You are on page 1of 23

SOWING & REAPING

LESSON ONE

SISTER DEWAN DIANGCO


EVANGELISM AND FARMING
(EBANGHELISMO AT PAGSASAKA)
OBJECTIVES:
1. Ano ang pinaka-lumang naitalang propesyon?
2. Bakit inilagay sina Adan at Eba sa Halamang Eden?
3. Sino ang namamahala sa paga-ani?
4. Komento sa mga tao ng Dios sa pagiging tao ng lupain.
5. Mga ilang porsyento ang sakahan sa Africa?
6. Mga ilang porsyento ang lakas-manggagawa sa mundo ang
magsasaka?
7. Ano ang magagawa ng paga-ani ng mga kaluluwa sa future /
kinahaharap ng panambahan?
8. Ang relihiyosong buhay ay umiikot sa apat na malalaking
kapistahan? Anu-ano ang mga ito?
9. Anu-ano ang inaanino ng mga pagdiriwang na ito?
10. Ano ang nire-representa ng Pista ng Pentecostes / Feast of
Pentecost?
MATEO 9:37-38
37 Nang magkagayo'y sinabi niya sa
kaniyang mga alagad, Katotohana'y ang
aanihin ay marami, datapuwa't kakaunti
ang mga manggagawa.
38 Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng
aanihin, na magpadala siya ng mga
manggagawa sa kaniyang aanihin.
KUNG ANO ANG AKING NATUTUNAN

Sa Lumang Tipan, itinatag ng Dios ang Kanyang interes sa


pagsasaka, ang pinakamatandang naitala na propesyon. Ang
unang lalaki at babae, sina Adan at Eva, ay inilagay sa
Halamanan ng Eden (na isang bukirin) at sinabihang,
“alagaan at ingatan” (Genesis 2:15). Dahil nakinig si Adan sa
kanyang asawa at kinain ang ipinagbabawal na prutas,
isinumpa ang lupa. Nagpatuloy siya sa pagsasaka sa
pamamagitan ng paghihirap ng pagpapagal at pawis. Kahit
na sila ay nagkasala, ang kanilang responsibilidad sa
pagsasaka ay nagpatuloy.
Ang Dios ay palaging kasangkot sa isang pag-aani. Siya ang
“Panginoon ng aanihin” / Lord of the harvest (Mateo 9:38).
Ang Panginoon lamang ang namamahala sa Kanyang pag-
aani (1 Corinto 3:6-7). Ang kanyang mga tao ay mga taga-
hasik lamang ng binhi (tanging mga kamay sa bukid).

Inaasahan nating marinig Siya sa araw ng paghuhukom,


“Ikaw ay isang mabuting magsasaka!” Maaaring, hindi
eksakto man sa ganun, ngunit yun mismo ang gusto nating
marinig, "Magaling ang ginawa mo!" mula sa Dios.

“The greatest Farmer the world has ever known is pursuing


the greatest harvest the world has ever seen.”
(Dutch Sheets in The River of God)
Ang mga Israelita ay mga tao ng lupain. Canaan ang
kanilang mana. Ang mga anak ng Dios ay paulit-ulit na
sinabihan na “ariin ang lupain” (Deuteronomio 3:20).
Natanggap ng bawat pamilya ang kanilang bahagi. Ito ay
kanilang pag-aari, na hindi kailanman ipagbibili, palaging
iniingatan. Bilang mga ebanghelista ay binigyan tayo ng
lupain—ang ating nayon, komunidad, o lungsod. Atin ang
lupain! Dapat natin itong taglayin.

Naglingkod si Jesus sa isang lipunang nakatuon sa


agrikultura. Karamihan sa mga mamamayan ay mga taga-
bukid. Kahit na ang mga nakatira sa mga lungsod ay nag-
iingat ng mga sakahan sa labas ng mga pader ng lungsod.
Alam nila kung ano ang ibig sabihin ng paggawa ng lupa.
Ang buhay ay nakasalalay sa kung ano ang maaaring
palaguin. Ang mga mahahalagang bagay sa buhay ay
nagmula sa lupain kabilang ang pagkain, damit, at tirahan.
Ang pang-araw-araw na buhay ay umiikot sa mga
pangangailangan ng lupain. Ang pang-araw-araw na buhay
ng panambahan / church ay umiikot sa ating unang
priyoridad, abutin ang mga hindi naaabot.

Nasa atin ang lahat ng kailangan para maabot sila. Mayroon


tayong Biblia, at mayroon itong kasagutan sa bawat tanong.
Ang mga lumang pamamaraan ng pagsasaka ay parating
gagana. At ang makalumang relihiyon na makakasumpong
sa Salita ng Dios ay gagana pa rin sa pag-aani.
Ang pagsasaka ay mahalaga para mabuhay. Ang mga
magsasaka ay bumubuo ng apatnapu't walong porsyento
(48%) ng lakas-mangagawa / labor force sa mundo.
Animnapung porsyento (60%) nito ay mula sa sakahan ng
Africa at animnapu't isang porsyento (61%) ay sa Asia. "Sa
kabila ng pagpapalawak ng komersyo at industriya at ang
kahalagahan ng mga aktibidad na ito sa ekonomiya,
karamihan sa mga taga-Africa ay nananatiling magsasaka at
pastol." (Encarta Encyclopedia 2000 )
Sa pamamagitan ng pagsasaka,
nagdudulot ito ng pagkain para
sa populasyon upang
magpatuloy ang buhay. Sa
pag-aani ng mga kaluluwa ang
panambahan / church ay hindi
lamang mabubuhay, tinitiyak pa
nito ang kinabukasan ng
hinaharap.
Noong unang panahon, ang pagsasaka ay isang kooperatiba
na pagsisikap / effort. Ang mga baka (o kalabaw dito sa atin
sa Pilipinas) at isang araro ay ipinasa mula sa isang bukid
patungo sa isa pa.

