You are on page 1of 3

Pagsusuri sa Balangkas ng Kuwento

Unawaing mabuti ang mga konseptong ipinaliliwanag. Pagkatapos , sagutin

ang mga tanong na nasa ibaba.

1. Panimula

Ang panimula ay naglalarawan ng tagpuan, panahon, at nagpapakilala sa mga


tauhan sa kuwento. Dito rin nakasalalay ang kawilihan ng mambabasa kaya
kadalasang ito ay ginagawang talagang kawili-wili.

Aling bilang ang naglalahad ng panimula? Lagyan ng tsek (√) ang patlang.

_____Noong unang panahon, may isang mangingisdang nakatira sa luagr malapit sa


lawa. Siya ay may dalawang anak na babae, sina Mangita at Larina.

_____Namatay ang ama nina Mangita at Larina dahil sa isang malubhang sakit. Upang
may maitustos sa mga pangangailangan, naguukit si Mnagita ng mga kabibe.

2. Tagpuan

Ang tagpuan ay ang lugar at panahon kung kailan nangyari ang kuwento.

Balikan ang kuwentong nabasa. Saan at kailan nangyari ang kuwento?Lagyan ng tsek
(√) ang sagot.

_____Luzon, noong unang panahon

_____Visayas, noong unang panahon

3. Tauhan

Ang mga tauhan ay ang mga tao, hayop, o iba pang nilalang na gumanap sa
kuwento.

Sino -sino ang tauhan sa kuwentong iyong binasa? Lagyan ng tsek (√) ang mga ito.

_____ Mangita _____Diwata _____Larina

_____ Larissa _____ Ama _____ Matandang Babae


4. Saglit na Kasiglahan

Ang saglit na kasiglahan ay nagsasalaysay ng pagtatagpo ng mga tauhan sa


kuwento.

Aling pangyayari sa kuwento ang masasabi mong naglalahad ng saglit na


kasiglahan? Lagyan ng (√) ang patlang.

_____ Ang pagkamatay ng kanilang ama

_____ Ang pagkakasakit ni Mangita

_____ Ang pagbabagong-anyo ng matandang babae

_____ Ang pagpaparusa kay Larina

5. Kasukdulan

Ang kasukdulan ang nagpapahiwatig na malapit nang makamtan ng


pangunahing tauhan o protagonista ang kalutasan ng kanyang suliranin. ang
pinakakapana-panabik na bahagi ng kuwento.

Aling pangyayari sa kuwento ang itinuturing mong kasukdulan? ng tsek (√) ang
patlang.

_____ Ang paggaling ni Mangita

_____ Ang kaparusahan ni Larina

_____ Ang Pagkakasakit ni Mangita

_____ Ang pagbabalik ng matandang babae

6. Kakalasan

Ang kakalasan ay ang nagsisilbing-daan papunta sa wakas. Ito ang naglalahad


ng dahan-dahang pagbaba ng takbo ng kuwento.

Piliin ang pangyayaring ngapapakita ng kakalasan ng kuwentong binasa. Lagyan ng


tsek (√) ang patlang

_____ Ang pagbabagong -anyo ng matandang babae

_____ Ang pagpaparusa kay Larina

_____ Ang pagsisinungaling ni Larina


7. Wakas

Ang wakas o katapusan ang naglalahad ng resolusyun ng kuwento. Minsan,


ang isang kuwento ay walang wakas dahil ibinibigay ng may-akda ang dsesiyon o
kapasiyahan sa mambabasa kung paano tatapusin ang kuwento

Aling pangyayari ang nagsasabi ng wakas ng kuwento? Lagyan ng tsek (√) ang patlang.

_____ Ang pagtupad sa sinabi ng diwata

_____ Ang pagkakasakit ni Mangita

_____ Ang paggaling ni Mangita

You might also like