You are on page 1of 2

BUHAYIN ANG KABUNDUKAN

Ang mga kabundukan ay isa sa magagandang tanawin sa ating kapaligiran. Taglay nito
ang mga punungkahoy na nagbibigay ng ating mga pangangailangan. Makikita rito ang sari-
saring mga halaman na nakalulunas ng ibang karamdaman, mga orkidyas, mga ligaw na
bulaklak at mga hayop.
Ang mga punungkahoy at iba pang halaman ay tumutulong sa pagpigil ng erosyon o
pagguho ng lupa dulot ng ulan o baha. Nagsisilbi rin itong watershed para sa sapat na pagdaloy
ng tubig.
Subalit marami sa mga kabundukan natin ang nanganganib. Ang dating lugar na
pinamumugaran ng mga ibon at mga ligaw na bulaklak ay unti-unti nang nasisira. Dahil sa
patuloy na pagputol ng mga punungkahoy, marami na ang nagaganap na mga kalamidad tulad
ng biglaang pagbaha sa iba’t ibang pook.
Sa pangunguna at pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural
Resources (DENR), ang ahensya ng bansa na tumutugon sa pag-aalaga ng kapaligiran at
kalikasan, ang pagkasira ng kabundukan ay nabigyan ng solusyon. Ang reforestation o muling
pagtatanim ng puno kapalit ng mga pinutol o namatay na mga puno ay isa sa mga programa ng
DENR. Maraming tao ang natuwa dito at inaasahan nila na darating ang panahon na
manunumbalik ang kagandahan at kasaganaan ng mga kabundukan.

1. Ano ang nakukuha sa kabundukan na tumutugon sa pangangailangan ng tao?


a. bato b. ginto c. lupa d. punungkahoy
2. Ano ang ginagawa sa punungkahoy na nagiging sanhi ng mga kalamidad?
a. pagsunog ng puno
b. pagtanim ng puno
c. pagputol ng puno
d. pagparami ng puno
3. Bakit nawawalan ng hayop sa kabundukan kapag nagpuputol ng mga puno?
a. Naliligaw sila sa gubat.
b. Wala silang matitirahan.
c. Nakakain sila ng ibang hayop.
d. Madali silang nahuhuli ng tao.
4. Ano ang salitang kasingkahuluganng pagguho ng lupa? (Literal)
a. erosyon b. kalamidad c. reforestation d. watershed
5. Ano kayang ugali ang ipinapakita ng mga taong patuloy na nagpuputol ng mga puno ng
kagubatan?
a. mapagbigay b. masipag c. sakim d. tamad 91
6. Ano ang magandang maidudulot ng reforestation?
a. maiiwasan ang tagtuyot
b. maiiwasan ang pagbaha
c. maiiwasan ang pag-ulan
d. maiiwasan ang pagbagyo
7. Piliin ang angkop na kadugtong ng slogan na “Buhayin ang Kabundukan:
______________________________________”
a. Magtanim ng Mga Puno
b. Ilagay sa Hawla Ang Mga Ibon
c. Ilipat sa Kapatagan Ang Mga Halaman
d. Iwasan ang Pagkuha ng Mga Bulaklak
8. Ano ang koneksyon ng pagputol ng mga puno sa kagubatan sa pagbaha sa kapatagan?
a. Sa kabatagan na babagsak ang ulan.
b. Kapag wala ng puno, madalas na ang pag-ulan.
c. Wala ng mga hayop na magbabantay sa daloy ng tubig.
d. Wala nang pipigil sa pagdaloy ng tubig mula sa kabundukan.

You might also like