Mayroong isang matanda na may dalawang anak, may kaya sa buhay
ang matanda kaya naman nailagay din nito ang magandang buhay para sa dalawang anak.
Gayunman, isang araw ay napagpasiyahan ng bunsong anak na
kinun na ang kaniyang mamanahin sa ama. Ipinagkaloob naman ito ng ama sa kaniyang bunso, matapos na matanggap ang pera at ari-arian ay umalis ito sa puder ng ama. Walang ginawa ang bunsong anak kung hindi ang magpasarap sa buhay. Ginastos nito ang perang panimana sa paraang nais niya. Madalas siyang pumunta sa mga kasiyahan. Sinubukan din nitong magsugal. Dahil sa kapabayaan, naubos agad ng bunso ang kaniyang mana. Nabaon ito sa utang at hindi na nakabangon pa.
Nagdesisyon ito na bumalik sa kaniyang ama. Nag-aalinlangan man
ay wala na siyang ibang matatakbuhan. Mabuti ang puso ng kanilang ama kaya naman tinanggap niya ang buong puso ang bunso. Pinakain at binihisang muli. Nagtataka naman ang panganay dahil matapos umalis ng bunsong kapatid at wala ding pera ay nagawa pa rin itong tanggapin ng ama. Kinausap niya ang ama dahil dito sinabi naman ng ama pa ang kaniyang pagtanggap sa anak ay ang tunay na diwa ng pamilya. Lahat naman daw tayo ay nagkakamali at nangangailangan ng pagpapatawad ang mahala raw ay natutuhan natin an gating leskyun.