You are on page 1of 4

KIDAPAWAN ISSUE SCRIPT

by: Claudine Fay Baylon

Characters:
- Elias
- Juana
- Salvacion
- Leonora
- Maria
- Gov. Emmylou Mendoza
- Victoria
- Farmers
- Officer
- Police

Scene 1
Activists are shouting in the streets.
Elias: IBIGAY ANG TULONG PARA SA MAGSASAKA!
All: IBIGAY! IBIGAY!
Juana: ITIGIL ANG OPERASYON NG MILITAR!
All: ITIGIL! ITIGIL!
Leonora: IBAGSAK ANG MGA MAPANG-APING OPISYAL!
All: IBAGSAK! IBAGSAK!
The police arrive and draws them away.
Police #1: Hoy! Itigil niyo ‘yan! Nakakaabala na kayo sa ibang mga residente!
The activists shout even louder.
Police #2: Kung hindi kayo titigil, mapipilitan kaming arestohin kayo!
Leonora: Bakit naman kami aalis? May karapatan kaming ipaglaban ang karapatan namin!
Maria: Tama! Hindi kami aalis dito hangga’t ‘di nila ibinibigay ang hinihingi
namin!
All: TAMA! IBIGAY! IBIGAY! IBIGAY!
Activists began to move forward. The police block them. It becomes a riot. Everything
happens in slow motion. End.

Scene 2
Flashback
Salvacion: (removes sweat on her forehead) Nakakatuwa naman. Lahat ng pananim natin ay
nasa maayos na kondisyon.
Juana: Tama ka, Simon. Kapag nagtuloy-tuloy ang ganito, siguradong maayos ang kita
natin ngayong taon.
Elias: Oh, tama na muna ang usapan. Tapusin na natin ang pag-ani sa mga ‘to!
Maria: Oh, sundin na natin si Elias at baka mahuli na naman ‘to sa hapunan sa
bahay niya.
They laughed. The farmers were happy. They went back to farming/harvesting.

Scene 3
Flashback
Play clips here. Extreme heat in the fields. The crops are slowly dying. There is no rain.
The farmers are looking at the fields and are worried of what might happen.

Scene 4
Flashback
Governor’s Office
Victoria: Governor, may problema po tayo.
Emmylou: What is it, Victoria?
Victoria: There is a decline in the food production po ng bayan natin.
Emmylou: How is that possible? Maayos pa yung production noong mga nakaraang buwan
ah.
Victoria: Uhm, Gov., sa ngayon po kasi, tagtuyot po. Unti-unti nang namamatay yung mga
pananim. Wala na rin pong mga patubig.
Emmylou: Then do something! Wala na bang ibang solusyon diyan?!
Victoria: I will work on it po. And Gov., another problem po.
Emmylou: (irritated) What is it?
Victoria: The farmers are asking po for assistance. Isang buwan na rin po kasi nilang
iniinda ‘yung tagtuyot. And right now, they are in need of a few necessities.
Emmylou: Well, give them what they need. Meron naman ‘di ba?
Victoria: Unfortunately, po Ma’am, there is a delay in the calamity assistance. Sa ngayon
po, wala po tayong maibibigay sa mga magsasaka.
Emmylou: (scratches her head out of irritation) We’ll just have to wait then! Wala naman
tayong magagawa diyan. We’re all affected here after all!

