You are on page 1of 2

Ayon sa pag-aaral ni Ginang Virgie B. Baoc, M.A.

(March, 2014) sa kanyang


pananaliksik na pinamagatang “Mahahalagang aral at Balyung Maikikintal Mula sa mga
PilingMaikling Kwento ni Rogelio R. Sicat” ay naglalayong alamin ang mga mahahalagang aral
at balyungmaikikintal na napapaloob sa mga piling maikling kwento ni Rogelio R.Sicat upang
maging patnubay ng mga mambabasa sa pagpapalaganapng kabutihang-asal. Sa pagsusuri ng
mga piling maikling kwento ginamit ang pamamaraang palarawan (Descriptive analysis) at
pagsusuring pangnilalaman (Content Analysis). Pagkatapos na mabasa, masuri at mabigyan nang
masusing pansin ang mga natagpuang mahahalagang aral at balyung maikikintalmula sa mga
piling maikling katha ni Rogelio R. Sicat ay nakapagbigayang mananalikisik ng mahalagang
kasagutan sa mga katanungan ngkanyang pag-aaral. Natuklasang punung-puno ng
pagpapahalagangmoral ang mga akdang pampanitikan na nagkapagbibigay ngimpormasyon sa
mga mambabasa upang mapalawak ang kanilangkaalaman, naipakita ng may-akda sa kwento ang
mga aral at mgabalyung nais iparating sa kanyang mga mambabasa, nangingibabaw angmga
pagpapahalagang moral na mabubuti sa kwento dahil sumusunodang tao sa pamantayan ng
kagandahang-asal at nagbubunga ngmasama ang mga gawaing di mabubuti.

Source: Virgie B. Baoc, M.A. (March, 2014). “Mahahalagang aral at Balyung


Maikikintal Mula sa mga PilingMaikling Kwento ni Rogelio R. Sicat”.
Bilang ng Pahina : 157

Nakasaad sa libro ni Glecy C. Atienza may pamagat na “Parang wala kahit naro’n” Sipat-
Impormasyon sa Kanon ng Kasaysayan ng Dula sa Pilipinas na nailimbag noong taong 2008 na
ang mga dulang realistiko tulad ng “Moses, Moses” ni Rogelio Sikat na tumuligsa sa paling na
sistema ng hustisya sa lipunan samantalang gumagamit ng modang realistiko at nasusulat sa
pormat na aral mula sa pamantayang pang-akademiko. (Rimando at Ilagan,l998).

Source: GC Atienza - Philippine Humanities Review, 2008 - academia.edu

Ayon sa isang suring-basa ni Jerlyn Mae H. Escalante (Nobyembre 26, 2011) ang tao sa
likod ng akdang "Moses, Moses" ay walang iba kundi si Rogelio R. Sicat. Siya rin ang lumikha
ng akdang "Sa Lupa ng Sariling Bayan". Ang mga bagay na nag-udyok sa kanya upang buuin
ang akdang ito ay ang mga taong patuloy na sumusuporta sa kanyang isinusulat at mga
naniniwala sa kanyang kakayahan. Naging inspirasyon din ang mga mambabasa at makababasa
nito sa hinaharap. Ang akdang ito ay nasa uring dula. Isa itong dulang trahedya. Ito ay
nagpapakita ng malulungkot na pangyayari o tagpo. Ang dula ay sadyang kinasangkapan upang
ipahayag ang hangad na hustisiya. Layunin ng akda na ipabatid sa mga mambabasa ang
kahalagahan ng pag-iisip muna bago umaksyon. Ipinapaalam din nitong tatlo lamang ang
nagkakaroon ng hustisiya sa ngayon. Iyong malalakas, iyong makapangyarihan at iyong
mayayaman. Ang tema o paksa ng akda ay tungkol sa pagkakaroon ng hustisiya ng isang ina
para sa kanyanganak. Nakatuon din ito sa kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang desisyon o
pag-iisip ng maraming beses bago kumilos ang isang tao at isagawa ang kilos o aksyon. Epektibo
ang mga salitang ginamit sa akda. Madali naman itong naunawaan ng mambabasa. Masining ang
pagkakalikha ng akda at kaabang abang ang susunod pangyayari sa kuwento. Umangkop sa
panlasa ng mga mambabasa ang kuwento dahil makatotohanan ito.
Source: Jerlyn Mae H. Escalante (Nobyembre 26, 2011). Suring-Basa:Moses, Moses.
adiation-poem.blogspot.com

You might also like