You are on page 1of 17

9

Ikalawang Markahan-Modyul 17-Week 7:

Maikling Kwento

1
Filipino– Grade 9
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan-Modyul 17-Week 7: Maikling Kwento
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng ADM Modyul

Manunulat: Rosalinda C. Lusung


Editor: Ryan M. SImbulan
Gemma P. Naguit
Tagasuri: Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino
Tagaguhit: Carlo D. Yambao, Timothy M. Bagang (Cover Arts and Icons)
Tagalapat: Roland M. Suarez, Catherine P. Siojo
Tagapamahala: Zenia G. Mostoles, EdD, CESO V-Schools Division Superintendent
Leonardo C. Canlas, EdD-Assist. Schools Division Superintendent
Rowena T Quiambao, Assist. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID
Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino
Ruby Murallo Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan, ADM Division Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon III – Division of Pampanga

Office Address: High School Boulevard, Brgy. Lourdes,


City of San Fernando, Pampanga
Telephone No: (045) 435-2728
E-mail Address: pampanga@deped.gov.ph
Alamin
Magandang buhay! Ni hao!

Ang pagpapala ng Ating Lumikha nawa’y manahan sa bawat isa.

May mga akdang dulot ng guniguni at bungang-isip na hango sa isang


tunay na pangyayari sa buhay. Ito ay nababasa sa tagpuan, nakapupukaw
ng damdamin at mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming may
kaisahan ay tinatawag na Maikling Kwento (Edgar Allan Poe).
Hindi maipagkaila na malaki ang kinalaman ng tagpuan sa mga
pangyayaring nagaganap. Masasalamin natin ang pagkakakilanlan ng mga
tauhan, ang kanilang kilos o gawi na na naayon din sa kanilang lugar, maging
ang pananamit at pakikipag-ugnayan nila sa kapwa at kung paano harapin
ang pang araw-araw na hamon ng buhay.
Ang modyul na ito ang maghahatid sa inyo sa mundo ng mga Tsino.
Sabay nating tuklasin at mag-imbak ng kaalaman hinggil sa kultura ng mga
Tsino at iba pang bansa sa Silangan Asya.
Sa larangan ng Gramatika, tutugunan ng modyul na ito kung paano
gagamitin ang pang-abay at pang-uri bilang mga panuring sa pagpapalawak
ng pangungusap.

MGA TEKSTONG BABASAHIN:

Niyebeng Itim ni Liu Heng – Maikling Kwento ng China


Nagmamadali ang Maynila

GRAMATIKA:

Pagpapalawak ng Pangungusap
Gamit ang Panuring (pang-uri at pang-abay)

Narito ang mga kasanayang malilinang sa iyo sa pagtahak sa araling ito:

1. Napaghahambing ang kultura ng ilang bansa sa Silangang Asya


batay sa napanood na bahagi ng teleserye o pelikula. (F9PD-IIe-f-48)
2. Naisasalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa
kulturang nabanggit sa nabasang teksto. (F9PS-IIe-f-50)
3. Naisusulat ang isang paglalarawan ng sariling kultura na maaaring
gamitin sa isang pagsasalaysay. (F9PU-IIe-f-50)
4. Nagagamit ang pahayag sa pagsisimula, pagpapatuloy ng mga
pangyayari at pagwawakas ng kwento. (F9WG-IIe-f-50)

1
Aralin
Maikling Kwento:

1 Niyebeng Itim ni Liu Heng


Isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra

Balikan

Maligayang pagdating mga kaibigan! Labis ang aking kagalakan at


napili ninyong pasyalan ang aking lupain. Kaya ako’y naghanda ng mga
ihahain ko sa iyo. Mayaman tayo sa mga Gawain at pagsubok na tutugon sa
ating layuning naisasalaysay ang sariling karanasan na may
kaugnayan sa kulturang nabanggit sa nabasang kwento at naisususlat
ang isang paglalarawan ng sariling kultura na maaaring gamitin sa
isang pagsasalaysay.
Nakakasiguro ako kaibigan na ikaw ay magtatagumpay sa
pakikipagsapalaran sa pagtuklas ng kaalaman sa aking lupain. Malaya kang
makapamasyal saan mang dako, siguraduhin lamang na makibahagi ka sa
mga Gawain. Ating nang umpisan kaibigan. Maligayang pamamasyal.

