You are on page 1of 25

Piling Larang Akademik

Modyul 8: Pagtukoy sa
Katangian ng Isang Sulating
Akademiko
Filipino sa Piling Larang Akademik
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 8: Pagtukoy Sa Katangian ng Sulating Akademik
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magka-
roon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpa-
man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Benipie S. Atlas
Editor: Dodge Galang
Tagasuri: Ma. Theresa Austria
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Rommel C. Bautista, CESO V (SDS)
Elias A. Alicaya Jr., Ed.D (ASDS)
Ivan Brian L. Inductivo (ASDS)
Elpidia B. Bergado, Ed.D (Chief, CID)
Maribeth C. Rieta (EPS-Filipino)
Noel S. Ortega (EPS-LRMS)
Leonila L. Custodio, RL (Librarian II)
Julie Anne V. Vertudes (PDO II – LRMS)

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Schools Division Office of Cavite
Office Address: Capitol Compound, Brgy. Luciano
Trece Martires City, Cavite
Telefax: (046) 419 139 / 419-0328
E-mail Address: depedcavite.lrmd@deped.gov.ph
Filipino sa Piling Larang
Akademik
Ikalawang Markahan – Modyul 8:
Pagtukoy sa Katangian ng Sulating
Akademik
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang Akademik-


Baitang 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagtukoy
sa Katangian ng Sulating Akademik

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong ta-
gapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, pan-
lipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasa-
nayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.

Nilalaman ng modyul na ito ang mga gawain


susubok sa naunang kaalaman ng mga mag-
aaral. May mga pagtalakay din upang
mabigyang linaw ang kaalaman ukol sa paksa
nasusundan ng mga gawaing susukat sa na-
tutunan ng mga mag-aaral. Makikita rin ang
susing sagot sa huling bahagi at ang sanggu-
niang pinaghanguan ng mga gawain.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Piling Larang Akademik- Baitang 12 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagtukoy sa Katangian ng Sulating
Akademik

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pama-


magitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan
ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang
mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi
at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili
o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matu-


Alamin tuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaala-


Subukin man mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


Balikan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksy-
on.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


Tuklasin maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pam-
bukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa ara-


Suriin lin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang ba-
gong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay


Pagyamanin upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasa-
nay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng mody-
ul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang
Isaisip ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong na-
tutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


Isagawa maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sit-
wasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas


Tayahin ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain


Karagdagang Gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa na-
tutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain


Susi sa Pagwawasto sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


Sanggunian
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anu-
mang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pag-
sasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong
mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas na-
katatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyo bilang isang mag-aaral. Ito ay
makatutulong upang matutuhan ang tungkol sa pagtukoy sa katangian ng isang su-
lating akademiko. Ang sakop ng modyul ay magamit sa anomang kalagayan ng mag
-aaral. Ang mga salitang ginamit dito ay angkop sa lebel ng pang-unawa ng mag-
aaral na naaayon sa pamantayan nito.

Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademi-
ko.

Layunin:
Natutukoy ang mga katangian ng isang sulating
akademiko (talumpati).
Naipaliliwanag ang katangian ng isang sulating
akademiko (talumpati).
Naisasabuhay ang kahalagahan ng pagtukoy sa ka-
tangian ng isang sulating akademiko (talumpati).
Subukin

Basahin ang talumpati at tukuyin ang katangian nito

Kabataan sa Panahon Ngayon


Akda ni B.S.Atlas
Sa ating panauhing pandangal, punong guro, mga ulong guro, mga guro,
magulang, panauhin at kapwa ko mag-aaral, isang mapagpalang araw po sa kabila
ng pandemyang ating pinagdadaanan.
“ Natatawa sa atin kaibigan,at nangangaral ang buong mundo!
Wala na raw tayo mga kabataan sa ating mga ulo,” panimulang bahagi ng
awiting Awit ng Kabataan na kinanta ng Rivermaya. Isang malinaw na paglalarawan
sa uri di umano ng kabataan sa kasalukuyan kung saan tayo nagdaranas ng pande-
mya. Ano na nga ba ang nangyayari sa ating mga kabataan? Bakit tila nawawala na
tayo sa wastong kaasalan at wisyo?
Kapansin-pansin na kabi-kabila na ang mga reklamo sa ating mga kabataan.
Adik sa kompyuter at cellphone games, walang interes sa pag-aaral, palasagot sa
magulang, tamad sa tahanan at paaralan at hindi sanay nang nahihirapan. Malaking
pagkakaiba na sinasabing dulot ng pagbabago sa kapaligiran at teknolohiya.
Sa kabilang banda, patuloy pa rin naman ang pakikisangkot sa mga usaping
panlipunan. Katibayan dito ang samu’t saring komento sa social media. Lalo na at
kung sangkot ay kagaya nilang kabataan.
Sa madaling salita, hindi naman lahat ng pagababgo ay negatibo. May mga
positibo rin na dapat ding pansinin.

