You are on page 1of 13

Good Morning everyone, this is your reporter

Cherry Mae and here I am to discuss about one


of the memorable parts of the Philippine history
which is the first cry or unang sigaw.
So, dito pag-uusapan natin:
 What are the important details that we
need to know about the first cry or the
unang sigaw and ofcourse most impotantly
ano ba yung mga details surrounding the
first cry na masasabi naten, “San nga ba
naganap ito”. Is it sa pugad lawin or in
balintawak.

PROCEED BASAEN INTRODUCTION


POWERPOINT

So let’s start to find out

FIRST CRY
So First cry, ang first cry or unang sigaw, ay
hindi ibig sabihin nito na sumigaw sila, at
mas lalong hindi sila umiyak, dahil ang ibig
sabihin po ng first cry or unang sigaw ay
yung unang pagtawag ng rebellion or cry
for rebellion, or unang sigaw para sa
pagtawag ng rebellion
So, when we say rebellion, ito ay isang pagkilos
ng marahas o bukas na pagtutol sa isang
itinatag na pamahalaan o pinuno.

Tandaan natin, ano nga ba ang dahilan kung


bakit nagkaroon ng unang sigaw. Dito
papasok yung pagkakatuklas ng Katipunan
noong august 19, 1896.

KKK
- founders of kkk
- KKK in english, (Supreme and Venerable
Association of the Children of the Nation)

So, natuklasan ang Katipunan dahil narin sa


mga myembro nito na hindi nakatiis na
nagsabi sa kanilang kapatid or kamag-anak
na sinundan naman ng pagsusumbong ng
mga yon sa mga pare.
So, ngayon kapag sinabi nating first cry, ano
ba yung mga naganap sa first cry nayan
So, nandito yung pagpupulong, nandito yung
pagbibigay talumpati ni andres Bonifacio at
ofcourse syempre yung very symbolical na
pagpunit ng sedula.
Tandaan naten na yung sedula noon ay
napaka importanteng dokumento ng isang
Pilipino na laging hinahanap ng gobyerno
ng Espanyol

NEXT
So, isa sa mga naging kontrobersya sa unang
sigaw ay ano nga ba ang petsa naganap ang
unang sigaw

So, marami ang mga nai-suggest o marami ang


mga nailabas na punto ukoy sa iba’t ibang
petsa kung saan nga ba o kung kailan nga
ba naganap yung unang sigaw.
Kasalukuyan, ang tinatanggap na petsa ng
unang sigaw ay ang august 23, 1896
So, bago tayo pumunta doon, pag-usapan
muna natin kung ano-ano nga ba ang mga
importanteng detalye na sumusuporta sa
unang sigaw sa Balintawak at unang sigaw
sa pugad lawin.
Kase, kung titignan natin, may dalawang lugar
na kung saan sinasabi naganap ang first
cry.
May mga myembro ng Katipunan na
nagsasabing ginanap ito sa Balintawak at
meron naman sa pugad lawin.
So, pag-usapan natin ang five different versions
of characters involved in the cry of rebellion

VERSIONS

Guillermo Masangkay
So, ayon kay Guillermo masangkay, noong
august 26, ginanap daw ang unang sigaw
sa Balintawak
So, eto daw ay ginanap sa bahay ni apolonio
samson, isang cabeza ng caloocan.
Tandaan naten na yung Balintawak at that
time ay parte ng caloocan, wala pa namang
quezon city noong panahon ng mga
Espanyol
PAGPUPULONG
And ang pagpupulong ay pinatawag ni andres
Bonifacio noong bandang alas nwebe ng
umaga at si andres Bonifacio ang namuno
para sa isang pagpupulong at sya ay
tinulungan ni Emilio jacinto.
So, dito sa pagpupulong na ito, sinasabi na sila
ay nanghingi ng tulong at kinukumbinsi
nila ang mga tao na sumapi or sumama sa
rebolusyon kaya ito ang napakahalaga na
parte ng unang sigaw
- yung paghikayat sa mga tao na sumali sa
rebolusyon