Gawain1: Hulawan: Tukuyin ang nasa larawan at isulat sa patlang ang


inyong sagot

a._________ b._________ c._________

d. _________ e._________

2
Tuklasin

Unang Pagbasa

Kaibigan basahin at unawain ang kwentong inihanda para sa iyo. Maaari mo


ring mapanood ito sa https://www.youtube.com/watch?v=GMghNwnHiAc
NIYEBENG ITIM
ni Liu Heng
Isinalin sa Filipino ni : Galileo S. Zafra

Bisperas ng bagong taon noong nagpakuha si Li Huiquan ng


labinlimang litrato kasama ang kaniyang Tiya Luo. • Tutol man na
magpakuha ng litrato ay napilitang magpakuha si Huiquan sa Red Palace
Studio. Gagamitin niya ang larawang iyon upang kumuha ng lisensiya para
sa kariton at pagtitinda ng prutas. • Naaprubahan ang pagkuha niya ng
kariton ngunit sa pagtitinda ng prutas ay hindi. Puno na ang kota, hindi rin
nakatulong ang kontak ng kaniyang Tiya Luo o ayaw nitong tumulong.
Ang tanging lisensiyang naroroon ay para sa tindahan ng damit,
sumbrero at sapatos. Wala nang pakialam si Huiquan kahit anong itinda. Ang
mahalaga ay may gawin kahit pa mas mahirap itinda ang damit kaysa prutas.
• Inimbita si Huiquan ng kaniyang Tiya na manood ng magandang palabas
sa tv ngunit tumanggi ito sa kadahilanang marami pang gagawin. • Ibinigay
kay Huiquan ang pwesto sa may Timog ng silangang tulay. Wala man lang ni
isa ang nagtangkang tumingin ng mga paninda niya. • “Sapatos na tatak
Perfection mula sa free economic zone! Sapatos tatak perfection gawa sa
Shenzen...” ang sigaw niya. Mga blusang batwing! Halikayo rito!” muli niyang
sigaw.
Ngunit wala pa rin siyang nabenta. Siya ang huling tindahan na
nagsara sa hanay ng mga tindahan na naroon. Sa sumunod na araw ay
nakabenta siya ng muffler. Sa ikatlong araw ay wala siyang benta. Sa ikaapat
na araw naman, wala pang kalahating oras nang magbukas ng kaniyang
tindahan ay nakabenta siya ng damit na pang army sa apat na karpintero.
Nang makarating ang mga karpintero sa Silangang tulay ay nagkulay talong
ang labi nila sa lamig. Ngunit nailigtas naman ang kanilang balat ng
kasuotang ibinenta ni Huiquan. Bago magtinda ay matamlay na hinarap ni
Huiquan ang negosyo. • Ngunit naging inspirasyonsa kaniya ang pagbili ng
mga karpintero. • Mas mabuting maghintay kaysa umayaw dahil hindi
naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka di ba?

3
Suriin

Balikan natin ang akdang Niyebeng Itim. Itala mo ang mga pangalan ng
tauhan, tagpuan at kapanahunang naganap ang kwento. Ilalarawan ang mga
kaugalian o katangian nito.

Gawain 2: Itala mo

Mga Tauhan Paglalarawan

1.

2.

Tagpuan

1.

2.

Kapanahunan

1.

Gawain 3: Pagtapatin

Pagtapatin ang sumusunod na kaisipang hango sa kuwentong binasa sa mga


kaugalian/pahayag sa ikalawang hanay. Isulat ang titik na may angkop na
pahayag.

___1. Mas mabuting maghintay A. Ang kahinaan at pagkadama ng


kaysa umaayaw, dahil walang panliit sa sarili ay maaaring magdulot
nakakaalam kung kailan kakatok ang ng kawalan ng halaga o silbi.
oportunidad.

___2. Isa siyang basurahan o isang B. Pagpapamalas ng katiyagaan at hindi


pirasong basahan na nais magtatago pagsuko
sa isang butas.

___3. Gusto niyang lumaban, pero C. Pagpapakita ng pagiging bukas ang


wala siya lakas. Kaya magpapanggap kaisipan sa mga puna o suhestiyon.
siyang tanga, umiwas sa mga
nagmamasid at nagmamatyag.

___4. Saanman siya magpunta, laging D. Ang pagkakaroon ng lakas ng loob sa


may nagsasabi sa kaniya kung ano anumang kinakaharap na pagsubok ay
ang dapat at di –dapat gawin; sa mabisang armas upang ito’y
mapagtagumpayan.

4
pagtingin sa kanya ng mababa,
umaangat ang kanyang sarili.

___5. Kailangan palakasin niya ang E. Higit na mainam ang pagiging totoo
kanyang loob; kung ididilat lamang sa sarili. Harapin ang kahinaan at
niya ang kanyang mata, paandarin sikaping mapaglabanan ito. Sa ganoong
niya ang kanyang utak, at di paraan ay matutulunngan mo ang iyong
matatakot magtarabaho, maayos ang sarili.
lahat.

Ngayon naman ay ating pagtuunan ng pansin ang ikalawa mong Gawain. Pero kailangan
mong basahin ang inilaan kong kwento sa yo para malampasan ang ikalawang pagsubok

Ikalawang Pagbasa mga kaibigan

Nagmamadali ang Maynila


ni Serafin C. Guinigundo

"GINTO. GINTO... Baka po kayo may ginto riyan?"