Pagsasanay A:
Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Anong litaw na katangian ng talumpating binasa?
A. Naglalahad ng argumento
B. Nagbibigay ng impormasyon
C. Nagpapalawak ng kaalaman
D. Nangangaral sa mga kabataan
2. Anong wika ang ginamit sa akda?
A. Balbal
B. Pormal
C. Impormal
D. Sosyohikal
3. Ilang bahagi nahahati ang akda?
A. Isa
B. Tatlo
C. apat
D. Dalawa
4. Anong estilo ang ginamit sa panimula?
A. Gumamit ng tula
B. Gumamit ng kasabihan
C. Gumamit ng tanong
D. Gumamit ng awit
5. Anong isyu ang tinalakay sa binasa?
A. Problema sa lipunan
B. Obserbasyon sa kabataan
C. Pagbabago sa mga kabataan
D. Pagkakaiba ng kabataan noon at ngayon
Pagsasanay B:
Isa-isahin ang mga namasid na katangian sa binasang teksto:
Wika:
Datos:
Paglalahad:
Estilo:
Aralin Pagtukoy sa Katangian ng
1 Isang Sulating Akademiko
(Talumpati)
Ang araling ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang malaman ang
mga paraan ng pagtukoy sa katangian ng isang sulating akademiko na nakatuon
sa talumpati. Bago ipagpatuloy ang pagtalakay sa paksa ay sagutan mo muna ang
mga susunod na gawain.

Balikan

Sagutin ang sumusunod na katanungan:

1. Naranasan mo na baa ng makapakinig ng talumpati?


2. Anong katangian ang taglay nito?
3. Ilarawan ang paggamit ng wika dito.

Tandaan: Tiyaking naunawaan at masunod ng mga mag-aaral ang


mga panuto sa pagsasagot. Makatutulong kung basahin munang
mabuti ngmga mag-aaral ang lahat ng bahagi at panuto bago ito simu-
lant. Ipinaaalala rin ng guro ang pagpapahalaga sa katapatan sa pag-
sasagot at pagwawasto nito.
Tuklasin

