You are on page 1of 1

SANTIAGO KARAGDAG

May isang lalaki na ang pangalan ay Santiago,sya ay napakatalinong bata.Namatay ang kanyang mga
magulang kaya naghanap sya ng trabaho.Kinuha sya ng isang kapitan na hindi marunong magbasa at
ginawa syang secretary. Si Santiago ang nag iinterpret ng mga napagmimeetingan ng kapitan sya rin ang
nagdedesisyon sa kaso na dinadala sa kapitan.Itinuring s’yang anak nito at natakot na iwanan sya
nito.Mayroon syang anak na si tona, sinabi ng kapitan na hindi sya iiwan nito kapag napangasawa ni
Santiago ang anak nya.Ngunit hindi gusto ni Santiago ang kanyang anak dahil puro pamapaganda lang
ang ginagawa nito ni hindi rin nakapaglinis ng bahay sa loob ng isang taon. Hindi rin to kasing talino nya.
Kinausap sya ng kapitan tungkol sa pagpapakasal sa dalawa ngunit sinabi ni Santiago na di deserve ni
Tona ang isang katulad nya (sinabi nya un dahil hindi nya gusto ang babae). Tinanong ni Kapitan Vale
kung ano ba ang gusto nya sa isang babae, sinabi nya ung deserve nya. Kaya pinaghanap ng kapitan si
Santiago ng mapapangasawa. Hanggang sa may nakita syang isang matanda sa ilalim ng puno na pagod
at tinanong sya ng matanda kung maaari nya bang sabayan ito. Sa pag-uwi nila ng bahay may nakita
syang isang babae na napakaganda,napakasipag at napakatalinong babae na katulad nya.Nang gabi na
narinig nya ang pinag uusapan ng babae at ng tita at tito nito.Nalaman nya na gusto rin pala siya ng
babae kaya tinanong nya kaagad ang babae kung gusto nya bang magpakasal kay Santiago,sumagot
naman n goo ung babae. Sinabi ni Santiago na uuwi lang sya at babalikan ang babae.Sinabi nya sa
kapitan na nakahanap na sya. Ngunit pagbalik nya sa bahay ng babae nabalitaan nya na umalis na sila
dun. Kaya sinabi nya sa kapitan ang nangyari kaya sinabi ng kapitan na paksalan ang kanyang anak o
kaya naman ay ikukulong pag tumanggi. Ngunit makailang minuto ay may lumabas na babae sa kwarto.
Yun Palaung babaeng gusto nya.Anak din pala yun ng kapitan na pinatira sa kapatid na walang anak.

You might also like