"Mga mama.. mga ale... ginto...?" ang alok-anyaya ng isang babaing


nakakimona at ang saya ay humihilahod sa sakong at siyang lumilinis sa
makapal na alikabok sa bangketa.
"Baka po kayo may ginto?" ang muling sigaw ng babae. " Kung may
ginto ako bakit ko ipagbibili? Hindi baga mas mahal ang ginto kaysa kwalta?"
sambot ng isang lalaki na ang kausap ay ang kaakbay.
Ang kalipunan ng mga taong naglipana sa Azcarraga, Avenida Rizal at
Escolta ay mga mamimiling walang puhunan (karamihan) at mga tagapagbili
ng mga bagay na wala sa kanila at lalong hindi kanilang pag - aari.
Ang hanapbuhay ng mga ito ay magtala sa papel ng mga bagay na
nababalitaang ipinagbibili. Madalian ag kanilang usapan, Mabilis
magkasundo. Tiyak ang pook na tipanan sa harap ng isang mesa: sa ibabaw
ng umaasong kapeng-mais na pinapuputla ang kulay ng gatas na may
bantong gatas ng niyog. Kung sila'y palarin; kakamal ang libo, kung mabigo
naman ay gutom maghapon.
Sa tawaran ay hindi magkamayaw. Tingin, tawad, silip, tingin, tawad.
Tingin sa singsing, sa kwintas, hikaw, at pulseras.
" Ilang ply, anong sukat ng goma?" usisa ng isa.
" Ano? In running condition ba? Baka hindi, Mapapahiya tayo," ang
paniniyak ng isa naman.
" Aba! sinasabi ko sa iyo... garantisado, hindi ka mapapahiya," tugon
ng tinanong.
" Hoy,Tsiko, ang iyong lote, may tawad na. Ano, magkano ang talagang
atin doon? Mayroon na ba tayo? Baka wala? Ihanda mo ang papel. Bukas ang
bayaran. Tiyakin mo lang ang ating salitaan ha? Kahit hindi nakasulat... ikaw
ang bahala. "
"Ako ang bahala, boy. Alam mo na ang bilis natin, hindi ka maaano.
Hawak natin ang ibon. "
Ang iba ay maingat; gumamit ng mga lenteng maaninag sa mga tapyas
ng brilyante. Nangingilag sa basag na bato: iyong may karbon; iyong may

5
lamat. Malulugi kapagka nabibigla sa pagtawad. Sa bawat may lenteng
tumitingin ay marami pang taong nakapaligid na nag - aantay na makasilip
naman: makatingin at tumawad sa singsing, hikaw at pulseras. Ang init ng
araw ay hindi alumana ng mga taong ayaw iwan ang kakapalan ng
nagtatawaran ng lupa, bahay, bakal, pako, trak, lantsa, kabayo, makinilya at
iba pang mga bagay. Kakain lamang upang magbalik; babalik lamang upang
makipag - usap, tumawad, at tumingin. Ang maghapon ay natatapos sa
nakapaghihinayang na pakinabang; nauubos upang umasa sa isang
kinabukasang marahil ay lalong mapalad at manigo.
"Balut... balut... baluuuut... baluut!"
"Puto... put.., putt... puto." Iyan ang mga tagapambulahaw sa mga
natutulog, sa mga may nanlalambot sa tuhod.
"Isang oras lamang, maaari ba? Ipapakita ko lang sa aking buyer.
Magugustuhan ito. Cash ngayon din. Iiwan ko muna ang aking tubog sa iyo.
May halaga yan. "
"Huwag na. Dalhin mo, Sisirain mo ba ang iyong pangako? Kilala
naman kita. Madali ka. Isang oras ang pangako ng aking kaibigan sa may-ari
nito. Kaya kung dadalhin mo ay sige. Ibalik mo agad aantayin kita. Hindi ako
aalis, bago mag-ikalabindalawa.
Humahangos ang pinagbigyan ng singsing. Naglagos sa kakapalan ng
mga tao. Madagil o makadagil ay tuloy sa kanyang paglalakad. Hinahawi ng
kanyang mga bisig ang mga tao. Isinisingit niya ang kanyang manipis na
katawan. Maikli lamang ang palugit sa kanya sa singsing - isang oras. Ang
taong humahangos at nagmamadali at tila nakikipag -agawan ng oras ay si
Maciong. Kabilang si Maciong sa mga bumibili nang walang puhunan kundi
laway at nakapagbili nang wala kundi sa listahan. Isa siya sa mga ahente sa
pamilihang- kalye na lalong malaki ang pakinabang sa kanyang listahan
kaysa sa tunay na tinatanggap ng kanyang bulsang palaging puno ng bigong
paghihintay.
Si Maciong na kasalungat ng katwiran ay bata ni Luisita, ang kanyang
kabiyak ng dibdib, ay may paniniwalang ang pananagumpay sa buhay ay
nakasalig sa kaunting bilis ng isip na kanyang tinatawag na "abilidad". Ang
abilidad na iyan ni Maciong ay siyang ipinangangako kay Luisita.
Maipakikilala niya ito sa iba't ibang sukat ng goma; sa mga hawak niyang
option sa trak, sa awto, sa bahay, sa lupa at marami pang iba. Iyan ang
kanyang inaasahang masasalapi hindi maglalaon. Mga katapatan lamang
niya ang kaniyang pinagsasabihan. Baka siya'y maunahan kung siya'y
magsasabi. Mabibigo ang kaniyang pangarap. Muli siyang susumbatan ni
Luisita.
Nakaraan din si Maciong sa kumukutong mga tao.
"Teng... teng... teng...teng..," ang tinig nang dumaragsang
dambuhalang trambya na maraming sakay na hindi makapasok sa loob,
tranbiyang tila baga isang kalabaw na 'di makayang lumulon sa sinsamungal
na sakate sa kanyang namumuwalang bunganga.
Nangunyapit lamang si Maciong sa tansong hawakan sa tranbya. Doon
siya nagpalumaging nakabitin.
"Pasok po sila... pasok po kayo... dito sa loob at maluwag. Pasok.,
pasok.,." ang dugtong na utos ng konduktor. Hindi alumana ni Maciong ang
pagdudumali ng konduktor. Laging hindi napapansin ni Maciong na ang

