You are on page 1of 3

Lumawak na Pananaw ng Pagkamamamayan

Patuloy ang paglawak ng konsepto ng pagkamamamayan sa kasalukuyan. Tinitingnan ngayon


ang pagkamamamayan hindi lamang bilang isang katayuan sa lipunan na isinasaad ng estado, bagkus,
maituturing ito bilang pagbubuklod sa mga tao para sa ikabubuti ng kanilang lipunan. Ang
pagkamamamayan ng isang indibiduwal ay nakabatay sa pagtugon niya sa kaniyang mga tungkulin sa
lipunan at sa paggamit ng kaniyang mga karapatan para sa kabutihang panlahat. Mangyari pa, tinitingnan
ng indibiduwal na siya ay bahagi ng isang lipunan kasama ang ibang tao.
Hindi lamang magiging tagamasid sa mga pagbabagong nagaganap sa lipunan ang isang
mamamayan. Bilang bahagi ng isang lipunan na may mga karapatan at tungkuling dapat gampanan,
inaasahan na siya ay magiging aktibong kalahok sa pagtugon sa mga isyung kinahaharap ng lipunan at sa
mas malawak na layunin ng pagpapabuti sa kalagayan nito.
Ayon sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, igigiit ng isang mamamayan ang kaniyang mga
karapatan para sa ikabubuti ng bayan. Kaniyang gagamitin ang pamamaraang ipinahihintulot ng batas
upang iparating sa mga kinauukulan ang kaniyang mga hinaing at saloobin. Ang mamamayan ngayon ay
hindi tagasunod lamang sa mga ipinag-uutos ng pamahalaan sapagkatwala namang monopolyo ang
pamahalaan sa mga patakarang ipatutupad sa isang estado. Kung gayon, hindi niya inaasa sa pamahalaan
ang kapakanan ng lipunan sa halip, siya ay nakikipagdiyalogo rito upang bumuo ng isang kolektibong
pananaw at tugon sa mga hamong kinakaharap ng lipunan.
Batay sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, maaari nating matukoy ang mga katangian
ng isang mabuting mamamayan. Ayon kay Yeban (2004), ang isang responsableng mamamayan ay
inaasahang makabayan, may pagmamahal sa kapuwa, may respeto sa karapatang pantao, may
pagpupunyagi sa mga bayani, gagap ang mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan, may disiplina sa
sarili, at may kritikal at malikhaing pag-iisip.
Naglahad ang abogadong si Alex Lacson ng labindalawang gawaing maaaring makatulong sa
ating bansa. Ang mga gawaing ito ay maituturing na mga simpleng hakbangin na maaaring gawin ng
bawat isa sa atin. Ngunit sa kabila ng pagiging simple ng mga ito ay maaaring magbunga ang mga ito ng
malawakang pagbabago sa ating lipunan.

1. Sumunod sa batas-trapiko. Sumunod sa batas.


2. Laging humingi ng opisyal na resibo sa anumang binibili.
3. Huwag bumili ng mga bagay nasmuggle. Bilhin ang mga lokal na produkto. Bilhin ang gawang-
Pilipino.
4. Positibong magpahayag ng tungkol sa atin gayundin sa sariling bansa.
5. Igalang ang nagpapatupad ng batas-trapiko, pulis at iba pang lingkod-bayan.
6. Itapon nang wasto ang basura. Ihiwalay. Iresiklo. Pangalagaan.
7. Suportahan ang inyong simbahan.
8. Tapusin nang may katapatan ang tungkulin sa panahon ng eleksiyon.
9. Maglingkod nang maayos sa pinapasukan.
10. Magbayad ng buwis.
11. Tulungan ang isang iskolar o isang batang mahirap.
12. Maging mabuting magulang. Turuan ng pagmamahal sa bayan ang mga anak.
Sanggunian: Lacson, Alexander L. (2005). 12 Little Things Every Filipino Can Do to Help Our Country.
Alay Pinoy Publishing House

PAGNILAYAN at UNAWAIN
Gawain 7.Suri-Basa
Basahin ang artikulong Filipino Ideals of Good Citizenship ni Mahar Mangahas. Pagkatapos ay sagutin
ang kasunod na mga tanong.
Ang pananaw ng mga Pilipino sa pagiging mabuting mamamayan
ni Mahar Mangahas Philippine Daily Inquirer 01:33:00 04/19/2008

