You are on page 1of 5

FILIPINO 7

Pangalan: ______________________________ Baitang at Pangkat: ____________


Paaralan: _______________________ Guro: ________________ Iskor: __________

Ika-apat na Markahan
Pagsusulit Blg. 3

I.Panuto: Basahin at unawain ang kuwento. Sagutin ang mga


katanungan.

Buod ng Pinagmulan ng Mayon


Maganda ang anak ng Rajah na si Daragang Magayon. Dahil dito ay
maraming humahanga sa kaniya, kabilang si Kauen. Gayunman, hindi ibig ng
dalaga si Kauen. Nahulog ang loob niya sa isang binatang nakilala niya nang
naliligo siya sa batis.

Hindi man naging maayos ang pagkikita nila noong una ni Gat Malaya, ang
binatang nakasalamuha ni Magayon, ay kalaunan ay nagkapalagayan sila ng
loob. Sumang-ayon din ang Rajah sa pag-iibigan ng dalawa dahil sa angking
kabutihan ni Malaya.

Isang araw, naglakbay si Malaya. Nabalitaan naman ni Kauen ang


nakatakdang kasal ng dalawa. Gumawa siya ng paraan at pinuntahan si
Magayon at dito ay binantaan niya ang buhay nito.

Sinabi naman ni Magayon na kung hindi raw babalik si Gat Malaya sa


kabilugan ng buwan ay pakakasal siya kay Kauen.

Nagbilog ang buwan at wala si Malaya kaya naman ikakasal na sana sina
Kauen at Magayon. Ngunit dumating si Malaya. Nagtunggali ang dalawang
binata. Inihagis ni Kauen ang kaniyang sibat ngunit humarang si Magayon at
siya ang natamaan sa dibdib.

Ikinamatay ito ng dalaga. Inilibing nila ito sa isang lupain sa kahiraan ng


Albay. At biglang naghimala at lumaki nang lumaki ang lupa na
pinaglilibingan nito at nagkaroon nang magandang hugis, kasing ganda ni
Magayon.

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
FILIPINO 7
https://www.panitikan.com.ph/alamat-ng-bulkang-mayon-buod

1. Naibigan ng Rajah si Gat Malaya dahil sa ___________


a. may katapangan
b.may kabutihang taglay
c.may malaking kayamanan
d.anak ng kilalang Datu

2. Sa mga katangian ni Magayon ito ang dapat tularan.


a. magpagmalaki
b. mapaghangad
c. Binalewala ang mga tagubilin ng mga magulang
d. Handang ibuwis ang buhay para sa kanyang minamahal

3. Habang wala si Gat Malaya sa piling ni Magayon,nabalitaan ito ni


Kauen at pinagbantaan niya ito na papatayin.Anong klaseng lalaki si
Kauen?
a. duwag
b. mapagkamkam
c. mapagpaubaya
d. mapagsamantala

4. Ayon sa binasa, sinabi ni Magayon kung hindi babalik si Gat


Malaya sa kabilugan ng buwan ay magpapakasal siya kay Kauen.
Anong katangian mayroon si Magayon?
a. matiisin
b. mapagsamantala
c. wagas ang pag-ibig
d. hindi marunong maghintay

5. Anong uri ng akdang pampanitikan ang binasa?


a. mito
b. dula
c. alamat
d. mito

Panuto: Basahin nang may damdamin ang ilang mga saknong mula sa
Ibong Adarna. Piliin ang tamang sagot batay sa inilahad nitong
damdamin.
6. “Haring Makapangyarihan
Unang bati ni Don Juan
Handog ko po ay paggalang
Sa utos na nakalaan.”
a. kasipagan. c. pagkagalit.
b. paggalang d pagmamahal
7. “Kaya ang lahat ng bilin ko
Ay itanim sa loob mo.
Ingatang huwag mabuyo

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
FILIPINO 7
Sa kay amang silo’t tukso.”
a .makinig sa payo c. maging mapagmahal
b maging makasarii d. maging madasalin

8. “Gayon pa ma’y ninais kong


Magkapulong ngayon tayo,
Akong may utang sa iyo’y
Makaganti kahit paano.”
a. pagtanaw ng utang na loob. c. pagkalimot
b. pagmamalaki d. pagkagalit
9. “Anumman ang babalakin
Mahina’y na lilimiin
Tagumpay ay kakamtin,
Kung Sistema ay susundin.”
a.pagwawalang-bahala. c. pag-isipan maigi anuman ang
gagawin
b. paghihiganti. d. makuntento

10 .”Dito sa bago kong utos,


Sabing masaya ang loob,
Galing niya’y masusubok
Kapag kanya pang nasunod.”
a.pagiging matatag. c. duwag
b. mahina ang loob. d walang pakialam

Panuto: Tukuyin kung anong katangian ng mga tauhan ang isinasaad ng


mga pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.

11.Pinaranas ng matitinding pagsubok ni Haring Salermo ang


manliligaw ng kanyang anak.
a.Si Haring Salermo ay mabait na ama.
b. Gusto ni Haring Salermo na tumandang dalaga ang anak.
c.Walang tiwala si Haring Salermo sa manliligaw ng kanyang
anak
d. Ayaw ni Haring Salermo na mawalay sa kanya ang kanyang
anak.

12.Nahabag si Prinsesa Maria kay Don Juan dahil sa ipinakitang


pagpapakumbaba nito. Si Prinsesa Maria ay_______.
a. mahabagin. c. mapagkumbaba
b. mapagmataas d. matulungin

13 Nalampasan ni Don Juan ang mga pagsubok na ibinigay ng


hari para sa pagtatagumpay sa kanyang anak
a.Humanga nang labis sa prinsipe
b.Nag-isip at binigyan pa niya ng iba pang pagsubok

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
FILIPINO 7
c.Natuwa at agad na ipinakasal si Donya Maria kay Don Juan
d.Natakot dahil naisip niyang may taglay na kakaibang
kapangyarihan si Don Juan

14. Nang makita ni Don Juan si Donya Maria, agad siyang


nabighani sa dalaga.
a. May magandang kalooban ang dalaga
b. Walang kapantay ang kagandahan ni Donya Maria
c. Likas sa mga babae ang maging mapagmataas
d. Higit na mahuhusay ang mga babae kaysa sa mga lalaki

15. Napagtagumpayan lahat ni Don Juan ang mga pagsubok ng


hari sa tulong ni Maria Blanca
a. Wagas ang pag-ibig ni Maria Blanca kay Don Juan
b. Gagawin lahat ni Maria Blanca alang-alang sa pag-ibig
niya
kay Don Juan
c. Lahat ay hahamakin ni Maria Blanca masunod lamang
ang
kanyang pag-ibig
d.Lahat ng nabanggit ay tama.

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
FILIPINO 7

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City

You might also like