6
kanyang pagsambot sa tiket ng isang umibis ay sinusulyapan ng konduktor.
Ang pagpasok ni Maciong sa loob ng trambya ay hindi nalingid sa kabatiran
ng konduktor. Hindi pansin ni Maciong ang pagpapatunog ng taladro ng
konduktor." Narito, " sabay abot ni Maciong ng tiket na halos mainit - init pa
buhat sa kamay ng kaiibis na mapagkawanggawa na sinambutan ni Maciong.
"Hindi ba kapapasok mo lamang?"
"Kanina pa po ako, bumago lamang ng upo."
"Saan kayo sumakay? "
"Sa trambya, saan pa?"
Hindi napigil ng mga nasa paligid na nakikinig ang pagtatawanan, na
naging sanhi ng pamumutla ng konduktor.
"Saan kang pook ng Maynila, nagsimulang sumakay?" ang buong linaw
na tanong ng konduktor sa hangad na makabawi sa pagkapahiya,
"Itinanong mo na kanina iyan," tugon ni Maciong. "Itatanong mo na
naman. Ewan ko ba? Tingnan mo sa tiket. Diyan mo iginupit kanina. Hindi
ka ba marunong bumasa?"
Naghagikgikan ng tawa ang mga nasa paligd nila na nakikimatyag sa
kanilang pagmamainitan.
Buong pagngingitngit na tinitigan ng konduktor ang gusot na buhok ni
Maciong. Sinukat ang laki ng bisig nito; hinagod ng malas ang taas at nang
ang kanyang mapanuring paningin ay dumako sa kupi-kuping tainga ni
Maciong na tila kulubot na sitsarong - Bocaue ay nagkunwang tinungo ang
pintuan ng trambya upang makaibis at makasampa ang maraming sakay.
Mag-iikalabing-isa na at kalahati ng tanghali. May kalahating oras
pang nalalabi sa ibinigay sa kanyang palugit upang maipagbili ang singsing.
Natitiyak ni Maciong ang pakinabang na halos binibilang na niya sa kanyang
palad na hindi nag-aamoy kwalta may ilang buwan na.
Nagdudumaling nanaog si Maciong sa Plaza Burgos. Nag-uumihit na
sinundan ang isang taong may bitbit na bayong. Tinawag niya sa pangalan
ang taong iyon. Lumingon ang tinawag. Nagkakilala silang dalawa.
" Hoy Tasio dala ko ang singsing. Bumibili pa ba ang ating buyer?" "Aba,
eh... kailan ba tayo huling nagkausp? Matagal na. Nawala na sa loob ko.
Akala ko'y wala kang makukuha, sayang, nakabili na, Bayaan mo at sa ibang
araw."
Hindi makuhang ilabas ni Maciong sa bulsa ang kanyang kamay na
buong higpit na nakahawak sa singsing. Naaalala niya at inuulit-ulit ang
kanyang gunam-gunam ang "Bayaan mo at sa ibang araw" na katulad na rin
ng katagang " mabibigo yata ako magpakailanman." Tinitigan ni Maciong ang
pagdaragsaan ng mga tao sa Plaza Burgos. Unahan sa pagsakay sa trambya.
Hindi makaigpaw sa itaas ang ga may mahihinang mga tuhod lalong
mahihinang bisig sa pagdaraingkilan. Ang mga babae ay naging mapagbigay
sa paggitgitang yaon; hindi nila napansin ang pagkaipit ng kanilang katawan
sa matitipunong bisig; halos mayupi ang kanilang mga likod-ang dibdib. Ang
kutob ng dibdib ni Maciong ay halos magpatahip ng kanyang polo shirt na
mamasa-masa na sa pawis.
Sa paningin ni Maciong ay may kulay pa rin ang sikat ng arw, bagama't
ang matitingkad na kulay na yaon ay pilit na pinangungupas ng nagsalabat
na dilim na pumipindong sa tuktok ng mga nagtatayuang gusali.

