You are on page 1of 2

FIL 213 Disyembre 2022

takdang aralin

Rovee Pagaduan
BSAIS 2C
Pagaduan, Rovee BSAIS 2C

alternatibong konklusyon
*****

Isinalaysay ng lalaki at tigre sa kuneho ang mga nangyari. Matamang nakinig ang
kuneho. Ipinikit ang kaniyang mga mata at pinagalaw ang kaniyang mahahabang
tainga. Pagkalipas ng ilang sandali, muli niyang idinilat ang kaniyang mga mata.
Malumanay at walang ligoy na nagsalita ang kuneho. "Ang aking hatol ay gayon din sa
puno ng pino at ng baka. Marahil kaming mga kuneho ay hindi man labis na inaabuso
tulad ng iba, ngunit ang amin namang tirahan ay sinisira upang gamitin ng mga tao sa
sarili nilang kapakanan. Pasensya na, ngunit may kasabihan ngang kung ayaw gawin sa
iyo ay wag mong gawin sa iba. Paalam."

Nagulat ang lalaki sa naging desisyon ng kuneho, walang nagawa ang lalaki at
kaniyang tinanggap na lamang ang kanyang kapalaran. Nanatili na lamang ito sa
kaniyang kinatatayuan at ang tigre naman ay walang pag-aalinlangan sugurin ang
lalaki at kinain ito.

Makalipas ang ilang araw, ang tigre ay muling nakaramdam ng gutom, kung kaya't
napagdesisyunan nito nna maghanap muli ng pagkain. Ngunit sa hindi inaasahang
pagkakataon, nahulog muli sa isang hukay ang tigre. Paulit-ulit na sinubukan ng tigre
ang makaahon, subalit siya ay nabigo. Sumigaw siya nang sumigaw upang humingi ng
tulong subalit walang nakarinig sa kanya. Ilang sandali, napadaan ang kuneho sa hukay
at nakita niya ulit ang tigre. Humingi ng tulong ang tigre sa kuneho. “Pakiusap! Tulungan
mo akong makalabas dito,” pagmamakaawa ng tigre. “Kung tutulungan mo ako, hindi
kita makalilimutan habambuhay.” "Sinungaling!" sambit ng kuneho. "Ang huling
tumulong sa iyo ay iyong walang awang kinain, wala kang utang na loob at tanging sarili
mo lamang ang iyong iniisip." Umalis ang kuneho na hindi tinulungan ang tigre. Naiwan
ang tigre sa hukay ng ilang mga araw at wala pa ring tumutulong sa kaniya. Nagsisisi
siya sa kaniyang ginawa noon na kainin ang lalaki na tanging tumulong sa kanya sa oras
ng pangangailangan.

Wakas

You might also like