You are on page 1of 19

Nayon ng Rosas

Su Nyein Chan
Wunna Lwin
Noong unang panahon, mayroong isang
maliit na nayon kung saan ang lahat ay
nagtatanim ng mga pulang rosas.
Ang bawat bahagi ng nayon ay maganda
dahil sa mga pulang rosas na hardin. Kilalang
kilala kahit sa kalayuan ang reputasyon ng
nayon para sa malalaking magagandang
pulang rosas.

1
Ngunit walang nakababatid kung bakit silang
lahat ay nagtatanim nang pare-parehong
klase ng pulang rosas.

Naisip ng ilan sa kanila na marahil ang


pagtatanim ng pulang rosas ay nakasanayan
na mula pa sa kanilang mga ninuno.

Ang iba naman ay naniniwalang kung hindi

2
sila magtatanim ng pulang rosas, sila ay
isusumpa.

3
Isang araw, may isang matandang lalaki na
nakahanap ng kahon na naglalaman ng mga
kakaibang buto sa ibaba ng kaniyang bahay.
Nagulat ang matandang lalaki. Hindi niya
alam kung papaano nakarating ang mga
butong iyon sa ibaba ng kaniyang bahay at
nagdesisyon na itanim ito sa kaniyang hardin.

4
Maingat na inalagaan ng matanda ang
kanyang mga bagong halaman. Nang
mamukadkad ang mga bulaklak, ang kanyang
hardin ay napuno ng maraming uri ng
makulay na mga bulaklak.

5
Nagulat ang lahat ng mga taga-nayon nang
makita ang pinaghalong dilaw, asul, lila,
puting bulaklak na namumulaklak sa gitna ng
kanilang mga pulang rosas.

6
Maraming nag-iisip na ang matandang lalaki
ay isusumpa. Kaya hinihimok nila na alisin
niya ang mga makukulay na bulaklak sa
lalong madaling panahon.
Sumagot ang matanda na hindi niya sisirain
ang hardin na siya mismo ang nag-alaga.

7
Nadismaya ang mga taganayon sa matanda
at hindi nila siya pinansin at ang kanyang
makulay na hardin ng bulaklak.
Nahirapan ang matanda na mamuhay sa
pang-araw-araw na pagsasaka habang hindi
pinapansin ng kanyang mga kapit-bahay.

8
Isang araw, isang pintor mula sa palasyo ng
hari ang dumating sa nayon. Nalaman ng hari
ang magagandang bulaklak sa nayon, kaya’t
ipinadala niya ang pintor na ito upang ipinta
ito.
Masayang tinatanggap ng mga taganayon
ang pintor at ipinakita sa kanya ang kanilang
mga hardin ng pulang rosas.

9
Tumingin ang pintor sa mga hardin, pumili ng
burol at nagsimulang magpinta.
Naghintay ang
mga taganayon sa kakalabasan ng kaniyang
ipinipinta.
Nang matapos ang pagpipinta, ang mga
taganayon ay namangha sa makulay na mga
bulaklak na ipininta nito.
Ngunit, may isang nagsabi na ang pintor ay
isusumpa.

10
11
Sumagot ang pintor na ang iba’t ibang
mga kulay at iba’t ibang mga hugis ay
kinakailangan upang lumikha ng magandang
sining. Ang pagiging iba ay hindi sumpa
ngunit isang bagay ng kagandahan.
Napagtanto ng mga taganayon na siya ay
tama at tumigil sa paniniwala sa sumpa.
Niyakap nila ang matandang hardinero at
lahat ay nasiyahan sa kanyang makukulay na
mga bulaklak.

12
13
14
1. Ano ang inakalang mangyayari ng mga
taganayon kung hindi mga pulang rosas
lamang ang kanilang itatanim?
2. Anu-anong mga kulay ng bulaklak ang
kinalabasan ng mga binhi sa kahon?
3. Ano ang sinabi ng pintor mula sa Palasyo
sa mga taganayon?
4. Aling mga kulay ang gusto mo? Bakit mo
gusto ang mga ito?

15
Ang aklat na ito
ay ginawa mula sa pagsasanay sa paglikha ng
aklat sa pagtutulungan ng Third Story Project
at The Asia Foundation. Ang Third Story
Project ay naglilikha at naglalathala ng mga
pambatang aklat sa mga wikang Burmese at
Myanmar upang ipamahagi ng libre sa mga
bata. Ang mga kuwento ay isinulat at iginuhit
ng mga alagad ng sining sa Myanmar para
sa kanilang mamamayan upang makapag-

16
ambag sa usaping kapayapaan, katatagan,
pagkakaiba-iba, kasarian, kapaligiran, at
karapatang pambata.

17
Brought to you by

Let’s Read is an initiative of The Asia Foundation’s Books for Asia


program that fosters young readers in Asia and the Pacific.
booksforasia.org
To read more books like this and get further information about
this book, visit letsreadasia.org

Original Story
ှင်းဆီ ရွာ (Rose Village), Author: Su Nyein Chan. Illustrator: Wunna
Lwin. Published by The Asia Foundation - Let’s Read, © The Asia
Foundation - Let’s Read. Released under CC BY-NC 4.0.

This work is a modified version of the original story. © The Asia


Foundation, 2021. Some rights reserved. Released under CC
BY-NC 4.0.

For full terms of use and attribution,


http://creativecommons.org/licenses/by-nc/4.0/

You might also like