7
Ang tinatahak ni Maciong ay makikinis na mukha ng aspalto na
kadidilig pa lamang. Ang ganti ng liwanag buhat sa mararangyang tahanan
ay tila matutulis na palasong nagtalusok sa makikinis na mukha ng
kalsadang tinatahak ni Maciong.
"Balut... balut... Baluut... baluuut".
"Putooo... putooo... puto... puto..!".
"Maciong, kain na. Malaki ba ang tinubo mo kahapon?" ang naging
tanong ni Liusita. " Hindi mo na ako nabigyan ng balato. Ibibili ko lamang ng
iyong sapatos."
Nangiti si Maciong. Nalalaman niyang siya ay nililibak o binibiro ni
Luisita.
"Maciong, tigilan mo na ang lintik na buy and sell na iyan. Payat ka na,
ang pambili mo lang ng sigarilyo ay hindi mo pa makita. Panay lakad...
lakad... tuwid...lakad,,. tuwid.. sa libu-libong wala. Nasaan ang iyong lion's
share at itong chicken feed ko ang siyang inaalmusal mo. Panay na ang kita
ko sa labada ang iyong nginangangahan para kang luklak na ibong nag-
aantay ng ngungo ng ina."
"Luisita, masasabi mo ang lahat sapagkat iyan ang iyong nakikita.
Hindi abot ng isip mo kung bakit si Pedrong Makunat ay tagapangasiwa
ngayon ng Lucky Sport Real State Agency, si Kamelong Palos, hayan... may
malaking tanggapan ng bakal at ang halaga ng kaniyang bakal ay sampung
ibayo ng kanyang dating puhunan. Sila ay nagsipamula sa walang katulad
ko. Si Ruperto, si Mariano, kapwa may bahay na ngayong sarili. Hindi ba ang
mga diyablong iyan ay katulad ko rin na nagsimula sa lapis at papel?... at si
Calixto, si Melano, aba! Baka masilaw ka sa kanilang suot na brilyante?
Mamatahin mo, ngunit mayroong libreta sa bangko. Sila ay para-paraang
nauna sa akin, ngunit nahuli ako upang mauna. Hindi sila makatitiyak sa
aking abilidad.
"Lubayan mo ako Maciong. Sa abilidad mong iyan, diyan ka
magugutom. Kain na. Lalamig ang salabat. Baka naiinip sa ‘yo ang iyong
kaisplit."
"Nalalaman ko ang aking ginagawa, ang aking kapalaran ay hawak ng
aking dalawang palad. Ang daigdig ay nakapaloob sa aking ulo."
"Naku, magtigil ka na, makita ko. Bagay sa iyo ang magsaka. Doon ka
sa gitna ng bukid magbungkal at tiyak ang iyong pakinabang. Hindi mo kami
mabubuhay sa swing-swing na iyan. Hindi namin makakain ang lintik na
listahang iyan. Magsisilaking tanga at walang muwang ang iyong mga anak."
Kumain si Maciong ng walang imik. Ilang subo lamang ang kaniyang ginawa
at ilang higop ng kapeng-mais. Kabilang na naman si Maciong sa hukbo ng
mga nagbibili at bumibili ng hindi kanila at wala pa sa kanila.
"Tiyak ba ang iyong sinasabi? Malayo ba? Pick-up hane?'
"Oo, pick-up lang. Malapit lang. Tayo na."
Pulu-pulo ang nag -uusap. Kani-kaniyang alok; kani-kaniyang tawad.
May humihipo ng singsing. May sumisilip, may lumelente sa maliit na tapyas
ng brilyante. Silip.., tingin... tawad... silip... tingin,.. tawad..
"Maciong, ano ba ang iyong line ngayon? Mayroon ka bang buyer na
goma ng trak? Mayroon akong dalawampu."
"Ako, kahit anong pagkakasalapian. Totoo ba ang goma mo? Magkano...
malayo ba? Tingnan natin," wika ni Maciong.