GUARDIA CIVIL NA SI LT. OLIGARIO DIAZ


So, eto naman, ayon naman sa guardia civil na
si Lt. Oligario Diaz, isang lieutenant ng mga
Espanyol that time. Ginanap naman daw
ang unang sigaw noong august 25, 1896,
so another date na naman

Pero eto mabigat, ayon naman kay Gregoria de


jesus

GREGORIA DE JESUS
tandaan po naten sino ba si Gregoria de jesus,
siya lamang po ang may bahay or yung
asawa ni andres Bonifacio noong panahon
na iyan. So, mabigat bigat ito.
So sabi niya, august 25 naman daw ginanap
ang unang sigaw sa Balintawak sa lugar na
tinatawag nila doon na pasong tamo,
kalookan, na nasa area parin ng
Balintawak.
Kaya kung titignan naten, mabigat bigat etong
testament na ito na ibinigay ni Gregoria de
jesus na kung saan tinutukoy niya na sa
Balintawak daw ang unang sigaw pero
kung titignan naten syempre may iba’t iba
pang mga detalye na nagsasabe na ibang
araw at iba namang lugar

So, ngayon ang tanong, bakit ba napunta sa


pugad lawin
So, dito papasok ang binitawan na pahayag sa
isa sa kanang kamay ni andres Bonifacio
na si pio Valenzuela.
SANTIAGO ALVAREZ
So, si alvarez ang may-akda ng “The Cry of
Bahay Toro” na isang kilalang warlord ng
katipunan ng cavite. Siya ay anak ni
mariano alvarez at kamag-anak ni gregoria
de jesus at isa siyang delegadong heneral
ng sangguniang panlalawigan ng katipunan
sa cavite.

So, sabi dito, siya ay naging kapitan heneral at


kalaunan ay kumander ng mga pwersa ng
magdiwang at nakipaglaban sa mga kastila
mula 1896-1897
So, nangyari ang kanyang bersyon noong
august 24, 1896 sa bahay toro, quezon city
gayunpaman ay hindi saksi si alvarez sa
makasaysayang pangyayari. Kaya naman,
hindi matatanggap ang kanyang bersyon

PIO VALENZUELA
So, ang sabi naman ni pio Valenzuela, august
23, 1896 ginanap ang unang sigaw sa sitio
gulod, pugad lawin
Ginanap ito sa tahanan ng isang
nagngangalang juan ramos na anak daw ni
tandang sora
So, ngayon, ano daw ang meron sa bahay ni
apolonio samson na naganap.
Ang naganap daw sa bahay ni apolonio samson
according kay pio Valenzuela ay pag-uusap
lang pero walang nagging desisyon tungkol
sa rebolusyon kaya ang sinasabi dito ni pio
Valenzuela.
Ang unang sigaw ay ginanap daw talaga sa
pugad lawin
Na kung saan naging decisive ang Katipunan
para magkaroon na ng rebelyon laban sa
mga Espanyol
So, ngayon ano ang nangyare dito sa mga
detalye na pinahayag naten.

So, sa pamamagitan ng mga detalyeng ito,


nagkaroon ng pag-aaral ang national
historical commission at ayon narin kay
Teodoro agoncillo na siya na ring kumuha
ng pahayag ni pio Valenzuela. Talaga dapat
daw na ilipat ang petsa ng unang sigaw sa
august 23, 1896 at ilipat din ang lugar sa
pugad lawin

