You are on page 1of 3

Neil Bryan DC. Ramos Prof.

Chen
4APL RIZAL

I. REFLECTION/ ARGUMENTATIVE ESSAY

Bilang isang mamayang Pilipino na kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo, dapat naten


masising tignan ang karangalan ng ating mga bayani, sapagka’t sila’y nagligtas sa ating bayan
upang labanan ang pang-aapi ng mga magkapangyarihang kolonyal na bansa. Si Jose Rizal ay isa
sa ating mga bayani na lumaban sa mga mapang-abusong mga Espanyol at dahil sa mga nobelang
naisulat niya na Noli Me Tangere and El Filibusterismo nakaroon ng pag-igting ang Espanya kay
Jose Rizal, at tuluyang itong hinatulan ng kamatayan.

Ang ginawa ni Rizal ay isang marangal na aksyon na nagpapakita nang mahal sa inang
bayan. Ganunpaman, dapat nating suriin kung ang pag-aaral pa ng buhay, gawa, at mga akda ni
Rizal ay nagbibigay ba ng pakiramdam ng nasyonalismo sa kasalukayang panahon. Ayon kay
Chua (2017) ang problema sa pag-aaral ng Rizal course ay nakatali ang ibang unibersidad sa mga
trivia at facts tungkol sa buhay niya, at dahil dito hindi nabibigyan ng pansin ang mga bagay kung
ano ang mga katunayan sa buhay ni Rizal kung paano magmahal sa inang bayan. Tila maraming
unibersidad sa Pilipinas ay maayos na nagpapatupad ng Batas Rizal. Subalit, dapat nating suriin
kung ang mga unibersidad ba nito ay binibigyan ng hustisya ang pagpapaturo ng Rizal course.
Ayon sa aking pananaw, ang pagpapaturo ng Rizal course ay hindi dapat nakasaad sa talambuhay
ni Rizal dahil madali lang itong alamim sa pamamagitan ng elektronikong pamamaraan, kailangan
naten matutunan si Rizal ayon sa kanyan pilosopiya, paniniwala, at pagmamahal sa kanyang inang
bayan. At bilang estudyante, dapat tayo’y maging kritikal sa pagtatalakay at pagbabasa tungkol
kay Jose Rizal upang maunawaan at maintindihan naten ang kanyang konsepto ng nasyonalismo
at ma-iapply sa ating kasalukayang panahon lalo na sa ating mga kabatahan. Bilang kasagutan sa
tanong na inilahad kanina ng sanaysay na ito, nararapat talagang pag-aralan si Jose Rizal sa mga
paaralan ,subalit hindi dapat pag-aralan lamang tungkol sa buhay niya dapat ituro ang paksang ito
sa paraan na makikita naten ang kanyang pilosopiya at nasyonalismo.
Pagbalangkas ng panukalang batas bilang pagsusog sa RA 1425 at pagbabago
sa Implementing Rules and Regulations (IRR)

I. Pamagat: Republic Act No. 1425 or Batas Rizal


II. Layunin ng Batas
A. Magbigay ng sapat ng kaalaman sa mga estudyante tungkol sa paniniwala ni
Jose Rizal at ang konsepto niyang nasyonalismo
B. Tiyakin ang mga katotoohanang nangyare kay Jose Rizal batay sa mga
beripikadong sanggunian na naglalaman ng kasaysayan ng Pilipinas upang
maiwasan ang pekeng balita o fake news
C. Maging Kritikal ang mga mag-aaral sa pagbabasa sa mga pilosopiya ni Rizal
na inilalahad ang kanyang tungkulin bilang isang bayani.
III. Patakaran ng Batas
A. Kinakailangan ayusin ang syllabi ng kursong Rizal upang makaroon ang lahat
ng uniberisad ng iisang syllabi lamang sa pagtuturo ng Rizal. Ito’y para
maiiwasan ng ibat-ibang kaalaman sa pagturo ng Rizal at hindi pagkaiba-iba ng
syllabi sa bawat unibersidad
B. Dapat ang mga propesor o guro na magtuturo ng Rizal ay nakapagtapos sa isang
kurso na may kinalaman sa kasaysayan, aghamlipunan, at Pilosopiya.
C. Upang maiwasan ang pekeng balita o fake news ang mga sanggunian ng
pagkatuto sa kursong Rizal ay dapat galing sa mga eksperto at beripikado ng
Commission on Higher Education o CHED.
IV. Pamamaraan ng pagpapatupad ng Batas Rizal
A. Sisiguradihin ng CHED ang lahat ng unibersidad sa Pilipinas mapa publiko o
pribadong paaralan ay sumusunod sa nasabing batas.
B. Ang mga paaralan ng hindi sundin ang batas Rizal maari maparusahan sa
pamamagitan ng pagbawas ng antas ng akreditasyon ng unibersidad.
SANGUNIAN

ABS-CBN News. (2017, December 30). Pag-aaral ng buhay ni Rizal, dapat pang palalimin:
mga eksperto. ABS-CB News. Retrieved from https://news.abs-
cbn.com/focus/12/30/17/pag-aaral-ng-buhay-ni-rizal-dapat-pang-palalimin-mga-eksperto.

Chua, X. (2016, June 14). Rizal law @60: Anyare?! GMA News Online. Retrieved September
14, 2021, from https://www.gmanetwork.com/news/opinion/content/569896/rizal-law-60-
anyare/story/.

You might also like