You are on page 1of 1

Sumakay si Lipoy patungo sa lugar na kanyang pupuntahan.

Nagsiksikan ang mga


kalalakihan sa kanyang puwesto subalit tiniis niya iyon at piniling manahimik. Maya-maya ay
bumaba na ang kalalakihan na may ngiting nang-aasar. Napagtanto niya na siya ang nadukutan
kasama ang wallet at mga gamit niya ng sumigaw ang isang lalaki sa loob ng bus. Doon ay
nanlamig siya at hagya ng makababa ng bus. Bagaman mauunawaan ng asawa kung ano ang
nangyari ay nanghihinayang parin siya. Wala sa sarili siyang naglakad sa kahabaan ng kalsada
subalit naagaw ng atensyon nya ang mga nagkakagulong tao. Mayroong dalawang malaking
elepante sa gitna ng daan na sanhi ng trapiko. Napansin niya na pinag papawisan ang balat ng
elepante at sa palagay niya ay uhaw na uhaw ito. Dagli niyang nilapitan ito at pumwesto sa
harap nito. Sa kabilang dako naman ay may isang dalagang nakasakay sa bus. Nakita niya ang
nangyayari kung bakit nagkaroon ng trapiko sa kalsada. Siya si Yvonne, patungo siya sa
kasintahan upang sabihin kung ano ang nangyari sa kanyang sarili. Napakaputi na nang dalaga
kasama ang mga buhok niya sa katawan ay namumuti na ng huli siyang maligo nakita niya sa
salamin ay nagkita siya ng malaking butas sa kanyang dibdib. Unti unti ay naglalaho na siya,
kaya naman gusto niya nab ago mahuli ang lahat ay Makita na sya ng kasintahan. Subalit ng
malapit na siya sa kasintahan ay unti unti na nahulog ang saplot niyang damit. Nakikita niya ang
binate at tao sa paligid niya subalit hindi na siya nakikita ng mga ito. Pinili na lamang niyang
maupo sa gilid ng fountain.
Nagulat si Edgar nang makakita siya ng isang dalaga na hubadang katawan tiningnan
niya ang tao sa paligid, nakapagtataka na wala manlang nakapapansin ditto. Ilang sandali pa ang
nawala din ang babae, subalit hindi na muli itong nakita. Sumakay na siya sa bus, mas gusto
niyang sumakay dito para makapag-isip-isip siya. Malayo ang loob niya sa kanyang ina kasi
minsan niyang narinig ito na nakakatakot daw sa kanya sa paraan ng pag-iisip niya. Sa bus may
kumausap sa kanya, nagulat siya nang malaman na nabasa nito ang nasa isip niya. Nang
makauwi sa kanila ang sinalubong siya ng kanyang ina at kinamusta, tiningnan niya lamang ito
at Pumasok na sa kwarto. Doon ay Napaiyak na ng mahina ang ina hanggang sa naging
hagulhol. Napaisip siya at napagdesisyonan na kakausapin niya na ang mga magulang upang
sabihin na gusto na niyang tapusin ang buhay niya.

You might also like