Scene 6
Flashback
A clip of the municipal hall.
Officer: Ano po ang kailangan niyo sir?
Elias: Ah, eh, andito po ako para kausapin si Governor. Isa po ako sa mga magsasaka.
Andyan po ba siya?
Officer: Opo. Sige, pasok lang kayo.
Elias: Salamat po.
He enters the hall. Victoria sees Elias and approaches him.
Victoria: Ano ho ang kailangan nila?
Elias: Ah, magandang araw po. Ako nga po pala si Elias. Isa po akong magsasaka.
Kakausapin ko po sana si Gov. tungkol sa tulong po sana para sa amin?
Andyan po ba siya?
Victoria: Oh, sorry po, Sir Elias. Nasa meeting po si Gov. Mendoza. Kung gusto niyo po,
sabihin niyo na lang sa’kin ‘yung mga hinaing niyo at ako na lang po
magdudulog nito sa kanya. Okay lang po ba?
Elias: Ah, ganun ba? Sige po. Okay lang po.
Victoria: Sige po. Tara at maupo ho muna tayo dito.
The two talked regarding the problem. Victoria listened to every word Elias said.
Victoria: Don’t worry po Sir Elias. Makakarating po lahat ng hiling niyo sa ating butihing
gobernador.
Elias: Maraming salamat po, Ma’am. Sige ho at mauuna na ho ako.
Victoria: Opo. Mag-ingat po kayo sap ag-uwi.
Elias: Salamat po ulit.
Elias leaves.

Scene 7
Flashback
The farmers are angry.
Juana: Ano na? Dalawang buwan na tayong naghihirap dito ah! Wala naman tayong
nakukuhang tulon mula sa munisipyo.
Leonora: Mukhang ‘di naman nila pinakinggan ‘yung mga hinaing natin Elias. Ano ba
yung mga ipinangako nilang ibibigay?
Elias: Ang sabi nung sekretarya ni Gov. Mendoza, bibigyan raw tayong mga magsasaka
ng labinglimang libong sako ng bigas bilang tulong. May dagdag pa raw
itong mga buto ng bigas, pataba at mga pesticides.
Maria: Talaga lang ha?
Elias: Ayon pa sa kanya, ipapatigil na rin daw nila ang mga operasyong militar na
malapit sa ating mga bukid.
Leonora: Sus! Puro lang ata satsat ang mga ‘yan. Tignan mo at wala pang nakakarating sa
mga ipinangako nila. At andyan pa rin ‘yang mga militar!
Elias: Parang ganun na nga. Parang nabalewala lang ata ‘yung pagpunta ko doon!
Juana: Hindi pwedeng pabayaan na lang nila tayo dito!
Salvacion: Tama, Juana. Kailangan ibigay nila ang hinihingi natin. Aba’y karapatan natin
yun ‘di ba? At karapatan din nila na tulungan tayo. Nangako din sila!
Maria: Ano kaya kung magprotesta tayo?
Elias: Protesta? Makikinig ba sila?
Leonora: Eh sa hindi ata sila nadadaan sa mabuting usapan! Kung kailangan na talaga
nating umaksyon, bakit hindi?
Salvacion: Sabagay, kesa naman sa naghihintay tayong lahat dito sa wala. Mabuti pang
sugurin na natin ‘yan!
Elias: Tara na mga kasama! Tama na ang pagpapaasa nila sa ating mga magsasaka!
All: TARA NA!
They leave angry.

Scene 8
Back to the beginning
Activists are shouting in the streets.
Elias: IBIGAY ANG TULONG PARA SA MAGSASAKA!
All: IBIGAY! IBIGAY!
Juana: ITIGIL ANG OPERASYON NG MILITAR!
All: ITIGIL! ITIGIL!
Leonora: IBAGSAK ANG MGA MAPANG-APING OPISYAL!
All: IBAGSAK! IBAGSAK!
The police arrive and draws them away.
Police #1: Hoy! Itigil niyo ‘yan! Nakakaabala na kayo sa ibang mga residente!
The activists shout even louder.
Police #2: Kung hindi kayo titigil, mapipilitan kaming arestohin kayo!
Leonora: Bakit naman kami aalis? May karapatan kaming ipaglaban ang karapatan namin!
Maria: Tama! Hindi kami aalis dito hangga’t ‘di nila ibinibigay ang hinihingi
namin!
All: TAMA! IBIGAY! IBIGAY! IBIGAY!
Activists began to move forward. The police block them. It becomes a riot. There is now
a commotion on the streets. Victoria arrives.
Victoria: Kung maaari lamang pong kumalma muna ho tayong lahat. Hindi po natin
kailangang magsakitan.
Maria: EH KUNG TINUTUPAD NIYO KASI YUNG PANGAKO NIYO!
Victoria: Naiintindihan ko pong nagagalit kayo, pero hindi po natin mareresolbahan ang
problemang ito kung magsisigawan lang tayo dito sa kalye.
Leonora: ANONG GUSTO NIYONG GAWIN NAMIN?! HALOS MAMATAY NA
KAMI SA BUKID KAKAANI TAPOS NGAYON, PINAPABAYAAN NIYO KAMI?
ABA! HINDI ATA TAMA YUN!
All: OO! OO!
Victoria: Naiintindihan ko po.
Juana: Talaga lang ah?
Victoria: Andito po ako para sabihin sa inyo na pumayag na po ang gobernador na
makipag- usap sa inyo. Ngayon po, sino ho ang kinatawan niyo na kakausap kay
Gov. Mendoza?
Salvacion: Kami na ho ni Elias.
Victoria: Tara na po.
They leave.