Ang talumpati ay isa sa akademikong sulatin na isinulat upang bigkasin sa


madla. Ang katangian ng talumpati ay:
May napapanahong paksa.- Upang makaugnay ang mga nakikinig sa
isang talumpati ay kinakailangang nararanasan o nakikita nila itong
nagaganap sa kanilang paligid.
Gumagamit ng pormal at angkop na wika.- Mahalaga ang paggamit ng
angkop at pormal na wika upang maunawaan ng lahat ng edad ng
tagapakinig.
May tatlong bahagi.- Nahahati ito sa simula, gitna at wakas
Makatawag-pansin at naghahatid ng impormasyon.- Kinakailangan ma-
kuha ang interes ng tagapakinig at gayondin dapat may maiwang
kaalaman ito sa tagapakinig.
Suriin
Pagsasanay A
Basahin ang talumpati sa ibaba. Punan ang tsart sa ibaba.
TALUMPATI TUNGKOL SA WIKA
Akda ni B.S.Atlas
Naimbag a malem! Mayap abuntag! Marhay na buntag kaninyo! Magandang
UMAGA sa inyong lahat! Mga Binibini at Ginoo, Isang mapagpalang araw ang sa ati’y
ipinagkaloob, upang pagdiriwang ng Buwan ng wika’y ating maranasan.Ito ay may
temang WIKANG KATUTUBO TUNGO SA ISANG BANSANG FILIPINO.
Iba ibang wika ngunit iisa ang puso. Ang pusong Pilipino. Sa kabila ng napa-
karaming wika na bumubuo sa Pilipinas ay binibigkis tayo ng dugong makabayan.
Pinatutunayan lamang na hindi hadlang ang pagkakaiba-iba ng wika upang
magkaisa tayong mga Pilipino.
Ang wikang katutubong sinuso ng mga tao ang nagsisilbing ugat ng kanyang
pagkakakilanlan. Sa kasalukuyan, ayon sa blog ng Phillipine Center for Investigative
Journalism, mayroon tayong 186 na wika samantalang 182 lamang ang buhay na
wika sa ating bansa. Sa dami nito, paniguradong mahihirapang magkaunawaan ang
Pilipino sa kapwa Pilipino. Ngunit ang nakapagtataka ay sa kabila nito ay patuloy pa
ring nakahahanap ng paraan upang magkaunawaan.
“Kung hindi natin ito aalagaan, manganganib ito; at kung pababayaan, maaari
pang maglaho nang tuluyan. Kapag naglalaho ang isang wika, tila may isang tahan-
an o kamalig ng ating alaala at tradisyon ang mawawala at di na mababawi kailan-
man,” sabi ni Almario. Huwag sana nating antayin na mamatay an gating wikang si-
nuso. Gamitin natin ito upang paunlarin at payamanin ang sariling atin. Gamitin na-
tin ito upang magbigkis tayo sa isip, sa salita at sa gawa.

Katangian Paliwanag
Wika
Bahagi
Nilalaman

Pagsasanay B:
Dagdagan ng nilalaman ang binasang talumpati. Magtala ng 10 detalyeng maaaring
isama rito.
Pagyamanin

Mula sa binasang talumpati, sagutin ang mga tanong sa ibaba.


Ano ang pagkakaiba ng katangian ng talumpati sa iba pang akademikong sulating
iyong nabasa?
Gaano kahalaga ang paglalapat ng kaalaman sa isang talumpati?
Ilahad ang iyong pagsusuri sa bahagi ng talumpating binasa.

Isaisip
Punan ang patlang upang mabuo ang pahayag.
Natuklasan ko na ang mga katangian ng talumpati ay
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Mahalagang malaman natin ang katangian ng talumpati dahil


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Isagawa
Magbasa o manood ng isang talumpati. Suriin ito gamit ang
balangkas sa ibaba.

Pamagat ng talumpati:

Wikang ginamit:

Panimula:

Gitna:
Tayahin

Pagsasanay A:
Ilagay sa tamang kolum ang mga datos sa ibaba.
1. Ang talumpati ay binubuo ng apat na bahagi.
2. Mahalagang napapanahon ang paksa sa talumpati.
3. Kinakailangang makatawag-pansin ito.
4. Maaaring gumamit ng paksang matagal na naganap.
5. Nagbibigay ng mga isyu na namasid sa totoong buhay.
6. Gumagamit ng makatotohanang halimbawa.
7. Mahalaga ang paggamit ng pormal na wika.
8. Binubuo ito ng simula, gitna at wakas.
9. Maaaring mapanghamon ang talumpati.
10. Mag-iiwan ng panibagong kaalaman.

Makatotohanan Hindi Makatotohanan

Pagsasanay B:
Manood ng talumpati ng inyong mayor o gobernador sa inyong lugar patungkol sa
isyung kinakaharap ng inyong komunidad sa telebisyon, sa facebook page, o sa inter-
net. Suriin ito. Isulat sa talata ang inyong pagsusuri. Tandaang gamiting gabay ang
ating tinalakay.

Karagdagang Gawain
Manood ng isang talumpati ng Pangulong Rodrigo Duterte sa telebisyon. Suriin ito sa
pamamagitan ng mga sumusunod na katangian:

Isyung tinalakay

Wikang ginamit

Paraan ng pagpapahayag

Pagbibigay ng datos

Paglalapat ng mga bahagi


Aralin Pagtukoy sa Katangian ng
2 Isang Sulating Akademiko
(Katitikan ng Pulong)
Ang araling ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang malaman ang mga
paraan ng pagtukoy sa katangian ng isang sulating akademiko na nakatuon sa kati-
tikan ng pulong. Bago ipagpatuloy ang pagtalakay sa paksa ay sagutan mo muna ang
mga susunod na gawain.

Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyo bilang isang mag
-aaral. Ito ay makatutulong upang matutuhan ang tungkol sa pagtukoy
sa katangian ng isang sulating akademiko na nakatuon sa katitikan ng
pulong. Ang sakop ng modyul ay magamit sa anomang kalagayan ng mag
-aaral. Ang mga salitang ginamit dito ay angkop sa lebel ng pang-unawa
ng mag-aaral na naaayon sa pamantayan nito.

Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang katangian ng isang sulating akade-
miko.

Layunin:
1. Natutukoy ang mga katangian ng isang sulat-
ing akademiko (katitikan ng pulong).
2. Naipaliliwanag ang katangian ng isang sulat-
ing akademiko (katitikan ng pulong).
3. Naisasabuhay ang kahalagahan ng pagtukoy
sa katangian ng isang sulating akademiko
(katitikan ng pulong).
Subukin
Basahin ang katitikan ng pulong at tukuyin ang katangian nito

Katitikan ng Pulong sa : Paglilinis ng Komunidad


Pangalan ng Organisasyon: Samahan ng Kabataan
Petsa: Hunyo 1, 2020
Lugar: Barangay hall
Oras: 8:00 N.U.

MGA DUMALO: MGA HINDI DUMALO:


Celine Ramos wala
Marlon Bautista
Evangeline Mar
Maricris Ruiz
Samantha Valle
Alysa Belen

Nagsimula ang pulong sa ganap na : 8:00 N.U.


Paksa / Agenda 1: Pagpaplano ng gawain
Paksa / Agenda 2: Pagtatalaga ng mga gawain
Paksa / Agenda 3: Paghahanap ng budget
Paksa / Agenda 4: Pagpapakalat ng balita

MGA NAPAGDESISYUNAN:
Gaganapin ang paglilinis ng komunidad sa ikalawang Sabado ng Hunyo sa ganap
na 8 NU hanggang 4 NH.
Hihingi ng pahintulot sa munisipyo ukol sa gawain.
Napagkasunduang si Marlon Bautista ang mangunguna sa gawain.
Samantalang si Samantha Valle ang mamamahala sa pagdodokumento.
Sina Alysa Belen at Evangeline Mar ang mamamahala sa pangangalap ng pondo.
Sina Maricris Ruiz at Celine Ramos naman ang mamamahala sa pagpapakalat ng
balita.
Sumang-ayon ang lahat sa pagtutulungan upang maisakatuparan ang proyektong
ito.
Nagtapos ang pulong sa ganap na :11 NU

Inihanda ni: Samantha Valle

Suriin ang tekstong binasa batay sa:


Balangkas
Tema
Datos
Wika
format
Balikan

Sagutin ang sumusunod na katanungan:


Kailan kaya ginagamit ang katitikan ng pulong?
Anong katangian ang taglay nito na naiiba sa iba pang akademikong sulatin?
Anong mga napansin ninyo sa paghahanay ng mga impormasyon?

Tandaan: Tiyaking naunawaan at masunod ng mga mag-aaral ang mga


panuto sa pagsasagot. Makatutulong kung basahin munang mabuti
ngmga mag-aaral ang lahat ng bahagi at panuto bago ito simulant.
Ipinaaalala rin ng guro ang pagpapahalaga sa katapatan sa pagsasagot
at pagwawasto nito.
Tuklasin

