You are on page 1of 4

YOBHEL CHRISTIAN ACADEMY INC.

San Vicente, Pili, Camarines Sur


A/Y 2020-2021

Mala-masusing Banghay Aralin sa Aralin 10

I. Mga Layunin:

Bago at pagkatapos ng 60 minutong talakayan ang 75% ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a. matatalakay ang pag-unawa sa idea o konseptong politikal na pagkamamayan;

b. masusuri ang iba’t ibang larangan ng pagkamamayan, simulain at responsibilidad;

c. matutukoy ang kahalagahan ng pagiging isang mabuting mamamayan

II. Paksang Aralin

a. Paksa: Tungo sa pagiging Isang mabuting mamamayan

b. Batis: Mga Kontemporaryong Isyu (reference book)

c. Kagamitang pamapagtuturo: Biswal at makukulay na Papel, Marker

d.Integrasyon sa asignatura: edukasyon sa pagpapakatao.

e. Metodolohiya: 4P’s na Dulog

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

2. Pagtala ng Liban at Pagsasaayos ng silid

3. Pagbabalik Aral

B. Paglalahad

1. Pag-ganyak

Itala ang mga katangiang para sa iyop ay dapat taglayin ng isang mabuting mamamayan.
Gamit ang katangiang ito ay suriin ang iyong sarili bilang isang mamamayan. Gumawa ng
isang panata na iyong aangkinin at pagyayamanin ang mga katanhgian ng isang mabuting
mamamayan.
2. Paghawan ng sagabal

Sagutin ang katanungang ito:

1. Ano sa palagay mo ang isang halagahing panlipunan na kailangang taglayin ng isang


mamamayan tulad mo na akma sa kontemporaryong panahon?
2. Paano mo maipapakita ang iyong malasakit sa ating kalikasan?
3. Bilang responsableng mamamayan, ano ang iyong maitutulong upang maiwasan ang
maling paggamit ng modernong teknolohiyang pangkomunikasyon?

4. Pagtalakay

Balangkas ng Kaisipan

PAGKAMAMAMAYAN

maaaring suriin gamit


may iba't ibang uri may kaugnayan sa
ang

Kanluraning Halagahing
Panlipunan
pakahulugan panlipunan

Pilipinong
Pandaigdigan
pakahulugan

Pangkalikasan at
Pandagitab

Tatalakayin ng guro ang mga sumusunod:

 Pagkamamamayan at Halagahing Panlipunan (Kanluraning Pakahulugan, Civitas)


 Pilipinong Pakahulugan
 Ilang uri ng mamamayan
 Pagkamamag panlipunan at pandaigdig (pamalagiang paninirahan, multicitizenship, global
citizenship)
 Pagkamamamayang pangkapaligiran (environmental citizenship o pagkamamamayang
pangkapaligiran)
Pandagitab na pagkamamamayan (digital citizenship)
- Pandagitab na pakinabang (digital access, digital communication, digital commerce)
- Pandagitab na panuntunan (digital literacy, digital etiquette, digital rights and responsibilities)
- Pandagitab na babala ((digital health and wellness, (digital security, digital law)
 Edukasyong Digital
 Katarungang Panlipunan

4. Paglalapat

Ang mga mag-aaral ay mahahati sa dalawang pangkat. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng paksa
upang iulat sa klase

Mga Paksa:

Unang Pangkat - Pandagitab na pagkamamamayan (digital citizenship)


Pangalawang Pangkat - Pandagitab na pakinabang (digital access, digital communication,
digital commerce)
Pangatlong Pangkat - Pandagitab na panuntunan (digital literacy, digital etiquette, digital
rights and responsibilities)
Pang-apat na Pangkat- Pandagitab na babala ((digital health and wellness, (digital security,
digital law)

5. Paglalahat

Para sa panapos na gawain, ang mga mag-aaral ay sasagutan ang pagsasanay (A)

Panuto. Isulat ang Letrang T kung ang pangungusap ay tama at M naman kung mali. Gawing
pantulong ang nakasalungguhit na salita sa pangugusap.

________1. Civitas ang tawag sa nasyon-estado sa panahon na pinatutungkulan ng lahat ng


gawaing sibiko ng mga Greek at Roman.

________2. Civis ang tawag sa magtataglay ng Karapatan, pakinabang at katungkulan para sa


paglaan ng serbisyo sa loob ng lipunang Roman.

________3. Nakalaan ang pamahalaang Roman sa pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay upang


kilalanin ang kakayahang indib indibidwal pangmamamayan sa loob ng lipunang Roman.

________4. Sentral na motibo ng halagahing panlipunan ng mga Roman ang paglinang ng virtus na
siyang dahilan sa kadakilaan at karangalang Roman sa kasaysayan.

________5. Kalooban ang nililinang sa lipunang Pilipino bilang daan sa pakikipag kapuwang
sandigan sa pag-uugnayang pantao.

________6. Nakaluklok sa idea ng kapuwa ang mga sosyolohikal na kategorya para sa mabisang
pakikipag ugnayan, pagpapahalaga, at paglilingkod-bayan ng mga Pilipino.

________7. Ang pakikipag ugnayang pantao, pagpapahalagang panlipunan, at paglilingkod-bayan ay


itinuturing na mga larangan ng halagahing panlipunan.

________8. Tumutukoy ang paghimanwa at pagdumalahan sa sinaunang pamamaraan ng


pagkamamayan ng mga Pilipino.

________9. Sentro o diwang-buo ng pagpapatupad ng Karapatan at katungkulan sa pagkamamayan


ang kaloobang-bayan.

________10. Ang unong pakikisamang pisikal ay maiuugnay sa konsepto ng kalooban,


pakikipagkapuwa, at kapatiran.

Paksa: Pakikilahok sa mga Gawaing Sibiko

IV. Pagtataya:

Panuto: Itambal ang mga aytem sa hanay A sa mga nasa Hanay B.

A B

_______1. Panghimanwa a. pagpapakumbaba at pagpaparaya


_______2. Civis b. kakilala, kasama, kaibigan
_______3. Ibang tao c. asawa, magulang, kapatid, at kamag-anak
_______4. Di-ibang tao d. mamamayan
_______5. Mundialisasyon e. panuntunan sa paggamit ng internet
_______6. Digital access f. pamumunong- bayan
_______7. Digital communication g. pakikilahok na elektroniko
_______8. Digital etiquette h. elektronikong palitan ng impormasyon
_______9. Ilub i. proseso ng pagtutro at pagfkatuto tungkol sa
teknolohiya at gamit nito.
_______10. digital literacy j. paglikha ng mga bagong organisasyong
politikal na mangangasiwa sa sangkatauhan

V. Kasunduan:
Sagutin ang sumusunod na mga taning (pahina 200)
1. Paano nakatutulong ang pag unawa sa mga kontemporaryong isyu para sa pagiging
isang mabuting mamamayan na nagsusulong ng katarungang panlipunan at
pangkapaligiran.
2. Paano mo maipamamalas ang iyong bahagi bilang isang mabuting mamamayan na
magsusulong ng katarungang panlipunan at pangkapaligiran?

Batis Mga Kontemporaryong Isyu (reference book)

Inihanda ni:

STEFANIE CAS AGONG


Gurong Nagsasanay sa Ingles

Nabatid ni:

JESSA GACER
Gurong Tagapagsanay

You might also like