Scene 9
Governor’s Office
Victoria: Ma’am, andito na po yung mga representatives po ng mga magsasakang
nagpoprotesta po sa labas.
Emmylou: Let them in.
Victoria: (to Elias and Simon) Pasok na po kayo.
Salvacion: Magandang araw po Gov.
Elias: Magandang araw ho.
Emmylou: Magandang araw rin ho sa inyong dalawa. Please take a seat. (to Victoria) Thank
you Victoria. You can go now.
Victoria: Yes, Gov.
Victoria leaves. Governor Mendoza starts to talk.
Emmylou: Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa. Alam ko ho kung ano ang hinaing ninyo.
Salvacion: (frowns) Alam niyo ho?
Emmylou: Oo naman po. ‘Di ba nagpunta na po ang isa sa inyo noong nakaraang buwan?
Elias: Ah, oho. Ako ho ‘yun.
Emmylou: Siniguro naman ng sekretarya ko na mairarating niya sa’kin ‘yung mga hiling
niyo. At alam ko pong nangako nga kami na ibibigay sa inyo ‘yung mga benepisyo.
Ang kaso nga lang po, nagkaroon kami ng problema.
Elias: Problema po?
Emmylou: Yes po. Nagkaroon po ng delay sa calamity assistance na dapat po sanang
ibibigay namin sa inyo kaya hanggang ngayon ay wala pa. Ginagawa naman po
namin ang lahat para mapadali ang pagdistribute nito sa inyo.
Salvacion: Ibig sabihin po ba, mabibigay samin iyong mga tulong na naipangako niyo
samin?
Emmylou: Oo naman po. Sadyang masyado nga lang hong nahuli ang pagdating nung tulong.
Pero sinisiguro ko naman hong hindi namin kayo pababayaan na mga magsasaka.
Elias and Simon look at each other. Thinking.
Emmylou: No need to worry po. Nilalakad na po ng aming opisina ang isyung ito para po
mapadali na ang pagdating ng tulong sa lugar niyo.
Salvacion: (nods) Aasahan ho namin na darating na talaga ang inyong tulong sa amin Gov.
Emmylou: Makakaasa po kayo.
They shake hands.

Scene 10
Three days later…
The farmers were in the field trying to salvage what they can from the drought. Juana
runs to them.
Juana: Mga kasama! Mga kasama!
Leonora: Oh, ba’t nagmamadali ka Juana?
Juana: Naku! Leonora! Mga kasama! Dumating na!
Elias: Alin ang dumating?
Juana: ‘Yung tulong! ‘Yung ipinangako sa atin ni Gov.
Maria: Talaga ba?
Juana: Oo! Nasa plaza sila at namimigay na!
Salvacion: Naku! Mabuti naman!
Leonora: Oh, pano? Tara na ba?
Maria: Mga kasama, tara na!
The farmers start to walk to the plaza. Simon and Elias are the ones walking last.
Salvacion: Mabuti naman at marunong tumupad ng pangako ‘yang si Governor Mendoza.
Elias: Oo nga. Natagalan nga lang, pero okay na rin. Basta nakarating sa atin.
They continue to walk. Focus on their backs walking their way to the plaza.
End.

You might also like