8
"Diyan lang sa tabi - tabi, isang libong piso ang halaga ng isa."
"Diyan lamang? Tayo na, tingnan natin. Kung sa bagay dala na ako sa
iyo. Madalas kang mag-alok ng wala. Nasusubo ako sa kompromiso sa aking
mga kausap. Makita ko muna bago ko ialok."
"Ikaw naman, patay-patay ka," ang salag na kausap. Inialok ko sa iyo
ang arina, pinabayaan mo. Ang pako, ang trak, ang makina, at ang makinilya.
Mabagal ka naman eh...!"
Hindi pa sila nalalayo sa kakapalan ng mga nagbibili ng wala ay
nasalubong ni Maciong ang dati niyang kakilala, si Tasiong Abuloy na lalong
kinasusuklaman niya tuwing magugunita ang kanyang kabiguan sa singsing.
"Mayroon ba tayo riyan?" ang bungad ni Tasio.
"May buyer ka ng goma?" " Iyan ang hanap ko.
Nasaan.., ilan... magkano?"
"Dalawampu... isang libo't dalawang daan ang isa; malapit lang."
"Sold. Kung mapahigit ko sa halaga ninyo ay akin ha? Wala na kayong
pakialam sa higit doon... Iba na amg malinawan," pagunita ni Tasio.
"Halika na. Iyong lahat. Hoy, Tsiko, ang sabi mo sa akin ay isang libo
lamang." ang bulong ni Maciong sa kanyang kausap. " Wala ka ring pakialam
sa labis doon. Hayan". naririnig mo. Huwag kang magsasalita tungkol sa
halaga at bayaran mo. Ako ang bahala."
Dalawang tango lamang ng pagsang -ayon ang iginanti ng kausap ni
Maciong. Nagtuloy sila sa isang makipot na lagusan. Tuloy silang pumasok
sa silong. Maraming agiw na nagsalabat sa daan. Nabulabog ang mga daga.
Ang amoy ng mga lumang kasangkapan ay nakapagpapakalma ng sikmura.
Tinalikwas ng nagbibili ang ilang piraso ng yero at nabuyangyang sa kanilang
nag-aalinlangang paniniwala ang dalawampung goma ng trak na may balot
pang papel.
Lumabas na bigla si Tasio upang tumawag sa telepono. Nakilala ni
Maciong ang kaugnayan ni Tasio nang ang goma ay hakutin ng trak. Kitang
kita ni Maciong na binabalutan ng sapot ng gagambang bahay ang isang
langaw na mabating sa hibla. Habang minamasdan ang agiw na naglawit sa
may tagulamig silong na siyang nagpapangit sa silid na yaon ay hindi maubos
- maisip ni Maciong kung bakit doon niya natagpuan ang kapalarang
ipinagkait sa kanya ng makukulay na sikat ng araw.
Pumailanlang ang isipan ni Maciong. Naririnig ni Maciong ang kiriring
ng telepono. Nauulinigan niyang itinatanong kung si Manedyer Maximo
Kabangis ay naroon at kung nais bumili ng goma, ng pako, ng langis, ng yero
ng trak, ng makina, ng bahay ng lote. Naramdaman ni Maciong na ang hapo
at bigong pag-asa niya ay dahan-dahang humihimlay sa malambot na kama.
Bumabasa ng pang-umagang pahayagan ang mga paningin ni Maciong na
namangha sa isang tagumpay na inaasam-asam at nang ito ay dumating ay
hindi niya maunawaan. Naririnig ni Maciong ang awit sa radyo; dinig na dinig
niya ang " Tindig, aking Inang Bayan; Lahing pili sa Silangan."
Binalak pa rin ni Maciong na ihagis sa nanlilimahid na kandungan ni
Luisita ang bungkos ng mga sasampuing piso. Gugulatin niya si Luisita.
Hindi na siya bibili ng lumang damit sa panulukan ng mga daang Asuncio
Azcarraga para sa kanyang apat na anak na kailan lamang ay hindi niya
kayang ibili ng bago. Ipamumukha niya kay Luisita na siya'y may abilidad.

9
Nagkukumahog si Maciong nang siya ay umuwi nang tanghaling iyon.
Ang biglang pamimintog ng bulsa ni Maciong ay damang-dama at
nabubunggo ng kanyang mga hita sa kanyang mabilis na paghakbang.
Nakapaglagos si Maciong sa kakapalan ng mga tagapagbili ng wala sa kanila,
ngunit di niya gaanong alintana ang mga pagtatawaran, ang pagtitipanan ang
pagtutuwid sa ibayong pakinabang. Sa ganang kay Maciong ay kanyang lahat
ng mga kalye ng Maynila - ang buong Maynila.
"Mama... mama... genuine camel po... genuine... gen..."
"Hoy, bigyan mo ako." ang tawag ni Maciong." Magkano?" sabay dukot
sa kanyang bulsa na naging masikip sa balumbon ng mga sasampuing piso
at walang anumang kumuha ng tatlo nito, iniabot sa bata, kinuha ang
sangkahang Camel at ang bata ay iniwang tuwid na tuwid.
Mga ilang sandali pa, ang bata ay humahabol kay Maciong upang ibigay
ang sukli.
"Mama... ang inyong sukli..."
"Ah! Hindi bale," tugon ni Maciong, " sa iyo na..." ang dugtong pa na
ang tinig ay sinadyang ilakas upang marinig ng maraming nagdaraan. Hinigit
ni Maciong ang kanyang balikat; tinutop ang kanyang bulsa; tumingala sa
langit samantala'y patuloy ang usok ng kanyang sigarilyo at ang alingawngaw
ng alukan at bilihan sa pamilihang kalye ay patuloy...
Patuloy ang pagkiriring ng telepono. Ang pukpok na bakal sa hulo, sa
liwasan ng lungsod ng Maynila, ay patuloy. Ang mga nagtatayugang gusali ay
tila nagbabantang umabot sa rurok ng langit. Ang alimbukay ng aso ng
alkohol sa lansangan ay nakahihilo, Tigib ang mga karitela, Punuan ang mga
trambya. Humahangos ang mga tao sa lahat ng lansangan ng Maynila.
Gumagalaw ang lahat ng bisig, ang lahat ng isip, ang buong katawan ng
Maynila.
http://batakfilipino.weebly.com/nagmamadali-ang-maynila.html

