You are on page 1of 2

Pamahalaang Militar

Mula 1898 hanggang 1901, umiral ang isang uri ng pamahalaan sa bansa na
nagnanais na maisaayos ang kalagayang pangkapayapaan at kaayusan ng Pilipinas.
Ito ang Pamahalaang Militar. Tinawag itong Pamahalaang Militar sapagkat pawang
mga sundalo ang nagpapatakbo sa bansa noon at sumusunod lamang sila sa utos ng
pangulo ng Amerika.
Tatlo ang naging Amerikanong gobernador- military sa bansa. Sila ay sina:

General Wesley Merritt General Elwell S. Otis General Arthur MacArthur


(1898- 1899) (1899- 1900) (1900- 1901)

Sa loob ng tatlong taon, may mga kahanga-hangang nagawa ang


pamahalaang ito para sa mga Pilipino:
Pinayapa ang Pilipinas sa pamamagitan ng armas at inihanda para sa
pamumunong sibil.
Ipinakilala ang Amerikanong sistema ng edukasyon kung saan ang mga
Amerikanong sundalo ang mga naging guro rito.

Itinatag ang hukumang sibil- kasama rito ang Kataas- taasang Hukuman
(Supreme Court) at pagtatalaga kay Cayetano Arellano bilang unang punong
mahistrado (chief justice).
Itinatag ang lokal na pamahalaan sa mga bayan at lalawigan.
Ipinakilala ang karapatang bumuto. Ginanap ang unang lokal na halalan sa
bansa na Baliwag, Bulacan noong Mayo 7, 1899 ni Gen. Henry Lawton.

Karagdagang Kaalaman:

Si William McKinley ang namuno sa Pamahalaang Militar. siya ang pangulo


ng Estados Unidos.
Inutusan ni McKinley si Heneral Wesley Merirtt na manungkulan sa Pilipinas
bilang Gobernador Militar noong Agosto 14, 1898.
Pero nindi payag si Emilio Aguinaldo dito, subalit hindi siya pinansin. Ang
layunin ng Pamahalaang Militar ay mapigilan ang mga pag-aalsang maaring
sumiklab sa bansa. Tungkulin nila na mapanatili ang katahimikan at kaayusan
sa Pilipinas.
Nang naging payapa na, ay pinalitan ang Pamahalaang Militar ng
Pamahalaang Sibil.
Ito pala ang mga nagawa ng Pamahalaang Militar sa mga sumusunod:
*Naging mapayapa at maayos ang buong bansa.
*Ipinatupad ang sistema ng edukasyon ng mga Amerikano.
*Nabuksan ang Maynila sa pandaigdigang kalakalan.

Pamahalaang Sibil
Itinatag ang Pamahalaang Sibil noong Marso 2, 1901.Si William H. Taft, ang
naging Gobernador-Heneral ng Pamahalaang Sibil.

Pagkakaiba ng Pamahalaang Militar at Pamahalaang Sibil;


Pamahalaang Militar
 Ito ay isang pamahalaan na ang layunin ay pigilan ang isang insureksyon na
maaaring sumiklab sa bansa. Ang tungkulin ng pamahalaang ito ay ang
kapayapaan at kaayusan ng isang bansa.
 Sa Pilipinas, ito ay pinangunahan ni William McKinley, na noong Agosto 14,
1898, ay nag-utos kay Heneral Wesly Meritt na maging gobernador-heneral
ng bansa. Hindi ito pinayagan ng unang pangulo na si Emilio Aguinaldo,
ngunit hindi nila ito pinansin.
 Sa ilalim ng administrasyong ito, naging mapayapa at maayos ang bansa,
ipinakilala ang sistema ng edukasyon ng mga Amerikano, at binuksan ang
Maynila sa kalakalang pandaigdig.

Pamahalaang Sibil
 Pagkatapos ng reorganisasyon ng Pilipinas, ito ay pinalitan ng isang
pamahalaang sibil. Ito ay isang uri ng pamahalaang pinamamahalaan ng mga
tao.
 Sa pamahalaang sibil, ibinahagi sa mga magsasaka ang mga lupain , itinuro
sa mga Pilipino ang wikang ingles , napangalagaan ang mga tanging likas na
yaman ng mga Pilipino , at binigyan ang mga Pilipino ng karapatang
makilahok sa pamahalaan.

You might also like