You are on page 1of 2

Lingguhang Pagtataya

Araling Panlipunan 8
(Kasaysayan ng Mundo)
Taong Pampaaralan 2022- 2023

Ikalawang Markahan: Pagtataya: Ikalawang Linggo

Pangalan: ______________________________ Marka: _______________


Baitang at Seksyon: __________________________ Petsa: ________________

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng pinakaangkop na
sagot mula sa mga pagpipilian.

1. Ito ay nangangahulugang lungsod-estado.


A. Acropolis B. Agora C. Polis D. City-polis
2. Pamayanang matatagpuan sa matataas ng lugar.
A. Acropolis B. Agora C. Polis D. City-polis
3. Alin sa sumusunod ang naglalawaran sa “polis” bilang isang lungsod-estado?
a. Ang “polis” ay isang uri ng pamahalaan ng mga Greeks kung saan binibigyang-diin ang
demokrasya.
b. Ito ay binubuo ng isang lipunang malaya at nagsasarili at nakasentro sa isang lungsod.
c. May iba’t ibang uring panlipunan ang isang “polis” at nahahati ito sa iba’t ibang yunit ng
pamahalaan
d. Ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa isang “polis”.

4. Ano ang ibig sabihin ng pahayag?

a. Nasusunod ang kagustuhan ng minorya sa pamahalaang demokrasya


b. Nakasalalay sa kagustuhan ng nakararami ang ikauunlad ng bansa
c. Nakabatay sa batas at kapakanan ng nakararami ang pamahalaang demokrasya
d. Naipahahayag ng mga mamamayan ang kanilang saloobin laban sa pamahalaan

5. Ang Greece ay binubuo ng mga lungsod-estado. Bakit nagtayo ang mga Greek ng acropolis o
pamayanan sa mataas na lugar?
a. Upang mas makilala ang kanilang pamayanan bilang mataas na lugar
b. Upang matawag na lungsod-estado
c. Upang maprotektahan ang kanilang sarili sa pagsalakay ng iba’t ibang pangkat
d. Upang makaiwas sa buwis na ipinapataw

6. Naging madugo ang digmaang Greek at Persia na nangyari sa Thermophylae na isang makipot na
daanan sa gilid ng bundok. Ang ganitong pangyayari ay maihahalintulad sa labanan sa pagitan ng pangkat
ni Hen. Gregorio del Pilar at sa mga Amerikano na naganap sa __________.
a. Tirad Pass b. Bataan c. Corregidor d. Balintawak
7. Ang Sparta at Athens ay mga lungsod-estado ng Greece. Alin ang angkop na paglalarawan sa dalawang
lungsod- estado?
a. Ang Athens ay isang malayang polis samantalang, ang Sparta ay isang mandirigmang polis
b. Ang Athens at Sparta ay parehong mandirigmang polis
c. Ang Athens at Sparta ay madalas nagdidigmaan sa isa’t isa.
d. Parehong pagsasaka ang hanapbuhay ng mga mamamayan nito.

8. Naitatag ang Delian League at Peloponnesian League dahilan para tuluyang mahati ang mga
Greeks.Nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng dalawang pangkat na tinawag na Digmaang Peloponnesian.
Ano ang naging epekto ng digmaan sa mga lungsod- estado ng Greece?
a. Pinalakas nito ang mga lungsod estado
b. Iniwan nitong mahina at watak-watak ang mga lungsod-estado
c. Nagkaloob ito ng pagkakataon na umunlad ang mga lungsod-estado
d. Pinatanyag nito sa buong Mediterranean ang mga lungsod-estado
9. Marami ang naiambag ng kabihasnang Greek sa iba’t ibang larangan. Ano ang pinakamahalagang
ambag nito sa larangan ng politika?
a. Konsepto ng demokrasya c. Pagtatag ng lungsod-estado
b. Konsepto ng ostracism d. Doric, Ionic at Corinthian na istilo
10. Ang “Olympic Games” ay isinasagawa sa Greece noon pang 776 BCE. Marami ng naisagawang
kompetisyon sa kasalukuyan na naimpluwensiya ng Greece sa larangan ng isports. Bakit mahalaga ang
Olympic Games sa mga Greek?
a. Nakatatanggap ng gantimpala ang mga mananalo
b.Nakatutulong upang mapalakas ang pamahalaan.
c. Nakakatulong ito upang magsama-sama o magkatipon-tipon ang mga Greek
d.Nakakamit ang kasikatan kung mananalo

You might also like