Batid na natin sa mga naunang modyul ang kahulugan ng katitikan ng


pulong na isinasagawa ng naitalaga sa bawat organisasyon. Tatalakayin naman
natin ngayon ang katangian ng katitikan ng pulong:
Ginagawa ng kalihim, typist/ encoder o reporter sa korte.- May itinatalagang
tagagawa na may sapat na kasanayan sa paggawa nito.
Maaari ring video recorded- Upang maging eksakto ang mga detalye sa pinag-
usapan sa pagpupulong , gumagamit ng video o voice recorder ang ta-
gapagtala upang madali niyang balikan ang nangyari sa pulong sa pagga-
wa niya ng katitikan.
Madalas itong maikli at tuwiran kung kaya’t maaaring lagom lamang ng tala-
kayan at desisyon.- Ibinubuod lamang nito ang mahahalagang datos na
kailangan sa ulat.
Matagal na dokumento- Kinakailangang maging maingat sa pagtatago
sapagkat ito ay pangmatagalan.. Kung sa susunod na panahon ay man-
gailangan ng pagbabalik-tanaw sa mga naganap na pulong, katitikan ang
hahanapin.
Mga tugon o desisyon- Inilalahad ang mga napagkasunduan sa pagpupulong
na naganap upang makita ng babasa ng katitikan na hindi nasayang ang
oras sa pagpupulong.
Legal na dokumento- ito ay dokumentong kinikilala sa anomang pangan-
gailangang legal.
Ito ay tala ng resulta ng napagpulungan ng isang organisasyon- Maikli at
tuwiran kung kaya’t maaaring lagom na lamang ng talakayan at desisyong
napagkaisahan.
Upang malinawan pa natin ang katangian ng katitikan ng pulong ay sagutin
ang mga gawain pang kasunod nito.
Suriin
Basahin ang katitikan ng pulong at tukuyin ang katangian nito sa pamamagitan ng pagpili ng letra ng
tamang sagot.
Katitikan ng Pulong sa : Pagsasagawa ng Digital Concert ng mga Mag-aaral
Pangalan ng Organisasyon: Samahan ng Mag-aaral sa Maipit National High School
Petsa: Abril 20, 2020
Lugar: On line via Zoom
Oras: 8:00 N.U.

MGA DUMALO: MGA HINDI DUMALO:


Pangulo: Mona Cruz Pang.Pangulo: Marc Amon—May sakit
Kalihim: Melissa Mendez
Ingat Yaman: Jade Lim
Tagapagbalita: Ram Reyes
Tagapamanihala: Lino Amon
Tagasuri: Shine Santos
Lakambini:Marissa Dig
Lakan: Don Ambion

Nagsimula ang pulong sa ganap na : 8:00 N.U.


Paksa / Agenda 1: Pagpaplano ng gawain
Paksa / Agenda 2: Pagtatalaga ng mga gawain
Paksa / Agenda 3: Paghahanap ng budget
Paksa / Agenda 4: Pagpapakalat ng balita

MGA NAPAGDESISYUNAN:
Gaganapin ang digital concert via youtube sa Mayo 1
Makikipagtulungan ang samahan sa mga club upang mangalap ng mga mag-
tatanghal sa concert.
Ang pangulo ang mamamahala sa paghingi ng pahintulot sa mga kinauukulan
Layunin nito na malibang ang mga kabataan at makabawas sa depresyong na-
raramdaman dulot ng pandemiya
Layunin din nitong maitanghal ang talento ng mga mag-aaral.
Ang kalihim ang mamamahala sa pagdodokumento ng gawain at pagseset
online
Ang tagapamanihala at tagasuri naman pagpapakalat ng impormasyon.
Ang tagapagbalita, lakan at lakambini naman ang magsasagawa ng programa
Napagkasunduan na ang buong samahan ang mamamahala sa pangangalap
ng ponding kinakailangan.

Nagtapos ang pulong sa ganap na :11: 30 NU


Inihanda ni: Melissa Mendez
Pagsasanay A
Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang proyekto na kanilang isasagawa?


A. Pagsasagawa ng pagpupulong
B. Pagsasagawa ng digital concert
C. Pagbuo ng pagpaplano
D. Pagbuo ng palaro
2. Ano ang masasabi ninyo sa haba ng pagsulat ng katitikan?
A. Maikli ngunit naipasok ang lahat ng datos
B. Maikli at kaunti lamang ang datos
C. Mahaba at malaman
D. Mahaba at masalita
3. Anong wika ang ginamit sa katitikan?
A. Impormal
B. Pormal
C. normal
D. balbal
4. Paano inilahad ang mga napagdesisyunan?
A. Maikli at tiyak
B. Maikli at kaunti
C. Mahaba at masalimuot
D. Mahaba at komplikadoang datos
5. Ang pangunahing napagkasunduan sa katitikan ay…
A. Hindi maaaring ituloy ang digital concert
B. Itutuloy ang digital concert kung papayagan
C. Itutuloy ang dgital concert at pagtutulung-tulungan ito
D. Ipagpapaliban muna ang proyekto dahil sa sitwasyong kinakaharap.
6-10 Alin sa mga sumusunod ang naging layunin sa binasang katitikan?
A. Upang makatulong sa paaralan
B. Upang makatulong sa mag-aaral
C. Upang makabawas sa depresyon ng kabataan
D. Upang maipakita ang talento ng mga guro sa paaralan
E. Upang itanghal ang talento ng mga mag-aaral
F. Upang makakalap ng pondo
G. Upang magtanghal
H. Upang manlibang

