You are on page 1of 2

1.

Kinukunsidera ng Pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte na putulin ang ugnayan


sa Iceland matapos itong maghain ng resolusyon sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) na
naglalayong magrepaso sa katayuan ng karapatang pantao sa Pilipinas kabilang ang mga ekstrahudisyal
na patayan sa kampanya laban sa droga.

2. Lumapag na kalupaan ang Bagyong Falcon sa Pilipinas at nasa may paligid na


ng Gonzaga, Cagayan sang-ayon sa PAGASA o Pangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko,
Heopisiko, at Astronomiko.

3.Hinalal ng Parlamentong Europeo si Ursula von der Leyen (nakalarawan) ng Alemanya bilang bagong
Pangulo ng Komisyong Europeo. Sinundan si Jean-Claude Juncker, susumpa siya sa 1 Nobyembre 2019.
Siya ang unang babae na nahalal sa tanggapan na ito sa kasaysayan ng Unyong Europeo.

4. Nagdulot ng pagguho ng lupa at baha ang tatlong araw ng matinding ulan sa Nepal na nagresulta sa
hindi bababa sa 67 patay. Naapektuhan din ang Indya ng matinding mga baha, na nagresulta sa 34
patay, habang 29 iba ang namatay sa Bangladesh.

5. Isang buong eklipse ng araw ang nakita mula sa ilang bahagi ng Chile at Arhentina, at sa malawak na
kahabaan ng katimugang Pasipiko.
1. Paggamit ng Oplan Tokhang
sa counterinsurgency at panunupil sa mga progresibo
Araw-araw nang laman ng balita ang dumaraming bilang ng mga napapaslang sa
ilalim ng Oplan Tokhang, o ang giyera kontra ilegal na droga ng administrasyong
Duterte. Ngunit nakakalungkot rin isipin na hindi masyado naiuulat sa madla na
ginagamit na rin, hindi lang ng pulisya kundi pati ng militar, ang Oplan Tokhang
para supilin ang mga mamamayang kritikal sa mga institusyon ng gobyerno,
makapangyarihang mga tao, o iyung ipinaglalaban lang ang kanilang mga
karapatan.

4. Panunupil at paglaban sa Hacienda Luisita


Mahigit 12 taon na matapos ang masaker sa mga nagwelgang manggagawang
bukid sa Hacienda Luisita. Halos limang taon na ring pinal na iniutos ng Korte
Suprema ang asyenda para sa mga magsasakang benepisyaryo nito. Mula nang
maupo si Agrarian Reform Sec. Rafael Mariano, iginiit na nito ang agaran at
makatotohanang pamamahagi sa lupain ng Luisita, habang sinusuportahan ang
karapatan ng mga magsasakang benepisyaryo na pagtamnan na ang lupa.
Samantala, kung anu-ano nang modus operandi ang ginawa ng mga Cojuangco-
Aquino, at pinaiigting pa nito ang pandarahas sa mga magsasakang nagbubungkal
sa Luisita. Hindi nabibigyan ng sapat na coverage ang malagim na mga pangyayari
sa asyendang itinuturing na pinakatampok na halimbawa ng kabiguan ng pekeng
repormang agraryo ng nakaraang mga rehimen.

6. Neoliberal na oryentasyon ng K-to-12


Nang pumasok ang bagong akademikong taon, nakita ang mga kakulangan at
problema na dulot ng implementasyon ng programang Kindergarten-to-12 years
(K-to-12), tulad ng kakulangan ng pasilidad at mga guro. Nasa gitna na ng
transisyon ang sistema ng edukasyon tungo sa pagdagdag ng taon ng pag-aaral sa
antas ng sekundaryo.Nagiging pokus ng mga balita hinggil sa K-to-12 ang mga
problema sa implementasyon. Pero hindi nabibigyan ng pokus ang pinakaproblema
nito: na nakatuon ang programa sa pagluluwal ng murang lakas-paggawa para sa
dayuhang mga mamumuhunan at para sa pagpapaigting ng pag-aangkat ng lakas-
paggawa (labor export)–dalawang polisiya na inaasahan ng gobyerno na siyang
pagpapasok ng kailangang pondo

You might also like