Pagyamanin

Gawain 4: Kilalanin mo
Mula sa Kwento Nagmamadali ang Maynila. Isulat sa patlang ang Pangalang ng
tauhan na tinutukoy ng pahayag. Piliin sa loob ng kahon.

Kamelong Palos, Pedrong Makunat, Luisita,


Maciong, Tasiong Abuloy
__________ 1.
Umunlad ang buhay at may malaking tanggapan ng bakal.
__________ 2.
Nag-aahente sa pamilihang kalye at kapos sa puhunan.
__________ 3.
Magkaslungat sa paniniwala subalit kabiyak ng dibdib ni Maciong
__________ 4.
Dating Kasama ni Maciong at naging tagapangasiwa ng Lucky Sport
Real state agency
__________ 5. Ang lalong kinasusuklaman niya tuwing magugunita ang kanyang
kabiguan sa singsing.

10
Gawain 5: Ibigay mo
Batay sa nabasang akdang “Nagmadali ang Maynila”, isulat mo ang mga
hinihinging impormasyon sa bawat kahon.

MULA SA AKDA IMPORMASYON

1. Ilarawan ang .1
kapaligiran o
tagpuan ng akda.

2. Ilarawan ang 2.
pananamit ng mga
tauhan.

3. Ilarawan ang uri ng 3.


pamumuhay ng mga
tao.

Gawain 6. Isalaysay mo
Mula sa dalawang akdang iyong binasa, ikaw ngayon ay inaatasang magsalaysay
ng sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang nabanggit sa nabasang
kwento.
1. Aling pangyayari ang may kaugnayan sa iyong sariling karanasan? Ano ang
naidudulot ng pangyayaring ito sa iyo? Isalaysay ito. Paalala, isaalang-alang ang
mga pamantayan sa pagsulat ng salaysay.

Batayan sa pagmamarka

Pamantayan Wow na Wow! Edi Wow! Wow! Wew!


Napakahusay Mahusay Medyo Paunlarin pa
10% 7% Mahusay 3%
5%
Angkop na
Nilalaman
Lohikal na
Impormasyon
Presentasyon ng
Kaisipan
Talas ng Salita at
Gramatika
Kaayusan at
pagkamalikhain sa
pagsulat/
paggawa
Kabuoan 50%

11
Isaisip

Alam mo ba na…
Ang maikling Kwento ay isa sa pinakakinagigiliwang uri ng panitikan.
Ito ay isang maikling anyo ng kathang- isip na binubuo ng mga tauhan,
tagpuan at mga pangyayari na nakalilibang basahin. Ang banghay o plot ay
ang pagkakasunod –sunod ng mga pangyayari sa kwento. Ang mga tauhan
ang gumaganap sa mga pangyayayri,samantalang ang tagpuan ay ang
lugar at panahon ng pagkaganap ng mga pangyayari. Maayos at
malinaw itong inilalarawan upang maging makatotohanan ang mga
inilalahad na mga pangyayari (nakaraan, kasalukuyan at hinaharap).
Gayundin, tumutukoy ito sa taon, oras at maging sa panahon na tumatalakay
hindi lamang sa lugar kungdi pati sa lungsod, bayan at maging sa uri ng
magkalapit-bahay o kapaligiran. Ang tagpuan ay maaari ring saligang
pangkapaligiran ng kuwento na maaaring gumanap ng pangunahing papel sa
paglilinang ng banghay at mga tauhan. Malaki ang naitutulong ng kapaligiran
at kalagayan ng tagpuan sa ikauunawa ng mga mambabasa sa mga
pangyayaring naganap sa kuwento. Ang Kuwentong nagbibigay diin sa
tagpuan ay tinatawag na Kuwento ng Katutubong kulay o Story of the
local color.

