ng unlaping ka- at inuulit ang
unang pantig ng salitang-ugat.
Halimbawa:
Salitang-ugat Panlapi Perpektibong Katatapos
linis ka- kalilinis
punta ka- kapupunta
tulong ka- katutulong
2. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo – Ito ay nagsasaad na ang sinimulang kilos ay
patuloy pa ring ginagawa at hindi pa tapos. Ginagamitan ito ng unlaping nag-, gitlaping –
um, -in, inuulit ang unang pantig ng salitang–ugat at dinurugtungan ng hulaping –an kung
kailangan.
Halimbawa:
Salitang –ugat Panlapi Imperpektibo
linis nag- naglilinis
punta um- pumupunta
tulong -in, -an tinutulungan
3. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo – Ang kilos ay hindi pa nauuumpisahan at
gagawin pa lamang. Ginagamitan ito ng unlaping mag- at inuulit ang unang pantig ng
salitang-ugat o di kaya ay pag-uulit lamang ng isang pantig ng salitang-ugat at lalagyan
ng hulaping –an.
Halimbawa:
Salitang – ugat Panlapi Perpektibo
linis mag-/ -an maglilinis/lilinisan
punta mag-/ -han magpupunta/ pupuntahan
tulong -an tutulungan
Karaniwan at Di-karaniwang Pandiwa:
1. Pandiwang Karaniwan – Tawag sa pandiwang walang nagaganap na pagbabago kapag
nilapian ang salitang-ugat.
Halimbawa:
Salitang-ugat Panlapi Pandiwang Karaniwan
gawa -um- gumawa
saya mag magsaya

2. Pandiwang Di-karaniwan – Tawag sa pandiwang nagkakaroon ng mga pagbabago: may


pagkakaltas, pagpapalit ng posisyon, at pagbabago ng tunog kapag ito ay nilapian.
Halimbawa:
Salitang –ugat Panlapi Pandiwang Di-karaniwan
lipad -in- linipad= nilipad nilipad
tawid -in- tawidin= tawirin tawirin
dating - in- dinatingan= dinatnan dinatnan
halik -an- halikan= halkan, hagkan halkan, hagkan
tanim -an- taniman= tamnan tamnan
takot mang- mangtakot= mantakot
= manakot manakot
sira mang mangsira= mansira manira
= manira

Mga gawaing sasagutan nang pasulat/pasalita:


Batayang Aklat: Pluma 6

Panitikan:
 Sagutin Natin C – pahina 140

Pangwika:
 Subukin Pa Natin – pahina 148

You might also like