You are on page 1of 3

(Pagbati)

Panahon ng Kastila:

Mas pinaniwalaan ng mga Kastila na ang kanilang wika ay hindi dapat ituro o matutunan ng mga indio.
Sa halip na gamitin ang wikang Kastila sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo ay ang mga paring Kastila o
mga prayle ang nag-aral ng iba’t ibang katutubong wika sa Pilipinas.

(Next Slide)

Nagsulat ng aklat gramatika ang mga unang prayleng natuto ng wika upang magkaroon ng aklat na pag-
aaralan ang mga susunod na prayleng madedestino sa Pilipinas. Nakaambag nang malaki ang mga unang
dayuhang Kastila sa panitikan ng Pilipinas.

(Next Slide)

Panahon ng Propaganda / Rebolusyunaryong Pilipino

(Next Slide)

Kabilang dito sina Dr. Jose Rizal, Antonio Luna, Marcelo H. del Pilar at iba pa na nagsulog ng pagbabago
para sa bansang Pilipinas.

(Next Slide)

Umusbong din sa panahon ito ang paniniwalang sa pamamagitan ng pagkakaroon ng wikang Pambansa
na makakamit ang kalayaan ng mga Pilipino.

(Next Slide)
1897 Saligang Batas ng Biak-na-Bato – nasasaad sa probisyon na: “Ang wikang Tagalog ang siyang
magiging opisyal na wika ng mga Pilipino.”

(Next Slide)

Isinasaad sa saligang batas na biak na bato ang paghihiwalay ng Pilipinas sa Espanya at ang pagtatayo ng


Republikang Pilipino. Ngunit ito ay hindi nasunod. Nagpatuloy ang pakikipaglaban at tumangging isuko
ng mga rebolusyonaryo ang kanilang mga armas.

(Next Slide)

Iba pang kaalaman

Nang sakupin ng espanyol ang katutubo may sarili na itong wika na ginagamit upang makipagusap at
makipagkalakalan ngunit pinigil nila. Sinikil ng mga espanyol ang kalayaan ng mga katutubo na
makipagkalakalan sa ibang lugar upang hindi na rin nito magamit ang wikang katutubo.

(Next Slide)

Mas madaling matutuhan ang wika ng isang rehiyon kaysa ituro sa lahat ang wikang espanyol. Mas
magiging kapani-paniwala ang pagpapalaganap kung ang mismong banyaga ang magsasalita ng wikang
katutubo.

(Next Slide)

Nasa kamay ng misyonerong nasa pamamahala ng simbahan ang edukasyon ng mamamayan noong
panahon ng espanyol. Nagkaroon ng usapin ukol sa wikang gagamitin sa pagtuturo sa mga Pilipino.

(Next Slide)
Gobernador Tello- Nagmungkahi na turuan ang mga indio ng wikang espanyol. Carlos I at Felipe II –
naniwala na dapat maging bilingguwal ang mga Pilipino. Iminungkahi ni Carlos I na ituro ang Doctrina
Christiana gamit ang wikang Espanyol. Napalapit ang katutubo sa mga prayle dahil katutubong wika ang
gamit nito.

(Next Slide)

At nagtakda din sya ng parusa sa mga hindi susunod dito. Noong Disyembre 29 1972 lumagda pa si
Carlos IV ng isang dekrito na nag-uutos na gumamit ng wikang espanyol sa lahat ng paaralang itatatag sa
pamayanan ng indio.

(Next Slide)

Ang dating baybayin ay napalitan ng Alpabetong Romano na binubuo naman ng 20 titik, limang (5)
patinig at labinlimang (15) katinig: a, e, i, o, u qb, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y.

(Quiz/Pagtatapos)

You might also like