Pagsasanay B:
Sagutin ang mga tanong batay sa binasan katitikan ng pulong.
1. Anong makabagong paraan ang maaari mong gamitin upang maitala ang isang
pulong?
2. Kung ikaw ang naitalagang kalihim at tagapagtala ng pulong, paano mo isasaayos
pa ang nabasang katitikan?
3. Gaano kahalaga ang masusing pagtatala sa mga napagpulungan?
Pagyamanin
Mula sa binasang katitikan ng pulong sa naunang gawain, bumuo ng pagsusuri sa
katangian nito gamit ang mga susing salita na magiging tuon ng iyong pagsusuri:
Wika
Pormat
Nilalaman
Paglalahad
Layunin
Napagkasunduan

Isaisip
Dugtungan ang mga pahayag upang mabuo ang diwa.
Natutunan ko sa araling ito na ___________________
Dahil dito, gagamitin ko ito sa ____________________
Magagamit ko rin ito sa karerang aking tutunguhin dahil ____________

Mahusay! Pakatandaan na mahalaga


ang kaalaman mong natamo mula rito.
Magagamit mo ito kahit nasa labas ka
na ng paaralan.
Isagawa

Manood ng isang pagpupulong ni Pangulong Duterte sa isyu ng Covid 19.


Maaaring manood sa telebisyon o sa youtube. Mula rito, magsagawa ka
ng isang pagsusuri sa maaaring lamanin ng katitikan ng pulong mula sa
napanood. Tandaan! Isaalang alang ang mga tinalakay na katangian
bilang lunsaran ng pagsusuri.

Tayahin
Pagsasanay A
Tukuyin kung ang mga pahayag sa bawat bilang ay napapakita ng katangian ng kati-
tikan ng pulong, Ilagay ang / kung katangian at X kung hindi.
Binubuo ng maikli ngunit detalyadong resulta ng napagpulungan.
Kinakailangang mailagay lahat ng sinabi sa pulong maging ito ay mahalaga o hin-
di.
Ginagawa ito ng pangulo ng samahan
Maaari itong i-video o voice record.
Ito ay panandaliang dokumento lamang.
Mahalaga ito upang maging tala sa pagbabalik tanaw sa mga naganap na pulong.
Gumagamit ito ng pormal na wika
May sinusunod na pormat.
Isinusulat ito ng typist o kalihim
Binubuod nito ang mahahalagang detalye sa napag-usapan.
Pagsasanay B
Manood ng isang pagpupulong sa telebisyon. Ilapat ang natutunan sa aralin sa pama-
magitan ng pagbuo ng sariling katitikan ng pulong mula rito.

Karagdagang Gawain
Mula sa Kagamitang ng mag-aaral sa Piling Larang Akademik, basahin at suriin ang
dalawang halimbawa ng katitikan ng pulong sa pahina 39-44. Bumuo ng paghahamb-
ing sa mga katangiang napansin mula rito. Isulat ito sa tsart sa ibaba.

Pamagat ng katitikan ng pulong na binasa Katangian


ARALIN 2 ARALIN 1
Suriin:
B Subukin:
A A
B B
A
C B
B D
C C
E
G Tayahin:
H
Tayahin: Makatotohanan
Hindi
Makato-
/
X tohanan
X 2,3,5,6,7 1,4
/
X
/
/
/
/
/
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

•Filipino sa Piling LarangAkademik- Patnubay ng Guro


• Lolita T. Bandril at Voltaire M. Villanueva.Pagsulatsa Filipino sa
Piling Laangan (Akademik at Sining).Quezon City, Phillippines.Vibal
Group, Inc.2016.
• Ariola, Ma. Elizabeth M, Galeon, Kristine Joy S., et.al.Filipinosa
Piling LaranganAkademik. Malabon City. Jimczyville Publications.
2016
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985


Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like