Napakahalaga ng pagsasaka sa mga anak ng Dios kaya ang


buhay relihiyoso ay umikot sa apat na malalaking kapistahan
o pagdiriwang. Ayon kay Dale Rumble sa Behold the
Harvest, ilan sa mga pagdiriwang na ito ay mga anino ng
hinaharap na espirituwal na pag-aani na tatangkilikin ng
panambahan / church.
Ang Pista ng Tinapay na Walang Lebadura / Feast of
Unleavened Bread ay sadyang nagpaalaala sa bayan ng
Dios na sila ay ibinukod mula sa Ehipto at hindi dapat ito
maging bahagi ng isang makasalanang bansa. Si Hesus ang
ating Tinapay ng Buhay / Jesus is our Bread of Life.

Ang Pista ng Paskuwa / Feast of the Passover naman ay


nagpaalala sa bayan ng Dios ng kanilang pagpapalaya mula
sa pagkaka-alipin. Natupad ito sa pagkamatay, paglilibing, at
pagkabuhay namang muli ni Jesu-Kristo.
Ang Pista ng Pentecostes / Feast of Pentecost ay
ipinagdiwang kapag ang trigo / wheat ay hinog na para sa
pagputol. Ito ay natupad sa pamamagitan ng pagbuhos ng
Banal na Espiritu (Mga Gawa 2:1-4). Itinuro ng piging na ito
ang araw na aanihin ng Dios ang pag-aani.

Ang Pista ng mga Tabernakulo / Feast of Tabernacle ay


magtatapos sa panahon ng espirituwal na pag-aani sa isang
huling pagtitipon ng mga kaluluwa na magdadala sa Kanyang
pagbabalik.
Nangako ang Dios na ibubuhos ang Kanyang Espiritu sa
lahat ng laman (Joel 2:28-29). Ito ay inihalintulad sa maaga
at huling pag-ulan, na nagdala ng mga pananim upang
anihin. Umaasa ang mga magsasaka sa Dios na magpadala
ng ulan. Kung walang pag-ulan na dumarating sa tamang
oras, ang mga pananim ay lumiliit at namamatay. Kailangang
magkaroon ng tamang klima para lumago ang mga pananim.
PRACTICAL EXERCISE
Ngayon, alamin natin kung hanggang saan ang iyong natutunan!

● Ano ang pinakalumang naitalang propesyon?

● Bakit inilagay sina Adan at Eba sa Halaman ng Eden?

● Sino ang namamahala sa paga-ani?

?
PRACTICAL EXERCISE
Heto pa ang ilan...

● Komento sa mga tao ng Dios sa pagiging tao ng lupain.

● Mga ilang porsyento ang sakahan sa Africa?

● Mga ilang porsyento ang lakas-manggagawa sa mundo ang


magsasaka?

?
PRACTICAL EXERCISE
● Ano ang magagawa ng pagaani ng mga kaluluwa sa future /
kinahaharap ng panambahan?.

?
● Ang relihiyosong buhay ay umiikot sa apat na malalaking
kapistahan? Anu-ano ang mga ito?

● Anu-ano ang inaanino ng mga pagdiriwang na ito?

?
PRACTICAL EXERCISE
At heto pa...
● Ano ang nire-representa ng Pista ng Pentecostes / Feast of
Pentecost?

?
PRACTICAL EXERCISE
Heto naman ang mga kasagutan:

● Ano ang pinakalumang naitalang propesyon?

Pagsasaka

● Bakit inilagay sina Adan at Eba sa Halaman ng Eden?

Genesis
? 2:15 – upang alagaan at ingatan

● Sino ang namamahala sa paga-ani?

1 Corinto 3:6-7 – Ang Dios


PRACTICAL EXERCISE
● Komento sa mga tao ng Dios sa pagiging tao ng lupain.

Na marinig muka sa Dios na either “Ikaw ay isang magaling


na magsasaka” o di kaya’y “Magaling ang ginawa mo” sa
Araw ng Paghuhukom

● Mga ilang porsyento ang sakahan sa Africa?

60%
PRACTICAL EXERCISE
● Mga ilang porsyento ang lakas-manggagawa sa mundo ang
magsasaka?

48%

● Ano ang magagawa ng pagaani ng mga kaluluwa sa future o


kinahaharap ng panambahan?.

Tulad ng pagsasaka, nagdudulot ito ng pagkain – pagkaing


espirituwal. Mas maraming kaluluwa ang nananambahan,
mas lalago ang isang panambahan o church
PRACTICAL EXERCISE
● Ang relihiyosong buhay ay umiikot sa apat na malalaking
kapistahan? Anu-ano ang mga ito?
1. Pista ng Tinapay na Walang Lebadura / Feast of Unleavened Bread
2. Pista ng Paskuwa / Feast of Passover
3. Pista ng Pentecostes / Feast of Pentecost
4. Pista ng Tabernakulo / Feast of Tabernacle

● Anu-ano ang inaanino ng mga pagdiriwang na ito?


1. Unleavened Bread – Jesus bilang Tinapay ng Buhay
2. Passover – Jesus bilang Sacrificial Lamb / Death-Burial-Ressurection
3. Pentecost – Pagbuhos ng Espiritu ng Dios sa lahat ng laman
4. Tabernacle – Final gathering of Souls sa Pagbabalik ni Jesus
PRACTICAL EXERCISE
● Ano ang nire-representa ng Pista ng Pentecostes / Feast of
Pentecost?
Ang pagtupad ng Pangako ng Dios ayon sa propesiya / hula
sa Joel 2:28-29 na ang katugunan ay sa Acts 2:17-18

You might also like