You are on page 1of 2

MGA URI NG BALITA

1. Balitang Lokal- mga balita na nagaganap sa loob mismo ng bansa.

Hal. "Isang apat na taong gulang na bababe ang nadagdag sa listahan ng mga nasawi sa sakit na dengue sa Pavia,
Iloilo."

2. Ulat Panahon- ang ulat panahon ay balitang pampanahon kung aaraw b o uulan.

Hal. "2 sugatan sa Gabaldon, Nueva Ecija dahilkay 'Lando'."

3. Editoryal- ang pangunahing tudling o kuro-kuro ng isang pahayagan. kumakatawan ito sa sama-samang
paninindigan ng patnugutan ng pahayagan kaya sinasabing kaluluwa ito ng publikasyon. Layunin nito sa pagbibigay
ng kuro-kuro ang mapagbatid, magpakahulugan, magbigay-puna, magbigay-puri, manlibang at magpahalaga sa
natatanging araw.

Hal . “Paninigarilyo sa pampublikong lugar . BALEWALA ang Republic Act 9211 (Tobacco Regulation Act of
2013). Sa ilalim ng batas na ito, ipinagbabawal ang paninigarilyo sa pampublikong lugar at mga confined o enclosed
areas gaya ng ospital, gusali, sinehan, school, bus terminal, elevator, mga airconditioned room, klinika at
recreational facilities para sa mga bata.

4. Pampalakasan- ang balitang pampalakasan ay tumatalakay sa mga pangyayari sa mundo ng isports.

Hal . “Pacquiao explains McGregor tweet: 'Pagbati lang' . Filipino boxer turned politician Manny Pacquiao shed
some light regarding his viral tweet last week wherein he appeared to call out mixed martial arts superstar Conor
McGregor.

5. Pangkabuhayan -tungkol sa mga mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa negosyo at takbo ng kabuhayan
ng bansa .

Hal . “Presyo ng manok bumaba, bigas tataas! Bumagsak ang presyo ng karne ng manok sa mga pamilihan sa bansa
dahil dumami na ang suplay nito bunga na rin ng pagbangon ng mga poultry suppliers sa Southern Luzon na
sinalanta kamakailan ng bagyong Glenda.

6. .Pang-edukasyon -tungkol sa mga pangyayari sa edukasyon sa ating bansa .

Hal “Digong, ama ng libreng edukasyon . SA kabila ng paghadlang ng kanyang mga economic managers,
pinirmahan pa rin ni President Duterte ang batas sa libreng edukasyon sa kolehiyo. Iyan ang tinatawag na political
will! . Kaya kahit binabatikos si Duterte sa kanyang marahas na pakikidigma sa droga, walang pasubaling ikinatuwa
ng buong bansa ang batas na nilagdaan niya na nagkakaloob ng libreng edukasyon sa mga mag-aaral sa lahat ng mga
pamantasan at kolehiyo ng pamahalaan. ”

7. .Pampolitika -tugkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa politika .

Hal . “China ibingay na sa Pinas ang $3-M halaga ng construction equipment . Naiabot na ng China ang $3 milyong
halaga ng heavy equipment na gagamitin sa rehabilitasyon ng Marawi City kasunod ng pagtatapos na kaguluhan
doon. Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez na natanggap na nila ang dump trucks, cement and mixers,
excavators at bulldozers. "We are thankful to the Chinese government for the swift and timely arrival of its donation
at the Iligan Port," pahayag ni Dominguez. ’’

8. .Pandaigdig-mga balitang nagaganap sa ibang bansa na mahalaga sa buong daigdig .

Hal . Dapat tuligsain lahat ng abuso ng China .PO RMAL na magprotesta laban sa anumang pambu-bully ng Beijing
sa West Philippine (South China) Sea. ‘Yan ang payo ni Supreme Court Senior Justice Antonio Carpio. Kung hindi
tayo umangal, aniya, ikakatuwiran ng Beijing na pumayag tayo sa ginawa nila. Halimbawa nito ang paglagay ng
Beijing kamakailan ng anti-aircraft at anti-missile systems at iba pang armas sa pitong bahura na ginawa nitong
artipisyal na isla.”

9. Balitang Showbiz - Ito ay ang mga ulat tungkol sa mga nangyayari sa buhay ng mga artista .

Hal . “Charice break na sa ka-live in! . Hiwalay na pala si Charice sa kanyang ka-live na isang dating singer din na si
Alyssa Quijano. Yup, lumayas na raw si Alyssa sa tinitirhan nilang apartment ni Charice bitbit ang kanyang mga
gamit at ilang hindi sa kanya diumano ayon sa source na nagkuwento kahapon. ”

You might also like