You are on page 1of 1

Ang Saklay ni Boyet

Ilang araw nang hinihintay sa dalampasigan ni Boyong Bubuyog si Boyet, ang


kanyang kaibigan subalit wala pa rin, sa halip ay ang saklay nito ang namataan niyang
palutang-lutang sa dagat kasama ng mga niyog na nagsihulog bunsod marahil ng malakas na
ulan at hangin noong nagdaang bagyo. Ito nga ang saklay ni Boyet – gawa sa kahoy,
pininturahan ng berde, may mga nakaguhit na bubuyog at imahen ng islang tinitirhan nila.

Naalala pa niya noong hindi nakakasali si Boyet sa mga kaedaran nito sa paglalaro
dahil sa kapansanan, ibinuhos na lamang nito ang atensyon sa pagtatanim ng mga halaman
at mga bulaklak na siya naman naging tambayan ni Boyong bubuyog at ng kanyang mga
kapatid dahilan upang mabuo ang kanilang pagkakaibigan. Habang nilalapitan niya ang
palutang-lutang na saklay, kinakabhan siya sa maaaring sinapit ni Boyet nang sumakay itong
bangka kasama ang tatay para magpatingin sa doktor sa kabilang lungsod.

Laking gulat niya nang marinig na may tumatawag ng “Boyong” at paglingon niya,
nakita niya si Boyet na inaalalayan ng kanyang amang bumaba sa bangka na may dalang
paborito nitong bibingka at bagong saklay. Lumapad lalo ang ngiti ni Boyet nang makita ang
lumang saklay sabay sabing “Ang saklay ko!”

You might also like