Noong nakaraang lingo ay aking iniulat na tayong mga Pilipino, kung ihahambing sa ibang
nasyonalidad, ay napakahusay sa pangangalaga ng ating karapatan sa pagsasagawa ng civil
disobedience. Ngunit, tayo ay below average pagdating sa pangangalaga ng ating karapatan sa minimum
living standard, karapatan ng mga minorities, karapatan para sa pantay na pagtrato,
karapaan para marinig, at ang karapatang makilahok sa demokratikong proseso.
Hindi lamang ang paggiit ng mga karapatan ang kalakip ng pagiging mabuting mamamayan kundi
maging ang pagtupad sa mga tungkulin.
Sa lingong ito, aking iuulat, batay pa rin sa 2004 Survey on Citizenship of the International Social
Survey Program (www.issp.org), na ang mga Pilipino, kung ihahambing sa iba, ay may mataas na
pananaw sa kung ano ang mga dapat gawin ng isang mabuting mamamayan.
Gumawa ang 2004 ISSP Citizenship Survey ng isang listahan ng 10 tungkulin ng mga mamamayan at
tinanong ang mga respondent na markahan ang bawat isa gamit scale na mula sa 1 hanggang 7, kung
saan ang 1 ay hindi mahalaga at ang 7 ay napakahalaga. Narito ang bahagdan ng mga sumagot ng 6 o 7
na mga Filipinos, ang ibang nasyonalidad, at ang global average, ayon sa pagkakasunod ng mga
tungkulin ng mamamayan na minarkahan:

1. Laging boboto sa halalan: Filipinos 88, Americans 78, Mexicans 75, Koreans 71, global 68,
Taiwanese and Spaniards 68, Japanese 67. Sa pagbibigay ng kahalagahan sa pagboboto, nanguna ang
Pilipinas, sinundan ng Denmark (87) at Canada (84). Ang pinakamababa ay ang Czech Republic (37).
2. Hindi iiwas sa pagbabayad ng buwis: Japanese 85, Americans 84, Taiwanese 80, Filipinos 79,
Koreans 78, Mexicans at Spaniards 75, global 73. Ang tungkulin sa pagbabayad ng buwis ay ang
tanging isyu kung saan naungusan ang mga Pilipino ng ibang bansa. Ang Japan ay No. 1, at ang United
States at United Kingdom ay ang pangalawa. Ang Pilipinas, ay pang-siyam kasama ang Chile at
Slovakia. Ang Flanders ay ang panghuli (52).
3. Laging sundin ang mga batas at regulasyon. : Filipinos 86, Americans 85, Mexicans 84, Taiwanese
83, Japanese 81, global 78, Koreans 77, Spaniards 76. Ang pinakamatataas, lahat ay 88, ang Venezuela,
Bulgaria, Canada at Poland. Ang Pilipinas, ay pang-walo kasama ang Chile at Ireland. Ang huli ay ang
Switzerland (51).

4. Laging pagbabantay sa mga gawain ng pamahalaan: Filipinos 79, Americans 75, Mexicans 69,
Japanese 59, Taiwanese 59, global 55, Koreans 53, Spaniards 50. Ang Canada (81) ay ang nanguna, na
sinundan ng Pilipinas at United States. Ang panghuli ay ang Czech Republic (23).

