You are on page 1of 2

CHARMAE: Mapagpalang araw po Mam.

Jen

Lujelle: At sa aming mga kapwa mag-aaral

ANG ATING TATALAKAYIN NGAYONG ARAW AY


PUMAPATUNGKOL SA MGA TEORYA NG WIKA BATAY SA
EBOLUSYON
Ayon sa mga antropologo, (pag sinabing antropologo o antropolohiya ito ay agham-tao
na systematikong pag-aaral sa lahi ng tao),masasabi raw na sa pagdaan ng panahon ang
mga tao ay nagkaroon ng mas sopistikadong pag-iisip (o nangangahulugang pagkakaroon
o pagpapakita ng maraming kaalaman.Umunlad ang kakayahan ng taong tumuklas ng mga
bagay na kakailanganin nila upang mabuhay kaya sila ay nakadiskubre ng mga wikang
kanilang ginagamit sa pakikipagtalastasan.Sa huling bahagi ng ikalabindalawang siglo, ang
mga iskolar ay nagsimulang mag-usisa (o maghanap ng sagot) kung paaanong ang tao ay
nagkaroon ng mga wika.Nagsulputan ang sumusunod na mga Teoryang nagtatangkang
ipaliwanag ang pinagmulan ng wika

MAAARI BA KAYONG MAGBIGAY IDEYA SA SALITANG


TEORYA?
-Ito yung mga haka-haka mga pananaw na mayroong batayan para ipaliwanag
ang isang bagay o phenomenon.
-isang pagaaral o pagsasaliksik sa isang bagay o pangyayari

1.TEORYANG DING DONG -saan ba natin maiuugnay yung ding-dong


diba sa isang doorbell at ang isang doorbell ay isang bagay ,ano ba ang
nilalaman ng isang teorya ng ding-dong
Ang ding-dong ay nagmula sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog ng
lahat ng bagay sa kalikasan (pag sinabi nating bagay ito na yung mga imbensyon o nilikha
ng mga tao
HALIMBAWA: yung martilyo at pako pag ginamit mo may tunog na malilikha

2. TEORYANG BOW-WOW –ang teoryang bow-wow o yung terminong


BOW-WOW ay tumutukoy sa tunog ng nalilikha ng isang aso.Ang aso ay
maituturing nating hayop. Pero ano nga ba ang teoryang bow-wow?
Ang wika daw ay nagmula sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog ng
kalikasan at mga hayop.Malaki ang naging tulong nito sa paglikha ng sariling wika.
Masasabi sa teoryang bow-wow natuto raw na gumamit yung wika ang mga
tao sa pamamagitan ng panggagaya sa mga tunog ng hayop at kalikasan.

You might also like