paboritong pahayagan. Gupitin ang balita at suriin ayon sa angkop na dulog nito. Pagkatapos, bumuo ng iyong sariling opinyon tungkol sa balita. Pagsusuri:
Ang balita na aking nakalap ay tungkol sa
mga magsasaka at mangingisda na itinuturing “poorest of the poor” o pinakadukha sa lipunan, ayon sa mga eksperto, batay sa datos ng Philippine Statistic Authority o (PSA).
Batay sa aking pagsusuri ang angkop na
dulog sa balitang ito ay Realismo sapagkat ito ang realidad o katotohanang nagyayari sa ating bansa, lalo na sa mga kapwa natin Pilipino na magsasaka at mangingisda, sab inga nila kung sino ang may mas mahirap na trabaho ay sila pa ang may mas mababang sahod at nasa mababang antas ng lipunan. Sosyolohikal, sapagkat binibigyan tuon sa pahayag na ito ang tunay na kalagayan ng mga panlipunang institusyon, gaya ng pamahalaan, pamilya, paaralan at iba pang nasasangkot sa lipunan, na angkop sa balitang ito sapagkat napakababa ang tingin ng karamihan sa industriya ng agrikultura sa ating bansa, kaya naman dapat natin silang bigyang pansin at pahalagahan dahil kung wala sila ay wala tayong makakain.
Opinyon:
Ang aking opinion sa balitang ito ay nararapat
nating bigyan pansin ang sector ng agrikultura, sapagkat napakababa ang tingin ng karamihan sa antas nila sa ating lipunan, lalo na ang mga taong nagtratrabaho sa sector na ito gaya ng Magsasaka at Mangingisda.
Kaya naman dapat nating mas tangkilikin
ang kanilang produkto, imbis na mag angkat sa ibang bansa, Dahil napapansin ko mas marami ang mga imported goods galing sa ibang bansa kaysa sa ating local na produkto. Kaya naman mas lalong naghihirap ang ating mga magsasaka at mangingisda. Sa tulong ng mga dulog na ito, mas lalong napukaw ang aking isipan at puso na mas bigyan sila ng pansin at tangkilikin ang sariling atin. Dahil naniniwala ako na ang tunay napag-asa ng bayan ay tayong mga kabataan kaya naman dapat nating gamitin ang mga panitikang ito upang mapukaw ang ating mga isipan sa realidad na nangyayari sa ating lipunan.
Gawaing Transformative
Group Activity
Mga Isyu Dulog na Ginamit Pagpapaliwanag
1. Climate Naturalismo, Ang ibat ibang
Change Eksistensyalismo. kalamidad, pagbabago at abnormal na mga pangyayari sa ating kapaligiran ay indikasyon na patuloy nang lumalala ang epekto ng climate change. Kaya naman sa pamamagitan ng mga panitikang ito nagkakaroon tayo ng ideya, at kaalaman kung paano natin matutulungan ang ating kapaligiran laban sa masamang epekto nito sating mga tao, hayop, sa lipunan, at sa pangkalahatan.
2. Extra Realismo, Ang mga
Judicial Eksistensyalismo, pangyayaring ito Killings at Sosyolohikal ay isa sa mga paksang maaring magamit sap ag gawa ng dulog pampanitikan. Sapagkat, sumasalamin ito sa kalagayan ng mga tao sa lipunan, at ang ahensyang namamahala sa mga ganitong pagkakataon. Dahil ang EJK o Extra Judicial Kiling ay isa sa mga isyung napapanahon at dapat bigyan ng pansin dahil sumasalamin ito sa madilim na sistwasyon ng ating lipunan at sangkatauhan.
3.Inflation Realismo, at Ang isyung ito
: Pag taas Sosyolohikal. ay sumasalamin ng Dolyar sa tunay na vs. Piso. kalagayan ng ating ekonomiya ngayon, sa pagbaba ng piso naapektuhan ang ating ekonomiya, na nagreresulta din sa inflation dahil sa pagtaas, at pagbabago ng presyo ng mga bilihin hindi lamang sa ating bansa pati narin sa buong mundo. Kaya isa ito sa magandang paksa na maaring gamitin sap ag gawa ng dulog pampanitikan, sapagkat napapanahon ito.