0% found this document useful (0 votes)
88 views2 pages

Filipino Script

Ang dokumento ay tungkol sa isang larong ginawa ng mga hosts ng Spill the Tea, Mare kasama sina Howard Humphrey Talang at Dharrie Lyn Pacheco na mga aktor sa Ang Hatol ng Kuneho. Ang laro ay tungkol sa pag-aantas ng mga damdaming naramdaman sa iba't ibang eksena mula sa pelikula.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
88 views2 pages

Filipino Script

Ang dokumento ay tungkol sa isang larong ginawa ng mga hosts ng Spill the Tea, Mare kasama sina Howard Humphrey Talang at Dharrie Lyn Pacheco na mga aktor sa Ang Hatol ng Kuneho. Ang laro ay tungkol sa pag-aantas ng mga damdaming naramdaman sa iba't ibang eksena mula sa pelikula.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

Antas ng Damdamin

YESMINA: Magandang-magandang umaga! Ito ang…


YESMINA and SAM: Spill the Tea, Mare!
YESMINA: May dalawa tayong guests sa araw na ito! Let us all welcome these two
phenomenal casts from Ang Hatol ng Kuneho!
SAM: Mr. Howard Humphrey Talang gumanap bilang si Langgam at Ms. Dharrie Lyn Pacheco
the storyteller!
HOWARD and DHARRIE: Magandang umaga po!
YESMINA: May hinanda kaming laro para sa inyong dalawa.
SAM: Ito ang larong LEVEL IT UP!
YESMINA: May ipapakita kaming eksena galing sa Ang Hatol ng Kuneho at magbibigay ng
damdaming naramdaman sa eksenang iyon.
SAM: Ang inyong gagawin ay i-antas ang mga damdaming naibigay.
YESMINA: Ready?
HOWARD and DHARRIE: Ready-ng ready!
*John, Althea, and Knox come in.*
Puno ng Pino: Palagay ko ay dapat mong kainin ang taong 'yan! Lagi nilang inuubos ang mga
puno dito! Ginagamit nila kami upang gumawa ng mga bahay, upuan, lamesa, at marami pang
iba! Kaya nakakalbo ang ating gubat dahil sakanila!
TIGRE: Narinig mo 'yon?
LALAKE: Parang awa mo na! Huwag mo akong kainin!
*Pupunta sa labas sina John, Althea, and Knox.*
YESMINA: Wooh! Sa eksenang iyan, ramdam ang inis, sama ng loob, at tampo ng puno ng
pino!
*Howard and Dharrie nod.*
SAM: Ngayon, ipapakita na namin ang mga damdamin. Pati kayo audience, sagutin niyo rin ito!
*Canva PPT - inis-sama ng loob-tampo*
*Sasagot sina Howard and Dharrie using a paper.*
YESMINA: Ngayong tapos ng sumagot ang ating dalawang guests, tanungin naman natin ang
ating mga kumare’t kumpare!
*Pipili ng isa sa classmates natin na sasagot.*
SAM: Tama nga ba? Mr. Howard and Ms. Dharrie, please reveal your answers.
*Howard and Dharrie show their answer.*
YESMINA: Okay! Ipapakita na sa screen ang tamang sagot.
SAM: Ayun! Tampo, inis, at sama ng loob! Nakaramdam ng inis ang puno ng pino sa tao dahil
taon ang binibilang upang lumaki ang mga puno ng pino ngunit kapag sila ay malaki na sila ay
pinuputol upang gamitin sa pagpapatayo ng bahay at pagpapagawa ng mga kasangkapan.
YESMINA: Trulalu! Ang kanilang mga dahon at sanga ay kinukuha upang mapainit ang mga
tahanan at maluto ang mga pagkain. Sa paggawa ng mga tao dito ay unti unting nauubos ang
mga puno.
SAM: Okay, on to the next eksena! Woo!
*Fianne, Althea, and Knox come in.*
BAKA: Kainin mo na nga 'yang taong 'yan! Mula nang kami ay maisilang naglilingkod na kami
sa mga tao. Subalit, ano ang ginagawa nila, kapag kami ay tumanda… pinapatay nila kami at
ginagawang pagkain! Ginagamit nila ang aming balat sa paggawa ng kung ano-anong bagay!
TIGRE: O tignan mo! Kaya kakainin na kita, lalake!
LALAKE: Huwag! Huwag! Maawa ka sa 'kin!
*Pupunta sila sa labas.*
YESMINA: Hays! Ramdam na ramdam ko ang poot, galit, at suklam ng baka!
*Canva PPT - poot-galit-suklam*
SAM: Ayan ang mga damdamin. Kumare’t kumpare, you know the drill!
YESMINA: Katulad ng kanina, magtatanong muna sa ating mga kumare’t kumpare bago ipakita
ang tamang sagot.
*Pipili ulit ng isa sa mga classmate.*
SAM: Tama nga ba? Please reveal your answers!
*Papakita sagot nina Howard and Dharrie pati na rin Canva.*
YESMINA: Yun oh! Galit, suklam, at poot! Galit ang baka dahil naglilingkod na sila sa mga tao
kahit kakasilang pa lamang.
SAM: Sila ang laging nagbubuhat ng mga mabibigat na dadalhin ng mga tao. Pag tumanda
naman sila ay pinapatay at ginagawang pagkain ng mga tao. Ginagamit din ang kanilang balat
sa paggawa ng iba't ibang bagay.
YESMINA: At dyan nagtatapos ang ating laro!
SAM: Maraming salamat sa inyong dalawa!
YESMINA and SAM: Muli, magbabalik ang Spill the Tea, Mare!

You might also like