You are on page 1of 2

REGIONAL TRIAL COURT

PASIG CITY
Judiciary ePayment Solutions

PAUNAWA SA PUBLIKO
Alinsunod sa OCA Circular No. 290-2022 simula 01 December 2022, lahat ng FIRST
LEVEL COURTS at apatnaput dalawa (42) na SECOND LEVEL COURTS kabilang ang
RTC, PASIG CITY ay magpapatupad ng Judiciary Electronic Payment Solutions
(JEPS). Ito na ang pangunahing paraan upang mabayaran ang mga legal na bayarin at
koleksyon ng hukuman para sa mga transaksyon na higit sa isang libong piso
(P1,000.00).

Mga Hakbang sa Pagbabayad sa Hukuman sa Pamamagitan ng JEPS

1. Gamit ang inyong computer o cellphone, buksan ang inyong web internet browser at
pumunta sa https://epayment.judiciary.gov.ph o i-scan and QR code and ito:

2. i-Click ang “Go to Assessment Calculator” ide-derekta ka nito sa pahinang


“Request Details”. Piliin ang uri ng serbisyo at uri ng pagbabayad. Pagkatapos ay click
Next.

3. Sa pahina ng “Court Details”, piliin ang mga sumusunod:

Region : NCR
Province : Metro Manila
Court Level : 2nd Level Court
Court Type : Regional Trial Court
Court Station/Office : PASIG CITY

4. Ipagpatuloy ang pagpuno ng lahat ng impormasyong kinakailangan “Case Details”.


Sa pahinang “Personal Information” tiyakin na may access sa email na ibinigay kung
saan ipapadala ang One Time Password (OTP).

5. Magpatuloy hanggang marating ang pahina ng “ASSESSMENT”. Makikita ang


breakdown at kabuuan ng mga kailangang bayaran. Suriin at kumpirmahin ang mga
detalye. Pagkatapos, i-click ang Proceed to Summary.

Ang assessment ay may bisa lamang sa loob na 30 araw. Tiyakin na mabayaran ang
kabuuang halaga sa loob ng panahong iyon.
6. Pagkatapos ay mapupunta ka sa pahina ng “Summary” upang suriin ang lahat ng
detalye na iyong ipinasok. Pagkatapos, i-click ang CONFIRM.
I-verify ang iyong email address sa pamamagitan ng paglagay ng One Time Password
(OTP).

Pagkatapos ay i-click ang PROCEED TO PAYMENT.

7. Bayaran ang mga itinakdang bayarin ayon sa napiling opsyon (Union Bank Online,
Bank or E-wallet Transfer, Instapay or Bank Transfer via PayGate/Pesonet).
Maliban sa Assessment Fee may karagdagang convenience fee na babayaran depende
sa napiling opsyon.

8. Matapos ninyong mabayaran, ire-redirect ka sa pahinang “Thank you”. Mangyaring


tandaan ang inyong ASSESSMENT NUMBER upang masuri ang status ng inyong
binayaran at upang masuri ang inyong Official Receipt sa TRACK CASE or REQUEST.

9. Pagkatapos, i-email and kopya ng Pleading (PDF Form) sa


rtcocc.psgjeps@gmail.com.

Isumite ang hard copy ng pleading sa Office of the Clerk of Court (OCC), Regional
Trial Court, Pasig City at ipresinta ang JEPS assessment number. Ang kopya ng
Official Receipt (OR) ay ibibigay matapos makompirma ang inyong pagbabayad.

Paalala, sa pagsasampa ng kaso, ito ay ida-docket lamang pagkatapos mabayaran at


matanggap ng Office of the Clerk of Court (OCC) ang mga pleading.

Para sa mga katanungan, maaring lumapit sa mga kawani ng OCC o ipadala ang mga
tanong sa rtcocc.psgjeps@gmail.com. Maari din kaming tawagan sa teleponong
8772-33-76

Maaring mapanood ang detalyadong Judiciary Electronic Payment Solutions for the
Courts JEPS Tutorial Video sa Supreme Court Official Youtube channel
https://youtu.be/EyURWORpTA. O i-scan ang QR code na ito.

You might also like