So, ang una kaseng pinaniniwalaan na


pinaganapan ng unang sigaw ay sa
Balintawak
Kaya mapapansin ninyo na ganun na lamang
yung mga makikita ninyo na nakalagay sa
area ng balintawak na may mga
komemorasyon tungkol sa naganap na
unang sigaw para sa Katipunan.
Pero, makikita nyo rin dahil nailipat sa pugad
lawin,syempre nailipat din ang petsa at
nailipat din ang lugar
So, from kalookan ayon nalipat naman sa
quezon city sa pugad lawin naman
So, eto dahil sa pagkakalipat ng petsa at tsaka
ng lugar, syempre nag-iba din ang pananaw
tungkol sa unang sigaw
NEXT
So, titignan naten ano nga ba ang halaga ng
paglilipat ng petsa at tsaka ano nga ba ang
masasabi naten na epekto nito sa ating
mga Pilipino.
Kung ako tatanungin, wala naman , wala
naman talagang importansya kung saan ba
kung sa pugad lawin ba o sa Balintawak
dahil ang mahalaga dito ay yung halaga
nung ginawa ni andres Bonifacio at yung
mga ginawa ng Katipunan para sa ating
bansa.
 Yung kanilang pagkakaroon ng desisyon
para magrebelyon at baguhin ang takbo ng
ating kasaysayan.
Kaya, yung naganap na unang sigaw, mapa
Balintawak man o pugad lawin, ang
importante lang naman doon ay yung
detalye, ang importante lang naman doon
ay yung petsa, oo napaka importane nyan
Pero , yung essence, yung halaga nung
naganap, yung ginawa at yung naging
kontribusyon ng mga tao na involved sa
Katipunan at that time
Hindi yun basta basta mapapantayan ng kahit
anong bagay na meroon sa ating
kasaysayan dahil yun yung naging hudyat
at naging simula ng pagbabago ng ating
bansa patungo sa Kalayaan, doon sa
tinatamasa nating Kalayaan ngayon na
matagal na matagal nang hinihiling ng mga
Pilipino at that time
Kung titignan din natin dito, ang isa pang
mahalaga ay ang importansya ng ating
local history, mahalaga na pag-aralan at
balikan yung ating mga local history kase
makikita mo rito yung mga humble
beginnings ng mga iba’t ibang mga
organisasyon at mga iba’t ibang
personalidad, kung papaano sila nabuhay
at nakihalubilo sa ating lipunan at kung
ano yung mga naging kontribusyon nila
Kung makikita niyo, ganun din nagsimula ang
Katipunan, from several members, lumake
ng lumake and they branched out into
different provinces hanggang lumake as an
unstoppable organization na nagdeclare ng
rebelyon against sa mga Espanyol.
So, for us group 6, base sa mga nakalap at
nabasa naming detalye about sa unang
sigaw ng rebelyon, sa tingin namin ay sa
Balintawak naganap ang unang sigaw dahil
ayon sa dalawang eyewitness which is si
Valenzuela at masangkay, nangyari daw
ang unang sigaw sa Balintawak noong
august 23, 1896. Ang cry of pugadlawin
para sa amin ay hindi maaaring tanggapin
as historically accurate kasi kulang sa
positibong dokumento at mga ebidensya
galing sa witness. Ang testimony ng isang
eyewitness na si Dr. Pio Valenzuela ay hindi
sapat upang patunayan ang
kontrobersyang isyu ng kasaysayan. At ang
isa pang rason ay ang paglabo ng kanyang
memorya at walang pagkonsulta sa
nakasulat na mga dokumento ng Philippine
Revolution, nagsulat siya sa kanyang
talaarawan ng revolution resulta ng hindi
pagkakapantay pantay ng petsa at lugar.

So, yun ma’am


So, in general, napakahalaga rin ang unang
sigaw sa Balintawak dahil ipinakikita nito
yung pagmamahal sa bansa ng mga
Pilipino at dito tayo nagkaroon ng masasabi
naten na isa sa mga unang konsepto na
kung saan tayo ay iisang bansa, na tayo ay
hindi isang kolonya na pinamumunuan ng
mga banyaga. Kaya napakahalaga ng
unang sigaw, mapa Balintawak man o
pugadlawin dahil ito ang nagsimula ng
rebelyon na kung saan nabago ang takbo
ng ating kasaysayan mula sa
pagkakasakop ng mga Espanyol sa aten.

So, with that, I hope that you have learned


something about our topic, First Cry of the
Rebellion. Thank you and have a nice day.

You might also like