You are on page 1of 4

The Harvest/Ang Pag-aani

Intro:
1.2.3. Kamusta po mga kapatid/ kamusta ang ating pananampalataya/ sa gitna may pandemya na covid 19?

Marami po ang napahinto o naparalisa ang covid 19, naparalyze ang mga negosyo, naparalisa ang edukasyon,
naparalisa ang gobyerno, naparalisa ang mga birthdayan, bonding at mga pagtitipon. At ang nakakalungkot at ay ang
katotohanan na naapektuhan ng Covid ang mga Church at maging ang mga pananampalataya ng ibang tao. Ngunit
ako po ay mayroong napansin na may mga kapatid natin na mga seventh-day Adventist ay mas naging aktibo ang
kanilang buhay pananampalataya habang tayo ay nasa pandemya.
CRUSADE
Hindi ko po alam ang eksaktong dahilan kung bakit madaming mga kapatid ang mas nag-aapoy ang
pananampalataya ngayong panahon ng pandemic, pero sigurado ako na sa likod ng pagbabago ng puso natin ay
nandun ang tunay na dahilan: Ang Ating Panginoong Hesus.

Kaya po totoo ang sinabi ng Panginoon sa isang taong paralized sa

John 5:8
“Sinabi sa kanya ni Jesus, Tumindig ka, Dalhin mo ang iyong higaan at lumakad ka. At pagdakay gumaling ang lalaki,
dinala ang kanyang higaan at lumakad.”

Kung kaya ng Panginoon na palakarin ang taong ito na 38 years na paralyze. Naniniwala po ba kayo na ang gigising sa
napaparalyze na buhay pananampalataya ng isang tao ay walang iba kundi ang PANGINOONG JESUS?

Sa umagang ito ay mag-aaral po tayo ng salita ng Diyos. Ok lng po ba?

Binasa po kanina ang John 4:35


“Hindi ba sinasabi ko sa inyo, apat na buwan pa at anihan na? Sinasabi ko sa inyo, masdan ninyo ang mga bukid,
hinog na at handa nang anihin.”

Prayer:

Good News/Bad News/ Great News

I. GOOD NEWS
Luke 10:2
“THE HARVEST TRULY IS GREAT…”

“Sinabi Niya sa Kanila, Sa katotohana’y marami ang aanihin….”

Dalubhasa sa larangan ng agrikultura.

1. Aanihin na produkto
2. Mangagawa/magsasaka
3. May-ari

Ano ba ang tinutukoy na harvest o pag-aani? Palay po ba? Gulay?

Ang tinutukoy po ay mga tao, mga kaibigan natin na naghihintay na imbitahan sila ng Panginoon na maging bahagi sa
kaharian ng Diyos.
Sino po ang harvest workers? Sino ang mga mangagawa sa Pag-aaning ito?
Tayo po na mga taga sunod ni Jesus…

Kung tayo ang mangagawa, sino po ang nagmamay ari ng mga aanihin na ito?
Walang iba po kundi ang ating Panginoon…

The word TRULY/KATOTOHANAN= MAhalaga

Bakit kaya sinasabi ng Panginoon na masagana o marami ang aanihin?

Minsan madaling makita na madami ang aanihin…


Pentecost…3000

Marami po ano?

Pero sa umagang ito nais po ng Panginoon na ipaalala sa atin na Marami o masagana ang aanihin
dahil madalas hindi natin ito nakikita…

Pero ang katotohanan na sinasabi sa atin ng Panginoon sa Banal na kasulatan, MARAMI ANG AANIHIN/THE HARVEST
IS TRULY GREAT….

Kailangan po natin itong paniwalaan…

AKLAT NG JUAN CHAPTER 4

Ang PAnginoon po minsan ay nagkaroon ng isang evangelistic meeting sa isang balon.


Alam ninyo po ba kung ilan ang pumunta?

ISA (1)

Iisa na nga, may nakaraan pa (SABIT) na nagkaroon siya ng limang asawa, masama pa ang kanyang imahe sa kanilang
kumunidad…

Iniisip ng mga alagad na WALANG AANIHIN DITO, bumili nalang tayo ng pagkain..

