Pamagat ng Gawain : Mga Konteporaryong Isyu ng Lipunan tungo sa Pagtugon sa mga Hamon ng Malaya at Maunlad na Bansa Tudlaan ng Pagkatuto : Nasusuri ang mga kontemporaryong isyu ng lipunan tungo sa pagtugon sa mga hamon ng malaya at maunlad na bansa. Sangunian : Tuklas Lahi 6, MELCS AP6TDK-IVe-f-6 Manunulat ng LAS : Francis Jude M. Cezar
Pagkalulong ng Kabataan sa Bisyo
Ang bisyo ay ang masamang kaugalian na kadalasan ay hindi na kayang itigil ng isang tao. Halimbawa ay ang paninigarilyo, pag-inom ng alak, at paggamit ng ilegal na droga. Napakasakit isipin dahil napakaraming kabataan sa kasalukuyan ang mayroong mga nabanggit na bisyo. Kapag labis ang bisyo, madalas ay ang mismong kabataang ito ay nasasangkot sa krimen. Sa ibang pagkakataon, nagaganap ang maagang pagbubuntis o maagang pagiging ama.
Isa sa pinakamabibigat na suliranin ng bansa ang isyung ito sapagkat ang
kabataan ang mamamalakad ng Pilipinas sa susunod na henerasyon. Ano na lamang ang mangyayari sa bansang ang mga mamamayan ay lulong sa kani-kaniyang bisyo?
GAWAIN: Magbigay ng isang masamang epekto na dulot ng mga sumusunod na