5. Ang maging epektibo sa panlipunan at politikal na mga samahan: Filipinos 59, Mexicans 49,
Spaniards and Americans 30, Koreans 27, global 26, Taiwanese 22, Japanese 15. Ang Pilipinas ang
nanguna rito; ito lamang ang bansa kung saan ang mayorya ng mga respondent ay nagsabi na ito ay
mahalaga. Ang Mexico at South Africa ay parehong nasa ikalawang puwesto. Finland ang pinakahuli
(6).
6. Subuking unawain ang katuwiran ng mga taong may ibang opinyon: Mexicans 76, Filipinos 68,
Americans 67, Spaniards 65, global 61, Koreans 59, Japanese 49, Taiwanese 47. Ang Uruguay (85) ang
nanguna, sinundan ng Mexico. Ang Pilipinas ay pang-siyam. Ang pinakahuli ay ang Czech Republic
(35).
7. Pumili ng produkto para sa politikal, etikal o pangkalikasang kadahilanan, kahit na ito ay mayroong
dagdag na gastos: Spaniards 53, Filipinos 47, Koreans 44, Taiwanese 39, Americans 37, Mexicans 35,
global 34, Japanese 25. Ang Portugal (56) ang nanguna, sinundan ng Spain, at Australia (49). Dalawang
bansa lamang ang mayroong mayorya ng mga taong nagsabing ang isang mabuting mamamayan. Ang
Pilipinas ay pang-apat kasama ang Austria. Ang pinakahuli ay ang Bulgaria (8).
8. Tulungan ang mamamayan ng bansang [pangalan ng bansang] may hindi magandang kalagayan:
Mexicans 85, Filipinos 79, Spaniards 74, Americans 70, global 62, Taiwanese 60, Koreans 50, Japanese
41. Ang mga bansang nanguna ay ang Venezuela (90), Chile (88), Uruguay (86), at ang Mexico. Ang
Pilipinas ay pang-anim, kasunod ng Israel (80). Ang mga nasa huli ay Czech Republic (31) at ang
Hungary (38), pagkatapos ng Japan.

9. Tulungan ang mamamayan ng mga bansa sa mundo na may hindi magandang kalagayan: Mexicans
80, Spaniards 67, Filipinos 55, global 44, Americans 37, Taiwanese 36, Japanese 28, Koreans 20 (ang
pinakahui). Pang-una ang Venezuela (85), na sinundan ng Mexico. Ang Spain ay pang-4. Ang Pilipinas,
na mas mababa ng 30 puntos sa bansang nanguna, ay ang pang-siyam dahil sa sampung bansa lamang
ang mayorya ng mga respondent ang nagsasabing ang pagtulong sa iba ay bahagi ng pagiging mabuting
mamamayan. Ito ay isa sa mga isyu kung saan ang United States ay below average.

10. Handang maglingkod sa militar sa oras ng pangangailangan; : Filipinos 62, Americans 60,
Taiwanese 57, Mexicans 56, Koreans 54, global 43, Spaniards 25, Japanese 13. Ang Israel (79) ang
nanguna, kung saan ang panlahatang serbisyo militar ay bahagi ng kanilang seguridad. Malayo ang
puntos ng Russia (65) sa Israel, Poland (63), at ang Pilipinas, na kasama ang Venezuela sa pang-apat na
puwesto. Ang mga bansang nasa huli ay ang Flanders (12) at Japan.

Bukod sa mga Pilipino, ang mga Mexicans lamang ang laging mas mataas sa global average. Dahil
sa pagiging No. 1 ng dalawang beses, No. 2 ng isang beses, at hindi lumalagpas ng No. 9, tayong mga
Pilipino ay may average rank na 5.3 sa pagbibigay halaga sa tungkulin ng pagkamamamayan. Ang mga
Venezuelan ay may tatlong No. 1, ngunit may mababang average na 8.3 dahil sa tatlong ranking na No.
14 o mas mababa. Ang mga Mexicans na naungusan ang mga Pilipino sa tatlo mula sa sampung
tungkulin ng mga mamamayan, ay mayroong average rank na 8.6.
Marami tayong matutuhan sa ating sarili sa pamamagitan ng pag-aaral sa ibang tao. Ipinapakita ng mga
survey, na hindi sa unang pagkakataon, na ang tingnan ang mga Pilipino na mayroong sirang kultura ay
pagbatay sa ‘parachute journalism’ sa halip sa agham panlipunan.

Sanggunian:
Mangahas, M. (2008, April 19). Filipino Ideals of Good Citizenship. Retrieved March 19, 2014, from
Inquirer: http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20080419-131332/Filipino-ideals-
of-good-citizenship
Salin sa Filipino ni Mark Alvin M. Cruz

Mga Gabay na Tanong


1. Ano ang kahulugan ng isang mabuting mamamayan ayon sa binasang artikulo?

2. Ano ang ranggo ng Pilipinas sa iba’t ibang tungkulin ng isang mamamayan?

3. Alinsa mga binanggit na tungkulin ng mamamayan ang iyong ginagawa? Bakit ito mahalagang gawin?

4. Anong konklusyon ang iyong maaaring mabuo tungkolsa pagiging mabuting mamamayan ng mga
Pilipino batay sa survey?

You might also like