Ngunit ang Panginoon ay nakita ang babaeng ito na mag-isang pumunta sa balon sa katanghalian, Ano kaya ang
iniisip ng Panginoon??

MARAMI ANG AANIHIN…SAGANA ANG PAG-AANI…THE HARVEST TRULY IS GREAT

Nakita ng Panginoon ang babaeng ito, hindi sa human perspective, but with God’s perspective.

Nakita ng mga tao, maging ng mga alagad ang babae sa pamamagitan ng mata ng tao. Na ang babaeng ito ay
marumi, makasalanan at hindi karapat dapat ngunit nakita po ng Panginoon ang babaeng ito bilang isang tao na
nangangailangan ng pagmamahal at pag-unawa.

Maikli lang ang kanilang nagging pag-uusap ngunit nabago ang buhay ng babaeng ito.

At sa kanyang pag-uwi ay ipinahayag ng babae


JOHN 4:29
“Halikayo! Tingnan ninyo ang taong nagsabi sa akin ng lahat ng ginawa ko, Siya na kaya si Cristo?

At sang ayon sa sumunod na talata JOHN 4:30


“Kaya’t lumabas sila ng bayan at nagpunta kay Jesus”
NAging isang epektibong instrument ang babaeng ito upang marami ang makalapit sa paanan ng Panginoon.

Samantalang ang mga alagad ay ang tanging inaalala ay pagkain. Hindi nila nakikita ang masaganang pag-aani

At sinansala sila ni Jesus

Binasa po kanina ang John 4:35


“Hindi ba sinasabi ko sa inyo, apat na buwan pa at anihan na? Sinasabi ko sa inyo, masdan ninyo ang mga bukid,
hinog na at handa nang anihin.”

Mga kapatid kailangan po natin na makakita sa pamamagitan ng mata ng Panginoon.

II. BAD NEWS: Laborers are Few/Kakaunti ang manggagawa

(ADVENTIST REVIEW.ORG)
12 permanent disciples + 70 secondary disciples
Population of the region=3 million
1:36,000

Sa kasalukuyan…
1. Kakaunti ang SDA?
2. Kakaunti ang willing?
3. Marami ang ayaw
4. Marami ang tumatanggi
5. Marami ang tumututol at tumutuligsa sa Gawain ng Panginoon..
MAHIRAP/CHALLENGING!

III. SOLUTION: ASK THE LORD OF THE HARVEST THEREFORE TO SEND OUT LABORERS
“Katotohana’y marami ang aanihin, datapwat kakaunti ang mangagawa: kayat Idalangin nyo sa Panginoon ng
aanihin, na magpadala Siya ng manggagawa sa Kanyang aanihin”

Send ME

ENGR CORTUNA. Ipinagpray ng kanyang pamilya, ipinagpray ng Church sa Panginoon.

LORD OF THE HARVEST: wag kakalimutan na Gawain po ito ng Panginoon


Sa likod ng masigasig na pagluluto ng mga kapatid, mahusay na pagsasalita ng pastor, pagdadalaw ng mga kapatid,
pag ngiti, pagkamay, at pananalangin ay kasama natin ang Panginoon ng Pag-aani (LORD OF THE HARVEST).

CONCLUSION: CHURCH/Bayanihan

Ang Church po ay maihahalintulad sa isang BAYANIHAN. Hindi po uusad ang Gawain kung ang gumagawa lamang ay
isa, dalawa, tatlo o apat na tao. Kailangan po na tayo ay sama sama sa pagbubuhat upang tayo ay makarating sa
ating destinasyon.Sa Gawain po ng Panginoon ay Sama sama po tayong papasan, mananalangin at hahayo. Ang atin
pong destinasyon ay ang langit na bayan. Wag po tayong mag-alala dahil lagi po nating kasama ang may-ari ng
bahay, ang PAnginoon ng Pag-aani, walang iba kundi ang Panginoong Jesus.
Ang panalangin ko po sa umagang ito ay sna wala pong mawaglit sa atin kahit isa. Purihin po ang Panginoon sa
umagang ito.

You might also like