(Mula sa Diwang Marangal I.Wika at Panitikan sa Mataas na Paaralan,ni Conception D. Javier,Florante


C. Garcia at Jovita C. Jose)

Kuwento ng katutubong kulay- sa kuwentong ito binibigyang diin ang kapaligiran at mga
pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
(Mula sa Pluma III, Wika at Panitikan

Isagawa

Gawain 7: Ihambing mo: Paghambingin ang dalawang tekstong nabasa gamit ang
venn diagram.
Pagkakaiba

Pagkakaiba
Pagkakatulad

Nagmamadali
Niyebeng Itim ang Maynila
Pagkakaiba

12
Gawain 8: Ilarawan mo: Sumulat ng isang Sanaysay na naglalarawan ng sariling
kultura. Gumamit ng ibang sagutang papel. Ito ay may 50 puntos.

Wow na Wow! Edi Wow! Wow! Wew!


Napakahusay Mahusay Medyo Paunlarin pa
Pamantayan 10% 7% Mahusay 3%
5%
Angkop na
Nilalaman
Lohikal na
Impormasyon
Presentasyon ng
Kaisipan
Talas ng Salita at
Gramatika
Kaayusan at
pagkamalikhain sa
pagsulat/paggawa
Kabuoan 50%

Tayahin

Pagtataya I : Isulat ang tsek ( ∕ ) sa patlang kung ang pahayag ay makatotohanan


hinggil katangian ng isang Katutubong Kwento.
____1. Binibigyang diin ang paglalarawan sa kapaligiran o tagpuan ng kwento.
____2. Mahalaga ang pagkakasunod sunod ng mga pangyayari sa kwento at iyan ang
pangunahing layunin ng Kuwento ng katutubong kulay.
____3. Maging ang pangkalahatang pag-uugali ng mga tao ay kasama sa binigbigyang
diin sa kwento ng katutubong kulay.
____4. Ang tagpuan ay tumutukoy sa lugar at panahon ng pagkaganap ng mga
pangyayari.
____5. Malaki ang naitutulong ng kapaligiran at kalagayan ng tagpuan sa ikauunawa
ng mga mambabasa sa mga pangyayaring naganap sa kuwento.
____6. Pati na rin ang mga pangkalahatang pag-uugali ng mga tao roon, ang
kanilang mga kilos/gawi, mga paniniwala, pamahiin at pananaw sa buhay.
____7. Ang pamumuhay at kalakaran sa isang lugar ay hindi binibigyang diin.
____8. Ang banghay o plot ay ang pagkakasunod –sunod ng mga pangyayari sa
kwento at napakahalaga sa Kwento ng Katutubong Kulay.
____9. Binibigyang diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri
ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
____10. Ang akdang “Nagmamadali ang Maynila ay halimbawa ng Kwentong
Katutubong Kuwento.

13
Karagdagang Gawain

Gawain: 8
Mapapahalagahan mo ang anumang kuwento, tula o sanaysay maging
talumpati kung maiuugnay mo ito sa sarili mong karanasan. May mga
pangyayaring inilalahad sa babasahin na mararamdaman o di kaya’y
nakasasaling sa damdamin. Maaari kang mangiti nang lihim, maluha o
kaya’y magalit dahil sa pagkakahawig sa sarili mong karanasan. Ang mga
pangyayaring ito ay nagpapagunita ng isang kahapon na may dalang
magandang alaala. Balikang muli ang Kwentong “Nagmamadali ang Maynila”
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. May pangyayari ba sa kwento na may kaugnayan sa tunay na buhay?
Isulat ito at pagkatapos ay pangatuwiranan ang iyong sagot. Ito ay may 10
puntos bawat isa.

Pangyayari sa Kuwento Pangangatuwiran

1.

2.

14
15
Pagtataya 1 Gawain 3 Gawain 1:
1 .∕ 1. B 1.tindero/nagbibinta
2. 2. A 2.chinese dragon/Chinese
3. ∕ 3. E new year
4. ∕ 4. C 3.Piitan/bilangguan/selda/
5. ∕ 5. D karsel
6. ∕ 4.pamilihan/merkado/
7. palengke
Gawain 4
8. 5. Gusali
9 .∕ 1. Kamelong Palos
10. ∕ 2.Maciong Gawain 2:
3.Luisita
4.Pedrong Macunat Tauhan
5.Tasiong Abuloy Li Huiquan- dating bilanggo
at naging tinero
Tiya Lou-tumutulong kay
Gawain 5 , 6, 7,at 8 Huiquan sa paglalakad ng
Nasa guro ang pagmamarka lisensya sa pagtitinda ng
Gamit ang mga prutas.
pamantayan.
Tagpuan
Photoshop- saan nagpakuha
ng larawan si Huiquan
Timog Silangan ng Tulay-
ang pwestong naibigay kay
Huiquan
Kapanahunan:
Bisperas ng bagong taon
Note: Ito ay gabay na
kasagutan,Malaya ang guro
sa
Pagmamarka
Susi sa Sagot

You might also like